Chereads / The Life of the Writer: Celindra / Chapter 29 - Chapter 28

Chapter 29 - Chapter 28

Chapter 28 Eating Vinegar

"Communication between couple can fix relationship and make it stronger."

-UnleashingDesire

~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~^~

Habang sa bahay nila Sam, si Manang Dona ay sinilip si Celindra. Nakita niyang wala na ito sa living room at inakalang umakyat na sa kanilang kwarto. Hindi niya naka-usap si Sam pero nagleave siya ng message. Nagsimula na siyang magluto para sa hapunan ng kanyang amo.

Pumasok na si Celindra at Linda sa restaurant at pumunta sa VIP section kung saan ay may sarili silang kwarto. Kumain sila ng kumain at masaya naman si Celindra dahil kahit papaano ay nawala ang bigat ng kaniyang nararamdaman.

"Wait lang. CR muna ako."

Tumayo agad si Celindra at pumunta ng comfort room. Nang matapos siya ay may nadaanan siyang medyo nakabukas na pinto at rinig na rinig ang tawanan ng babae at lalake na nasa loob. Napahinto naman si Celindra ng marinig niya ang tawa ng lalake. Pinakinggan niya itong mabuti hanggang sa sure na siyang ang lalake ay si Sam. Sumilip si Celindra at nakita niya kung gaano kaclose ang dalawang nasa kwarto.

Halos magdikit na ang mga braso ng dalawa sa pagkakaupo nila. Hinahampas pa ng pabiro ng babae ang braso ni Sam. Masaya silang nag-uusap na akala mo ay magkasintahan na nagdadate.

Humingang malalim si Celindra at pumikit. Nang dumilat na siya ay napagpasyahan niyang umuwi na lang. Habang nasa taxi si Celindra ay nagtext siya kay Linda at sinabing uuwi na. Pagkatapos nun ay pinatay niya agad ang cellphone.

Napasandal siya at pumikit, ngunit ang imaheng nakita niya kanina ay parang pinaglalaruan siya. Unti-unting bumibigat na naman ang kaniyang pakiramdam. Naramdaman niya rin ang unang pagtulo ng kaniya luha hindi dahil sa saya kung hindi dahil sa sakit. Nag-aaway sila pero hindi umaabot na mapapa-iyak siya. Ngayon, ang kauna-unahang pag-iyak niya at dahil pa iyon sa may kasama siyang iba.

Masakit. Sobrang sakit. Yung tipong parang tinutusok-tusok ang kaniyang puso. Yung feeling na pinipiga ng unti-unti hanggang sa hirap na siyang huminga. Yung sakit na hindi inakalang mararamdaman niya dahil kay Sam... Nangyari na... Masakit... Sobra...

Hindi niya alam kung paano siya nakapunta sa kanilang kwarto. Iyak lang siya ng iyak habang yakap-yakap ang unan ni Sam. Yinakap niya ito ng mahigpit at umiyak ng umiyak. Tanging mga hikbi at mahina na boses ni Celindra ang maririnig sa kwarto, na kahit ang makakarinig ay mararamdaman kung gaano nasasaktan si Celindra.

"Ayoko nito... Ayokong maramdaman 'to... Ayoko..."

"Masakit.. Ayoko na... Please.. Masakit.."

HIndi inakala ni Celindra na sobra sobra ang sakit na kaniyang mararamdaman. Masakit nung nalaman niyang may babae pa lang umaaligid kay Sam pero hindi niya alam. Masakit na malamang wala siyang kaalam-alam. Masakit na makitang may kasama siya iba. Mas lalo pang sumakit ng makita niyang masaya si Sam na may kasamang iba.

Mas lalong lumakas ang kaniyang paghikbi kasabay ng kirot na kaniyang nararamdaman.

Unti-unti namang nagbukas ang pinto at narinig ni Sam ang bawat hikbi at hinanakit ni Celindra. Lumapit siya dito at humiga. Yinakap niya si Celindra ng mahigpit. Imbis na tumigil si Celindra ng pag-iyak ay mas lalo lang itong humikbi ng humikbi.

Sobrang sakit rin ng naramdaman ni Sam ng makita niyang ganito ang nangyari kay Celindra. Hindi niya inakalang nanduon rin pala sila ni Linda sa restaurant. Hindi niya rin alam kung ano ang exactong nakita niya para umiiyak ng ganito si Celindra. Nang makatanggap siya ng tawag kay Manang Dona at narinig niyang umuwi ng umiiyak si Celindra ay agad siya lumabas at duon nakasalubong si Linda. Alam niyang mali ang ginawa niya at dapat umuwi muna siya para makapag-usap sila. Pero dahil may utang na loob na naman siya kay Keith, pumayag siyang sumama sa restaurant para kumain.

