Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Sakuna

yamamaxxz
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.2k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - 1st Chapter

Masayang-masaya ang mga tao sa gitna ng pagdiriwang ng pasko, ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay may naghihintay na palang isang banta ng panganib na darating sa kabila ng pagsasaya nila.

Abala ang lahat sa paghahanda ng ibat-ibang uri ng masasarap na inihahain nila tuwing sasapit Ang pasko, luto dito Luto doon..

Hindi magkanda ugaga sa sobrang busy si aling helda bagamat pagod na pagod na ay Hindi alintana nito pagkat sulit Naman Ang kinalabasan ng kanyang paghahanda iyon ngalang ay may namumuong luha sa gilid ng kanyang mata.

Naalala nya Naman Kasi Ang yumao nitong Asawa na Kung nabubuhay pa sana ay mas masaya sana siya ngayon.

Dating konstraksyon worker Ang Asawa nya noon subalit pabago-bago Ang isip nito Kya nagdesisyong sumubok ulit maghanap ng ibang bagong trabaho.

Natanggap Naman ito sa inaaplayan bilang isang computer technician.Nakapag aral Naman ito kahit vocational Lang at nakatanggap ng titulo sa pagtatapos nito.

Mahirap Lang Ang buhay nila na Kung Hindi kumayod ay walang makakain sa isang araw.

Si aling helda Naman ay isang anak mayaman ngunit dahil sa sobrang pagmamahal sa kanyang naging Asawa ay nakagawa siya ng sariling pagpapasya na Hindi nya Naman pinagsisihan noon.

Walang nagawa Ang mga magulang nya kahit tutol Ang mga ito sa pagmamahalan nilang dalawa kayat itinakwil sya ng mga magulang nya, gusto Kasi ng mga ito na makapagtapos sya ng pag-aaral sa kursong abogasya. Lahat Kasi ng mga kapatid nya ay mga professional na, may doktor,architech engineer ,guro,pulis at dahil sya Ang bunso gusto ng mga magulang nya na mag-abosya sya..

Ayaw nya man ng ganong kurso ay itinuloy nya parin Ang pag-aabogasya, naniniwala Kasi syang matutunan nya rin itong pag aralan salungat sa gusto nyang maging isang fashion designer.