Chereads / 2099 / Chapter 5 - Eyes

Chapter 5 - Eyes

CHAPTER 5

Binalewala ko nalang ang mga pinagsasabe nila at kinuha ang bago kong sketchbook. Dahil kinuha ni Isaac ang luma kong sketchbook, nag-abala pa akong bumili. Yep, bumili pa ako ng bago dahil kinuha niya ang dapat ay pagmamay-ari ko. Inilabas ko din ang mga lapis ko at nagsimula ng gumuhit. Hmmm… Ano nga ba ang idodrawing ko ngayon. Nakita ko nalang ang sarili kong ginuguhit ang isang pamilyar na pares ng mga mata. I used to draw them frequently before. I can't fool myself. Isang taon ko na ding hindi siya nakikita pero kuhang kuha ko pa rin ang mga matang iyon. Blanko ito pero napakadaming nais sabihin. Tila ba nahihypnotize ang kung sinong tumitig dito at mahirap ng makawala sa mga titig na iyon. Tila ba hinihigop ka nito sa isang blackhole at hindi mo na kayang makaalis dito.

"Ang ganda naman niyang mga mata nay an ah. Ang galing mo talagang magdrawing Thena. Now I admire you even more" Napatigil naman sap ag-uusap ang mga tao sa paligid ko at biglang napatingin sa direksyon namin. Kasama na doon si Blacky at inirapan lang ako. Matapos nila akong bigyan ng mga death glares ay mas lalong lumakas ang kanilang bulungan. Actually, hindi na ata yun bulungan. It's straight up tsismisan na talaga.

"Those eyes are familiar. Teka… Let me take a look" walang hiya namang kinuha ni Isaac ang sketchbook yun at tinitigan. Maya maya pa ay ibinaling niya ang ulo ni Tristan sa kanya at binigyan lang siya nito ng blanking tingin. Itinapat naman ni Isaac ang sketchbook sa muka ni Tristan. "I'm right! Are you trying to copy Tristan's eyes? If so, kuhang kuha mo ito. Sa kabila ng ilang araw pa lang na pagkikita niyo ay nagawa mong kopyahin ng tamang tama ang mga mata ni Tristan… Woah, you're totally amazing!" papuri naman niya sa akin.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya. I grabbed my sketchbook and intentionally stared at Tristan's eyes. Maybe cause of curiosity. I can't believe it. Those eyes… Tulad ng sinabi ni Isaac, kuhang kuha ko ang mga mata niya. Nang maramdaman niya ang aking pagtitig, tumingin siya sa aking dirkesyon at tinitigan din ang aking mga mata. Hindi naman tinanggal ni Tristan ang mga titig niya sa akin at nakipagtitigan din. I can't be wrong, those were him, not Tristan's. Ngunit tulad ng kanya, parehas itong nakakabinhagi, in such a weird way. Unting unti ka nitong hinihigop, palalim ng palalim sa kadiliman. Those dead blank eyes. They're exactly the same. Blanko ngunit naparaming istoryang nais ibahagi.

Tears started forming from my eyes. Shoot, hindi ito ang oras para magdrama. "Good morning everyone. Pleaase take your seats and shut up" exact timing, dumating na din sa wakas ang teacher. Nakawala na rin ako sa pagkalunod sa kadiliman ng blanko niyang mga tingin. Nagmamadali akong bumalik sa aking upuan na nasa malapit lang. Buti nalang at hindi pumatak ang aking mga luha. Kung mangyari man iyon, isa itong kahihiyan para sa akin.

"Go to your respective computers. We're having a quiz" saad ng guro at kanya kanyang pagrereklamo ang ginawa ng mga estudyante. Tumayo nalang ako at nilapitan ang computer ko na nasa loob din ng silid na iyon. "Shut up. Get your ass up or fail. Faster. Double time" taranta namang nagsitayuan ang mga estudyante.

"Ma'am, 5minute review naman po" pagmamakaawa ng isa.