"I'm sorry..." Sam can say that. He didn't really know why exactly she is crying but he knew something must have happen. Sam made a great mistake that he will never forget nor do it again.

Celindra shifted her position and buried her head to his chest.

"I'm sorry.." Sam again mutters; "Let's talk okay?"

Finally, Celindra sniffed and nodded.

Celindra and Sam are in the bed hugging each other. Sam talked Celindra listened. Then, Celindra talked Sam listened. Nag-usap sila na para bang kwine-kwento ang mga nangyari sa kanila na parang kwentong nasa libro.

Ikwenento ni Sam ang kaniyang sariling point of view, kung saan duon nalaman ni Celindra ang totoong nangyari at kung ano ang nasa isip ni Sam sa mga pangyayaring iyon.

Nag-umpisa si Sam sa panahong kakabreak lang nila ni Ellen. Duon rin nagsimulang dumikit si Keith sa kaniya. Ngunit ang turing lang ni Sam kay Keith ay isang kaibigan at katrabaho. Sikat na modelo si Keith at mapili sa kaniyang trabaho, pero kapag kompanya nila Sam ang may kailangan sa kaniya, agad itong pipirma para makatrabaho si Sam. Keith likes him very much to the point that even she was shooed away, she will stick to him.

Sam didn't know what to do with her at all. He can't just ignore the company. And it all happened when Celindra wasn't in his life yet. Alam ni Sam na may ibang pagtingin si Keith sa kaniya kaya nung umpisa pa lang ay sinabi na niya kay Keith na hindi niya ito gusto. Nung naging sila rin ni Celindra ay sinigurado ni Sam na alam ng lahat sa kompanya na meron silang relasyon, para malaman na rin ni Keith iyon. Ngunit inakala ni Keith na hindi iyon totoo at ikinalat lang yun ni Sam para pagtabuyan siya.

Nang malaman ni Keith ang totoo ay humiling si siya na magdinner sila at mag-usap. Naging daan na rin yun para magkaroon ng closure si Keith. They both talk as a friend and had a good time. When Sam wanted to make an excuse to go home, that's when Manang Dona called. Ang bungad agad ni Manang Dona sa kaniya ay ang takot na maiyak-iyak nitong boses, na sinabing umiiyak si Celindra. Paalis na si Sam ng pinigilan ni Keith si Sam at tinanong kung may problema ba. Sinabi naman ni Sam ang totoo, dahil sa kabado at nagpapanic siya habang paalis ng restaurant. Iniisip ni Sam na baka nasugatan o may masamang nangyari kay Celindra, kaya mas lalo itong natakot at hindi mapakali.

Nang nalaman iyon ni Keith ay humingi siya ng patawad at sinabing, nakita niyang may sumilip sa kanilang kwarto at nagmadaling umalis. Bago niya pa nakita ang mukha ay nawala na ito. Akala ni Keith ay waitress lang. Hindi na pinatapos ni Sam ang pagkwekwento ni Keith at dumeretsyo sa parking lot kung saan niya nakita si Linda. Bago pa makabati si Linda ay pinatakbo na ni Sam ang kotse dahil sigurado na siya na baka mali ang nasa isip ni Celindra.

Sam finished his story and they switched roles. Celindra started her story. Sinabi niya kung ano ang naramdaman niya nung nakita niya si Keith. She felt jealous. At ang nakita niya kasi agad ay closeness nila. Kaya lumabas na siya para hindi lumala ang kaniyang nararamdaman. Nung hinabol siya ni Sam at napagpasyahang mag-uusap sila mamaya ay umayos na ang kaniyang lagay.

Pumunta siya sa opisina ni Maya para kausapin siya. Duon niya nalaman na kilala rin ni Maya si Keith. Maya didn't really want to tell her about it but she convinced Maya in the end. Keith is Sam's first girlfriend, a partner in work, a close friend and someone who pursued him for years. Sinabi ni Celindra that she blamed herself for not knowing it. She didn't even asked him anything about it. Celindra told him, she feels useless as a girlfriend. She got home and think it through. Her heart doesn't feel well.

Linda suddenly called and treated her a dinner. Celindra chose that restaurant, because she really love the food they made. Then, she heard laughter from a room when she went out of their room and felt the man's laughter is familiar. Nakinig siyang mabuti at sinigurado munang tama siya bago sumilip. Nang makita niya na totoo nga na si Sam yun ay hindi niya kinaya at umalis na lang bago pa siya umiyak sa restaurant. Hindi na sinabi ni Celindra kung ano ang naramdamam niya nung mga oras na iyon. Samantalang, alam na ni Sam na nasaktan niya si Celindra. Humingi siya ng patawad at sa wakas ay nakatutulog sila ng mahibing ng hindi nag-aaway.