Chereads / Breaking the Last Rule / Chapter 1 - Chapter 1

Breaking the Last Rule

🇵🇭loveisnotrude
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

CHAPTER ONE

"WILL YOU please stop ensuing me, Christian?!"

A week ago, I broke up with my three-year boyfriend, na ngayon ay ex-boyfriend ko na. But he's still ensuing me wherever I go at hindi na ako natutuwa ro'n. Since our break-up, hindi niya na ko tinantanan. Kahit nga ayaw ko, I already blocked his number to my contacts. Ayoko kasing magpalit pa ng sim card dahil sobrang hassle pa non kaya b-in-lock ko na lang ang number niya para tapos na. Pero ang mokong, pati lahat ng social networking site accounts ko ay hindi na niya tinantanan. Kaya no choice ulit ako kung hindi ang i-block siya pati ro'n. Kaya naman hindi na ko nagtataka kung bakit niya ko sinusundan kahit saan ako magpunta. Kung may block button lang din kasi na pwede kong pindutin para tigilan niya na ko sa pagsunod ay matagal ko nang pinindot. Nakakairita na kasi at hindi na nakakatuwa.

"I won't stop following you hangga't hindi mo ko binibigyan ng reasonable reason kung bakit ka biglang nakipag-break sa akin."

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya. Nagpeke muna ako ng tawa bago siya hinarap. "Seryoso ka ba sa dahilan mo kung bakit mo ko kinukulit?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"I'm more than serious, Nelly Elizalde Dominguez."

Fine. Mukhang seryoso nga siya. He even mentioned my full name na hindi niya naman madalas gawin at alam niyang ayaw na ayaw kong marinig.

"If you say so, Christian Tolentino Cascante," seryoso ko ring sabi sabay banggit ng buo niyang pangalan. "Ano ba kasing rason ang gusto mong marinig sa akin? Hindi pa ba sapat 'yong sinabi kong . . . hindi na kita mahal?" walang gana kong tanong while emphasizing the last sentence.

"Hindi," mabilis na sagot niya. "Kahit kailan ay hindi 'yon magiging sapat, Nelly. Ano, gano'n na lang ba kadali para sayo na bitawan ang tatlong taong relasyon natin?"

"Kung 'yan ang iniisip mo, nagkakamali ka. Because since I met you, wala na kong ibang ginawa kundi ang mahalin ka nang mahalin araw-araw."

"Oh, 'yon naman pala, e. Bakit bigla-bigla ka na lang nakipag-break?"

"Kasi nga nagising na lang ako isang araw na hindi na kita mahal."

"A-Ano?"

"Nagising na lang kasi ako, Christian, isang araw na hindi ka na maramdaman nitong puso ko. Na hindi na ikaw ang laman ng isip ko. Na yung pagmamahal ko sayo noon ay nawala na. Kaya sana naman, intindihin mo ko. Para rin naman sayo 'yong ginawa ko, e."

"Fuck, Nelly. Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Para sa akin? Paanong naging para sa akin?!"

"Kasi kung ipagpapatuloy ko pang lokohin ang sarili ko na mahal pa rin kita, pareho lang tayong masasaktan. Mas lalo ka na. Bakit? Kapag ba umabot tayo ng limang taon o sampung taon at do'n ko lang naisipang makipag-break ay papayag ka pa ba? Hindi naman, 'di ba? Kaya sana maintindihan mo na habang maaga pa, kinailangan ko nang tapusin ang relasyong 'to."

"Nelly . . . pwede bang bigyan mo ko ng isa pang chance? Isa pang chance na maparamdam ko sayo ulit kung gaano kita kamahal?"

"I'm sorry, Christian. Let's accept the fact na lang na hindi talaga tayo ang para sa isa't isa. Na may tao pang naghihintay para mahalin mo at mahalin ko. I'm sorry," pagkatapos kong sabihin 'yon, agad na kong unalis at iniwan siyang nakatulala.

I can't stand seeing him in that state. Pero ayaw ko namang sa huli na ako pa ang masasaktan at mahihirapan.

***

"Go, Cascante!" Hindi pa ko tuluyang nakaka-akyat sa gymnasium pero rinig na rinig ko na agad ang mga estudyanteng walang humpay ang pagsigaw sa apelyido ng ex-boyfriend ko.

"'Wag na kaya akong tumuloy?" bulong ko sa sarili.

Bilang requirements ko kasi kay Mrs. Donesa at parusa sa hindi pagpasok sa klase niya ay pinapagawa niya ko ng report para sa basketball practice ngayong araw. At dahil si Christian ang captain ng basketball team nitong Martins College, naghe-hesitate tuloy ako kung tutuloy pa ba ko o hindi. Syempre, kahit papaano naman ay nakokonsensya ako sa pakikipaghiwalay ko sa kanya a month ago. Alam ko kasing nasaktan ko talaga siya, e.

