Chereads / Behind the Devil's Mask / Chapter 31 - Mr. C

Chapter 31 - Mr. C

Kararating lang ni Cassandra sa NAIA at agad siyang hinatid ng kanilang company driver sa hotel na kanyang tutuluyan sa loob ng isang linggo. Nang makarating sa hotel ay agad niyang isinalampak ang pagod na katawan sa malambot na kama. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagsimulang magtipa ng mga sikat na tourist spot around the world.

"After this, I want a vacation and you're next on my list"aniya nang makita ang isang picture sa travel blog site na kanyang nadaanan. Nagscroll siya muli at tiningnan ang mga lugar na pwede niyang puntahan sa susunod na makaluwag-luwag ang kanyang schedule. Hindi pa man niya natatapos ang pag ii-scroll sa iba pang tourist places ay nakatanggap siya ng email mula sa unknown email account. Numero lang ang nakasulat dito. Kunot-noong binuksan at binasa niya ang laman ng mail.

To: My Lady

Lightness and darkness are never meant to be...For when the light came, darkness disappears...

Soon, you'll find your place...til lifetime I vow upon my last breath...your going to be mine...

Forever yours,

Mr. C

"Anna...."mabilis na napakurap si Cassandra nang marinig ang tila pamilyar na boses na tumawag sa kanyang pangalan. Agad siyang napabalikwas ng bangon at palinga-linga sa loob ng kanyang silid ngunit malamig na hangin ang sumalubong sa kanyang balat. Tiningnan niya ang AC at naka-on ito. Napabuntong hininga na lamang siya at inisip na wrong send lang ang email.

"But how would he know about my email?"sandali siyang natigilan.

"Maybe from our company site"sagot niya sa sarili. Sinipat niya ang suot na relo. Mamayang ala una ay may conference sila kaya minabuti niyang magshower na muna bago maglunch.

Pumasok na siya ng banyo nang maalala niya ang Gabriel na una niyang nakita at ang Gabriel na nakilala niya sa pangalang Alexander. Natatawa pa rin siya sa kanyang sarili kung bakit hindi niya man lang naisip na iisang tao lang pala si Alexander at Gabriel na naging saviour niya pa nung una. Ang galing din ng pagbabalatkayong ginawa ng lalaki.

"But--"sa isip ni Cassandra.

Sandali niyang pinatay ang shower at tiningnan ang kanyang hubad na katawan. Kapagkuwan ay niyakap niya ang sarili.

The fact that I felt something familiar when he first held me in his arms...maybe that's the reason.

That smell....and,

Those beautiful green eyes... though it seems to be lacking of something, it is still indeed beautiful...

Mabilis na binawi ni Cassandra ang lumilipad na naman niyang isip.

"I still have a conference to attend to"paalala niya sa sarili. Linakasan niya ang agos ng tubig mula sa shower at pilit na inaalis si Alexander sa kanyang isip.

"Sagutin mo ako!!!"gigil na tanong ni Alexander sa Kelpie na nahuli niyang nagmamanman kay Cassandra. Lingid sa kaalaman ni Cassandra na nasa airport si Alexander nang mga oras na paalis ito. Siniguro lamang ni Alexander na hindi siya makikita ng babae dahil mukhang iniiwasan siya nito mula noong manggaling sila sa opisina ng babae nung isang araw. Doon niya nahuli ang isang nagbabalat-kayong Kelpie na sumusunod ng palihim kay Cassandra. Gusto pa nitong sundan ang babae kahit nasa eroplano na ito ngunit mabilis na nakorner ni Alexander ang nagbabalat-kayong Kelpie at heto ngayon, nasa iisang kwarto sila at iniinterrogate ito.

"Ughhh, patayin mo na lang ako Gabriel...wala ka rin namang mapapala sa akin dahil hinding-hindi ako magsasalita"nagawa pa nitong ngumiti sa kabila ng ginawang pagpapahirap sa kanya ni Alexander. Namamaga na ang buong mukha nito buhat ng mga suntok na iginawad ni Alexander sa kanya kanina.

"Huh! You really think I'll give you what you want...killing you is the easiest thing to do but I have better ways to deal with you"sumeryoso ang mukha ni Alexander.

I need something from you...so I won't let this chance pass..., ang nasa isip ni Alexander nang mapatitig siya sa Kelpieng mukhang wala talagang balak umamin.

