Chereads / The Mafia Game / Chapter 3 - Chapter 3 - Restless

Chapter 3 - Chapter 3 - Restless

A/N: Join forces with Wattyfandude

Rory

Kadiliman.

Iyon ang bumungad sa paningin ko nang unti-unti akong magmulat. Tila may telang nakatakip sa mga mata ko kaya wala akong kahit na anong maaninag. Naramdaman ko rin na hindi ako makagalaw. Para akong nakagapos sa kinauupuan ko.

"Gising ka na rin."

Narinig kong may nagsalita. Nakakakilabot ang boses niya. Parang nanggagaling sa lupa. Unti-unting nilukob ng takot ang buong sistema ko.

"S-sino ka? P-pakawalan mo ako! Parang awa mo na!"

"Ssshh. Huwag kang mag-alala. Hindi pa kita papatayin. Nagsisimula pa lang ang laro," saad niya na agad namang sinundan ng isang mala-demonyong halakhak.

"Please.. Huwag mo akong papatayin. Parang awa mo na," pagmamakaawa ko. Napaiyak na lamang ako dahil sa matinding takot. "Sino ka ba? A-ano bang ginawa ko sa'yo!!"

"Wala." Natakot ako sa biglang pagseryoso ng boses nya. "Ayun na nga, Rory. 'Yun ang problema natin, wala kang nagawa."

"A-anong pinagsasabi mo? Wala akong kasalanan. Pakawalanan mo ako, a-ayoko pang mamatay." Muling umagos ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alintana kung basang-basa na ng luha ang telang nakapiring sa mga mata ko. Basta ang alam ko, natatakot ako. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari.

"Hindi pa kita papatayin, Rory. Gusto lang kitang tulungan na ma-realize ang lahat."

"H-Hindi kita maintindihan," sambit ko. Agad naman akong napabalikwas nang bigla akong makarinig ng malakas na tunog na animo'y may hinampas siya. Narinig ko ang yabag ng mga paa niyang papalapit sa kinaroroonan ko.

Maya-maya, naramdaman ko ang isang malakas na sampal mula sa kanya. Mula sa sampal na iyon ay ramdam ko ang magkahalong inis at galit niya. "Nagmamaang-mangan ka pang hayop ka!"

Muli akong umiyak. "Ano bang sinasabi mo? H-Hindi kita maintindihan!"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng salarin. "Wala ka talagang maalala, huh?" saad niya. Naramdaman ko ang kamay niya sa gilid ng aking ulo at saka tinanggal ang telang nakapiring sa mga mata ko.

Sobrang labo ng aking paningin. Ngunit nang maaninag ko ang lahat ay laking gulat ko nang tumambad sa harap ko ang isang taong nakatayo sa harap ko. Hindi ko makilala kung sino siya dahil sa hood na suot nya. Tanging isang malademonyong ngisi lang ang nakikita ko sa buong pagkatao nya.

"S-sino ka?" agad kong tanong sa kaniya. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong ibang makita kundi mga sira-sirang gamit. "Nasan ako? P-pakawalan mo ako."

Muli syang ngumisi. "Bakit ko sasabihin?" Bigla siyang humalakhak. "Kung hindi mo naman pala naaalala ang lahat, wala kang kwenta. Mukhang nagkamali ako sa'yo."

"A-anong sinasabi mo?"

"Maglaro na lang tayo. Mahilig naman kayo makipaglaro, hindi ba? Kayo ng mga walang kwenta mong kaibigan."

Agad akong binalot ng kaba. "W-wait, no. No! Wag sila please. 'Wag mo silang idamay dito. Kung sa'kin ka may galit, wag sila please. Ako na lang!!"

"Pathetic. Playing the superhero in this story, huh? Ilang beses ko nang napanood yan, Rory. Alam kong ayaw mo rin sa kanila. Plastic ka e. Tama ako, 'di ba?" dire-diretso niyang saad habang nakangisi pa rin.

"H-hindi, h-hindi ako ganon! Hindi 'yan totoo!"

"Galit ka sa kanila, 'di ba? Dahil kung papipiliin kita kung sino ang gusto mong mamatay para maligtas ka, alam kong iisa-isahin mo sila. Tama? Kilala kita, Rory-"

"H-hindi totoo 'yan! Manahimik ka!!" patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam ang dahilan. Dahil ba sa takot? O dahil totoo ang sinasabi niya at ayokong malaman ng lahat ang totoo.

