Chereads / The Mafia Game / Chapter 2 - Chapter 2 - The Warning

Chapter 2 - Chapter 2 - The Warning

A/N: Additional cast:

Meera as Amy

Lanz as Avryl

CJ

"Ano na mga mamshie? Nasaan na kayo? Paimportante much na naman kayo," inip na inip na tanong ko.

"Malapit na, medyo na-traffic lang talaga," sagot naman ni Helga mula sa kabilang linya.

"Ayan kasi, dapat inaagahan umalis," sermon ko pa sa kanila.

"Relax lang CJ. Hindi naman aalis ang bangkay ni ate Ky. Nandiyan lang yan," singit pa ni Raine sabay tawa pa nang malakas. Mukhang naki-hitch na naman ang loka loka. Ginawang driver si Hel.

"Sige na, tawagan ko pa yung iba. Kung kailan huling lamay, tsaka bigla bigla namang nawawala," frustrated na sambit ko bago ko ibinaba ang tawag.

I dialed Rory's number once again, pero gaya kanina out of coverage pa din 'to. Nasaan na kaya siya? Mag-aalas nuebe na naman, wala pa din siya. Sakit niya sa bangs!

"Nasaan na daw sila?"

Biglang may nagsalita sa likod ko kaya muntik na akong manapak dahil sa gulat. Ang dilim pa naman dito sa labas ng chapel tapos bigla bigla na lang siyang susulpot.

"Papunta na!" bulyaw ko.

"Galit ka?!" sigaw niya din pabalik.

"Huwag ka kasing nanggugulat! Peste ka! Aatakihin ako sa puso!"

"Bawas bawasan mo kasi ang pagkakape para hindi ka nerbyosa," natatawang saad niya.

Nakakatawa yun? Nakikipagbiruan ba ko sa kanya?

"Ikaw na lang maghintay sa kanila diyan, pasok na ko sa loob."

Hindi ko na hinintay pang magsalita si Liam at pumasok na ko sa loob ng chapel. Tutal sanay naman siyang naghihintay kaya bahala siya diyan sa labas. Siya naman ang papakin ng lamok.

Helga should be grateful to me. Magpabayad na kaya ako sa serbisyo ko? Dalawang beses ko na kasing nauutusan si Liam na hintayin si Helga. I'm sure mamamatay na naman sa kilig ang babaeng yun dahil crush niya agad ang sasalubong sa kanya.

I'm so galing talaga. Pwede ko nang palitan si kupido sa trabaho niya.

"Nakontak mo na ba si Rory? Nag-aalala na ko, hindi naman nun ugali magpatay ng phone," bungad agad ni Lyca nang umupo ako sa tabi niya.

"Baka naman na-lowbat lang kaya out of coverage," singit naman ni Kass. Gaya ko, kanina pa kasi nila tinatawagan si Rory.

Nasaan na ba ang bruhildang yun? Mamaya may nakasalubong palang gwapo sa daan at sumama na dun.

"Kain ka muna. Gusto mo?" Inilapit sa akin ni Yeshua yung hawak hawak niyang garapon na may lamang butong pakwan. Napangiwi na lang ako dahil ang putla na ng labi niya. Mukha kanina pa niya nilalantakan 'to. Loko lokong 'to! Para kaya sa mga bisita yun at hindi lang sa kanya.

Nilibot ko na lang ang tingin ko sa kabuuan ng chapel. Mas dumoble ata ang dami ng tao ngayon kumpara sa unang beses na nakiramay kami. Pagtingin ko sa may altar, bigla akong kinilabutan. Kakaiba kasi ang tingin na binibigay sa akin ni ate Amy, yung nakatatandang kapatid ni ate Kyra.

Pagkatapos niyang tumingin sa akin, isa isa niyang pinasadahan ng tingin ang mga kaibigan ko. Parang pinag-aaralan niya kami, may kung ano talaga sa titig niya na nagbibigay sa akin ng kilabot. Shivers!

"Gusto niyo bang kumain ng sopas? Nagluto ako," magiliw na tanong naman ni ate Avryl, isa din sa mga kapatid ni ate Kyra.

I looked at her angelic face. Matagal akong napatitig sa kanya. Ang ganda ganda niya kasi. Siya na ultimate girl crush ko. Heart heart!

"Ako ate! Gusto ko ng sopas!" Nagtaas agad ng kamay si Yeshua. Akala mo naman mauubusan ng pagkain. My God!

"Gusto ko din. Kanina pa ko nagugutom," sabi naman ni Lui. Parang nahihiya pa siya dahil nagyuko agad siya ng ulo niya. Cutie.

"Gusto ko din," tipid na sagot naman ni Jace.