Lumapit siya dito at itinapat ang kanyang mukha sa lalaking Kelpie. Tinitigan niya ito sa kanyang mga mata, binabasa kung nagsasabi talaga ng totoo ang kaharap. Nung una ay lakas loob itong nakipagtitigan kay Alexander ngunit hindi nagtagal ay binawi rin ng Kelpie ang tingin mula kay Alexander. Sumilay ang nakalolokong ngiti sa labi ni Alexander. Nababanaag niya ang takot sa mga mata nito. Mayamaya ay may dinukot siyang isang punyal na nakatago sa likuran ng lalaki.

"Did you really think you can kill me with this piece of...pshhh-metal? Bakit nga ba hindi ka na lang makipagtulungan? Maging ispiya ka sa dati mong "Master"? How about that?"tumuwid siya ng tayo at bahagyang lumayo sa lalaki.

Umiwas ng tingin ang Kelpie, gusto niyang makawala hindi lang mula sa bakal na nakagapos sa kanyang mga kamay kundi pati na rin sa taong may hawak sa kanyang mag-ina. Gusto niyang tuluyan ng maging malaya.

"Ayaw mo?"muling tanong ni Alexander.

"Mamatay na lang kayong magkapatid!!! Pareho lang naman kayong mga manggagamit!!! Mga kampon kayo ng demonyo!!!Mamatay na lang kayo!!!Pweh!!!"dumura ito sa harapan ni Alexander. Dumilim ang anyo ni Alexander. Hindi niya nagustuhan ang pagkukumpara nito sa kanya at kay Constantine pero sa kabila nun ay napag-alaman niyang galit din ang lalaking ito sa kanyang kapatid.

He was doing things against his will..., naisip ni Alexander.

"I changed my mind, parang mas bagay sayo ang...hmmm...ano kaya? What if pagpipira-pirasuin ko na lang yang katawan mo at gawing palamuti sa kwartong ito o kaya naman, mas maganda atang ipakain na lang kita sa mga halimawng gutom na nakatira sa bulubundukin...kaibigan ko ang isa sa kanila at ayon sa kanya masarap daw ang mga tulad mo...hmmm... curious tuloy ako kung anong lasa ng karne ng isang Kelpie...what do you think? which one do you choose?"sumeryoso ang mukha ni Alexander saka lumapit ng dahan-dahan sa lalaking Kelpie na halos maluha na at maihi sa narinig nitong papalapit na kamatayan. Guguhitan na sana ni Alexander ang leeg ng lalaki nang may napansin ito sa likuran ng kanyang buhok. Ang gintong buhok nito ay naroon pa rin.

Hmmm? So kusa niyang ginagawa ang pagmamanman kay Cassandra? I thought he was threatened or manipulated by Constantine?ang nasa isip ni Alexander nang makita niya ang kumikinang na kulay gintong buhok ng Kelpie.

Then I think there's no way for me to convince him to turn his back away from my brother, sa huli ay naisip ni Alexander. Kaya naman marahas niyang pinutol ang gintong buhok ng lalaki at lumayo ng bahagya dito.

Nag neigh naman ng sobrang lakas ang Kelpie at parang nangingisay sa kanyang kinauupuan. Ang Kelpie ay para ring tikbalang na may gintong buhok na pag nakuha mo ay mapapasunod mo sa ayaw man nila o gusto. Swerte si Alexander sa isang ito at hindi pa nakukuha ninuman ang kanyang gintong buhok ibig sabihin, ay mapapasunod niya ito kahit na ayaw nito.

"Bakit nasa sayo pa ang ginto mong buhok? Akala ko ba ay napapasunod ka ng amo mo dahil dito? Sagot!"maawtoridad na sabi ni Alexander. Napayuko naman ang kaharap at sumagot kay Alexander.

"Ha-hawak niya ang pamilya ko Ma-Master Gabriel...Maawa ka...Pumayag lang ako na maging tagasunod niya dahil papatayin niya ang mag-ina ko pag sumuway ako sa ipinag-uutos niya"walang pag-aalinlangang sagot ng lalaki.

Ibig sabihin ay hawak ni Constantine ang pinakamahalaga sa kanya kaya sumusunod ito sa anumang ipag-utos nito...sa isip ni Alexander.

"Balak mo bang patayin ang asawa ko? ganun ba?"kalmado pero puno ng diin na tanong ni Alexander. Agad na itinaas ng Kelpie ang mukha at mabilis na napailing-iling.

