Chereads / My Four-Feeted Lover / Chapter 3 - Chapter 2: Responsibilities

Chapter 3 - Chapter 2: Responsibilities

"Baket naman sinabay sabay lahat ng assignment natin ngayon? Ang saket sa ulo!" Inis na turan ni Terrence habang papunta kami sa parking lot. Kakatapos lang ng klase namin at talaga namang sobrang dame ng assignment. Hindi ko nga alam kung anu ang uunahin ko. Amp! siguro yung math na lang muna.

"Kain muna tayo sa may Karissa. Nakakagutom ea." Pagaaya ni Daniel habang nakahawak sa t'yan n'ya.

"Oo nga! tara Hindi tayo nakapunta sa Cafeteria kanina ng dahil dun sa dalawang---- shit! nangingilabot ako kapag tinuloy kong sabihin! Grr!" Halos manginig pa ang katawan ni Grinson sa pagkadiri dun sa dalawa kanina.

"Tara na nga! Wag n'yo ng ungkatin yung kanina! Gutom na ako!" Reklamo ko sa kanila ng maisip ko muli yung scene kanina. Pero hindi ko pinahalatang diring diri ako kanina. Syempre ayoko maging tanga!

Agad kaming sumakay sa kan'ya kan'ya naming sasakyan at napagkasunduang doon na lang sa may Karrisa magkita-kita. Sumakay ako sa sasakyan ko at hindi muna pinaandar 'yun. Tinanggal ko muna ang uniform ko saka iniwan ang panloob. Kinuha ko ang bag ko sa backseat at inilabas ang bagong damit. Agad ko iyong sinuot at saka isiniksik ang uniform ko sa bag. Inayos ko naman ang buhok ko habang nangangalkal ng pabango sa bulsa ng bag ko.

Hindi pwedeng mabaho ako. Mahirap na! baka nandun yung mapapangasawa ko in the future!

Akmang bubuhayin ko ang sasakyan ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad nangunot ang noo ko habang dinudukot ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko.

"Mom!" Sagot ko sa tawag n'ya.

"Hey baby! pauwi kana ba?" Malambing ang boses na pagkakatanong ni Mommy.

"Hindi pa Mom. Pupunta pa muna kami sa Karrisa, kakain lang kami dun sabay uwi." Pagpapaalam ko sa kanya.

"Ok take care kayo ah? s'ya nga pala bilhan mo nga ng Ice cream tong kapatid mo bago ka umuwi ha?" Pakiusap ni Mommy sakin.

"Naglalambing nanaman ba 'yang si Leiyan ma?" Kunot noong tanong ko sa kan'ya.

"Anu pa nga ba. O s'ya cge na. bye na baby. Ingat ka ah? pakikumusta ako kila Daniel, Terrence at Grinson ok?"

"Cge Mom. Take care din love you!" Paalam ko. Agad kong binuhay ang  makina ng sasakyan ko ng maibaba ko ang cellphone ko. Ilang minuto lamang ay nasa daan nako papunta sa karissa. Mabuti na lamang at hindi medyong traffic ngayon. Baka pagkarating ko palang sa karrisa ay suntok agad ang aabutin ng gwapo kong mukha. Tsk! Mahirap na't mga loko-loko din ang tatlong 'yon at baka mapano pako, ako na nga lang ang nag-iisang matino sa amin at wala akong balak na sundan ang mga kabaliwan ng tatlong iyon.

Papaliko nako ng biglang may tumatakbong aso ang bigla na lamang pumunta sa daan. Nanlaki ang mga mata ko at halos nakalimutan ko sandali ang gagawin ko ngunit ang paa ko ay kusang umapak sa break ng sasakyan. Napapikit na lamang ako sa nangyari at nakarinig ng isang malakas na kalabog sa harap ng sasakyan ko.

Shit!

Malakas ang tibok ng puso ko at hindi ko alam ang gagawin ko ng huminto ang kotse ko. Nakatulala ako ng ilang minuto ngunit agad akong lumabas ng sasakyan ko at napatingin sa harap. Halos manlamig ang katawan ko ng makita ko ang aso na nakahiga sa sahig at may dugo sa paanan n'ya. Hindi na nagdalawang isip at agad na binuhat ang kawawang aso.