"Kilala kita, Rory. Demonyo ka at isa ka sa mga nagbabalat-kayo." Naglakad siya palayo sakin at may kinuha siyang bagay mula sa dulo ng kwartong kinaroroonan namin. Nang bumalik siya, dala niya ang dalawang baso at isang bote ng wine. Naupo siya sa harap ko at naglagay ng inumin sa mga baso. "Wala kang kwentang kaibigan, Rory. At dahil diyan, maglalaro tayo."

"A-anong laro? Nababaliw ka na ba? Pakawalan mo na ko!"

"Papakawalan kita kung makikipaglaro ka," maloko niyang saad. Pumunta siya sa likuran ko at naramdaman kong niluwagan niya ang pagkakatali ng aking mga kamay, inabot niya naman sakin ang isang baso ng wine. Maya-maya, naupo siyang muli sa harap ko at tinutukan ako ng baril. "Alam kong wrong move ito dahil pinakawalan kita sa pagkakagapos, pero sa oras na tumayo ka diyan sa kinauupuan mo, babarilin kita."

Agad naman akong binalot ng kaba kaya't napatango ako. Ayoko pang mamatay.

"Pero bago ang lahat, cheers?" sambit niya at idinikit niya ang kanyang baso sa hawak ko.

Hindi ko ininom ang nasa baso. Ganoon din ang ginawa niya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero mukhang hindi maganda ang mangyayari sa oras na inumin ko ito.

Napansin ko ang pagkainis sa kanyang mukha. "Inumin mo!"

"A-ayoko," sambit ko.

"Sinabi nang inumin mo e!" sigaw niya at sa isang iglap, umalingawngaw ang malakas na putok ng baril dahilan para mapapikit ako.

Sa sobrang takot ko ay agad kong inilapit sa labi ko ang baso at dali-daling ininom ang lahat ng laman nito. Nanginginig na nabitawan ko ito, dahilan para bumagsak ito sa sahig at mabasag.

"Putangina! Bakit mo binitawan?" Galit na galit siya at wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak. "Walang kwenta talaga 'tong isang 'to. Napaka-walang kwenta!"

"Pakawalan mo na ko, p-please."

"No! Let's start the game. Bibigyan kita ng isang tanong at kailangan makuha mo ang tamang sagot dahil kung hindi. Nakikita mo tong baril na 'to, 'di ba? Alam mo na." Muli siyang humalakhak. "Kung papipiliin ka sa mga kaibigan mo, sino ang ipapalit mo sa sitwasyon mo ngayon para maligtas ka?"

Muling binalot ng kaba ang buong pagkatao ko. Ngunit sa kabila ng lahat ng takot at kabang iyon, and without any thought, binanggit ko ang pangalan ng taong matagal ko nang kinamumuhian.

"Lyca."

Nakita ko ang pagkurba ng kanyang mga labi. Kumpara kanina, hindi ito ngisi kundi isang ngiti.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero isa lang ang sinisigurado ko, mamamatay na ako.

Ibinaba nya ang baril na kanina pa nakatutok sa'kin at kasabay nito ang mainit na sensasyong bumalot sa aking buong katawan. Naramdaman ko ang pagdaloy ng lason sa aking mga ugat. Unti-unti, umikot ang aking paningin at animo'y hinihele ako ng aking paligid. Litong-lito man, alam kong ito na ang katapusan ko. Nagsimulang sumikip ang aking dibdib, pabilis nang pabilis ang pagtibok ng aking puso ngunit pabilis din nang pabilis ang paghabol ko sa aking paghinga.

Patawad, Kyra.

Muli kong tiningnan ang tao sa harap ko. Nakatingin lamang siya sa akin at bago pa man ako mawalan ng malay, nakita ko kung sino siya sa ilalim ng hood na suot niya.

*****

Raine

It was Sunday morning. Complete attendance kami sa libing ni ate Kyra. Well, except for Rory. Kahit shadow niya hindi namin mahagilap. Until now, we can't contact her. Kahit nga sa mga chat namin sa kanya sa messenger, hindi siya nagrereply. Nasaan naman kaya yun? I shrugged. Bahala na nga siya.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng sementeryo. We are all wearing white. At nang ibaba na sa huling hantungan niya si ate Kyra, nagsimula na kaming mag-iyakan.

Isa-isa kaming lumapit sa hukay at nagtapon ng puting rosas sa nakasarang casket ni ate Kyra. Agaw eksena si Haru dahil sa aming barkada, siya ang pinakaiyakin. Ang lakas lakas ng pag-iyak niya. Kulang na lang maglupasay na siya sa lupa. I can't blame her though. Sobrang idol niya kasi talaga si ate Kyra.