"The number of items you all gonna answer is 80"

"Ma'am, 10 minutes na pala"

"Make it 100"

"Shut up Tyler. Kasalanan mo kaya mas dumami yung items na sasagutan natin. Pagbumagsak ako, igahan mo lang talaga" pananakot ng isa.

"Kaya nga, nakakainis ka talaga"

"Bakit ako ang sinisisi niyo. Humihingi naman ako ng time magreview ah. Ano masama dun" depensa naman nung Tyler.

"I changed my mind. Let's make it 12---"

"MAAAAAM. Start nap o tayo" sigaw ng lahat, malabin sa aming lima na magkakatabi pala. I forgot, ang seating arrangedment pala ditto sa computer ay ganun din sa desk mo. And by five, I mean ay kaming lima nina Zilla, Azazel, Isaac, Tristan at ako. I guess we're the brightes among us students here at 12 Jadeite. Tahimik lang sila at hindi nababahala sa dami ng items na aming sasagutan. Nanahimik nalang ako dahil hindi din naman ako nababahala. Earth Science lang naman ito. Anong mahirap doon.

Matapos ang 50 minuto, nagring na ang timer ni Ma'am Leaf. Senyales na tapos na ang oras namin pagsasagot. Nagdiasabled naman ang mga choises ng sagot, kaya talagang hindi mon a ito pwede pang sagutan. Madami ang nabigla at nalungkot dahil hindi nila natapos ang kanilang pagsasagot. I admit, kulang ang 50 minutes para sa isang average na tao, lalo na at 100 items na iyon. I'm lucky rthat I was born smart.

Tulad kanina, kaming lima lang ang kalmado sa pangyayari habang ang iba ay halos mangiyakngiyak na sa takot na sila ay bumagsak. Biglang tumunog ang aming mga computers. Ibigsabihin ay natapos ng macheckan ang aming sagot at handa ng ibigay ang resulta.

"I'll announce the results tomorrow. Goodbye" saad ng guro at nilisan na ang aming silid.

"Nakakainis. Kung nakapag-aral lang sana ako. Bagsak na ako, no doubt" mangiyakngiyak na saad ng isang babae. I don't know her name.

"Pathetic. Kayang kaya mong sagutan yun kahit hindi ka nag-aral. Kung sadya kang matalino, maiintindhin mo ang mga lesson at hindi na kailangan pang mag-aral. I pity those who are born stupid like you" binigyan naman ng isang nadidiring tingin ni Blacky ang babaeng nagngunguyngoy kanina. Yabang nya ah. Matalino ako at mayabang pero hindi ko pa yan sinasabe sa iba. Kase maari ka nilang lamagan kapag nakapag-aral lang iyan. Baka ka mapahiya kung gayon. Pero sa sitwasyon ko, hindi iyon mangyayari.

Tuluyan ng napaiyak ang babae dahil sa sinabi ni Blacky. Lumapit naman ang mga kaibigan niya sa kanya at dinamayan siya. Kawawang bata. Hinahayaan ang sariling pinagsasabihan ng ganyan. Kung ako sa kanya, napagsisigawan ko na si Blacky at tatakutin na balang araw ay mas mahihigitan ko siya hindi lang sa exams. Masyado siyang nagpadala sa takot. Wala pa naman ang results. Tulad ko, napatitig nalang ang mga katabi ko sa napahiyang babae. Ang iba naman ay tinawanan ito at ang iba ay napaiyak na din sa takot na parehas sila ng kahahantungan nito.

Bumalik na ako sa aking upuan at kinuha ang sketchbook ko. Muli koi tong tinitigan. Bakit parehas sila ng mata ni Trsitan? Are they the same person? Nagsibalikan na din ag ibang estudyante sa kani kanilang mga upuan at ginawa ang kanil kanilang mga Gawain.

Hindi ako makapaniwala sa nadiskubre ko. Possible kaya na kamag-anak niya si Tristan? Ugh. Naguguluhan na ako. "Do you like Tristan? O stalker ka niya. Nakakatakot naman ang galling mo. Kase kuang kuha mo talaga. You're terrifyingly amazing, Thena" inirapan ko nalang si Isaac, para siyang kabute, kung saan saan nalang lumulusot.