"Shit bakit naman ngayon pa nangyare to?" Kabadong utas ko habang pinapasok ang aso sa likod ng sasakyan ko. Agad akong nagpalinga linga. Mahirap na baka may makakita. Nakahinga ako ng maluwag ng wala naman akong nakitang tao. Asan ba ang may-ari ng asong 'to? bakit hinahayaang gumagala ang asong 'to? Hindi ba n'ya alam mag-alaga ng aso? badtrip!

"Fuck! bakit naman kasi sumulpot pa tong asong 'to!" Naiinis na utas ko sabay pasok sa sasakyan ko. Agad akong napatingin sa aso. nakamot ko na lamang ang sintido ko at mariing napapikit. Badtrip!

"Pst! Oy?! gising. Gumising ka aso! Oy!" Sabi ko sabay sundot sa paa nung aso.

"Gumising ka kundi kakatayin kita!" Pananakot ko pa pero wala pa rin. Niyugyog ko na't lahat wala pa rin, hindi pa rin nagigising.

"Ea kung I mouth to mouth ko kaya to?" Tanong ko sa sarili ko ngunit agad ko ding ipinilig ang ulo ko sa naisip.

"Shit! baka mahawa naman ako ng rabis dito!" Pagkakausap ko sa sarili ko. Nagmumukha kong baliw dito dahil wala naman akong kausap pero kung makapagsalita ako ay meron. Shit lang, hindi ko sinasadyang makabangga ng aso!

*Kringgggggg* *Kringgggggg*

Agad kong hinagilap ang cellphone ko na nasa dashboard. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Terrence ang tumatawag. Nahulog ko pa ang cellphone ko bago ko nasagot ang tawag.

"Hello?" Sagot ko sa tawag ni Terrence.

"Oy! Nasan kana? Nandito na kami." Inis na sabi n'ya.

"T-teka lang. M-mauna na kayo. May ano...." Shit! sasabihin ko bang nakabundol ako ng aso?

"May ano? pumunta ka na nga dito. wag mo kaming paghintayin!"

"T-teka naman! M-may ano... May ano k-kasi--"

"Anu ba yan? Anung ano? puro ka ano, anuhin kita jan ea!" Napahilamos ko ang palad ko sa mukha ko. Namumuo ang pawis sa nuo at ilong ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

"A-anu kase pare. Si ano... Si M-mommy kase. M-may pinapautos s-saken. Tama! M-may pinapautos n-nga si M-mommy!" Kabadong sagot ko sa kan'ya.

"Si tita Jesline? bakit hindi mo agad sinabi?"

"P-paanu ko naman sasabihin kung puro ka dada jan!?" Sigaw ko. Narinig ko naman ang pag 'aray' n'ya sa kabilang linya.

"Bat ka ba naninigaw? For your Information! Hindi ka sexy voice!" Sigaw n'ya rin sakin. Agad akong napapikit ng sigawan n'ya din ako. Ang sakit sa tenga!

Shit! Sisirain ata eardrums ko.

"Hindi ka rin sexy voice kaya wag mo rin akong sigawan! Pahalik kita sa asong nabundol ko ea!" Inis na sigaw ko at parang wala sa sarili na nasabi kong nakabundol ako ng aso.

"Nakabundol ka ng Aso?!" Gulat na sabi n'ya. Nanlaki naman ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko.

'Abnormal! Bakit nasabi ko?'

"H-hindi ah! A-ang sabi ko yung a-anu. Yung K-katabi kong sasakyan. N-nakabundol ng aso!" Palusot ko. Sana maniwala 'yun. Psh! Pagtatawanan ako pag nalaman nilang nakabundol nga ako. Iba pa naman ang lakas ng tatlong yun pagdating sa kalokohan.

"Ha? Akala ko ikaw nakabundol!"

"Maglinis ka kase ng T-tenga! sa sobrang dami ng Tulok na nakabaon jan, naaapektuhan na pati pandinig mo!" Sabi ko sa kan'ya. Winawala ang usapan patungkol sa asong nabundol ko. Mahirap na kapag nadulas ako.

