Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Virtual Feelings

SCRoyalty
--
chs / week
--
NOT RATINGS
17.3k
Views
Synopsis
Virtual Feelings Description RPW- Role Playing World. Ilan na nga ba ang nakakaalam ng mga salitang ‘yan? Mga terminong pamilyar ngunit bago. Mga salitang naririnig ng magkakahiwalay, ngunit ngayo’y magkakasama. RPW, RPA, CRP, BRP, GRP, AU at iba pa. Lahat ng ito ay bago para kay Ara. ‘Ni hindi niya alam kahit ang salitang dummy account sa sobrang ‘pagkahilig’ niya sa mga social platforms. Hanggang sa kulitin siya ng kaniyang bestfriend na buin ang katauhan na Sunny Somni, isang alternative universe (au) writer na biglang sumikat sa buong RPW dahil sa mga kakaibang kwento, simula pag-ibig, hanggang sa mga komplikadong fantasy stories. Simula ng magkaroon ng pangalan, sa virtual world, dumagsa ang nais makipag-virtual rs sa kaniyang katauhan, o pakikipagrelasyon. Ngunit kailanman, sinoman, wala siyang pinatulan. Kahit anong kantyaw ng kaibigan niya sa kaniyang subukan ito. Hanggang sa makilala niya ang isang IC wattpad character na si Corvan de la Rosellevienne, na siyang babago sa kaniyang tunay na mundo, at buhay sa internet.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Prologue

"Ito na, 'wag kang magmadali!" Nakaangat na ang kamay ni Aurora, a.k.a. Ara, tanda ng kaniyang pagsuko sa pangungulit ni Yvonne, Yve for short.

"Ang bagal mo naman kasi momsh. Uso kasi bilisang magtype. Kala mo naman talaga mabagal magtype, eh ikaw nga 'tong may pinakamataas na words per minutes sa room. Kala mo 'di pa nawawala 'yung tampo kong 'di mo sinabi sa'king nagsusulat ka ng story?!" pagmamaktol ng kaibigan. Napairap na lang si Ara sa haba ng sinabi ni Yve at sa mga reklamo nito.

Bago pa lamang ang pamilya ni Ara sa lugar, at bagong lipat lang din siya sa paaralan kung saan naging kaclose niya si Yve. Grade 10 sila ng magkakilala, at ngayon nga'y magkaklase padin sa Senior High School, sa kursong ABM. Parehas nilang napagdesisyonan na hindi sila maghihiwalay ng klase hanggang college, kaya napagkasunduan nilang kunin ang kursong parehas nilang kaya at gusto. Kaya kahit engineering ang unang choice ni Ara, lumipat siya ng ABM kung saan parehas silang magaling ng kaibigan sa asignaturang Math.

"Oo na, oo na. Anong pangalan?" naiinis niyang tanong sa kabigan. Nandito sila ngayon sa kwarto niya, katabi ang kaibigan sa kama habang nakaharap sa kaniyang sariling laptop at gumagawa ng isang account sa facebook.

"Ano bang maganda?" malakas na tanong ni Yve habang nakalagay ang kanang kamay sa baba, waring nag-iisip.

"Malay ko sa'yo. Ikaw itong nag-aayang gumawa eh," nakangusong sambit ni Ara at inirapan si Yve.

"Edi ito na lang, tutal Aurora ka naman, at kulay blond ang buhok ni Princess Aurora sa Sleeping Beauty, Sunny na lang pangalan mo. Tutal sunflower naman ang pinasikat na yellow flower. Tapos… hmmmm… sa apelyido naman." Napaisip na rin si Ara kasabay ng kaibigan.

"Ano ba? Ahhhh, alam ko na!" Gulat na napatingin si Yve kay Ara ng mapasigaw ito.

"Kakagulat ka naman momsh, gaga!" sabi ito at masama ang tingin kay Ara. "Oh, ano ng naisip mo?" dagdag nito.

"Ano ang tawag sa fear of sleeping?"

"Isn't it Somiphobia? Wait, search ko lang… Siri, term for fear of sleep?" Naghintay sila ng ilang segundo bago lumabas ang searches na makikita sa google sa siri. "Somniphobia daw," basa ni Yve sa lumabas na resulta.

Napaisip naman si Aurora. "Edi Somni na lang, Sunny Somni!" Napatili naman si Yve at approave na approve sa pangalang naisip nila. Natapos ang araw na tinuruan siya ni Yve patungkol sa port, fan service at iba pa, lalong-lalo na ang mga bagay na importante sa mga au writers, na siyang magiging career ni Ara sa mundo ng internet na pinili niya at ng maingay na kaibigan.