"Please don't call me that"

"What? Oh, ayaw mo ng Thena? Baby nalang kaya? O kaya ay honey" pang-aasar niya sa akin. "Will you please shut up. Wala akong gana makipag-usap sa iyo ngayon" saad ko at binaling nalang uli ang tingin sa drawing na hawak ko. "Bakit? Stressed ka ba test natin kanina? Pero nasagutan mo naman lahat ng items ah. Muka ka namang matalino, you'll do fine" wika niya at tinpik tapik pa ang balikat ko.

"Ugok. Sinabi ko bang stressed ako? Bahala ka nga diyan" tinalikuran ko nalang siya at humarap sa kabilang direksyon. Dahil nababagabag ako sa drawing na ito, pinunit ko ito sa aking sketchbook at akmang pupunitin ng pigilan ako ni Isaac. "Sayang. Akin nalang" sa halip na mabagot ako sa kanya ay ibinigay ko nlanag sa kanya ang drawing. Hindi ko naman kailangan iyon.

Matapos ang ilang minute ay dumating na din ang aming next subject teacher na si Mister Earl.

Ang boring ng araw na ito. Wala akong ibang ginawa maliban sa pagtipa ng aking cellphone at pagguhit sa aking sketchbook. 5:00 na din at nagsisibalikan na ang mga estudyante sa kani kanilang mga dormitory. Sa halip na magpahinga at bumalik na din sa aming building, pumunta muna ako sa madalas kong puntahan kapag bored ako.

Umupo ako sa ilalim ng puno at taimtim na dinama ang malamig na simoy ng hangin. Binuklat ko ang dalang sketchbook at nagsimulang gumuhit. Ngayon naman ay ang buildings ng school ang aking ginuhit.

Nasa gitna ako ng pagguguhit ng may maramdaman akong presensiya na papalapit sa akin. I guess that it's Isaac. Siya lang naman ang alam kong pumupunta ditto maliban sa akin. Tutal hindi na din naman ginagamit ang open field na ito.

"What do you want, Victor. Wala na akong ibang sketchbook na maibibigay sayo. I can give you money to buy some, kung gusto mo. Please, wag mo lang kunin ang mga sketchbook ko" walang gana kong sabi at nakafocus pa rin sa pagguguhit na ginagawa.

"Isaac's been drawing penis all over your sketchbook. May nakita din siyang strange drawings at nirereport pa ito sa akin" agad naman akong napatingin sa likod ko, it was Tristan, with his usual bored aura.

"Weird drawings? What do you mean?" taka ko namang tanong sa kaniya at napatigil sa aking ginagawa.

"He claimed that the portrait of the person you draw is utterly familiar" sagot naman niya. Lumapit naman siya sa akin at binigay ang isang pirasong papel. Matapos ibigay ito sa akin ay naglakad na ito palayo. Ganun lang pala iyon.

Hinayaan ko nalang siyang maglakad palayo kahit nagtataka pa rin ako kung bakit nagpakaeffort pa siyang hanapin ako para lang ibigay ang papel na iyon.

Binuklat ko naman ito at alam ko na agad ang taong nagpapadala ng sulat

"Meet me at Building 1. 10 o ' clock

- Your secret admirer"

Anong kailangan niya? Itinapon ko nalang ang papel na iyon sa isang tabi at pinagpatuloy ang pagguguhit. May alam pa siyang pagpapadala ng sulat. Pwede namang bukas nalang niya sabihin ang nais niyang sabihin, kung may sasabihin man siya. Ginawa niyang alipores si Tristan ah. As if I'll follow his orders and show up at his building later this night. Akal aba niya sinuswerte siya. Hindi na ako mag-aababala pang gumising para sa walang kwentang meet up na iyon.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at nagsimula ng maglakad upang lisanin ang lugar na iyon. Ano kaya ang sasabihin ng ugok na iyon. I admit, I can't help to wonder.