Chereads / My Four-Feeted Lover / Chapter 4 - Chapter 3: Dog's Owner

Chapter 4 - Chapter 3: Dog's Owner

"Liam!" Agad akong napalingon kay Mommy ng marinig ko ang galit na boses n'ya. Bakit nanaman kaya? wala naman akong ginagawa ah! busy akong nagsasagot ng assignment ko at sa pagkakatanda ko ay wala na akong ginawa pagkatapos namin kumain.

"Mom? bakit?!" takang tanong ko sa kan'ya ng makitang may hawak s'yang collar. Para saan naman ba 'yan?

"Bakit hindi mo pa pinapakin yung aso mo? Anu ka ba naman Liam!" Napakamot na lang ako sa ulo ko ng maalala ko yung asong inuwi ko nung isang araw. Nakalimutan ko nga palang pakainin iyon.

Jahe! bakit naman kasi inuwi ko pa 'yong asong 'yon dito?!

"bumaba kana at pakainin mo yung aso mo." Napabuntong hininga na lang ako at itinuro ang mga notebook ko.

"Mom! nagsasagot pa ako, mamaya na lang." Pakiusap ko sa kan'ya at kinuha ang isang notebook ko. Takte naman kasi! bakit naman kase andami pang pinapa assignment? panira! balak ko pa naman sanang yayain yung mga ugok dito.

"Kapag hindi mo pa pinakain yung aso mo Liam!, kukunin ko credit card mo!" Agad akong napatayo sa inuupuan ko ng marinig ang sinabi ni Mommy.

Bwiset! dapat tinotoo ko na 'yong banta kong kakatayin yung aso. Argh! kung hindi ko lang alam na pwede akong makulong kapag kinatay ko 'yong asong 'yon ay ginawa ko na.

Pero syempre bukod sa ako na ang pinakagwapo sa amin ay ako pa ang matalino, kaya hindi ko 'yon gagawin. Mahirap na baka karmahin ako't hindi ko na makita future gf ko.

Magiging kawawa s'ya dahil hindi n'ya ako nakita. tsk! tsk!

"Eto na Mom! ang init naman ng ulo mo. Ahaha!" Pilit pa ang tawa ko. T*ngina! mukha tuloy akong tanga.

Nagmadali ako sa pagbaba. Halos mapamura pa ako ng ilang beses ng matapilok pako sa hagdan.

Takteng 'yan!

Iika-ika tuloy akong maglakad papunta sa kulungan ng aso sa labas ng Bahay. Siyang siya pa sina Mommy at si Leiyan ng makitang may inuwi akong aso. Napingot pa ako ng ikwento ko sa kanila kung bakit nagkaganon yung aso.

"Dapat sila na ang nagpakain. Tutal mas gusto naman nilang alagaan tong asong to ea!" Napapakamot na lang ako sa ulo ko habang mag-isa akong nagsasalita. Mabuti at wala dito ang magaling kong kapatid.

"Oy! gising kana?" naitanong ko na lang sa aso. Psh! tae para na akong baliw dito!

kausapin ko ba daw ang aso?!

Agad kong binuksan ang pintuan ng kulungan n'ya at kinuha ang pagkainan n'ya. Agad ko itong nilagyan ng pagkain at nilagyan ko na din ng inumin. Mahirap na baka mabulunan.

Aalis na siguro ako dito kapag nakakain na ang asong 'to. Ang kaso naalala ko nga palang hindi pa pwedeng maglakad ang asong 'to. Nasa dulo ko pa naman inilagay ang kainan n'ya. Napapailing na lang ako habang kinukuha ang aso palabas.

"Oh!" kinuha ko ang pagkainan n'ya at itinapat sa kan'ya. Agad naman s'yang kumain at halos magkanda hulog-hulog pa ang iba sa sobrang pagmamadali. Tuloy ay kalahati lang ng inilagay ko ang nakain n'ya. Pinainom ko agad ng tubig ang aso.

Akma ko na s'yang ilalagay uli sa kulungan n'ya ng masagi ko ang sugat n'ya. Agad akong kinabahan ng dumaing ang aso sa sakit.

"Shit! Pasensya na!" Tuloy ah hindi ko alam ang gagawin ko. Agad kong kinuha ang aso at hinaplos ang katawan nito, ngunit hindi pa rin s'ya tumigil na dumaing. Takte! anung gagawin ko? Wala akong alam sa paga-alaga ng aso!

"Hoy!" Napatungo na lang ako ng biglang may sumapok sa akin. Inis kong hinawakan ang ulo ko. Sino naman 'yon?!

Sinamaan ko ng tingin si Daniel na nasa likod ko.