"Tama, magda-dahilan na lang ako kay Mrs. Donesa," muli kong bulong at imbes na umakyat papuntang gymnasium ay lumiko na ko sa kanan. Kaya lang pagliko ko ay hindi ko inaasahan na mabubunggo pala ako.

"Naman! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan!" inis na sigaw ko sa nakabunggo sa akin. Pagtingin ko, lalaki pala. DESCRIBE CYRUS.

"Sayang naman 'yang mga mata mo at hindi mo ginagamit nang maayos." I shouted again.

"Bigla-bigla ka kasing sumusulpot kaya hindi kita nakita. Isa pa, ang liit-liit mo kaya," sagot niya na siyang mas kinainis ko pa. Imbes na mag-sorry, nanisi at nanlait pa ang loko. Iba rin 'to, ah.

Tumayo na 'ko dahil mukhang wala naman siyang balak na tulungan ako. Hay. Mga lalaki nga naman ngayon. Nawala na ata sa bokabularyo nila ang salitang 'gentleman'.

"Nakakahiya naman sa katangkaran mo, Mister!" I sarcastically said.

"Cyrus. My name is Cyrus," he said, grinning.

"And so?" I arched my brow. "Did I ask for your trashy name?"

Hindi agad siya nakasagot kaya natawa ako nang palihim. Ako pa kasi ang kinalaban niya, e. Supalpal tuloy siya nang wala sa oras.

"You have an attitude, ah. I like that," he playfully said while grinning at me.

"Like your face!" inis na sambit ko bago siya talikuran at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Sandali lang, Miss Sungit na hindi naman katangkaran at kalakihan ang hinaharap!"

Nakaka-ilang hakbang pa lang ako nang marinig ko ang isinigaw niya. Hindi ko tuloy napigilan na mag-init ang ulo ko dahil doon. Hindi katangkaran? Hindi kalakihan ang hinaharap? Aba, gulo ata ang hinahanap ng isang 'to, ah!

Pagharap ko, kitang-kita ko ang pagpigil niya sa kanyang tawa. Pagtingin ko tuloy sa paligid namin, gusto ko na siya agad sugurin at paulanan ng suntok at tadyak. Paano ba naman, halos lahat nang nakarinig sa sinabi nitong antipatikong 'to ay nagpipigil na rin ng tawa habang nakatingin sa direksyon ko.

"Pwede bang ituro mo muna sa akin kung nasaan ang President's Office?" he asked.

Ang lakas talaga ng loob ng lalaking 'to. Hindi ba niya ko nakikilala? At kailan pa ko naging tanungan, ha? Teka—baka naman kasi hindi siya rito nag-aaral. Ngayon ko lang din naman kasi nakita ang pangit niyang pagmumukha, e. Pero kahit hindi siya rito nag-aaral, hindi siya exempted sa rule ko. Ang huwag na huwag akong babanggain at papainitin ang ulo.

"Hindi ko alam!" I angrily replied. "At kung alam ko man, wala akong balak sabihin sayo. Antipatikong akala mo kung sinong gwapo."

Nagpatuloy na ko sa paglalakad at hindi na lang pinansin ang bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Dumiretso na ko sa classroom dahil ilang minuto na lang din ay Creative Writing na namin. Mahirap nang mapagalitan muli ng napakasungit kong instructor sa subject na 'yon at baka hindi na sa Guidance Office ang bagsak ko kundi sa Dean's Office na mismo.

"Oh, Ma'am Trisha, ayan na si Dominguez, oh!" pagpasok ko sa classroom ay 'yan agad ang bungad sa akin ng isa sa mga kaklase ko.

Okay. Anong meron? Ano na namang ginagawa ni Trisha rito? May nagawa na naman ba ko na labag sa rules nila?

"Hey, Nelly! Nice to see you again," nakangiting bati sa akin ni Trisha, 'yung secretary ng dean ng College Department namin—na sa sobrang dalas kong napapatawag sa guidance office ay naging close ko na. Siya kasi lagi ang nagsusundo sa akin pagtapos akong kausapin ni Mrs. Buenavides. "Pinapatawag ka—"

"Ni Mrs. Buenavides na naman? Ano na namang kasalanan ang nagawa ko?" bulong ko sa kanya paglabas namin ng classroom.

"Hindi si Mrs. Buenavides ang nagpapatawag sayo this time, girl," natatawang sambit niya.

"Hindi si Mrs. Buenavides? Seryoso ba 'yan?!" excited na tanong ko. Salamat naman kung gano'n. Pero sino naman at bakit kailangan pa kong ipasundo kay Trisha? "Kung hindi si Mrs. Buenavides, sino ang nagpapatawag sa akin?" medyo kinakabahan kong tanong. Para kasing may hint na ko, e.