"Hindi...Ma-mali ka ng iniisip Master!!! Ang misyon ko lang ay alamin kung nasaan ang Binibini at...at...sirain ang ibinigay mong polseras sa kanya!!! Yun lang Master!!! Wala akong balak na pumatay...pakiusap wag mong sasaktan ang pamilya ko"tuluyan ng umiyak ang lalaki sa harapan ni Alexander. Lihim na napatiim-bagang si Alexander sa nalaman. Ayaw pa ring sumuko ni Constantine sa masama nitong balak.

Balak pa nitong sirain ang betrothal bracelet na suot ni Cassandra para masigurong mahihirapan siyang hanapin ang babae kung sakali mang may gawin ito sa kanya.

"Master?A-anong gagawin niyo? Saan kayo pupunta?"sunod-sunod na tanong ng lalaki nang makitang umalis si Alexander. Naiwan siyang mag-isa sa silid. Pilit niyang sinisira ang kadenang nakagapos sa kanyang magkabilang kamay at paa pero hindi niya magawa dahil hinang-hina na rin ito. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at ibinungad si Frost na may dalang pagkain at bagong damit.

"Ipinagbilin ka sa akin ng Master, linisin mo ang iyong sarili at kumain ka na rin...may dala akong gamot para diyan sa mga sugat mo"paliwanag ni Frost nang mapansing nakatingin lang sa kanya ang Kelpie at nagsimulang magwala sa kanyang kinauupuan. Natatakot ito. Hindi ito makapagsalita at nanatiling nakatingin sa pagkain at damit na dala ni Frost. Baka ito na ang parusang kamatayan sa kanya ni Alexander. Baka lalasunin na siya ng mga ito. Napaiyak na lang ang lalaki nang maalala ang kanyang mag-ina. Kapag nalaman ni Constantine ang nangyari tiyak na hindi ito magdadalawang-isip na patayin ang asawa't anak niya.

"Bakit ka umiiyak?"nag-aalalang ibinaba ni Frost ang mga dala at lumapit dito.

"Eto na ba ang aking kamatayan? Paano na ang pamilya ko? Ang asawa't anak ko? Hindi man lang ako makakapagpaalam sa kanila"sunod-sunod na pumatak ang mainit na likido mula sa kanyang mata na kanina pa niya pinipigilan.

"Wag kang mag-alala, ang sinabi ni Master ay asikasuhin ka at gamutin ang iyong sugat..."bahagya pang tinapik ni Frost ang likod ng Kelpie. Itinaas ng lalaki ang mukha at napatingin kay Frost.

"May isang salita ang Master, huwag kang mag-alala...magiging maayos din ang lahat para sa inyo ng pamilya mo"nakangiting wika ni Frost. Mayamaya pa ay isa-isa na niyang inalis ang kadenang nakagapos sa lalaki.

"A-akala ko ba masama si Master Gabriel?"mahinang tanong ng lalaki sa sarili at hindi makapaniwalang tinitigan ang mga kamay at paang tuluyan ng malaya sa kadenang bakal.

"Mabuti ang Master...yun ang pagkakakilala ko sa kanya"sagot ni Frost at tiningnan ang Kelpie na mukhang hindi pa rin makapaniwala. Nahihiyang ngumiti ito sa kanya.

"Ako si Chaser, pa-pasensiya na talaga kayo...kaya ko lang naman nagawa yung mga bagay na hindi dapat ay dahil natatakot ako para sa mag-ina ko na hawak ngayon ni Constantine"paliwanag niya.

"Ako si Frost, ang kanang kamay ni Master...wag kang mag-alala nasa mabuti kang mga kamay"puno ng katiyakan na wika ni Frost. Napayuko na lamang si Chaser sa realisasyong sumagi sa kanyang isip.

"Mabuti siya pero kinuha niya ang importante sa akin...paano naging mabuti ang sinasabi mong mabuti kung ganoong tuso rin naman siya tulad ng kanyang kapatid?"wala sa sariling naisatinig ni Chaser ang saloobin.

"Pinoprotektahan niya lang ang Binibini...tulad ng sabi mo, diba kaya mo lang nagawang sumunod sa mga ipinag-uutos sayo ay yun ay dahil sa gusto mo ring protektahan ang mga mahal mo sa buhay? maniwala ka man sa hindi, mabuti ang Master"seryosong wika ni Frost. Ilang sandaling katahimikan ang pumagitna sa kanila, mayamaya pa ay marahas na hinawakan ni Chaser ang manggas ng damit ni Frost. Mabilis namang kinuha ni Frost ang kamay ng lalaki at marahas na hinawakan ito sa kanyang ulo at pwersahang isinandal sa mesa ang mukha nito.

