Pagkain
"Paige! Ano na naman ba yang ginagawa mo!?", sigaw sa akin ni Lohr ng maabutan niya ko sa bar kung saan ako nagta-trabaho.
Ang isang lalaki ay nakahawak malapit sa pribadong parte ng katawan ko habang ang isa naman ay nakahawak sa kamay ko. This is my job at bakit kailangan niya pang magtanong kung anong ginagawa ko.
Inayos ko ang aking pagkakaupo dahil sa ikli ng palda kong suot. Wala pa naman akong cycling.
Lunod ako sa alak kaya't hindi malinaw sa paningin ko ang mga taong nasa paligid ko.
"Tignan mo yang sarili mo! Nagtapos ka ng pag aaral para hindi ikama ng iba't-ibang lalaki", paulit-ulit ko ng narinig ito. Wala naman akong ibang choice dahil kahit gustuhin ko man mag apply sa desenteng trabaho. Yun naman ang ayaw sa akin. Hindi ko na lang pipilitin.
Siguro nga ang bobo ko. Yung dapat na laman ng utak ko ay napunta lahat sa boobs ko. Pero at least masarap ako. Kaya nga na qualified ako sa trabahong ito dahil kahit tanga ako.Eh masarap naman ako.
Halos lahat ng lalaking naikama ko ay kaya kong dalhin sa hindi nila makakalimutang lugar. Using only my beautiful and sexy tongue.
"Paige, may maliit kang negosyo sapat na iyon para mabuhay ka. Kakausapin ko ang manager mo at sasabihin kong simula ngayon tigil ka na sa trabaho mo", hinanap siya ng paningin ko ngunit hindi ko na rin nahabol.
Tumayo ako at nagpaumanhin sa mga lalaking tinable ako. Umalis ako roon para lumabas. Huminga ako ng malalim at napaiyak dahil sa kagagahan ko.
Napansin ko ang lalaking nakahalukipkip sa itim nitong kotse. Naaninag ko ang mukha niya dahil sa street light. Maganda ang kilay niyang may pilat na talaga namang para sa akin ay sexy iyon sa lalaki. Ang mga mata niya'y singkit at para bang hinahalina ako nito. I can't stop staring at him lalo pa ng umalon ang Adam's apple nito.
May kinuha siyang kung ano sa itim niyang coat. Nagsimula siyang magsigarilyo saka lumapit sa akin. Ang coat niyang pinagmamasdan ko ay hinubad niya at pinangtabing sa katawan kong halos wala ng saplot.
Unang beses may lalaking ganito ako tinarato. Hindi ako babaeng bayaran para sa kanya kundi babaeng karespe-respeto kagaya ng iba. Panay ang mga naging ex boyfriend ko ay gusto akong makitang nakaganito.
"Salamat", yun lamang ang nasabi ko dahil sa nanunuyo ang dila ko. Sabihin na natin may pagnanasa ako sa kanya. I'm just wondering kung paano siya umugol while doing...
Ok!
Paige!
Stop it!
Landi mo! Buti hindi ka nabuntis ng maaga dahil sa kalandian mong taglay.
"Hindi ka dapat nalabas ng ganyan lang ang suot mo. Maraming masasamang loob", kita ko ang senseridad sa mga mata niya ng sandali ko itong titigan.
Bakit naman kaya ang isang katulad niya ay nandito? Ngayon ko lang siya nakita sa ilang taon kong pag ta-trabaho.
"Paige!", sigaw ni Lohr sa akin. Bakas sa mukha nito ang pag aalala. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
"Ano? Okay ka lang ba? Sinasabi ko sayo, Paige. Ayoko ng madawit ka kung kaninong lalaki dito. Matagal na kitang sinabihan na wag mo na itong ipagpatuloy. Ilang beses ka ng napagbintangan na kabit ka. May sarili ka namang hanapbuhay", ayan na naman siya sa parang isang nanay dahil sa panenermon niya. Pero ganon pa man, mahal ko pa rin isang ito.
Isa pa naman niya alam ang nangyari sa amin ni Mark. Isang linggo ng nakakaraan. Akala niya ay gusto ko lang magdrama kaya panay share ko ng mga memes na malulungkot. Alam kong nagkakaganyan si Lohr kapag nakikita niyang nasa sampu ang shared posts ko na patungkol sa malulungkot na bagay.
Ang hanapbuhay din na sinabi niya ay gusto ko ng ibalik sa talagang may ari nito. Akin naman na talaga iyon pero ang perang ginastos ko ay hindi sa akin mismo nanggaling. Katas ng kalibugan iyon. Hindi katas ng pawis ng trabahong desente. Kundi katas ng pawis na galing sa kalamnan. Salpukan na balat sa balat.
"Lohr huminahon ka. Kung pinayagan ako ng manager na magquit sa trabaho papayag na ko", mahinahon kong sabi. Umaliwas naman ang mukha niya saka nagpakawala ng malalim na paghinga.
Tumingin siya sa lalaking nasa gilid ko. Ngumuso siya saka ngumiti-ngiti.
Hinigit niya ko palapit sa kanya saka bumulong.
"Ang gwapo. Sino yan? Kabit mo?", humagikhik siya.Nakatingin lamang sa amin ang lalaki. Sa palagay ko hindi niya alam ang sinabi ni Lohr patungkol sa kanya.
"Ako ang naging kabit at wala akong kabit", bago ko siya higitin paloob ay inabot ko sa lalaki ang coat niya. Nakatingin lamang ito sa binalik ko ng makarating na ulit kami ni Lohr sa loob ng bar.
"WDYM?", maalam na siyang mag acronym ng salita. Buti naman at bumaba na siya ng bundok. Nahuhuli na siya sa mga bagay pero mas gusto ko pa rin pakinggan ang buong salita.