(Translation: Tulok - Dumi sa tenga.)

"Wala akong tulok! kung meron man, Tatanggalin ko sa pagkakabaon! O s'ya. Pagkatapos mong gawin 'yan punta kana dito." Sabi n'ya. Akmang magsasalita ako ng bigla n'yang pinatay ang tawag.

'Abah! Ang bastos!'

Wala sa sariling napatingin ako sa aso na nasa likod. Shit! Dapat makahanap na ako ng Clinic dito para sa mga aso. Saan ba makakakita dito? Agad kong pinaandar ang sasakyan at wala sa sariling nagdrive kahit saan. Kailangan kong makahanap agad at maipagamot ang asong 'to.

Mahigit kumulang kinse minutos ang nagdaan bago ako nakahanap ng clinic para sa mga aso. Minadali ko ang kilos ko. Agad kong binuhat ang aso at pumasok sa clinic. Mabuti at agad naman akong napansin ng ilang tao doon at inasikaso ang dala kong aso.

"Magandang hapon Sir. Anu hong maitutulong ko?!" Agad na tanong sa akin nung Dra. para sa mga aso.

"Miss ipapagamot ko ho itong aso!" Agaran kong sabi. Agad ko naman itong hiniga sa counter at hinayaan ang Dra. na gawin ang dapat n'yang gawin. Chineck n'ya ang aso habang nagtatanong sa akin.

"Sir! Anu ho bang nangyare sa aso n'yo?" Napaigtad ako bigla sa pagtatanong nitong si Dra.---Anu nga bang pangalan nito?

Shit!

A-anu bang dapat kong sabihin? Aamin bako sa nagawa ko? Baka makulong ako ng dahil sa asong yan! Sabi na nga ba dapat kinatay ko na to kanina. Dapat tinotoo ko na lang yung banta ko. Pahamak naman oh! Pero teka! Bakit naman ako makukulong? kasalanan ng asong 'yan. Nakikita na n'yang paparating ang sasakyan ko ea humarang harang pa s'ya sa daraanan.

"Sir? Sir? ayos lang ho ba kayo?" Napaigtad ako ng kalabitin ako ng isa sa mga kasamahan nung Doktora kanina. Putek! hindi ko man lang namalayan na wala na yung doktora sa harap ko.

"A-ayos lang ako miss. Salamat na lang sa concern mo pero hindi pa rin ako maiinlove sayo. Pasensya na!" Paghingi ko ng tawad sa babaeng halos malukot ang mukha.

"Sir pasensya na ho kayo. Hindi ho ako concern sa inyo. Tinawag ko lang ho yung pansin n'yo dahil kanina pa ho kayo nasa harap ng counter. Nakakahiya naman ho kasi sa iba na kanina pa naghihintay sa likod n'yo!" Bored na utas ng babaeng to. Nanlaki ang mga mata ko. Agad akong napatingin sa likod ko at napangiwi ako ng halos anim na ang nakapila sa likod ko.

Ganun na ba ako katagal nakatanga sa counter?

Agad naman akong naglakad paalis sa counter ng marinig ko ang bulong ng babae kaninang kumausap sa akin.

"Psh! Feeler. Porket gwapo inlab agad? diba pwedeng crush lang? hihihi!" Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at umupo nalang. Sana naman hindi magtagal to. sapak ang aabutin ko pag nagkataon. Napabuntong hininga na lang ako at naisandal ko ang likod ko sa upuan. Andaming nangyare ngayong araw! Nagugutom nako pero bakit ganto pa ang nangyare? Ang malas ko naman ngayon araw na 'to!

'At kapag nalaman ng tatlong 'yon ang nangyare, sigurado akong ako nanaman ang numiro unong topic nila!'

Hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa nila sa akin nung nabasted ako. Mga gago talaga. Pero ayos lang. Sila lang naman yung mga tinuring kong totoo, pero minsan hindi ko maintindihan kung bakit naging kaibigan ko ang mga 'yun. Mga abnormal sila. Ako lang ang Normal saming apat. At sana lang walang makakita sa akin dito at malamang nakabunggo ako ng aso. Dahil sigurado akong bubwesitin ako ng tatlong yun kapag nalaman nila, mga chismoso pa namang ang mga 'yon.