"Anong binabalak mo?"tanong ni Frost sa lalaki.

"Ma-mali ka ng iniisip...may sasabihin ako sayong importanteng importante"depensa ni Chaser sa sarili.

"Anong importanteng bagay?"mas diniinan ni Frost ang hawak sa mukha ni Chaser.

"A-alam ni Constantine ang k-kinaroroonan ng Binibini at nagbigay siya ng utos sa mga iba ko pang kasama na dukutin ang Binibini"pagtatapat ni Chaser.

Dahan-dahang pinakawalan ni Frost ang mukha ni Chaser.

"Hindi alam ni Master ang tungkol dito at kailangan niya itong malaman"wika ni Frost at tinitigan si Chaser na ngayon ay hinahagod ang nananakit na leeg.

"Pasensiya na Chaser"tumalikod na si Frost pero agad ding bumalik nang may bigla itong naalala.

"Huwag kang magtatangkang tumakas kundi lagot tayong dalawa kay Master Gabriel"puno ng diing bilin niya kay Chaser.

"Akala ko ba mabait si Master, yun ang sabi mo!!"sigaw ni Chaser kay Frost nang magsimula itong maglakad palayo. Bago pa tuluyang lumabas ng pinto ay tumigil si Frost at nilingon si Chaser.

"Kalimutan mo muna ang sinabi ko at gawin mo ang bilin ko sayo"puno ng kaseryosohang litanya ni Frost bago tuluyang lumabas sa silid.

"Sasabihin ko sana sa kanya pero mabilis siyang umalis...tiyak na sa mga oras na ito ay abot-kamay na ni Constantine ang Binibini"pahabol ni Chaser kay Frost.

Nasa kotse na si Cassandra at katatapos lang ng conference nila. Sandali niyang isinandal ang kanyang ulo at ipinikit ang kanyang mga mata. Mamayang seven ng gabi ay may business dinner siya with her business affiliates at makakasama rin niya ang ilan sa may malalaking posisyon sa industriyang kinabibilangan niya. Nagpasya siyang kumain na lang sa pinakamalapit na fast food chain. Inistart na niya ang makina ng kotse nang tila may isang malaking bagay ang biglang bumagsak sa taas ng kanyang kotse. Malakas ang impact ng pagbagsak at di sinasadyang nauntog ang kanyang ulo sa manibela ng sasakyan. Nahihilong nagtaas siya ng tingin at sinapo ang nananakit na noo. Doon niya napag-alaman na may umaagos na dugo mula sa kanyang ulo. Nilinga-linga niya ang paligid ngunit isang nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya. Sa kalayuan ay may nababanaag siyang grupo ng kalalakihan na naglalakad papunta sa kanyang direksiyon. Kinapa niya ang seatbelt at pilit na sinuot ito.

"My keysss...where are my keys?"hinanap niya ang nahulog na mga susi. Pakiramdam niya ay bumibigat ang kanyang ulo. Ilang sandali pa ay nakita na niya ang hinahanap na susi at nagmamadaling kinuha ito. May dugong pumatak sa kanyang kamay nang kapain niya ang mukha ay pati ang kanyang ilong pala ay dumudugo na rin.

"Fudge!!!"inistart na niya ang makina at liningon ang direksiyon kung saan niya nakita ang mga lalaki pero wala na ang mga ito.

Inapakan na niya ang silinyador nang mapansing hindi umuusad ang kanyang kotse. Ganun na lamang ang pagkagulat ni Cassandra nang makita ang dahilan kung bakit. May dalawang nilalang ang nasa likod ng kanyang kotse at pinipigilan ito sa pagtakbo.

"K-kelpies..."utal-utal na sabi niya nang mahinuha kung anong nangyayari. Nasundan siya ng mga ito.

"Tu---uhmmm"naputol ang iba pa niyang sasabihin nang may isang kamay ang tumakip sa kanyang bibig. Isang kakaibang amoy ang kanyang naamoy nang dumampi ang kamay ng sinumang nilalang na nakapasok sa kanyang kotse. Pakiramdam niya ay ipinaghehele siya at hinihila ang kanyang kamalayan papunta sa kung saan walang katapusang paglalakbay.

"Mom..."ang huling nasambit ni Cassandra bago tuluyang bumagsak ang katawan sa kanyang kinauupuan.

Gabriel...please....help me.