Heather Sancia's POV
"Ma'am, may nagpapabigay po." Abot saakin ni Azel ng isang bugkos ng bulaklak.
"Nino?" Tanong ko.
"Naka hood po kasi, tyaka. Umalis po agad pagkasabing ibigay po sainyo."
"Ganun ba? Sige balik kana sa trabaho mo."
Tinignan ko ang bulaklak at nakitang may maliit na card, nakaipit. Kinuha ko yun.
Have a nice day, beautiful.
I'll just fetch you, so be ready at 8 pm.
Ps. Even if you, disagree.
-Your Gorgeous, Hot, Handsome, and MachoHusband.
😉Deneb Zeus Cubian😉
Napairap nalang ako. Tss. Pero infairness alam niyang Tulips ang favorite ko. Buti nalang, maganda pa naman itong idisplay...
Dahil bigay ni Deneb?
Dahil maganda yung bulaklak. Kainis tong utak ko kung ano-anong naiisip. Tss.
•••
"Gayle, pwede bang umuwi na tayo. Kanina pa tayo naglalakad, pagod nako." Ungot ko.
Nandito kami ngayon ni Gayle sa Mall. Nagpasama siya kasi daw may gusto siyang regaluhan. Pero hindi niya alam kung ano.
"Ihh, Heather. Kung tulungan mo nalang kaya akong mag-isip ng magandang iregalo."
"Dapat kasi tinanong mo nalang. Teka, kanina pa tayo dito pero hindi ko parin alam kung babae ba o lalaki yang reregaluhan mo."
"Duh, kasalanan ko ba. It's a boy... A man perhaps."
"Eh, kung t-shirt nalang kaya?" Tanong ko.
"He had many." Sagot nito.
"Watch."
"He had, collections."
"Calculator."
"He doesn't need it. Ano ba Heather. Yun naman kailangan talaga. Tss."
"Kailangan... Edi brief." Biro ko. Pumalatak naman siya, at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"That's a good idea! Heather. Salamat." Niyakap pa ko nito,bago pumunta sa Man Suitwear. Really?! Nagbibiro lang naman ako.
•••
Deneb's POV
Habang nag-aayos, para puntahan ang asawa ko ay may kumatok. Agad ko itong binuksan.
"Hi." Bati saakin ng isang pamilyar na babae.
"Yes." Tanong ko. Hindi naman ako snob, noh. Talagang nakakaagaw ng pansin ang aking kagandang lalaki ay dapat ipagmalaki.
But you already had a wife? Tss.
"I just want to give this to you. Deneb." Sabay abot ng kahon. Inabot ko naman yon.
"I heard kasi na birthday mo ngayon, and I just want to give you, a gift." This girl is interested on me, huh?
"Ahm, thanks. Ms?" Tanong ko.
"Gayle, Gayle Alexis Bisnar."
•••
Heather Sancia's POV
"Saan mo ba ako dadalhin." Bugnot na tanong ko kay Deneb habang nagmamaneho siya, papuntang I-dont-know-where.
Wala naman talaga akong balak sumama Kay Deneb. Pero bigla kasi siyang pumunta sa bahay kanina. Mabuti nalang at ako ang nagbukas ng pinto. At baka magtaka pa si Mommy at Dad. Kung ba't may lalaking naghahanap sakin. At hindi manlang ako nakapagbihis. I am now wearing my blue t-shirt and high waist jeans. Hindi pa kasi ako nakakabihis.
"Just wait and relax, wife." Kalmado nitong sagot.
"Siguraduhin mo lang na hindi ako magagalit diyan sa pinaggagawa mo." Sagot ko, I crossed my arms.
"Hindi ka magagalit, instead. You'll be entertain." Kampante nitong sagot.
Ipinark niya ang kaniyang sasakyan sa isang Comedy Bar?!
"Yeah, hahah. The best yan." Halos hindi ko na marinig ang mga joke ng mga comedian dahil sa ingay ni Deneb. Baka gusto niyang siya nalang ang naririnig. Tss.
"Your so noisy, Deneb." Irap ko.
"Kasi naman... nakakatawa talaga yung banat nila. Haha.." tsss.
"Tawang-tawang si papa hottie, oh." Pansin ng bakla kay Deneb.
"And I know it." Dagdag pa ni mokong, Deneb.
"Yiee, papa. Pwede ba kitang maging asawa?" Biro ng isa sa comedian.
"Sorry, pero may asawa na ako. Eto oh." Sabay akbay saakin. Namula ako at hinampas siya sa braso.
•••
"I hope, you had fun. Heather." Hinatid ako ni Deneb pauwi.
"Hmm, oo nalang." Kahit sa totoo'y naenjoy ko ang sandaling kasama ko siya kanina.
"Ahmm, wala bang good night kiss?" Nguso niya.
"Tumahimik ka, Deneb ah." Sabay talikod. Pero hinatak niya ang kamay ko at pagkalingon ko sa kanya ay hinalikan niya ako sa labi." Smack lang iyon, pero nabigla ako kaya natuod ako sa kinatatayuan ko.
"Dream of me, wife." Sabay pasok niya sa kotse niya at paharurot nito.
Damn. Nakaisa naman siya!
Halos magpagulong-gulong ako sa kama. Yikiess, nababaliw na ata ako. Bakit hindi ko makalimutan yung halik niya. Dapat nandidiri ako, pero hindi eh...
Stop it, Heather. Lumayo ka sa tukso. Lumayo ka!
•••
"Good morning, wife." Napatalon ang puso ko, nang marinig ko ang boses niya. Nandito ako ngayon sa restaurant ko. Nakaupo. Kairita.
Naiirita ka nga ba? Malisyosong sabi ng utak ko.
"Well kanina yun, nung wala ka pa." Irap ko. Natawa naman siya. I glared at him.
"Anong nakakatawa?" Inis kong tanong.
"You're so rude and mean to your husband, wife." He pouted. Grrr, so cute. What?! I mean is so katacute. Hrr.
"Stop that, hindi bagay." Don't pout again, Deneb. Please, nakakawala sa focus. Tssk.
"But mom, says na I was cute everytime, I pout." And he pout again, Damn.
Tinalikuran ko nalang siya. Suko na ko, hindi talaga ako mananalo sa isang toh. Tss.
•••
"So, baby, let's just turn down the lights🎶
And close the door🎶
Oooh, I love that dress🎶
But you won't need it anymore 🎶
No, you won't need it no more🎶
Let's just kiss till we're naked, ba..." I stop him. Ihh, nagiging green na ko.
"Deneb, can you stop that." It's uncomfortable, well he has a good voice, but the song. I mean the song was nice. But the meaning of it, makes me... Nevermind.
"Stop, what?" Inosente nitong tanong. Nandito kami ngayon sa office ko. Sumunod kanina ng pumunta ako.
"Stop singing." Sabi ko nalang.
"Bakit? Maganda naman boses ko, ah." Reklamo niya.
"Sinong may sabi? Para ngang palakang gutom yang boses mo, ang chaka." Pagsisinungaling ko.
"Ayaw pa aminin, eh. Nakakainlove noh." Tukso niya.
"Ambisyonado." Irap ko.
"Ayaw mo kong kumanta? Okay sige." Nakalma ako. Tumayo siya, akala ko lalabas pero, hindi eh..
"Teach me how to doggie,🎶
Teach, me teach me, how to doggie 🎶" Kanta ng phone niya.
What the heck?! Nasa harap ko lang naman ang mokong habang sumasayaw!