Makalipas ang isang oras ay nakita kong lumabas na ang doktor. Agad akong napatayo at sinalubong ko na agad ang doktora.

"Doc! k-kamusta ho y-yung aso?" Agaran kong tanong sa kan'ya. Napailing iling pa muna ito bago humarap sa akin at inayos ang robe na suot.

"Honestly Mr.---?!"

"Liam. Liam Jesreal Devoughn!" Pagpapakilala ko sa kanya. Tumikhim pa muna s'ya bago napatango.

"As I was saying Mr. Devoughn. We Assume na nabangga po ang aso n'yo at napunit ho ang balat ng aso n'yo sa paa kaya dinugo. Maliban ho doon ay may nakita ho kaming ilan pang mga sugat sa ilang parte ng katawan n'ya at sa tingin ko ho ay hindi 'yon dahil sa pagkakabangga. Marahil ay may sugat na ho ang aso n'yo bago n'yo nabangga." Sabi n'ya habang ginigiya ako papunta sa office n'ya. "Maupo ho kayo Mr. Devoughn" Agad naman akong nagpasalamat sa kanya at ipinagpatuloy uli ang usapan.

"Pero wag na ho kayong mag alala Mr.Devoughn. Nagamot ko na ho ang aso n'yo. All you need to do is Bantayan ang aso n'yo at alagaan. May irereseta rin ho akong gamot para makatulong sa paggaling ng aso n'yo kung sakalaing maubos na ho ang ibinigay ko. At h'wag n'yo hong hahayaang palakarin ang aso n'yo ng mag-isa. Hindi pa ho s'ya pwedeng maglakad at baka ho bumukas ang tahi sa paa n'ya." Mahabang paliwanag n'ya sa akin at binigay ang reseta na sinasabi n'ya.

"Bumalik na lang ho kayo pagkatapos ng Dalawang linggo para mamonitor po ang kalagayan ng aso n'yo." Sabi n'ya. Tumayo naman ako at nagpasalamat sa kanya bago nagpaalam. Nang maibigay sakin ang gamot ay lumabas ako ng opisina n'ya habang binabasa ang nireseta sa aking mga gamot at dere-deretsong lumabas ng clinic. Akmang bubuksan ko na ang sasakyan ko ng biglang.

"Sir! Teka lang yung aso n'yo nakalimutan n'yo!" Nagsalubong ang kilay ko ng may tumilamsik na laway sa mukha ko ng pagharap ko.

'F*ck! Mabaho bako para magpafree shower?!'

Inis kong tinignan ang babaeng nurse nato. Psh! Ayos na sana ea. Maganda naman s'ya, ang kaso lang parang pinapamukha n'ya sakin na parang mabaho ako at kung makasigaw pati laway talsik! tsk!

"E-eto na!" Nagmamartsa akong bumalik sa loob ng clinic at tinanung kung nasaan yung aso. Nagpatulong ako sa isa sa mga lalaking nurse para malagay ko ng maayos ang aso sa likod ng sasakyan. Nagpasalamat naman ako sa kan'ya at agad ng sumakay. Tinignan ko ang oras at halos mapamura nalang ako. Siguradong lagot ako sa mga loko lokong 'yon.

Mabilis ang naging kilos ko. Nagdahan dahan ako sa pagdadrive, mahirap na at baka mapano yung aso. Ilang minuto lang ng pagmamaneho ay nakarating na rin ako sa karissa. Pagpasok ko palang ay hinanap na agad ng mga mata ko sila Grinson at natagpuan ko naman sila sa may sulok. Nakaorder na sila at hula ko'y nag-uumpisa pa lamang sila sa pagkain.

"Oh! Dumating ka pa?" Inis na tanong ni Terrence sa akin.

"At hindi mo man lang sinabi sa amin kung bakit ka nahuli?!" Masama ang tingin na singhal sa akin ni Grinson. Nagsalubong ang kilay ko ng tignan ko si Terrence na abala sa pagkain ng Manok.

"Sinabi ko kay Terrence ang dahilan ah!" Sabi ko sabay turo kay Terrence.

"Ha? Bakit ako?!" Inosente n'ya pang turan.