"Anung problema mo!" inis na sigaw ko sa kan'ya. Nagulat pako ng ituro n'ya pa sa akin ang daliri n'ya na parang may ginagawa akong masama.

"Anung ginagawa mo sa aso?!" Sigaw n'ya pabalik. Agad nangunot ang noo ko sa sinigaw n'ya.

"Anung ibig mong sabihin? wala akong ginagawa sa aso!" Sigaw ko pabalik. Tsk! Bakit ba nandito tong ugok na 'to? Hindi ko pa naman sila tinatawagan ah!

"Anong wala?! Anung wala?! Kitang kita kita Liam! Dalawa mata ko!!" Halos mapapikit ako sa lakas ng sigaw n'ya. Gago! tinapat ba naman sa tenga ko!

"Bakit kaba sumisigaw jan?! Isa pa anu namang pake ko sa mata mo? sinabi ko bang isa lang?!" Nababaliw na ata itong Daniel na 'to. Kung anu-anung pinagsasasabi!

"Bakit mo nirarape ang aso?!" Napatanga ako sa isinigaw n'ya sa akin. Kasabay ng sigaw n'ya ay ang halinghing muli ng aso sa sakit. Kung hindi lang hinahampas ng aso yung buntot n'ya sa leeg ko ay hindi ko pa makikitang nakahawak na pala ako sa paa n'yang tinahi.

Shit! May dugo!

Agad akong nagpanik at humagilap ng pwedeng ipamunas sa binti ng aso. Kasalanan ni Daniel to! S'ya ang sisisihin ko kapag nalaman ni Mommy to. Taeng 'yan, hindi pwedeng ako nanaman ang mapingot dito. Si Daniel dapat 'yon.

Kung hindi n'ya siguro ako sinigaw-sigawan ay hindi ko mahahawakan ang paa ng asong 'to. Si Daniel ang may kasalanan nito!

"Kumuha ka ng pamunas dali!" Utos ko kay Daniel na nakatunganga lang sa aso. Mukha tuloy s'yang tanga habang nakanganga ng kaunti.

"Hoy! sabi ko kumuha ka ng pamunas! dalian mo!" Sinipa ko pa ang paa n'ya bago n'ya naisarado ang bibig n'ya. Muntikan pa akong matawa ng matalisod s'ya, Akala ko babagsak s'ya pero nabalance rin naman n'ya ang sarili n'ya. Narinig ko pa ang mahinang mura n'ya bago s'ya tumakbo papasok ng Bahay.

Kahit kailan talaga lampa ang isang 'yon.

At ang gago pinagkamalan pakong rapist! Rapist ng aso! tang*na! sa gwapo kong 'to? pinagkamalan akong rapist? at ng aso pa?!

"Oh heto!" Agad kong kinuha ang puting damit na dala dala n'ya. Pamilyar pa sa akin ang damit na inabot n'ya sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Agad kong pinunasan ang dugo sa binti ng aso. Shit! hindi ko alam pero naiinis ako sa dugong nakikita ko. Hindi ko pa naman alam kung anung gagawin ko! hindi naman kase ako mahilig mag-alaga ng aso.

"Daniel! tumawag ka ng doctor para sa mga aso. Dalian mo." Agad namang sinunod ni Daniel ang sinabi ko. Agad agad n'yang kinuha ang cellphone n'ya sa bulsa ng pantalon n'ya at may tinawagan.

"Oo!..... Laurea Breve Village..... Oo! Dalian mo.... Hoy! bakit ako?!..... hindi ah... Oo cge cge..... bahala ka na nga... bye na!"

"Anung sabi?" tanong ko pagkababa ng cellphone n'ya.

"Papunta na daw si Dr. Mendez." Napatango na lamang ako sa kan'ya at hindi na muling inihiwalay ang damit sa paa ng aso.

* * *

"Magtanda kana!" Napahawak ako sa noo kong pinitik ni Grinson. Anu nanaman?! Bakit ako? dapat si Daniel 'yon.

"Bakit ba ako? Kasalanan ni Daniel 'yon!" Pinitik ko din noo ni Grinson. Abay kailangan kong gumanti. Hindi pwedeng ako lang napipitik!

"Bakit ako?" Agad na angal ni Daniel. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Magmamaang-maangan pa ang isang 'to. Batukan ko kaya ito?

"Kung hindi moko sinigaw-sigawan hindi ko mahahawakan yung sugat ng aso!"

"Bakit ako ba nag-utos na hawakan mo iyong sugat ng aso?"

