Chereads / Behind the Devil's Mask / Chapter 25 - Gabriel...

Chapter 25 - Gabriel...

Eksaktong alas sais ng gabi magsisimula ang seremonya. Piling mga bisita lamang ang inimbitahan at isa na doon ang magkasintahang Kiss at Lucas kasama ang buong pack ni Lucas na binubuo nina Felix, Mattios, Rebecca at Hunter. Dumating din ang mag-asawang Max at Kalia na pawang mga wood spirit. Minsan na silang natulungan ni Gabriel nang sunugin ng mga Kelpie ang parte ng Hill of Elf-hame kung saan nakatira ang mga wood spirit. Si Samantha na isang Selkie ay dumating din. Siya lang naman ang dating kasintahan ni Constantine na ipinagpalit ng lalaki sa lubos na kapangyarihan. Mas pinili ni Constantine ang pagkakaroon ng walang hanggang buhay o imortalidad kaysa pakasalan ang babae. Sa kabila ng nangyari, nanatiling malapit si Samantha kay Gabriel. Masakit man para sa kanya ay sinubukan niyang kalimutan ang nangyari sa kanila ni Constantine at bumalik sa kanyang mga kalahi, sa kanlurang bahagi ng Hill of Elf-hame.

"You still look gorgeous, Samantha" puri ni Kiss nang dumating ang babae suot ang eleganteng bestida na hapit na hapit sa kanyang mapang-akit na hubog ng kanyang katawan. Nakatingin ang buong pack ni Lucas sa kanya suot ang nagkikislapan nilang mga mata partikular ang mga kalalakihan. Nagbeso ang dalawang babae.

"Mas gumanda ka nga, Samantha" segundo ni Mattios pero napaaray ito nang sikuin siya bigla ni Rebecca sa sikmura.

"Gusto mo na bang mamatay, Mattios?!!"pagrowl na sabi ni Rebecca at akmang magtatransform na into her werewolf form. Umawat si Lucas sa babae.

"Rebecca, tama na. Kayo ba'y nakakalimot na sa habilin ni Gabriel? Tayo ay magpapakatao na muna at ililihim ang tunay nating anyo. Wag kayong gagawa ng mga bagay na maghahantad ng inyong pagkakakilanlan"paalala ni Lucas sa mga kasamahan niya. Naawat naman si Rebecca at naupo na sa kanyang upuan. Sumunod sa kanya si Mattios at nanglalambing na niyakap ang babae.

"Samantha, maligayang pagbabalik! Ako'y nagagalak sa iyong biglaang pagpapakita. Tumuloy ka"welcome ni Lucas kay Samantha.

"Lucas!!! Ang maginoong kaibigan ni Gabriel!!hanggang ngayon ay wala pa ring kupas ang iyong pagiging makata. Kung hindi ka lang may kasintahan baka nahulog na ako sayo"natatawang tugon ni Samantha bago yumuko ng bahagya bilang pagbati kay Lucas. Nanlalaki ang mga matang napatingin ng masama si Kiss kay Samantha. Bago pa ito makapagreact ay umalis na ang babae at lumapit sa mag-asawang Max at Kalia at nakipagbeso dito.

"Abat mukhang naghahanap ng gulo ang babaeng iyon!"reklamo ni Kiss sa mahinang boses. Natatawang niyakap ni Lucas ang kasintahan at hinalikan ito sa noo.

"Ganyan na talaga magsalita si Samantha...mukhang hindi ka na nasanay sa kanya, at wala kang dapat na ikabahala dahil sa puso ko ay ikaw lamang ang nakaukit"marahang hinaplos ng lalaki ang buhok ni Kiss at ginawaran ito ng halik. Hindi na pumalag si Kiss dahil alam niyang totoo ang sinasabi ng kasintahan.

"Pero ayoko pa ring makikipaglapit ka sa babaeng yon...May tiwala ako sayo Lucas Mahal pero kay Samantha wala!! kaya mangako ka"nakangusong tiningala ni Kiss si Lucas. Napangiti na lang si Lucas sa tinuran ng kanyang kasintahan.

"Mangangako ako kapag sinabi mong susunod na tayong magpapakasal"nagtitigan ang dalawa pagkatapos ay nagtawanan.

"Pangako"sagot ni Kiss.

"Ang corny niyo"sabad ni Hunter na kagagaling lang sa labas.

"Wala ka kasing kasintahan kaya ganyan ka mag-isip"sagot ni Kiss kay Hunter.