"Painosente ka pang ugok ka! Tinawagan mo palang ako kanina tapos ngayon nagmamaang maangan ka jan? Batukan kita gusto mo?!" Kunot ang noong sabi ko sa kan'ya at ang loko! parang wala lang sa kan'ya na nagbanta ako at nagpatuloy sa pagpapak ng manok. Ilang saglit lang ay tumingin s'ya sa akin.

"Ahh! Oo nga pala. Nagpaalam nga s'ya sa akin kaya wag na kayong magalit jan! kumain na lang tayo!" Sabi n'ya bigla at balik nanaman sa pagkain. Napailing nalang ako. Agad akong umorder ng kakainin. kanina pa ako gutom. Kung hindi lang ako nakasagasa ng aso kanina pako busog. Ilang minuto lang akong naghintay at dumating agad ang order ko. Sa sobrang gutom ko ay agad kong naubos ang order ko.

"Teka anung oras na ba?" Takang tanong ni Daniel.

"6:14 na bakit?!" Agad na sabi ni Terrence. Agad namang nanlaki ang mga mata ko ng maalala yung ice cream na pinapabili ni mama. Shit!

"Alis nako! Nagpapabili pala sakin ng Ice cream kapatid ko!" Agad kong inilabas ang wallet ko at ibinigay ang bayad ko sa kanila.

"Ako den! Kailangan ko pang Alagaan si Baby taria! Malalagot ako kila Mommy."  Agad agad na ring tumayo si Terrence at nagbigay ng bayad kina Daniel.

"Psh! Magsilayas na nga kayo! Kami na ang bahala dito. Saka pala pare eto bigay mo nga pala kay Taria 'to." Sabi ni Grinson at kinuha ang isang malaking box ng doll sa likod n'ya. "Wag mong kukunin yan ah! Pangbata yan hindi pang Adult!" Agad na sumama ang mukha ni Terrence sa sinabi ni Grinson.

"Gago! anu tingin mo sakin!? mahilig maglaro ng ganyan at pambabae pa?!" Inis na tanung n'ya kay Grinson.

"Oo!" Nakangising sabi ni Grinson.

"Eto ka oh!" Sabi n'ya at pakita ng gitnang daliri n'ya! Humalakhak namn ang Grinson na siyang siya sa kalokohang naisip. Psh! hindi na lang namin s'ya pinansin at nagpaalam na. Sumabay na ako kay Terrence sa paglabas.

"Bukas na lang uli tol!" Sabi n'ya sabay kaway. Tumango lang ako sabay pasok ng sasakyan ko. Agad akong napatingin sa backseat. Siguro kailangan ko munang iuwi tong aso. Saka ko na hahanapin ang nagmamay-ari kapag magaling na. Mahirap na at masabihan pa akong nangidnap ng aso.

Nagdrive ako papunta sa mall. Mabuti na lamang at malapit lang sa Karissa ang Sm kaya madali akong nakapagpark. Agad akong dumiretso sa Puregold. Kumuha ako ng push cart at agad kong pinuntahan ang mga ice cream. Dalawa na ang kinuha kong cookies and cream Ice cream para sa susunod hindi na bumili uli. Nang matapos ay sunod kong pinuntahan ang mga hilera ng Chitcherya. Kumuha ako ng tatlong malalaking Mang juan. dalawang malalaking Clover at apat na malalaking piattos. Sunod ay ang mga hilera ng inumin. Kumuha ako ng apat na Softdrinks. Kumuha rin ako ng mga kakailanganin ko sa Cr. Kumuha rin ako ng dalawang kilo ng Spaghetti. Papaluto ko to bukas kay manang. Bumili na rin ako ng mga kulang sa bahay.

Teka may kulang paba?!

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Baby nandyan ka pa ba sa Puregold?!" Tanong ni Mommy.

"Yes mom. Bakit?"

"Mabuti naman! Eto kasing kapatid mo ea dinatnan na. Nagkataon namang naubusan s'ya ng stocks ng napkin, pwede bang ikaw nalang bumili?!" Nalukot ang mukha ko ng marinig ang salitang 'Napkin'. Bwiset! Bakit ngayon pa? Nakakahiya kaya!

