Chereads / Behind the Devil's Mask / Chapter 32 - The Other Side of Elf-Hame

Chapter 32 - The Other Side of Elf-Hame

"Hahahaha yan ang bagay sa kanya!"tinig ng isang babae.

"Fleet...Tama na yan, tiyak na lagot tayo kay Master pag nakita niya tayo"pigil ng isa pang babae sa babaeng nagngangalang "Fleet."

"Ano ba Tinnie?!Kung hindi ka mag-iingay diyan, walang makakaalam na nandito tayo at saka tingnan mo nga ang babaeng gustong pakasalan ng Master...hindi ko alam kung ano ang nakita ng Master sa babaeng to! Hindi naman maganda, wala siyang mahahabang tenga tulad ng sa atin at wala rin siyang pakpak!!! Isa siyang mababang nilalang!!!"puno ng galit na sabi ng babaeng nagngangalang Fleet.

"Naku Fleet!!!Tara na may paparating! Dali!"mabilis na nilisan ng dalawang babae ang kulungan kung nasaan si Cassandra.

Nasaan ako???

Blink*

Hmm...Ang sakit ng ulo ko...

Napaungol si Cassandra dahil sa sakit. Parang namamanhid ang kanyang binti at braso dahil sa mga pasa na natamo.

What is this?!!Disgusting!!! napangiwi siya sa malagkit na likido na bumabalot sa kanyang katawan.

Tulong!!!sigaw ng kanyang isip.

Halos maduwal siya nang maamoy niya ang tila amoy patay na daga. Kahit na nahihilo ay pinilit niyang bumangon at inilibot ang tingin sa kanyang paligid. Doon niya lang napagtanto na nasa loob siya ng maliit at maruming silid. Nang subukan niyang ibuka ang kanyang bibig ay nasamid siya at napaubo. Nalasahan niya ang sariling dugo.

Napahawak siya sa kanyang ulo. Naghalo ang tuyong dugo at malagkit na likido. Bigla niyang naalala ang mga nangyari.

"No, it can't be. This place..."hindi pa man niya natatapos ang kanyang sasabihin ay may dalawang Kelpie ang pumasok sa kanyang silid.

"Gising na pala ang nilalang"ang sabi ng isang Kelpie nang makita si Cassandra na nakaupo at pilit na isinisiksik ang sarili sa sulok ng silid.

"Tumayo ka nilalang dahil mamaya ay haharap ka na sa Master"sabi nung isa pang Kelpie at naglakad palapit kay Cassandra. Akmang hahawakan ng Kelpie si Cassandra sa kamay nang masalubong ng kanyang mukha ang tadyak mula kay Cassandra. Napaungol ang Kelpie habang nakahawak sa kanyang mukha partikyular sa kanyang dumudugong ilong.

"Now we're even"nakangiting sambit ni Cassandra kahit na hilong-hilo pa rin ito. Namumukhaan niya ang Kelpie na kanyang kaharap. Kasama ito sa mga dumukot sa kanya. Akmang susugod ang kasamahan nito kay Cassandra nang may tinig silang narinig mula sa pintuan.

"Tama na yan. Iwanan niyo na kami"maawtoridad na utos ng lalaki sa dalawang Kelpie na agad namang sinunod ng dalawa na tila takot at mabilis na nilisan ang silid.

Napalunok si Cassandra nang sila na lang dalawa nung lalaki ang naiwan.

Is he going to kill me? Is this the end of me? Paano si mom? Si Gabriel? Dito na lang ba magwawakas ang lahat?

Di mapigilang di maiyak ni Cassandra sa mga isiping iyon. Narinig niya ang dahan-dahang paglapit sa kanya ng misteryosong lalaki. Bahagya itong lumuhod at nang magpantay na ang kanilang mukha ni Cassandra ay tumigil ito.

"Why are you crying? This is not the woman I know"pahayag nito na para bang matagal na silang magkakilala.

"Who are you?? at parang kilala mo na ako kung makipag-usap sa akin?"

"Tumayo ka na diyan dahil kinabukasan din ay ikakasal tayo"sagot ng lalaki na ikinagulat ko.

"Excuse me, ano ito harem??? Di ko kayo magets kayong taga Elf-hame, bakit padalos-dalos kayo sa kasal??? Marriage should be sacred and special, hindi yong ganito!!!"pagpapaliwanag ko sa lalaking kaharap ko. Walang ngang proposal na naganap, kasal agad? Ni getting to know each other wala nga ehhh...

"FYI kasal na rin ako"dugtong ko pa sabay taas sa polseras na suot ko para matigil-tigil na ang dramang kasalan "daw." Sa gulat ko ay marahas na hinawakan ng nakamaskarang lalaki ang aking kamay at pwersang inalis ang polseras na suot ko.

"You're not going anywhere not until you're mine"possessive na litanya ng lalaki bago iniwan si Cassandra sa kwarto.

"Teka--"naputol ang iba pang sasabihin ni Cassandra nang may humarang sa kanyang dalawang Kelpie.

"Narinig mo ang Master, magpapakasal daw kayo bukas at wala ka ng magagawa. Magpasalamat ka na lang at kasal ang alok sayo ni Master at hindi kamatayan"mahabang litanya ng isa sa mga guwardiyang Kelpie

Tumahimik na lang ako at nag-isip ng paraan paano makakatakas sa mga Kelpieng nakabantay at sa kasalang magaganap bukas. Wala akong teleponong dala. Baka nahulog ito sa kotse ko at kung dala ko man tiyak na hindi ko pa rin makokontak si Gabriel dahil mukhang walang signal sa lugar na aking napuntahan. Pakiramdam ko ay parang secret hideout ang lugar na pinagdalhan sa akin ng mga Kelpie. Kung sisigaw man ako para humingi ng tulong tiyak na wala ring makakarinig sa akin.

"Gabriel...Find me..."sa isip ay sabi niya.