Pasimple akong nagpunas ng luha ko. I'm not a crybaby, pero sobrang importante din ni ate Kyra sa akin. Masakit talaga ang pagkawala niya sa amin. She's like a loving sister to us back then.

Nang matapos ang libing, isa-isa nang nawala ang mga tao sa sementeryo maliban sa amin ng barkada ko. We decided na magpaiwan muna at tumambay pa saglit dito sa puntod ni ate Kyra.

"Mafia Game na ulit! Lagi na lang nabibitin laro natin," pagyayaya ni Liam.

"Seriously, hindi ba kayo nagsasawa diyan?" kontra na naman ni Helga. Nagtataray na naman si ate girl.

"Sabi ko nga sa'yo di ba? Kung ayaw mo at napipilitan ka lang, huwag ka nang sumali," naiinis na sambit ni Liam. Helga just rolled her eyes in the air.

Ewan ko ba sa dalawang 'to. Minsan okay naman, tapos ngayon they are like cat and dog kung magbangayan.

"Hoy, huwag na daw tayo maglaro niyan sabi ni ate Amy," suway naman ni Jennie.

"Gosh! Don't tell me naniniwala ka dun? Eh sabi ng iba medyo crazy daw yun," I retorted.

"Arte! Gosh!" singit naman ni Jace, immitating my voice. I instantly sent him a deadly glare.

"What if may sixth sense nga talaga siya?" mahinang bulong ni Lui kaya lahat kami napatingin sa kanya.

What's wrong with them ba? Ganun sila katakot dahil lang sa sinabi ni ate Amy? Duh.

"Gutom lang yan Lui. Gutom lang yan," Yeshua said, giving Lui a light tap on her shoulder. Inalok niya pa 'to ng piattos na kinakain niya.

"Come on, let's play. Ang boring kaya dito!" reklamo pa ni Kass. Tumango-tango naman si Haru na ngayon ay mugtong-mugto na ang mata. Naririnig ba kami nito? Eh may nakapasak na namang earphones sa ears niya.

"Let's play na guys. Don't think about ate Amy na lang. Malay niyo naman prank lang 'yon di ba? Hindi tayo weakshit," pangungumbinsi ko.

Sabay-sabay silang sumang-ayon sa akin maliban kay Helga na mukhang nagdadalawang isip pa. KJ talaga nito kahit kailan.

"Wait, hindi man lang ba kayo nag-aalala kay Rory? Baka mamaya may nangyari na palang masama dun," bulalas ni Lyca. Napapakagat na siya sa kuko niya dahil sa matinding frustration. She looks so restless. Such a worrywart.

"Baka naman busy lang talaga, hayaan mo na. Kung ayaw magpakita, eh di wag," sambit naman ni Arlan. I saw a hint of disappointment on Lyca's face.

"Huwag na nga natin isipin yung mga wala dito! Larong laro na ko eh," segunda ni Mona. Lyca just shook her head in disbelief.

Umupo na lang kami sa damuhan at gumawa ulit ng bilog. As usual si Riz na naman ang nagpumilit maging moderator. This time may dala-dala na siyang playing cards.

"Kung sino makabunot ng King na card, siya ang killer. Kapag Ace naman ang nabunot mo ikaw ang Pulis. Kapag Joker naman, ikaw ang judge. The rest, citizen. Okay?" seryosong paliwanag ni Riz habang binabalasa ang cards.

Isa-isa kaming bumunot ng card mula sa kanya. Nanahimik kami bigla. Akala mo may dumaang angel.

"Game na?" excited na tanong ni Mona. Adik much sa Mafia Game?

******

Binalot kami ng napakahaba at nakakabinging katahimikan nang magsimula na kami sa paglalaro ng Mafia Game. Umihip pa ang malamig na hangin, sending shivers down my spine. I hugged myself para hindi ako makaramdam ng lamig. Nasa sementeryo pa naman kami. It's so creepy!

"I'm dead!" nagulat kaming lahat nang malakas na sumigaw si Yeshua. Katabi ko pa naman siya at sa left ear ko pa talaga niya tinapat ang bunganga niya.

"Pakainin kaya kita ng lupa? You want?" naiinis na reklamo ko pero mapang-asar na ngumisi lang siya. Tawa naman nang tawa ang mga friends ko.

It's not funny kaya! Sakit sa ears!