"Tumigil na nga kayo! Nakakarindi kayo! Buti sana kung mga chicks kayong nag aaway ng dahil sa kagwapuhan ko ay ok pa." Agad naming sinamaan ng tingin si Terrence sa sinabi n'ya. Gago! anung kagwapuhan? Kashokoyan kamo!

"Anung mga Chicks?! Ulol ni wala ngang humahabol sayo. Pag-agawan pa kaya?!" Iritadong utas ni Grinson.

"In your dreams tol. Wake up! Wala ka na sa panaginip. Gumising ka sa katotohanan!" Sigaw sa kan'ya ni Daniel.

"Tama na ang illusyon! tanggapin mo na ang katotohanan Terrence. Panget ka talaga!" Bored na utas ko sa kanila.

Kaawa awang Terrence. Hindi nabiyayaan ng kagwapuhan. Tsk! tsk!

Binuhat ko na ang aso. Kawawa naman. Mabuti na lamang at nakapunta agad dito sa bahay yung Doctor na kinausap ni Daniel. Psh! dapat talaga nilang madaliin dahil kasalanan ng kutung lupang 'yon kung bakit dumugo ang sugat ng asong ito.

"Hoy! Saan mo dadalhin yang asong iyan?" Agad akong nainis ng makita ko ang daliring nakaturo sa akin. Mas dumagdag pa sa inis ko yung mga mata ni Daniel na parang may gagawin akong masama. Gago!

Sinabi ko ng di ako rapist! Takte! at ng aso pa. Ikaw ba pagbintangang nangrarape ng aso dika maiinis? Ulol talaga ang isang iyon. Hindi ko papatusin ang isang aso, at mas lalong hindi ako rapist ng mga aso.

"Pakyu! Dadalhin ko na sa kulungan. Ayaw n'ya ng marinig ang mga panget niyong boses." Hindi ko na sila pinansin. Agad kong dinala ang aso sa likod ng Bahay kung saan malapit sa garden ni mama yung kulungan n'ya.

Buti sana kung nag-aanyong tao ang asong ito baka nagkaroon pako ng instant girlfriend, ang kaso nasa realidad ako. Walang mangyayareng ganon dahil hindi naman totoo ang mga iyon.

Habang binubuksan ko ang kulungan ay wala sa sarili akong napatingin sa aso. Kung tutuusin maganda naman ang asong ito. Halatang may lahi. Pinaghalong Brown at White ang kulay pero mas lamang ang Brown at babae pa. Alisin lang yung mga sugat at tahi n'ya ay sigurado akong maganda ito.

Not bad naman pala ang isang ito. No wonder kaya nagustuhan nila Mommy ang aso. Pero wala bang nagmamay-ari ng asong ito? Napaka pabaya naman ng may ari nito. Tsk! tsk! Ayos lang iyon. Ang magagandang aso ay nababagay sa mga gwapong katulad ko. Hindi na kailangan ng kung sino mang may ari ng aso na magpasalamat sa akin. Maliit lamang na bagay iyon.

Akma ko na sanang ilalagay ang aso sa loob ng kulungan ng biglang...

''Salamat...''

Napalingon-lingon ako sa paligid sa narinig ko. Sino iyon? bakit may nagsalita? At boses babae pa. May tao ba? Tumayo ako habang buhay ang aso at tinignan ang paligid. Wala namang tao. Sino iyung nagsalita? Naipilig ko na lamang ang ulo ko.

Baka guni-guni ko lamang iyon.

Napatingin ako sa aso ng mag-simulang ihampas ng aso ang buntot n'ya sa dibdib ko. Anu kayang problema ng asong ito?

"Magsalita kana!" Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi nagsalita ang aso. Nasapok ko na lang ang sarili kong noo.

Tang*na! makakapagsalita naman kaya ang aso?!

Psh! pasalamat na lang ako at walang nakakakita sa akin. Sigurado akong mukha akong tanga. Kausapin ko ba daw ang aso?

Iiling iling akong nilagay ang aso sa kulungan n'ya. Nang masiguro ko ng ayos na ang pwesto nito ay agad ko ng binalikan ang tatlong ugok. Wala talaga akong natatandaan na inimbitahan ko sila dito. May balak ako pero hindi ko pa naman sila tinatawagan.

Nangunot ang noo ko ng makitang sarap na sarap sa pagkain ang tatlo. Halos wala ng natira sa mga platong may lamang sandwich at mga chitchirya. Ubos na din ang juice nila.

"Oh my! wala na? kukuha pa ako." Agad umalis si Mommy papunta sa kusina para kumuha uli ng pagkain. Agad agad kong binigyan ng sapok ang tatlong ugok na feel at home.

"Aray!"

