Chereads / 2099 / Chapter 3 - Isaac Victor

Chapter 3 - Isaac Victor

CHAPTER 3

Irita akong bumalik sa classroom namin. 5 minutes na akong late. This is the second time I'm late for class. Tulad ng kinagawian, sinalampak ko lang ang pinto at umupo sa aking upuan. Nakakainis. Nalimutan kong magpalipat ng dorm sa admin. Bagot na bagot akong umupo sa upuan at kinulikot ang aking mga kuko, sa halip na makinig sa guro. Again, alam ko na ang tinuturo niya. It's either napag-aralan na naming iyon sa previous school ko o nabasa ko na iyon sa mga libro at articles na nakalap ko. School is too boring. Pwede ka namang mag-aral mag-isa sa bahay niyo. At least doon nasa isang kwarto ka lang at walang boring na guro na magdidiscuss sa iyo ng mga bagay na alam mo na.

"Azazel at Zilla? Who are they? Hindi ba sila nagtataka sa sudden changes ng Grade level? At bakit napakabig deal nito para sa akin? Forget it, I should be thankful instead" I whispered and sighed. Bahala na nga. Tinaas ko ang aking tingin mula sa mga kuko papunta sa direksyon ng guro at nakinig nalang upang ilibang ang sarili.

"Why are you looking for me and my sister?" saad ng nasa tabi ko. It was a brown haired guy with amber eyes. Kapansin-pansin ang piercing at hikaw nito sa magkabilang tainga. "Azazel?" nanlaki ang mata kong tanong sa kanya. "Yeah. Any problem 'bout name?"

Suskopo, nasa tabi ko lang pala ang hinahanap ko. Sa tabi naman niya ay nakaupo ang isang babae na sa tingin ko ay si Zilla.

Mariin kong tiningnan silang dalawa. So kaming tatlo ang nalipat sa Grade level na ito. Tiyak kong matalino ang magkapatid na ito.

Matapos ang klase ng buong mag-araw ay agad kong pinuntahan ang magkapatid. Palabas na sana sila pero agad kong pinigilan ito. "Wait! May itatanong lang ako sa iyong dalawa" saad ko habang hawak-hawak ang maliit na kamay ni Zilla. Binigyan lang niya ako ng blankong tingin. Napatingin naman siya sa kanyang kuya at tinanguan lamang siya nito. Inalis ni Azazel ang pagkakahawak ko sa kamay ni Zilla at mariin akong tiningnan. "What do you want" walangbuhay niyang wika.

Sa di malamang dahilan ay nataranta ako sa ipinakita niyang aksyon sa akin. Napaatras ako ng konti sa kinatatayuan nila. "Itatanong ko lang naman kung bakit nalipat kayo sa 12th Grade. I dug up some informations at nalaman kong dapat nasa 11th Grade ka palang tulad ko. Samantalang nasa 10th Grade pa lang dapat si Zilla" sagot ko sa kanya.

"Because we are smart. Simple as that" sagot naman Azazel at nilisan na ang lugar. Iniwan ako sa aking kinatatayuan. Walangya yun ah! Ang yabang niya. Because they are smart--- Tsk. Matalino din naman ako ah. Tsk we are smart--- Oof… Yun ba ang ibig sabihin niya. Nakakainis na talaga. Bakit napaka big deal para sa akin ito. Kinuha ko nalang ang mga gamit ko at tinahak ang daan patungo sa dormitory.

Habang naglalakad, nagflash sa flat screen tv ang activity na diniscuss ni miss Leaf kanina. Nag-on din ang mga speaker sa paligid at nagsimula ng mag-anusyo ang isang babae, na sa pagkakaalala ko ay ito yung school director kanina.

"Good evening dear students. I am Kristina Wayne, the school director, and I'm here to announce the sudden changes of schedule of our monthly activity. I know that your teachers already announced this but I'll just repeat it for those who still doesn't know. In addition, I will also discuss the new mechanics of our Battle of the Brains Activity. The activity will be held earlier than normal. This time, the mentioned activity will be held at the end of the month. I know that this is sudden but we informed you all as soon as possible for you to prepare earlier and be prepared for our activity. Instead of picking the topic of your study. We'll be the one who are giving the topic, whether you like it or not. And we'll pick 5-10 bright students that will participate on the upcoming project of the government. If they performed excellent job and exeed our expectations, they will be brought to the government and work there from then on, no need to continue your studies. And will receive huge amount of salary. That's all, goodbye"

Agad na nabalot ang lugar ng mga bulong-bulungan ng mga estudyante. Napaka big deal sa kanila ang gobyerno. Ano naman kung magtatrabaho ka para sa kanila. Tsk, ang boring nun. I rather repeat a year than work for those filthy people. Ang alam lang nila ay magpalakas at magpayaman, hindi malang solusyonan ang problema ng bansa. Umaasa lang sila sa utak ng iba. Puro lang sila salita, wala namang gawa. Nakakainis lang talaga sila. Buti pa sa Maharlika, Malaya ang mga tao doon at nagkakaisa. Hindi kami sumusunod sa gobyerno, mayroon kaming sariling utak at Sistema. Hindi kami magpapauto at magpapabulag sa pera at kaplastikan nila.