"I'm dead," Lui said in her most inaudible voice. After that, yumuko na siya ulit at tumitig sa grass na kinauupuan namin.

"Omg! Dalawa na agad ang dead!" bulalas ko.

Mabilis na pinasadahan namin ng mapanuring tingin ang bawat isa. Tumaas ang kilay ko nang makitang nangingiti si Jace.

Gosh! Baka siya ang killer! Sayang, I'm not the police pa naman. Hulihin ko na sana siya.

"Hoy killer. Huwag mo muna kong papatayin ha. I want to be the last one standing!" sigaw ni Mona saka bumungisngis.

"Ako din! Ayoko pa mamatay, marami pa kong pangarap!" sigaw din ni CJ gamit ang matinis niyang boses.

"I'm dead! Ano ba yan! Patay na ko agad," sigaw ni Kass na parang naiinis. Hinagis niya pa yung card na hawak niya sa harap namin.

"Ney, si Mona ata killer. Dinistract tayo eh."

"Oo nga. Si Mona yan," segunda ni Yeshua. Nag-high five pa sila ni Jace. Nagtabi na naman ang dalawa. Buti pa si Riz sa kabilang gilid ni Jace, tahimik lang.

"Grabe naman! Inosente kaya ko! Baka ikaw," pakikipagtalo ni Mona kina Jace.

"O, hawakan mo nga isang tainga!" gatong pa ni Arlan.

"Suntukan! Suntukan! Suntukan!" sabay-sabay na chant ng mga lalaki.

"Wengya! Baka mamaya magkapikunan na kayo," natatawang suway na lang ni Haru. May nakapasak pa ring earphones sa ears niya pero mukha namang walang music dahil naririnig niya us.

Abala sila sa kantyawan nila nang pasimpleng tumingin sa akin ang isa sa mga kaibigan ko at kinindatan ako. What? Siya lang pala killer.

"Gosh! I'm dead na rin," I declared while holding on my chest, acting like I was gasping for air.

"Ano ba yan? Sino ba pulis? Mauubos na tayo agad eh," frustrated na sigaw ni Arlan.

"Ikaw! Pulis ka di ba?" Helga replied with a raise eyebrow. Taray talaga ni mamshie.

"Baliw! Pulis sa game natin, hindi sa totoong buhay," pabalang na sagot ni Arlan. Umirap na lang si Helga sabay yakap sa mga binti niya. It's getting colder and colder. Baka magfreeze na kami sa sobrang lamig kapag tumagal pa ang game.

"Huy patay na ko! Syet!" naghuhuramentadong sigaw ni Jennie.

Lalong sumeryoso ang mukha ng mga kaibigan ko. Hindi na nila inalis ang mga tingin nila sa isa't isa.

"Shit! I'm dead," simpleng saad ni Helga.

"Matagal ka na kayang patay Hel, patay na patay kay---"

"Sige Raine! Ituloy mo, ibabaon kita diyan mismo sa kinauupuan mo!"

Napatikom agad ako ng bibig ko dahil pinandilatan ako ng mata ni Helga. Sabi ko nga shut up na ko. Sabi ko nga hindi ko na siya aasarin.

"Wengya! Sino ba kasi yang killer? Ang galing naman," namamanghang wika ni Haru.

"Si Lyca! Kanina pa tahimik eh," Liam mumbled while pointing his finger at Lyca.

"H-Hindi ako!" agap ni Lyca. Pansin ko kanina pa siya balisa. Maybe, iniisip pa rin niya si Rory.

"Si Mona talaga yan, papanggap lang." Komento ni Jace.

"Baka si Raine!" sabi naman ni CJ.

"Gaga! I'm dead na kaya. Ako na lang lagi niyong pinagbibintangan," ismid ko.

Si ano kaya ang killer no! Sino ba kasi ang pulis? Gosh! Ang weak naman.

Lumipas pa ang ilang minuto, sina Arlan, Jace, Liam, Haru, Mona, Lyca at CJ na lang ang natira. Kaming mga out na, tahimik lang na nakamasid sa kanila.

"Hala, sorry," biglang bulalas ni Lyca. Lahat tuloy kami napatingin sa kanya.

"Why?" tanong ko.

Kinuha ni Lyca yung card na nabunot niya at pinakita sa amin. It turns out, siya pala ang pulis. Kaya naman pala hindi mahuli-huli ang killer, wala sa wisyo ang pulis namin.

"Yeheeeey! Panalo ko!" Mona beamed, clapping her hands like a seal.