"O sige, dalhan ko kayo."

"Tulungan na kita ate Avryl!" Pagpiprisinta naman ni Haru. She was smiling brightly. At himala! Hindi ata nakapasak ang earphones niya ngayon sa tainga niya.

Tumango naman si ate Avryl at ngumiti pabalik. Gosh! Ang ganda ganda niya lalo kapag nangiti. Parang nagliliwanag ang mundo sa tuwing nangiti siya.

"Nasaan na sina Hel? Wala pa din ba?" I heard Arlan's deep voice breaking me out from my daze. Nasa harapan ko na pala ang mokong.

"Wala pa. Baka nasa impyerno na!" naiiritang saad ko sa kanya. Medyo napasigaw pa ako. Panira ng view eh. Hinarangan sa paningin ko ang girl crush ko. Huhu!

"Ingay mo! Para ka namang nakalunok ng megaphone," suway niya naman.

Aba! Mas maingay kaya siya sa akin nung nakaraang araw!

Nilingon ko naman si Jace nang marinig ko itong pasimpleng tumatawa.

"Mother, mother I am sick. Call the dakter very quick!" pang-aasar ko. Tinaliman niya naman agad ako ng tingin. Pikon much. Ayaw niya kasing tinatawag namin siyang Doc dahil wala naman daw siya sa ospital.

Hindi talaga ko makapaniwala na doctor na itong si Jace. Kung sabagay, matalino naman talaga ito nung highschool kami. Sa kanya nga kami laging nangongopya. Big time pala ng mga kaibigan ko. May pulis, may doctor, may baker at may stewardess. Yayamanin.

Paglipas ng ilang minuto, muling bumalik si ate Avryl kasama si Haru na may bitbit na tray. Isa isa nila kaming inabutan ng mainit na sopas. Nanahimik naman kaming lahat mula sa pagdadaldalan namin dahil naging abala kami sa pagkain.

*****

Liam

Hindi ko na mabilang kung ilang lamok na ba ang napapatay ko habang naghihintay ako dito sa labas. Maya't maya pa ang tingin ko sa relo ko, halos 30 minutes na ata akong naghihintay.

Nakakailang buntong hininga na rin ako. Ang lamig lamig dito sa labas, mabuti na lang may suot suot akong jacket. Nilabas ko na lang muna ang cellphone ko para tawagan na sila.

Bakit kasi lagi na lang silang late? Consistent talaga siya. Kahit noong highschool kami, madalas din siyang late pumasok. Hanggang ngayon ba naman?

I dialed her number, after ng ilang ring sinagot niya naman.

"Hello?"

"Nasaan na kayo?" diretsong tanong ko.

"Malapit na ata, mga 20 minutes siguro?" sagot niya sa kabilang linya.

"Malapit na kami Liam! Sabik ka naman masyado makita si Hel-- aray! Bakit nanghahampas?"

It was Raine. Naririnig ko ang malalakas na paghampas ni Helga sa kanya, pero panay lang ang pagtawa ni Raine sa kabila ng mga pagdaing niya. Nagbubugbugan na ata sila.

"Pumasok ka na sa loob. Malamig diyan sa labas," bilin pa ni Helga bago ibaba yung tawag ko.

Paano naman niya nalaman na naghihintay ako sa kanya? May sixth sense ba siya? Saglit akong sumilip sa loob. Nakita ko si CJ na mukhang busy sa pagkain. Feeling kupido na naman. Baliw talaga 'tong si CJ, pero sa totoo lang gusto ko siyang pasalamatan sa ginagawa niya. Atleast may dahilan ako para magkausap kami ni Hel, kahit saglit lang.

Napasandal na lang ulit ako sa may pintuan ng chapel. Ilang minuto pa ay dumating na sila Helga at Raine. Ipinarada muna nila ang sasakyan sa may tapat.

"Liam!" kaway agad ni Raine habang may mapang-asar na ngiti.

I looked at Helga. Ngumiti na lang din siya sa akin bilang pagbati pero halata namang naiilang siya. Am I making her uncomfortable? Wala namang kaso sa akin kung crush niya ko. Ang gwapo ko eh. Okay, yabang ko na.

"Tara na sa loob?" aya ko sa kanila.

Tumango naman si Raine. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Bigla na lang niyang itinulak si Helga palapit sa akin. Na-out of balance si Hel dahil sa mataas ang takong ng suot niyang sandals. Mabuti na lang mabilis ang reflexes ko kaya nasalo ko siya agad at napahawak naman siya sa braso ko.

"Oops! Sana all sinasalo," kantyaw pa ni Raine bago kami lagpasan.

