Chereads / Death Kill Academy / Chapter 2 - Kabanata 1

Chapter 2 - Kabanata 1

Kabanata 1: School

#Death University

****

(Hayden Zyrienne Pov)

Hello people! Ang hyper ko talaga ngayon eh. Paano ba naman first day of school ngayon and then guess kung saan kami mag-aaral. Malalaman niyo rin. Ang daldal ko talaga haha.

3pm hanggang 10 pm ng gabi ang klase namin. Diba ang saya nakakasawa pag laging umaga. Saka ako yung tipong tao na hindi nagigising ng maaga kahit na may alarm clock. Saka sira na ang Alarm Clock ko kahapon.

(Kring..... Crissa Calling.)

Sinagot ko ito.

Ano naman kaya ang sasabihin nito?

["Hello Crissa"]

pasalamat ka Crissa good mood ako.

["Hoy! babae wala ka bang balak na pumasok"]

Tss wagas maka-hoy ng isang to. Ano bang masaya sa first day of School? Excited yata ang loka sa mga lalaki psh.

Bwiset na babae to malamang may balak akong pumasok. Saka hindi dapat ipahalatang excited haha bagong experience gabi ang klase.

["Siyempre papasok tss"] tinatamad na binaba ang tawag. Hahaha ang bad ko naman. Saka sanay na sila sa ugali ko na pinapatay ang tawag.

Nakakapagod magsalita.

Okay lang na sabihin niyang wala akong modo.

Pumasok ako sa banyo at ginawa ang morning rituals ko.

Habang nagliligo ay hindi ko mapigilan na magkuwento.

Sa aming pamilya ako ang bunso may kapatid akong babae pero hindi ko alam kung nasaan siya wala na nga akong balita sa kanya.

Busy naman ang magulang ko sa company nila. Tss puro sila Business.

Matapos na ako sa pagligo ay nagbihis na ako ng school uniform. Nasa hagdan palang ay naamoy ko na ang paboritong kung ulam at iyon ay ang....

Pakbet!

Lalo na yung sitaw.

"Hayden kumain ka na" sabi ni Yaya Mariel sa akin. Mabuti pa si Yaya nandito sa tabi ko kahit na wala kaming blood related.

Siya na ang nag-alaga sa akin simula pagkabata.

Ang bango ng amoy ng pakbet. Hindi ako maarte sa pagkain. Lahat ng pagkain ay kinakain.

"Opo amoy palang natatakam na ako"

Umupo ako sa hapag kainan.

Tumawa nalang siya at hinanda ang almusal ko. Feeling ko siya na ang nanay ko.

Tumingin siya sa akin na may halong pag-alala. Anong meron?

"Hayden. Sigurado kaba na kaya mong gabi ang klase niyo?"

tanong niya sa akin.

nagtitimpla kasi siya ng Juice.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Akala ko kung ano na.

"Oo naman eh wala naman mangyayaring masama sa akin"

pinagpatuloy ko ang pagkain.

Matapos kong kumain ay nag paalam na ako sa kanya.

Tumango siya at sinabing mag ingat ako.

Si Yaya talaga napakaparanoid.

Sumakay ako sa school bus.

Sa likod ako umupo. Actually hindi ko pa nakita ang DU si Micca kasi ang nag-enroll sa akin. Kaibigan ko na uhaw sa mga feeling gwapong lalaki.

Napatingin ako sa dalawang babae na nag-uusap.

Lovelife siguro ang topic nito or mga feeling gwapo tss.

"Nakakaexcite pumasok ngayon" sabi nung babaeng mataas ang buhok. Habang nagsusuklay. Ayos naman ang buhok niya kaya bakit pa siya nagsusuklay?

Nakinig lang ako sa usapan nila.

"Bakit naman?" tanong nung babae na maliit ang buhok. Habang tumitingin sa salamin. May magbabago ba kapag nanalamin ka?

Hindi ba sila aware na may nakakarinig sa sinasabi nila? O baka naman sinasadya nila?

"Kasi girl. May gwapo tayong mga classmate"

Kinilig pa talaga sila at tumili. Tama nga ang hula ko psh. Kaya pala ang ganda mag-ayos ng sarili dinaig ang mga artista. Sabagay ako lang naman ang hindi marunong mag-ayos.

"Talaga?"

Tsk. Lalaki pa rin ang habol ng dalawang toh! Hindi ba nila alam na yung magulang nila ay halos mapagod sa paghahanapbuhay para sa kinabukasan nila tapos ito ang ipapalit nila.

Anong pinaglalaban mo Hayden?

Mga kabataan talaga ngayon

Ang bitter ko naman pakinggan. Tsk basta aral muna.

Ika nga nila.

'Study First before you Enter The Kingdom of Love'

Ako lang yata ang naniniwala sa kasabihan na iyan. Nalaman na kasi ang ibang kabataan sa pag-ibig.