"Bwisit. Ang aga naman ididiwang ang Battle of the Brains. Hindi sapat ang kulang na isang buwan na preparasyon. Tiyak kong wala pa akong study sa mga panahong iyon. Lalo na at binago nila ang Sistema ng patimpalak. Biruin mo yun, sila ang pipili ng topic. Eh paano kug physics yun. Wala na, finish na ako nun."

"Kaya nga. Nakakainis ang director. Ano naman kung may inconvenience na yan. Pwede namang ipostpone muna ang BOTB sa halip na ipaaga ito"

"Shhh. Baka may makapakinig sa iyo at isumbong tayo sa director. Lagot ka kung gayon. Basta wag mo akong idadamay"

Natatawa nalang ako sa lubos na takot ng estudyante. Dahan dahan kong nilapitan ang grupo ng mga mag-aaral na nag-uusap na tutol sila sa pagpapaaga ng patimpak. Binigyan ko sila ng nakakalokong ngiti at binulungan sila. "Isusumbong ko kayo~" saad ko at ramdam ko naman ang kanilang pagkatakot. HAHAHA. Tinawanan ko lang sila at nilisan ang lugar. Masyado silang seryoso, nakikipagbiruan lang naman ako eh.

Bago ako sa paaralan na ito kaya hindi ko alam ang takbo ng Sistema dito. Pero tiyak kong magtatagumpay ako sa patimpalak na iyan. Ngunit hindi ko ninanais na masama sa mga estudyante na magtatrabaho para sa gobyerno. Hello? Sino naman ang may gusto noon. Ang patagong pagpapaalipin mo sa kanila. Akala mo lang ay magbabago ang buhay mo at mas sasagana, ngunit nagkakamali ka. Isa itong malaking pagkakamali. Trust me, hindi mo gugustuhin na magtrabaho para sa kanila.

Patuloy lang ako sa paglalakad patungo sa building 5 habang minamasid ang paligid. Unti-unti ng lumulubog ang araw. Napakaganda nitong pagmasdan. Napagtigil ako sa paglalakad sa halip na dumeretso sa building 5 ay pumunta ako sa open field ng academy na sa di malamang dahilan ay abandonado na ito at hindi na ginagamit. umupo ako sa ilalim ng isang puno na nasa di kalayuan. Taimtim kong pinagmasdan ang sunset. Kinuha ko ang sketchbook mula sa bag at nagsimulang iguhit ang langit.

Nasa gitna ako ng pagguhit ng may maramdamang presensyang paparating mula sa aking likod. Binalewala ko nalang ito at pinagpatuloy ang pagguhit.

"Enjoying the view huh?" saad ng isang di pamilyar na boses. Ibinaba ko ang aking sketchbook at hinarap siya. Isa itong matipunong lalaki na umaabot sa balikat ang blonde nitong buhok. Tulad ko ay mayroon din siyang berdeng mga mata. "Uhm, yes. I guess?" kibit balikat kong sagot sa kanya.

Kinuha kong muli ang sketchbook at pinagmasdan ito ng maigi. Hindi naman mailalayo ang itsura nito sa kalangitan. Kuhang kuha ang formation at shapes ng ulap. Masaya koi tong pinagmasdan at ilalagay na sana muli sa akig bag ngunit kinuha ito ng epal na lalaki na hindi pa pala umaalis. "Hoy, akin na yan. That's not yours!" pilit kong inagaw sa kanya ang sketchbook ko pero itinaas lang niya ang kamay niya upang hindi koi to maabot. Tsk. High school clichés. Akala naman niya aabutin ko yun hanggang sa mawalan ako ng balance at matumba sa ibabaw niya. Suskopo, masyadong marami siyang nababasang wattpad kung gayon. Sa halip ay kinuha ko nalang ang gamit ko at nagsimula ng maglakad palayo. Gumagabi na rin kaya kailangan ko ng bumalik sa aming dorm.

"Hoy. Saan ka pupunta? Hindi mo ba kukunin sa akin ang sketchbook mo?" taka niyang tanong. Uto-uto ba siya. No way. Sketchbook lang naman iyon. Napakadami ko pa sa bahay at kayang kaya kong bumili niyan. Wala akong pake sa mga pinapagguguhit ko doon. Mga tanawin lang naman iyon eh. "Syempre--- hindi. Kung gusto mo niyan, edi sayo na. Wala akong pake. Hindi ako magsasayang ng lakas ko para makipag-abutan ng walang kwentang sketchbook sa iyo. Tadah~" sagot ko sa kanya at naghair flip pa.