"Raine!" naiinis na sigaw ni Helga. Agad siyang bumitaw sa pagkakahawak sa akin at hinabol si Raine. Pabiro niya pang sinabunutan ito tapos nagtawanan lang din silang parang baliw.

Napangiti na lang ako. Mga babae nga naman.

*****

CJ

Pasado alas diyes na ng gabi nang dumating sina Helga at Raine. Patawa tawa pa yung dalawa habang papasok ng chapel. Ang saya saya nilang dalawa. Nakasunod naman sa likod nila si Liam na ang lapad din ng ngiti. Aba! Good mood si manoy.

"Uy sorry. Ngayon lang kami nakarating," bati sa akin ni Helga nang umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko matapos niyang silipin muna si ate Kyra.

Himala ata. Ang aliwalas ng mukha niya. Ang lamig ng ulo niya ngayon.

"Happy? Happy?" nangingising tanong ko.

"Baliw!" yun na lang nasabi niya habang pasimpleng sumisilay sa irog niya. Peg-ebeg nge nemen.

"Hala! Wala pa din si Rory? Hindi na ba siya pupunta?" puna naman ni Raine nang mapansing wala pa rin si Rory.

I shrugged. Ewan ko kung nasaan na ba ang babaeng yun. Baka nilamon na ng lupa o kaya kinuha ng alien.

"Tinawagan na namin kaso out of coverage pa din." Hindi mapakaling saad ni Lyca. Sila kasi ang super duper close ni Rory noon. I'm sure sobrang nag-aalala na 'to.

"Hayaan niyo na. Baka busy lang. Pupunta naman siguro yun bukas sa libing ni ate Kyra," sabat naman ni Jennie. Naririnig niya pala ang usapan kahit medyo malayo siya sa amin.

"Laro na lang ulit tayong Mafia Game! Ituloy natin yung last time. Walang hiya, bitin eh," mungkahi naman ni Yeshua.

"Game," segunda naman ni Jace.

"Game! Game! Laro na ulit!" sigaw ko.

Hindi kasi namin natapos yung laro namin noong nakaraang araw, hindi rin tuloy namin nalaman kung sino yung naging killer.

"Ako ulit moderator," pagpiprisinta na naman ni Riz. Kinakarir naman niya ata masyado ang pagiging moderator niya. May sahod ba siya dun?

"O, walang KJ ulit ha! Walang KJ!" kantyaw naman ni Arlan habang nakatingin kay Helga. Lakas mang-asar. Muntik na tuloy siyang mabato ni Hel ng sapatos niya.

Kami na lang ulit ang natitira ngayon dito sa chapel kaya malayang malaya kaming makapag-ingay.

Isa isa kaming sumalampak sa sahig. Nasa magkabilang gilid ko sina Arlan at Yeshua.

"Naku! Nagtabi tabi pa ang mga siraulo. Sabog na naman tayo nito," bulalas bigla ni Haru. Kami kasi talaga ni Arlan ang pinaka-malakas mang-pikon sa barkada namin.

Humanda sila. Mouhahahahaha!

"Game na! Game na! Start na tayo. Killer please, huwag na huwag mo kong uunahin ha!" paghuhuramentado agad ni Mona. Excited much.

Mahinang binatukan naman ni Kass si Mona. "Gaga! Wala pa. Hindi pa nga nakaka-assign si Riz."

"Ulitan ba? Akala ko kasi itutuloy lang yung game last time," inosenteng saad naman ni Mona.

"Assign na lang ulit ng bago," suggest naman ni dakter Jace.

"Ulitin na lang, pikit na kayo," malamig na tugon naman ni Riz. Ang weird niya talaga. Kanina ko pa napapansin na napaka-seryoso niya.

Pipikit na sana kaming lahat kaso biglang umalingawngaw ang malakas na sigaw ni ate Amy.

"ITIGIL NIYO YAN! HUWAG NA HUWAG KAYONG MAGLALARO NIYAN. MAY MAMAMATAY!"

Sa gulat naming lahat, sabay sabay kaming napatayo. Mas lalo akong kinilabutan dahil sa matatalim na tingin ni ate Amy sa amin.

"Huwag niyo na ulit lalaruin yan. May mamamatay! May mamamatay!" paulit ulit niyang sigaw kaya halos malaglag na ang puso ko sa kaba. Para siyang balisang balisa.

"Amy, tama na! Huwag mo silang takutin!" pagpapakalma naman ni ate Avryl.

Saglit na nilingon kami ni ate Avryl. Nagyuko siya ng ulo niya. Parang nahihiya sa inasal ng kapatid niya.

"Pasensya na kayo. Huwag niyo na lang siyang pansinin."

Naiwan kaming nakatulala lahat habang iginigiya ni ate Avryl palabas ng chapel si ate Amy.