Hindi ko manlang napansin na nasa harapan na ako ng school. Which Means Death University Pangalan palang halatang exciting na.

Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kalaking paaralan. Yung parang sa Harry Potter.

Lumakad ako papasok. Medyo marami na ang tao. Mukhang hindi pa papasok sa room nila. Tss may hinihintay yata ang mga ito. Halos babae rin ang naghihintay dito.

Tumingin ako sa phone at.... Kyaah it's 3:30 na. Taena late na ako. I need to run fast.

Tumakbo ako ng mabilis malalate na kasi ako dire-diretso lang ako sa pagtakbo.

*Bogsh*

Ang sakit. Binangga ako ng isang ungas.

Hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy ang pagtakbo.

"Hey Miss Frog! "

Kailan pa ako naging palaka? Ang sarap patulan kaso malalate na ako. Humanda ka lang talaga sa akin.

Bahala ka sa buhay mo. Saan ba kasi ang building namin? Tsk buhay naman oh

****

(Crissa Mae Pov)

May pumasok na isang lalaking matangkad. Tss akala ko si Hayden.

Nasaan na kaya si Hayden?

patay talaga siya sa prof namin. Sinabi ko naman sa kanya kanina na malalate siya pero binabaan lang niya ako ng tawag.

Sabagay ganun naman talaga si Hayden.

"Okay introduce-" naputol ang sasabihin ng Prof namin ng pumasok si Hayden.

Ano kaya ang sasabihin niya? Ang hirap kaya sakanya ang salitang 'Sorry'

"Ma'am i'm late" Sabi niya at yumuko pa. Tama nga ako walang salitang 'Sorry'.

Tsk ang sarap pagtawanan ng isang to pero saka na pag walang prof.

"Its okay take your seat" Mabuti nalang at mabait ang prof namin. Para kasing walang galang si Hayden.

Umupo naman si Hayden. Hindi parin siya nagbago laging late parin. Sabi ng ibang tao.

'People Change'

Pero sa kaso ni Hayden malabo.

Ako naman ay napatingin sa mga classmate ko sana wala akong kaklase na maarte.

Dito kami sa likod na kaupo hindi kasi kami yung tipong na tao na sipsip sa teacher. May talino naman kami pero hindi na kailangan na maging sipsip. Ang yabang naman namin

"Class please intoduce yourself" marami akong narinig na nagrereklamo.

kasama na ang katabi kong KJ.

Ang bilis talaga mainis ng isang to. Dinaig ang batang nagrereklamo.

"Bakit kailangan pang magpakilala? Hindi naman tayo elementary grade 10 na tayo"

Panay reklamo ng isang to ah.

Bumulong ka pa na narinig ko naman.

Ayun nagpakilala na ang iba ng may nakaagaw ng atensyon ko. Ang gwapo niya kasi mukhang may kamukha siya. Boy hunting na naman ako.

****

(Hayden Zyrienne Pov)

Introduce introduce pang nalalaman. Kailangan pa ba yan? Saka bakit kailangan pa malaman ang pangalan ng iba. Hindi naman ako interesado sakanila.

Si Micca na pala ang magpakilala. Friend ko na uhaw sa lalaki.

Ikakaunlad ba yan ng Pilipinas. Nasaan ang Hustisya?

Nagsigawan ang mga kaklase kong lalaki na dinaig pa ang nanalo sa lotto. Mga siraulo.

"Hi Everyone My name is Micca Lim i hope we can be friends" sabi niya at ngumiti pa. Dinaig pa ang nagcommercial sa close up.

Makafriends to wagas.

Nagmukha siyang paniki.

Umupo ito at si Kathleen naman ang tumayo. Kaibigan ko na ubod ng sungit. Same kami haha.

"I am Kathleen Yesha that's all thank you"

Sabagay nakakapagod magsalita ng mahaba. Okay? Maganda ang pagpakilala niya. Si Jess na pala na playgirl.

"Hi everyone my name is Jeseryll Flores you can call me Jess! nice to meet you" *wink*

ngumiti pa at nagbow. Bakit may bow pa? Akala niya siguro nagtula siya.

Naghiyawan naman ang mga kaklase kong lalaki. Mga jerk. Katawan lang ang habol sa isang babae.

Si Crissa na pala then ako ang sunod. Ang babaeng hilig mambulabog sa akin.

"Hi my name si Crissa Mae Imperial. Nice to meet you all"

Napangisi nalang ako.

May narinig pa akong sumipol. Ang bastos naman ng taong yun.

Tumayo ako at tumingin sa kanilang lahat. Makangiti ang mga lalaki ng wagas na akala nila nagustuhan ko.

Napako ag atensyon ko sa lalaking nakaupo sa likod.

Nakangisi ito sa akin. Problema nang gago na ito? Anong akala niya sa akin mahuhulog sa charms niya. Asa siya!

Badboy na Manyak.

***

P/S: Sino kaya ang nakita ni Hayden?

So guys marami ang nagbago.

-@missHYchii