"Hatid na kita. Isaac Victor, nga pala" inilahad niya ang kamay niya at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Tinitigan ko lang ang kamay niya at muling tumingin sa kanya. "Pst. Kapag may naglahad ng kamay sayo, ibig sabihin non, gusto ng tao makipagshake hands. Baka sakaling nalimutan mo" bulong niya sa akin. Tang aba siya. Syempre alam ko yun.

"Alam ko iyon, at wala akong balak makipagkamay sayo. Close ba tayo? Bat sumusunod ka sa akin? At hindi mo din ako tatay para ihatid sa dorm ko. I'm old enough to take care of myself. Umalis ka nalang" maarte kong sagot sa kanya. Medyo nababagot na rin ako sa presensya niya.

"Ang sama sama mo ah. Ganyan ba ang treatment mo sa seat mate mo? Ha? Nagtatampo na ako, hmp" he crossed his arms and turned around. Walangya toh. Anong akala niya sa akin? Jowa niya na magsusuyo sa nagtatampo niyang boyfriend. Ano yung sinabi niya? Seatmate? How come, eh hindi ko naman nakita siyang katabi kanina?

"Kanina pa kita kinakausap habang nagkaklase kanina pero nakatingin ka lang kay Azazel at sa kapatid niya. O kaya naman ay kinukulikot o yang mga kuko mo o yung bolpen mo. Hirap makipagkaibigan sayo ah. Buti nalang at binigay mo sa akin itong sketchbook mo. Hehehe, makakapagdrawing ako ng penis dito at iba pa" Wtf? A penis? Hahaha this guy's making me laugh. Wala ba siyang pambili ng sketchbook? Judging by his appearance, malinis siyang tingnan at tiyak kong mula siya sa mayamang pamilya.

Hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa mga walangkwentang pinagsasabi niya sa akin ngayon. This guy sure made my evening quite well. Kahit nakakairita lang ng konti ang kabobohan niya.

"You're cute when you smile. Specially when you let out a sweet laugh. Didn't know that a cold-hearted girl like you knows how to laugh" he smiled and patted my head. Kinuha din niya ang bag ko at sinakbit iyon sa likod niya.

"Saang building ka nagstastay?" tanong niya. Sinagot ko nalang ito at hindi na nakipagtalo sa kanya. Besides, maganda nga iyon. Wala na akong dala-dalang gamit. He sorta reminds me of butler Min. Siya kasi ang taga dala ko ng gamit sa previous school ko.

Sa simula ay nagging tahimik ang paglalakad naming nang magsalita siya. "You're a transferry, right?" I just nodded. Alam ko na ang sunod niyang itatanong. "So, bakit ka lumipat sa Elite Academy? Well, maganda nga ang Academy na ito at halos lahat ng estudyate ay ninanais na makapasok dito. I know that you have other reasons beside from that" Bulls eye. Umiling nalang ako. It's too personal. Wala siya sa posisyon upang malaman ang nakaraan ko.

"It's fine if you don't wanna talk about it. Basta nandito lang ako para sa iyo" he smiled and patted my head again for the second time. Tumigil siya sa paglalakad at naalaman kong nasa tapat nap ala kami ng building.

"Hanggang dito nalang ako. Bawal akong pumasok eh. I know that this is quite sudden. I mean no harm, gusto ko lang makipagkaibigan sa iyo, Athena. Alam ko sa loob loob mon a nagdududa ka na dahil sa treatment ko sayo. You are an interesting woman. Sa simula pa lang ng pagbukas mo ng walang pag-aalinlangan ng pinto kahit sobrang late ka na, hangang-hanga ako sayo non. Lalo na at sa tabi ko pa ikaw tumayo. I like you, Athena. I like you to be my friend" saad niya nang hindi tinatanggal ang kanyang ngiti. "Ok lang ba talaga sa iyo na ikeep koi tong sketchbook mo?" "Yeah. Tulad ng sinabi ko, madami pa akong sketchbook. Wala lang sa akin ang mga dinosrawing ko jan. Kayang-kaya kong magdrawing uli nyan. Besides, napatawa mo naman ako, somehow" kinuha ko sa kanya ang aking gamit at nagsimula ng umakyat papunta sa room 20.

Sa gitna ng aking paglalakad ay nilingon ko siya. And to my surprise, nandon pa siya. He even waved at me. Is he waiting for me to enter my room o nagaassume lang ako? His kidness is too suspicious. Bahala na. Tinahak ko nalang ang daan patungo sa kwarto namin ni Blacky at hindi na muli siyang nilingon. Isaac Victor. Hmmm… Interesting.