"Mom! Ipabili---"

"Great!" Sigaw ni Mommy at biglang binaba ang tawag. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa cellphone ko. Talagang binabaan ako ng tawag? At isa pa! Magdadahilan palang ako pero isang kahindik hindik na 'Great!' Ang natanggap ko!

GREAT!

Nagpupuyos ang damdamin kong nilandas ang daan papunta sa hilera ng mga pesteng 'Napkin!'.

Oh wow! another GREAT!

Alin naman kayang brand ng napkin ang kukunin ko dito? Sa sobrang dami hindi ko mapigilang magisip. Pare-parehas lang naman na napkin to bakit kailangang ang dami pang brand na pagpipilian? Inis akong nanguha ng tig dadalawang pares ng bawat napkin na nakita ko. Napatigil ako ng makitang may mas maliit pa palang napkin.

"Panty Liner" Basa ko.

'Anu nanaman kaya ito? At bakit meron nito?'

Inis kong inilagay sa push cart yung 'Panty Liner' ng akmang maglalakad nako papunta sa counter ay narinig ko ang bulungan ng tatlong babaeng namimili rin ng napkin.

"Yiee Meron pa palang lalaking hindi nahihiyang bumili ng napkin?!"

"Ang sweet naman ni kuya. Ang swerte naman ng binilhan n'ya."

"Naku! Sana may boyfriend din akong ganyan"

"Ang cute lang kase tignan n'yo oh! Kumuha ng tig dadalawang brand ng lahat ng napkin. Pati panty liner! Halatang hindi n'ya alam kung anung brand yung ginagamit nung Gf nya!"

Yung inis na nararamdaman ko kanina biglang nawala. Napangiti na lang ako. Abah! Cute at sweet pala sa mga girls ang ganito? tsk! mukhang may natutunan nanaman ako ah. Nang makadating ako sa counter ay agad kong inilagay ang mga pinamili ko.

"Sir! 1543.60 pesos po lahat" Ani ng babae. Agad ko namang inilabas ang wallet ko at nagbigay ng Dalawang libo. Agad ko ng kinuha ang sukli ko at Ng ayos na ang mga pinamili ko ay agad nakong umalis.

Nilagay ko sa back compartment ang mga pinamili ko. Ng makasakay ay agad akong umalis. Hindi pako uuwi. Bibili pa ako ng dog food para sa asong nasagasaan ko. Nang makakita ng Pet shop ay agad akong tumigil.

"Welcome Sir! anu hong kailangan nila?" Bati agad sakin ng isa sa mga staff dito.

"Magkano yung dog food n'yo?" Agaran kong tanong sa kanila. Agad naman s'yang nagpakita ng dog food sa akin. Pinili ko na iyong malaki at agad na binayaran. Nilagay ko rin yun sa back compartment at agad na sumakay.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko. Sa wakas ay makakauwi na rin ako. Napabuntong hininga na lamang ako at pagod na isinandal ang likod ko sa upuan ko habang nagmamaneho. Mabuti na lamang at ilang minuto lang ang itinagal ko sa pagmamaneho. Agad akong bumusina na kaagad din naman nilang binuksan. Hindi ko pa man naipaparada ang sasakyan ko ay nakita ko na agad ang kapatid kong nag aabang. Napailing nalang ako at ipinarada ang sasakyan ko.

"Kuya!" Agad na sigaw ni Leiyan ng makababa ako. Agad n'ya akong dinamba ng yakap sabay talon.

"Leiyan! Bumaba ka nga! ang bigat mo!" Sabi ko sabay tanggal ng mga binti n'ya sa bewang ko.

"Asan ice cream?!" Agad n'yang tanong. Sasagot palang ako ng bigla na lang s'yang naglakad at hinalungkat na ang back compartment ko.

Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga! Hindi man lang ako hinintay magsalita...

"Wahhhhhhhhhhh!!!!!!!"

Agad akong napalingon sa kan'ya ng sumigaw s'ya. Agad nanlaki ang mga mata ko.

"Shit!" Naibulalas ko nalang ng makitang pati yung pinto sa backseat ay bukas na rin. Lagot na!