"Sabi sa inyo! Si Mona killer eh!" singit muli ni Jace while wiping his glasses.

"Ngeee. Ganun lang yun? Ano ba yan?! Wala namang thrill," reklamo ni Yeshua.

"Isa pa!" sabat ni Liam.

"Isa pang chicken joy!" Yeshua and Arlan said in chorus. Napa-facepalm na lang kami lahat.

"Uwi na tayo, pagabi na," pag-aaya ni Lui. Napahikab pa siya kaya napahikab na rin tuloy ako.

"Yeah, uwi na tayo guys para makapangpahinga na tayo," Helga seconded.

Nagkatinginan kaming lahat, contemplating whether to go home na or stay pa.

*****

Third Person's POV

Mula sa malayo ay nakatanaw lamang si Amy sa magbabarkadang nakaupo malapit sa puntod ni Kyra. Marahas na napabuntong-hininga na lamang siya dahil sa katigasan ng ulo ng mga ito.

Binalaan na niya ang mga ito, kapahamakan lang ang dulot sa kanila ng larong iyon.

"Ate, may nakikita ka na naman ba?"

Napalingon si Amy sa kapatid niyang si Avryl. Gumuguhit sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"Hindi malinaw ang nakikita ko, pero sigurado ako na maraming buhay ang mawawala."

Nakaramdam ng kilabot si Avryl sa buong sistema niya. Hindi baliw ang kapatid niya gaya ng sinasabi ng iba. Nararamdaman nito kapag may nagbabadyang panganib o kaya ay may mamamatay. Nakakalungkot lang na hindi nito nakita ang napipintong kamatayan ng kapatid nila, sana ay napaghandaan nila ito.

"Sana nakinig na lang sila sa akin," bulong ni Amy. Iling na lamang ang nagawa niya bago bigyan ng huling sulyap ang magbabarkadang labis na nagkakasiyahan.

She already warned them. Nagawa na niya ang dapat niyang gawin. Nasa kanila na lang yun kung maniniwala ba sila sa kanya o hindi.

*****

Pasado alas-dose na nang makarating si Lyca sa bahay nila. Makailang-ulit niyang tinatawagan ang cellphone ni Rory pero hanggang ngayon, hindi pa rin ito sumasagot. Buong araw na siyang balisa, pakiramdam niya may nangyaring masama sa kaibigan. Ni hindi na nga rin siya nakakakain ng hapunan dahil sa labis na pag-aalala niya dito.

Hindi siya makatulog kaya nagpasya na lang muna siyang manuod sa sala. Tutok ang mga mata niya sa t.v nang bigla na lamang tumunog ang cellphone niya. Para siyang nabunutan ng tinik nang makitang si Rory ang nag-text sa kanya.

Rory:

Nandito ko sa 7/11 sa tapat ng subdivision niyo. Can you meet me?

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Lyca. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay suot-suot lamang ang pajama at pambahay niyang tsinelas. Hindi na rin niya pinansin ang guard ng subdivision nila nang batiin siya nito paglabas niya.

Nang makarating si Lyca sa may labasan, natanaw niya ang isang taong nakatayo mula sa kabilang kalsada, na nakasuot ng hoodie at cap. Tumingin ito sa direksyon niya at kumaway-kaway.

"Rory?" she mumbled and squinted her eyes for a better view but to no avail. She still couldn't see if it's really her friend. It was a bit dark on the other side of the road.

Dahil hindi na makapaghintay pa si Lyca na makitang muli ang kaibigan, nagmamadaling tumawid siya papunta rito. Hindi na niya napansin pa ang humaharurot na kotse patungo sa direksyon niya.

Nanlaki ang mga mata niya. Naitulos siya sa kinatatayuan. Hindi na niya alam kung anong gagawin. Gusto niyang humakbang ngunit tila naubos ang lakas sa binti niya dahil sa gimbal na lumukob sa kanya. Kusang umangat ang isang kamay niya upang takpan ang mga mata mula sa nakakasilaw na liwanag na tumatama dito. Kasunod noon ay ang malakas na pagtama ng kotse sa katawan niya.

Naramdaman niya ang pagtilapon ng katawan niya sa ere na parang isang papel na nililipad ng hangin. At nang bumagsak siya sa malamig na kalsada, ramdam niya ang pagkabali ng bawat buto niya sa katawan. Kumalat ang sariwa niyang dugo na tila pinipinturahan ng kulay pula ang buong kalsada.

"R-Rory..." huling sambit niya bago tuluyang lamunin ng dilim ang kanyang paningin.