Chapter Two
Pagdating sa classroom ay nagulat kami ng malamang may transfer student sa kalagitnaan ng klase. Hmmm… first sem pa lang naman, at kalahati pa lang ng midterms, hindi pa naman huli kung lilipat siya. Pero ba't ngayon lang? Chismosa lang, Ara? Magtigil ka nga.
Mamaya pumasok siya at nagpakilala. Lalaki- gwapo, matangkad at mukhang nagbubuhat dahil medyo malaki ang katawan. 'Di naman sobra, sakto lang para magmukhang pleasing. Medyo maitim ang balat niya, Pilipinong-Pilipino kung baga. 'Yung balat na laging naarawan, gan'un. Pero bagay naman sa itsura niya. All in all, para siyang rugged male lead sa isang Jonaxx story. Hindi nga lang sobrang nakadepina ang jawline niya, pero pwede na din.
Sikat agad siya sa batch namin, kahit sa lower grade levels. Pa'no ba naman kasi, worth crushing over daw. Hay naku. Gwapo nga, masungit naman. Sinubukan kasi siyang kausapin ni Yve, pero napakaikli ng sagot, 'ni hindi ngumingiti. Kaya ng magtama ang mga mata namin, napairap ako ng wala sa oras. Aba, nginisihan lang ako ng hinayupak.
Dala-dala ko ang kabadtripan ko hanggang bahay. I lost interest in updating anymore, but I have to, because I have a some solid fans that always wait for my updates. So I tried to relax and listen to music while reading my last two chapters. Malapit na matapos ang series na 'to kaya kailangang pag-igihan ko. I don't want them to feel dissatisfied . Ayoko ng medyo expected na ending, pero ayoko din silang madisappoint.
I tried to dive right in my zone so I can focus wholeheartedly in my last five chapters. Sinubukan kong gawan ng outline and last four at ginawa ng buo ang ipopost ko ngayon. If I want to amaze them with the ending, ngayon pa lang dapat pag-isipan ko na 'yung pinakahuling twist na ibabato ko. And I need to make sure it won't mess up. I don't want plot holes in my stories. I hate it more than I hate having grammatical errors in my works. Kailangang smooth lang ang transition ng bawat scenes.
After doing so, nagmadali akong mag-edit ng picture. After that, by 7:01, I posted my update and reread it. Kahit may ilang errors akong nakita, hindi ko na lang pinansin. I have Sunday for my error correcting day. After a few minutes, agad na nagpop ang pangalan ni Corvan. He's early. I thought he'll be late again. Whatever, ano bang pakialam mo Ara?
So I log out after liking his comment and saw Yve liking my update. Agad akong nagsubsob sa paggawa ng assignment. Nakatulog ako habang gumagawa, kaya naman maaga akong nagising. Kaso hindi ko din natapos lahat. Buti na lang, inuna ko 'yung mga ipapasa agad bukas. I still have break time to finish one of my assignments. Ang iba bukas pa naman ipapasa, kaya okay lang.
Agad akong umalis matapos mag-ayos. Nagdala na lang ako ng pagkain para habang naglalakad ay may manguya ako.
On my way to school, biglang may isang big bike ang humarurot sa tabi ko. The engine sounds good, but it was too loud kapag malapitan. I feel like I turn deaf or something. Bwisit. Tumama pa sa mukha ko ang usok ng tambutso.
Hanggang makarating ako sa school, nakabusangot ako. At mas nainis ako ng malaman ko na estudyante ng school namin ang bwisit na nakamotor kanina, at 'yun 'yung hinayupak na transferee kahapon. Nakangisi pa ang gago habang nakaupo sa motor niya. Argh! Nakakabwisit talaga.
Nagmartsa ako papalapit sa kaniya. "Hoy! Ikaw 'yung kanina ano?! Gago ka ba? Bulag ka? Hindi mo ba nakita na naglalakad ako sa gilid, bwisit?!" Nanggigigil na sigaw ko sa kaniya.
Tumawa siya ng mahina na mas nagpainis sa'kin. "Pinagsasabi mo? Nadaanan ba kita kanina? Ay sorry, liit mo kasi, I didn't see you." This fucker knows how to piss me off, big time! Bwisit! Bwisit!
"Maliit nga at least maganda! Ikaw?! Gwapo ka nga, matangkad, kung makaharurot ka naman sa daan kala mo pagmamay-ari mo, nambubuga ka pa ng usok! Bastos! Argh!" Sinamaan ko siya ng tingin at dinuro-duro.