"Si Mr. Martin."

Awtomatiko akong napatigil sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ng may-ari at presidente nitong eskwelahang pinapasukan ko. "S-Si M-Mr. Martin?"

***

"Kinakabahan ako, Trisha," seryoso kong sabi nang makarating na kami sa harap ng pintuan ng President's Office. Kahit naman kasi puro kalokohan ang pinaggagawa ko rito school, never pa kong napatawag ni Mr. Martin. Hanggang sa guidance office lang ako at si Mrs. Buenavides lang ang lagi kong nami-meet and greet.

"Don't worry, girl, kaya mo 'yan."

Hindi naman ito ang unang beses na makikita ko si Mr. Martin pero ito ang unang beses na personal niya kong pinatawag at makakapasok sa opisina niya. Shit naman! May malaki ba kong kasalanang nagawa na hindi ako aware? O baka naman may nag-prank sa akin na hindi ko man lang nalalaman? O baka nadawit na naman 'yong pangalan ko sa isang malaking gulo?

Napaayos agad ako ng tayo nang kumatok na si Trisha at pinapapasok na kami ni Mr. Martin sa loob. Boses pa lang, nakakakaba na.

Pagpasok ko, isang flash ng camera ang bumungad sa akin. "Oh, sorry for that," pagsasalita nung lalaking may hawak-hawak ng DSLR.

"Good morning, Miss Dominguez," napatingin ako kay Mr. Martin nang batiin niya ko at banggitin ang apelyido ko. Naku talaga . . . "Cyrus, stop that at maupo ka na. You too, Miss Dominguez, you may now take your seat."

Napatingin ako ro'n sa lalaking may pangalang Cyrus at laking gulat ko na lang nang maalala kong siya 'yong lalaking nakabungguan ko kanina sa hallway. Mukhang namukhaan niya rin ako dahil muli na naman siyang napangisi sa gawi ko.

"I know you're wondering why are you here, Miss Dominguez," muling pagsasalita ni Mr. Martin. "Well, may proposal lang naman ako sayo na hindi mo pwedeng tanggihan."

"P-Proposal po? Ano pong klaseng proposal? At bakit hindi ko po pwedeng tanggihan?"

"Himala at ang bait mo ata ngayon," pabulong na komento ni Cyrus kaya inirapan ko siya. Pasalamat siya nasa harapan kami ni Mr. Martin kung hindi nasuntok ko na ang pagmumukha niya.

"Cyrus, tumahimik ka diyan dahil hindi naman ikaw ang kinakausap ko."

Palihim akong natawa nang pagalitan siya. 'Yan, ang kulit kasi. Pabibo.

"Pero bago ko i-explain sayo ang proposal na sinasabi ko, I just want you to meet Cyrus Villafania, he's the exchange student from our sister's school in States, the Olivers College. And Cyrus, meet Miss Nelly Dominguez."

Iniabot niya ang kanyang kamay sa akin para makipag-kamay at dahil nasa harap namin si Mr. Martin at mukhang naghihintay din siya ay labag sa loob ko na lang itong inabot. Pero sinigurado kong tatlong segundo lang ang itinagal nang pakikipag-kamayan namin. Mahirap na kasi at mahawaan pa ako ng germs niya, 'no. Germs ng pagiging antipatiko.

"Like what I'm saying, I have a proposal to you. Ikaw lang naman kasi ang napili ko para maging student buddy nitong si Cyrus habang nandito siya sa Martins College."

"Student buddy? Paano pong student buddy?"

"Sa buong semester na pananatili niya rito, kailangan mo siyang bantayan at samahan. Sa lahat ng magiging klase niya, kailangan nasa tabi ka niya. Pati na sa mga gusto niyang gawin dapat nakabantay ka."

"In short, magiging instant body guard niya po ako?"

"Parang gano'n na nga."

"I'm sorry, Mr. Martin—"

"Hindi mo na kailangang mag-thesis at mag-take ng finals examination, in exchange sa pinapagawa ko. In short, sigurado na ang pag-graduate mo despite of all the guidance records you had. Isa pa, naayos ko na ang schedule mo. Hindi mo na kailangang pumasok sa mga subjects na hindi kayo sabay ni Cyrus dahil nga kailangan nasa tabi ka lang niya. At dito lang naman sa loob ng campus mo siya kailangang bantayan."

Hindi ako nakapagsalita agad nang banggitin niya ang tungkol sa mga guidance records ko rito sa Martins College. Eh, mukhang wala na talaga akong choice nito kung gano'n. Hays. Isang buong semester na babantayan ang antipatikong 'to? Good luck na lang sa akin.