"Hayaan mo na siya"pigil ni Lucas sa kasintahan. Dumiretso sa kanyang upuan si Hunter at hindi na pinansin ang babae. Lumapit si Samantha kay Hunter nang makitang tila wala ito sa mood.

Nasa isang kwarto si Cassandra kasama ang kanyang ina. Umalis sandali si Kris dahil magbabanyo na muna daw ito. Dumating ang tatlong katulong ni Alexander na sina Berry, Sunny at Lily at masayang binati ang mga bisita. Nagbalatkayo sila bilang tao dahil na rin sa utos ng master nila. Ang matutulis nilang mga tenga ay naging normal sa mata ng taong makakakita sa kanila.

"Binibini masaya kami at sa wakas ay magpapakasal na kayo ni Master"ani Berry sa matinis nitong tinig.

"Ahh siya mga girls, ang Mama ko si Mommy Cassalea"pagpapakilala ni Cassandra sa kanyang ina. Isa-isa silang nagpakilala kay Cassalea.

"Magandang hapon, Mommy Cassalea! Ako si Berry"masiglang bati ni Berry. Natawa ang ginang sa narinig pero hinayaan na lamang niya ito.

"Hi Berry, ako si Cassalea."

Isa-isang nagsilapitan sina Lily at Sunny at nakipagkilala rin kay Cassalea.

"Wow! kayo po pala ang ina ni Binibini, tunay ngang magaganda ang lahi niyo Binibini!!!"matinis na litanya ni Sunny. Sabay namang napatakip sa tainga ang lahat. Salubong ang kilay na tiningnan ni Berry si Sunny.

"Hehe..paumanhin, ako'y labis na natuwa lamang"nakayukong sabi ni Sunny.

"Napakaganda mo Binibini at mas lalo ho kayong gumanda dahil sa iyong kasuotan, para kang diyosa Binibini"parang kinikilig na komento ni Lily. Nakangiti si Cassalea habang pinagmamasdan ang kwentuhan ng apat. She is happy for her daughter. The place gives a solemn but warm atmosphere and these three girls are more welcoming than anyone else.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at idinungaw si Kris na galing ng banyo. Nakakunot ang noo ni Kris pero napalitan ng sigla nang mabungaran ang nagkakasiyahang sina Cassandra at tatlong babae. Napatingin sa kanya ang tatlong babae at sumunod si Cassandra.

"Nandito na pala siya!"nakangiting lumapit si Cassandra kay Kris at hinila palapit sa tatlo.

"Kris, si Lily, Sunny at Berry. Sila ang naging kaibigan ko dito. Girls, si Kris, ang kapatid ko sa ibang sinapupunan."

"Wow! Isa na namang magandang nilalang"naaamaze na sabi Lily.

Nakipagkwentuhan muna ang tatlo pagkatapos ay nagpaalam dahil ipinapatawag na sila ni Gabriel.

Makalipas ang kinse minutong paghihintay ay may kumatok sa pinto. Si Frost ang dumating at siya ang aalalay sa bride papunta sa venue. Sampung minuto na lang ay magsisimula na ang seremonya kung kayat nauna ng pumunta sa venue sina Cassalea at Kris. Naiwan si Cassandra kasama si Frost na ngayon ay nakaformal attire.

Nagsimula ng tumugtog ang violin na binili pa sa mundo ng mga tao. Tumahimik ang lahat at ang lahat ng atensiyon ay nakatuon kay Alexander na kakapasok pa lang suot ang tuxedo na binili ni Cassandra para sa kanya. Nagtila runway stage ang dating ng aisle dahil sa matikas nitong tindig at malamodelo nitong datingan.

"Gusto ko ng ganyang damit"tila nananaginip na sabi Mattios.

"Ako rin, lagi na lang kasi tayong nakahubad sa bahay"sang-ayon naman ni Felix.

"Masisira lang ang damit"sabad naman ni Hunter na parang napilitan lang sa pag attend ng kasal.

"Tama si Hunter"sang-ayon ni Felix.

"Manahimik nga kayo"awat ni Rebecca sa maiingay nitong kasama.

"Tama si Rebecca, manahimik na tayo"sang-ayon na naman ni Felix.

"Balimbing ka din noh?"pabulong na sabi ni Mattios kay Felix.

"Tama ka-- ha?anong balimbing?!"medyo napalakas ang pagkakasabi ni Felix. Napatingin sa kanya ang ibang kasama.

"Mananahimik na"sa huli ay sumuko rin si Felix at ibinalik na ang atensiyon sa harapan.

