Chereads / Sakuna / Chapter 2 - 2nd Chapter

Chapter 2 - 2nd Chapter

Simula ng tumuntong sya sa kolehiyo ay nagsikap siyang mag-aral ng mabuti, iniisip nya Kasi na maganda Naman Ang intensyon ng mga magulang nya na para sa ikabubuti nya rin ito.

Si helda ay isang mabait, masipag at masunuring anak, ngunit ng makilala nya Ang unang nagpatibok ng kanyang puso ay di nya mapigilang sundin Ang itinitibok nito..

May mga bagay na dati Hindi nya Naman ginagawa, bagkus napapaisip nalamang sya sa kanyang sarili na mahirap pala turuan Ang puso na kahit anong pilit Ang gawin nyang pigilin ito ay lubhang napakahirap gawin.

Sa isip-isip nya ganito ba Ang pakiramdam

ng isang taong umiibig na? kahit na sa sarili ay Hindi mo magagawang pigilin Ang nadarama na tumitibok para Lang sa kanya.

Kaya Naman ng makilala nya si havier

kumislap Ang pares na bilugan nyang mga mata. Araw-araw lagi nya itong nakikitang naglalakad at sya Naman ay sakay ng isang kotseng hatid sundo ng driver nila.

Noong una Hindi nya ito pinapansin Kasi Naman mailap ito sa mga babaeng nakakasalamuha nya..magkaibang-magkaiba sila ng estado ng pamumuhay..siya ay pumapasok sa isang kilalang unibersidad samantalang Ang huli Naman ay sa isang di kilala at mababang uri Ng paaralan Kung ikukumpara sa kanya, palibhasa mayaman sila Kaya kahit anong luho nya ay nasusunod.

Nagkakilala sila Ng minsan inaya syang mamasyal sa isang park Kung saan dinarayo ito Ng mga turistang nawiwiling tumingin- tingin sa mga kakaibang dekorasyon at bulaklak na nakapaligid dito. Dito nya nakilala Ang isang havier pascual kasama rin Ang mga kaibigan nitong namamasyal din sa Lugar.

Hindi maalis-alis Ang tingin nya dito na parang nabato-balani sya sa angking kakisigan Ng lalaki idagdag mo pa Ang mapipilantik din nitong mga mata, matangos na ilong mapulat manipis na mga labi nakadagdag din Ang katangkaran Ng lalaki Kung kayat sa simpleng ayos Lang nito parang napakagwapo na sa paningin nya Lalo Pat Kung napapangiti ay lumalabas Ang mga dimples nito na kaysarap pisilin sa isip isip nya.

Hindi nya namalayan na nakatingin na pala ito sa kanya at Kanina pa sya kinakawayan nito. Biglang napabalik naman siya sa katinuan. Biglang ngumiti sa kanya Ang lalaki at lumapit ito..

Nagpakilala sila sa isat-isa ngunit parang may Kung anong pakiramdam na Hindi nya mawari Kung ano ba ito .Ito Ang unang beses nyang maramdaman sa isang lalaki, Hindi Naman sya ganito sa mga nakakasalamuha nya sa school maging sa kanilang Lugar o sa mga kaibigan nya sadyang kakaiba Ang nararamdaman nya para rito.