Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

PATRIA DE AMORES

🇵🇭RILL_CRUZ
--
chs / week
--
NOT RATINGS
5k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - ang pilipinas

kadiliman.
kadiliman ang bumabalot sa paningin ng iba nang minsang saklawin ng iba ang kanilang nasasakupan. nasasakupang kakambal na ng kanilang mga paa na di minsan ay di nila ipinapaapak sa iba.
tahanang unang nakarinig ng unang iyak nang sila ay isilang.
pilipinas...ang perlas ng silanganan
tahanan ng marikit na yamang dagat at mayuming karagatan. naroroon at nilatag ang matatabang lupa na liglig at busog sa kayamanan. kalikasang tila pinta na nakapaloob sa mga larawan.
at dugo na dumataloy sa matatapang na kaumangging mga angkan.

taong 1937 hanggang 1939 ay kalat na sa buong mundo ang digmaang nagaganap sa asya at sa europa. digmaang naging dahilan kung bakit maraming mga pilipino ang ninais maging sundalo ng pilipinas at maging tagapagtangol nito mula sa mga mananakop.

ika labing isa ng mayo taong 1940 sa bukana ng barong barong ng tahanan nila esmael de castro sa bayan ng tondo sa manila. doon ay ramdam ni esmael ang mahigpit na yakap sa kanya ng kanyang ina at ng kanyang dalawang kapatid na tila nagsasabing wag na lamang siyang umalis upang dumustino bilang isang sundalo.
si esmael decastro ay dalawangpong taong gulang, isa lamang siya sa libo libong sundalong pilipino na handang maglingkod at ibuhis ang buhay para sa bansang pilipinas.
Kaya kahit masakit man para sa kanya na mawalay at iwan ang ina at dalawang nakababatang kapatid ay pikit mata nya itong tinangap dahil ito nalang ang paran nya upang makatulog sya di lamang sa kanyang pamilya kung di sa bansang kanyang sinilangan.
bagamat sa manila lamang siya madedestino ang haba ng panahong kanyang ilalage sa base militar ng manila ang syang lubos na magdadala sa kanya sa pangungulila para sa kanyang mga pamilya.
masagana at maugong ang pangalan ng kamaynilaan ng mga panahong iyon, dahil natin sa tulong ng mga amerikano sa bansang pilipinas ay nagkaroon ng makandang takbo ang bansang pilipinas ng mga panahong iyon.
ngunit ang bawat paghimbing sa gabi ay walang kasiguraduhan para sa kinabukasan. at mula doon ay magigising ang lahat sa bangongot ng kasamaan.
taong 1941 magiikawalo ng umaga. sumabog ang isang balitang naglipana sa kalangitan ng harbor ang mga eroplanong pandigma ng mga hapon sa honolulu sa hawaii. kasabay ng mga bomba tita ulan na nagmumula sa kalangitan ay nabigla ang bansang estados unidos sa isang umagang gumising sa kanila. kasabay noon ay ibinagsak sa barko ng
us arizona mula sa kalangitan ang ang isang napakalakas na bombang may bigat na 1800 kilo na syang nagpabagsak at nag palubog sa naturang barko kasama ng mga sundalo at mga trabahador na naroroon.
dahil doon ay nabigla ang bansang estados unidos dahil wala sa kanilang hinagap na mabilis na magagawa ng mga hapon na sugurin ang kanilang bansa dahil napakalayo nila sa bansang japan. at wala nga silang ibang nagawa kung di depensahan ang malakas na pag atakeng mga hapon.