Binigyan ni Cassalea ng malaking thumbs up si Alexander nang dumaan ito sa kanilang upuan at nakangiting lumingon sa kanilang gawi. Lumapit ito sa kanya at magalang na hinagkan ang kamay ng ginang.

"You look great, hijo"komento ni Cassalea kay Alexander.

"Maraming salamat sa pagtitiwala, Ma'am" nakangiting pasasalamat ni Alexander sa ginang.

"Ang gwapo diba ng son-in-law ko?"baling ni Cassalea sa babaeng katabi niya sa upuan nang makaalis na si Alexander.

"Oo nga, ikaw ba ang ina ng mapapangasawa ni Gabriel?"tanong ng babae.

"Gabriel? Si Alexander ang son-in-law ko at hindi Gabriel"sagot ni Cassalea sa kausap. Kunot noong nakatingin sa kanya ang babae. Nginitian na lamang nila ang isa't-isa at sabay na ibinalik ang tingin sa harap.

Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na ang pinto at idinungaw si Cassandra na nagtila diyosa sa kanyang suot na puting wedding gown. Dahan-dahang itong naglakad sa gitna ng pulang carpet. Lahat ay nakatingin sa kanya na parang hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Kagat ang mga labing nagpatuloy sa paglalakad si Cassandra at nang matapat kay Cassalea ay tumigil ito at hinarap ang kanyang ina. Nakangiting tumayo si Cassalea at lumapit sa anak.

"Don't worry baby, you look amazing"nginitian niya ang anak at sinabayan na ito palapit sa altar. Hinatid ng ginang ang anak at nang makarating na sa altar ay binitawan na niya ang kamay ng anak. Hinarap niya si Alexander at binigyan ng mahinang tapik sa braso.

"Ipinagkakatiwala ko na sayo ang anak ko, wag na wag mo siyang sasaktan"bilin niya kay Alexander. Tumango si Alexander at tiningnan si Cassandra. Hindi maalis alis ang kanyang tingin sa babae simula ng pumasok ito.

"Oh siya ako'y babalik na sa aking upuan"nakangiting sabi ni Cassalea.

"Thank you Mom"nakangiting niyakap ni Cassandra ang ina. Pinigilan niya ang sarili na huwag maiyak. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kasiyahan ng mga oras na iyon.

"You look beautiful Cassandra"puri ni Alexander sa seryoso nitong boses. Umiwas ng tingin si Cassandra at nahihiyang yumuko.

"Well...yo-you look handsome Alexander"kagat ang mga labing hindi ito makatingin kay Alexander.

"What's with that weird expression, huh?"ani Alexander nang mapansin niya ang kakaibang ikinikilos ni Cassandra.

"Don't call it weird, I'm just nervous."

Hinawakan ni Alexander ang kamay ni Cassandra at nanlalamig nga ito.

"Don't be nervous, it's just me"ani Alexander sa kalmado nitong boses.

"Magsisimula na ba tayo o hindi?"sabad ng lalaki na nakasuot ng puti.

"Please go on"kalmadong sagot ni Alexander sa lalaki.

Nasa parte na sila ng "I do" nang biglang lumapit si Alexander kay Cassandra at may ibinulong sa kanya. Nanlaki ang mata ni Cassandra at speechless na napatingin kay Alexander.

"So ano na?"tanong ni Alexander. Napalunok si Cassandra bago nagsalita.

"I-I do"utal-utal na sagot niya.

"Ikaw naman--

"I do"putol ni Alexander sa iba pang sasabihin ng pari.

"Okay, now I announce you as husband and wife, you may now kiss the bride"deklara ng pari. Nagpalakpakan ang lahat at sinimulang i-unveil ni Alexander ang suot na puting veil ni Cassandra. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Cassandra ng mga oras na iyon. Hindi siya makapagsalita dahil sa magkahalong emosyon ng mga sandaling iyon.

"I, Gabriel, do you accept as your husband?"bulong ni Alexander sa kanya kanina.

Hinalikan siya ni Alexander sa noo at binuhat na ikinagulat niya. Nagsigawan ang kalalakihan sa loob ng venue at nagpalakpakan naman ang mga kababaihan.

Ngayon lang napagtagpi-tagpi ni Cassandra ang lahat. Kaya pala pamilyar ang bulto ng pangangatawan ni Alexander dahil siya ay si Gabriel. Kaya naman pala pamilyar ang boses ni Alexander dahil siya rin si Gabriel. Ang lalaking minsan na ring nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.

To all the familarity I felt with this guy...this is the reason...sa isip ay nasabi ni Cassandra.