"Uhu! Nabilaukan ako!"

"Ahuehue!" Halos mapatawa ako sa pekeng ubo kuno ni Grinson. Takte. Anung ahuehue?

"Bakla ka!" Sigaw ko sa kan'ya.

"Bakit kaba nananapok?" Inis na sigaw n'ya sa akin.

"Bakit n'yoko inubusan?" Bored kong tanong habang umuupo sa mahabang sofa.

"Inubusan? Para sa mga bisita iyon! wag ka ngang mang-agaw jan." Nag-iinat na sagot sa akin ni Daniel. Napa 'tsk!' na lamang ako at hindi na sumagot dahil dumating na si Mommy dala ang apat na plato. Ang dalawa ay puno ng sandwich at ang dalawa pa ay puno ng chitchirya.

"Tita, Hindi na po sana kayo nagabala. Mapapagod lang po kayo." Ngiting ngiti si Grinson kay Mommy habang tinatanaw ang mga pagkain.

"Ayaw ka po naming mapagod Tita. Baka mabawasan pa po ang Ganda mo ngayon." Sabi ni Terrence habang ngumunguya na ng chitchirya.

"Ayos na po sa amin yung naihanda mo kanina tita, pero.... cge na nga po. Hindi na po kami magpapapilit." Sabi naman ni Daniel na kumakain na rin.

"Hay nako! wag n'yo na akong bolahin mga Hijo. Sanay na ako sa inyo. Hala cge na at kumain lang kayo." Pambabaliwala ni Mommy sa kanila.

"Kumain kana din Liam." Umiling lamang ako kay Mommy.

'Magalit pa sakin ang mga 'yan. Psh!'

Alam ko namang kulang pa sa kanila 'yan, mga ulol sila. Akala ba nila madadaan nila si Mommy sa pambobola nila? Psh! Kay Daddy lang nabibilog si Mommy!

Kaya alam na kung kanino ako nagmana.

"Tol tapos mo na yung assignment mo tol?" Tanong sa akin ni Daniel.

"May dalawa pa. Bakit papakopya moko?" Agaran kong inilahad ang kamay ko sa kan'ya.

"Ayoko nga! Who you?!" Iniwas n'ya pa ang katawan n'ya sa akin na parang hawak n'ya ang mga notebook n'ya.

"Asa ka namang mangongopya ako sayo. Titignan ko lang kung mali mali sagot mo!" Bored na utas ko sa kan'ya.

"Palusot ka pa!" tinapunan ako ni Terrence ng maliliit na chitchirya. Inis kong pinagpagan ang sarili ko.

"Psh! palibhasa hindi mo naperfect yung long quiz natin sa Science!" Sigaw ko sa kan'ya.

"Gag*! Pare-parehas lang tayo. Anak naman kasi ng pating ea!" Inis na alintana n'ya. Nagkibit balikat na lamang ako sa kan'ya. Psh! Para nanaman tuloy s'yang ewan. Hindi na lang makuntento ayos na iyon. Isa lang naman ang mali namin sa long quiz.

Pero hindi ako nangopya. Sariling sikap yon. Gutom at pawis ang pinuhunan ko makamit lamang ang Score na iyon.

*Bzzzz* *bzzzz*

Napatingin kaming lahat kay Grinson ng tumunog ang cellphone n'ya.

"Hello?" Magalang kunong sagot ni Grinson sa tumatawag sa kan'ya. Muntikan na akong matawa pero pinigilan ko lang.

Psh! Tae n'ya mabaho! Alam naming Mommy n'ya ang tumatawag.

Di n'ya ako gayahin. Gwapo na matalino na magalang pa.

"Ma pauwi na ako may dinaanan lang saglit." Patuloy na nakipag usap si Grinson sa mama n'ya. Napansin kong tinatawag ako nila Terrence kaya pumunta ako sa pwesto nila. Nakita kong may sinesearch sila habang tangang naghahagikgikan. Anung pinaplano ng dalawang ito?

Nanonood lamang ako sa mga pinaggagagawa ng dalawa ng biglang manlaki ang mga mata ko sa nakita. Mga gag* mukhang alam ko na kung anung gagawin ng dalawa. Sabay silang tumayo at pumunta sa pwesto ni Grinson malapit sa may pintuan. Nakatalikod ito at busy sa pakikipag-usap. Sumunod ako sa kanila at nakita ko ang pag full volume nila bago nila pinlay ang isang video.

Agad umalingawngaw ang mga ungol at naibaba na lamang ni Grinson at cellphone n'ya at masamang tumingin sa amin.

Tang*na! nadamay pako! Mahaba habang explanation nanaman ito!...