Mas lalo siya natawa. "So you think I'm handsome?" Natigilan ako. Shit! Did I really said I find him handsome? Tanga mo, Ara! My god!
"A-Ano naman ngayon?! Bahala ka nga diyan?!" Parang naglaho ang inis ko ng biglaan at napalitan ng pagkahiya. Kaya naman umalis na ako at tumakbo bago pa ako may masabi pang iba. Shit talaga, nakakahiya ka, Ara!
Buong araw ko iniwasan ang hinayupak, na nakalimutan ko na ang pangalan. Bwisit na lalaki. Nakakainis! Napakapresko ng hinayupak kala mo naman kung sino!
Okay, tingin ko naman may dahilan siya para magmayabang. Matalino pala ang gago, I mean, matalino pala si Trevor. Yes, nalaman ko na ang pangalan niya n'ung nag-attendance kami kanina. Trevor Peter Delos Santos. Apakahaba amp.
Seriously, I'm not the kindest girl, but I'm not like this normally. Dahil sa kaniya, nakailang mura na ako ngayong araw. Nakabusangot din ako the whole day. Even Yve was asking me what's wrong because this is the first time she's seen me like this. Bwisit kasi 'yung lalaking 'yun aaaaargh!
Breaktime came and I ate while doing my homework. And unfortunately, Trevor walked pass us and Yve saw him. Being the friendly girl she is, inaya niya ito. Of course, Trevor is still new here, at naging mailap ang mga lalaki sa kaniya dahil sa aura niya at biglang pagsikat. Girls flock to his side, except me and Yve. So wala pa talaga siyang friends.
Actually, the main reason why Yve's trying to befriend Trevor, is that she came to know Trevor is Hunt's cousin. Hunt has always been Yve's crush since high school. Back when we were in 10th grade, before we became close friends, she told me that Hunt is hers and if I like Hunt I should back off. I was shocked and so confused that time. Bigla ka ba namang lalapitan para lang takutin. I was so afraid I thought about changing school again. Buti na lang nilinaw niya the next day na hindi ko naman kailangan matakot. She said she just found me pretty and she got defensive a little because I'm Hunt's type. Not the he likes me, but I'm like those girls he usually dates, which is very opposite of Yve. At the end, we became pretty close, and told me that if I like Hunt, it's okay. She treasures our new found friendship more than her 4 years one-sided love for Hunt, she said.
Anyway, dahil sinabi kong hindi ko talaga type si Hunt, pinagpatuloy niya ang paghahabol dito. And now, she found a way to woo Hunt through Trevor. I don't know how though. I just let her be. As long as she won't hurt so bad and self-destruct, I guess she can pursue Hunt.
Akala ko hindi papayag si Trevor na umupo kasama namin, but he did. So now, I'm awkwardly eating while doing my homework. 'Ni hindi ako makatingin sa kaniya kasi I saw him looking at me, and still feeling his stares.
"So, how do you find our school so far?" tanong ni Yve bilang paumpisa ng usapan.
"Your school?" takang tanong ni Trevor. I tried to sneak a peek on him but immediately regretted it and look back at my notebook.
"Ah yeah. Actually, this is Ara's Aunt's school. Pero si Ara ang tagapagmana." I looked at him and saw hin looking at her in disbelief before looking back at me so I immediately looked away. "When we became close friends, I kinda asked my parents if they wanted to invest here kasi plano namin ni Ara na dito magsenior high. They find it a good investment and long story short, we became part owner of the school now. Anyway, so how's it?" mahabang paliwanag ni Yve dito. Namula naman ako ng maramdaman ko padin ang tingin niya sa'kin. What's wrong with this jerk? He makes me so uncomfortable. Shit!
"I didn't know I'm sitting with the future owners of the school." Muli akong sumilip ng tingin sa kaniya at nakita ko ang ngisi niya habang nakatingin sa'kin. Dahil doon, nagtama ang mata namin at agad ko siyang sinamaan ng tingin. I can't keep looking away the whole time. Muli siya tumingin kay Yve. "Well, I can see why your parents invested here. Puro elite students dito, mayayaman. And everyone's really fond of the school dahil kumpleto sa facilities and the teachers are also good and pleasant looking and are very approachable. Kaya hindi nauubusan ng students na gustong pumasok." Nabigla ako ng bigla ulit siyang tumingin sa akin. "You got a good school, Aurora." Ngumiti siya sa akin at kumindat na labis na nagpagulat sa'kin.
Argh! Bakit ako kinikilig sa hinayupak na'to?! Bwisit ka talaga, Trevooooor! You bring the worst out of me! Argh!
A/N: UNEDITED