At dahil sa pangyayaring iyon sa ilalim kapangyarihan ng Geneva convincion matapos ang araw ng pasko sa parehas na taon ay ediniklara sa pilipinas na ang buong kamaynilaan ay magiging open city o sa madali lng sabi. Hindi ito maaring isama o madamay sa kahit anong digmaang magaganap.. dahilan kung bakit naging kampante ang nasa Maynila na hindi ito madadamay sa digmaan..ngunit hindi iyon ang nangyari.. sadyang tuso ang mga hapon sa di asahan ay matapos nilang atakehin ang pearharbor ay ang pilipinas naman ang kanilang inatake. at dahil sa unang pagatake ng mga hapon sa bansang istados unidos ay nagawa nitong pahinain ang pwersa ng mga amerikano at dahil doon ay di nga nila nagawang protektahan ang bansang pilipinas.
Gayon paman ay buong lakas parin na lumaban ang mga sundalo ng pilipinas at sundalo ng amerika upang protektahan di lamang ang kamaynilaan kung di ang buong bansa ng pilipinas sa kamay ng mga hapon.
Mula sa maliit na siwang ng nasisirang sikat na kainan sa kamaynilaan ay maingat na nagtatago si esmael upang di tamaan ng mgs bala habang nakikipagbarilan sa mga hapon. Sa may di kalayuan ay napansin ni esmael ang isang batang babae na pilit hinihila ang kanyang ama habang tangan ito ng kanyang ina. " umalis na kayo iwan nyo na ako.. baka pati kayo ay madamay" wika ng lalaki na halos maputol na ang kanang paa matapos itong masabugan. At mula doon ay tila nabingi ang mga pandinig ni esmael. Tila naging marahan ang lahat at Tumahimik ang bawat paligid at tanging ang iyak lamang ng batang iyong ang tila kanyang naririnig.." papa.. papa... " wika ng batang babae habang umiiyak at pilit hinihila ng kanyang ina. mula doon ay naglakbay ang alala ni ni esmael sa panahong iniwan sya ng kanyang ama. Halos mag sya-siyam na taon gulang pa lamang Siya ng mga panahong iyon.
Isang sundalong pilipino rin ang ama ni esmael.. dahilan kung bakit halos tumutol din ang ina ni esmael na sya ay maging sundalo.. mula sa malayo ay nasaksihan ni esmael ang pagalis ng kanyang ama upang dumisteno sa maynila bilang isang sundalo.. mula doon ay ramdam nya ang kalungkutang dinaranas ng kanyang ina ng mga oras na iyon ng pilit umalis ang kanyang ama..
" paka alagaan mo ang mga anak natin" wika ng kanyang ama bago ito umalis " papa" isang munting sigaw na nanggaling kay esmael na nagpatigil sa kanyang ama. " papa wag kanang umalis" wika ni esmael habang pilit niyayakap ang kanang hita ng kanyang ama. " anak.. makinig ka.. kailangan mong mag pakatataga.. kailangan mong maging malakas para sa mga kapatid at sa mama mo" wika ng kanyang ama matapos sya kargahin. Mula sa mga salita iyon ng kanyang ama.. ay lumipas ang dalawang linggo.. sa isang kalabog mula sa pinto ay nagising si esmael at nadatnan ang kanyang ina nakasandal sa pintuan habang naghihina at umiiyak" ang papa mo.. wala na.. wala na ang papa mo esmael" wika ng kanyang ina na sumampal sa kanya sa katutuhanan. " papa" isang malakas na sigaw na nagpatigil sa pag gugunita ni esmael at nagulat na lamang sya nang makita nya na patay na ang ama ng batang babae na nasa kanyang harapan. " tumakbo na po kayo.. iligtas nyo na po ang sarili nyo." Wika ni esmael bago tulungan ang mag ina..