Tangen*! Kinikilig ba ko?! Seriously, Heather?!
"Aba, anak may girlfriend ka na?" Manghang tanong ni Tita.
"Wala." Simpleng sagot niya at lumabas.
•••
"Wife." Gulat akong napatingin kay, Deneb. Ilang araw na kasi siyang hindi pumupunta dito, sa restaurant ko.
"Naligaw ka ata." Simangot ko, pero sa totoo masaya ako, kasi nakita mo siya?
"I just want to personally give this to you." Sabay abot ng malapad na box. Ano to?
"Ano to?" Tanong ko.
"Sa bahay niyo, mo lang dapat buksan yan." Aba!
"Baka naman, delikado to. Mapahamak pa ko." Biro ko. Sumiryoso naman ang mukha niya
"I will never do anything, that will harm you, wife."I bite my lower lip.
"Deneb." Tawag ko. Napalingon naman siya. Seryoso parin.
"Thank you." Kita ko naman ang lihim na ngiti niya, bago magpatuloy sa paglabas.
•••
Excited kong binuksan ang regalo niya, Hindi ko pa naman birthday. Napatigal-gal ako sa nakita. Ako yun, I mean he painted me. Ako yun habang tulog. My face seems so peaceful. My gosh! Ang galing niya!
Tinignan ko yung card, na nakadikit.
'The woman, I want to be with. But she doesn't want me'
Parang inararo ang puso ko sa sobrang pagkabog nito. Mahal ko na ba siya?
***
Dahil sa sobrang tuwa ko sa painting ay, ipinalaminate ko pa ito at pinaframe. Ipinuwesto ko ito sa kwarto ko, para lagi mo
"Hi, happy day." Masaya siya, alam ko.
"Napatawag ka?" Tanong ko.
"Ihh, may date kasi kami ni Deneb mamaya, pwede patulong kung anong dapat kong suotin?" Whut??!!!
"Come again." Pagpapaulit ko. Nabingi na yata ako.
"May date kami mamaya ni Deneb!" Shit! Totoo?!
"Hoyyy, Heather buhay ka pa? Ano na? Tulungan mo ko, kung anong dapat kong suotin.
"Ah, ano... Saan kayo magdadate?"
"Sa restaurant mo."At...
"Ah... Anong oras?" Sagot ko nalang.
"12 pm. Yieh." Excited niyang sagot.
"Okay."
"Anong dapat kong suotin?"
"Yung damit na komportable ka." Sagot ko nalang. Ba't parang nasasaktan ako?
***
Mula dito sa pwesto ko, ay kitang-kita ko ang Pagpasok nina Deneb at Gayle. Deneb wearing a blue polo shirt and faded jeans, he's hot! And Gayle, wearing a fitted, dress! Na halos lumuwa na ang dibdib sa sobrang labas ng cleavage!
Ngisi-ngisi naman ang mokong! Wow! At ang gentleman niya pa. Talagang siya pa ang naglagay ng panyo sa harap ng babae! If I know nananantsing lang siya! Arghh!!
Nakatingin lang ako sa bawat kilos nila, hanggang matapos silang kumain. Yay! Ba't ko ba to ginagawa?!
Naging stalker pa ko. Nang sundan ko sila papuntang bahay ni Gayle. Mula rito sa kotse ko ay rinig ko ang bawat sinasabi nila.
"Thanks sa lunch date." She tiptoe and kiss Deneb IN HIS LIPS! inilayo naman siya ni Deneb. Pero kahit pa, masakit parin!
"I'm sorry Gayle, it's not what your thinking. I'm not hitting on you. I have a wife and I love her." I collapse (charrot jwk).
"You had a wife?!" Gulat na sigaw ni Gayle.
"Yeah, and she's here now." Tawa ni Deneb, Alam niya?! Bago pa ako, puntahan ni Deneb sa kotse ko ay pinaharurot ko, na ang kotse. Mabuti nalang at hindi saki'n tong kotse!
***
"Salamat pala talaga, Clark." Sabay abot sakaniya ng susi. Hiniram ko kasi ang kotse niya kanina, para hindi malaman nina Denb na sinusundan ko sila, pero nalaman lang rin pala niya, hayyys. Nakakahiya, baka, isipin niyang sinusundan ko siya. Bakit, Heather, diba't sinusundan mo naman talaga sila.
"It's okay, your welcome." Napakagwapo talaga ng ngiti ni Clark, crush ko nga yan nung highschool eh, pero may girlfriend naman na siya si, Sydney. Pero, kasal na siya ngayon kay Solenn
(A/N) [OUR BROKEN PROMISE, NASA TIMELINE KO.] •••
"I never thought na may asawa na siya." Umiiyak na sumbong ni Gayle, I'm sorry, Gayle. Kung alam mo lang.
"I love him, you know. Kahit sa sandaling panahon na pinansin niya ko, napaka paasa niya!" Sigaw na nito.
"Calm down, Gayle." Sabi ko nalang.
"Anong calm down, pinaasa niya ko Heather! Hintayin lang nila, at pag nalaman ko kung sinong asawa niya, magbabayad siya!" What?! Shesy crazy, wala naman akong kasalanan.
"Gayle, wag mo ng pakialaman pa yung tao, ano ka ba." Don't do that Gayle. You look so pathetic.
"No, humanda yang babaeng yun!" I sighed, I think I really have to prepare.
•••