Chereads / Death Kill Academy / Chapter 7 - Kabanata 6

Chapter 7 - Kabanata 6

Kabanata 6: Why do you Ask?

#Death University

****

(Hayden Zyrienne Pov)

5pm na pala. Alam niyo naman kung ano ang mangyayari sa 6pm. Hanggang ngayon ay wala parin akong alam sa mga nangyayari dito. Puro lang ako isip at hindi ko naman ginagawa.

Hello may mamatay na naman tsk. Kailan kaya ako masasanay? Parang daily life ko na ito.

Naglalakad ako dito sa may field mag-isa lang ako.

Gusto ko malaman ang lahat.

Ayaw kong mamatay ako na walang alam sa nangyayari. Ayaw kong tumanganga lang at pinapanonood ang nangyayari.

Paano ba kasi makalabas dito?

45 nalang kami dito.

Tatlo na ang namatay.

Bakit parang lumamig? Hindi naman malakas ang hangin ah.

Sh*t parang ang creepy yata. Niyakap ko ang aking sarili habang nagmamasid sa paligid. Baka may something sa paligid eh.

"Hayden. Hanapin mo ang libro"

sabi nang tao laging nagpapakita sa akin. Mapapansin sa boses niya ang lamig at parang napakalalim. Hindi naman ako natakot kasi alam kong hindi siya gagawa ng masama.

Nakatalikod siya sa akin. Kailan kaya sila matatahimik? Ayon sa nalaman ko na tatahimik lamang ang isang kaluluwa kapag nabigyan ng hustisya.

Napansin ko na ang lungkot sa mata niya at bakit kilala niya ang pangalan ko? Famous na pala ang pangalan ko pati ang patay ay alam. Siguro kilala niya ako dati o nakita na niya ako dati kung alam niya ang pangalan ko.

"Sino ka? Anong meron sa libro?" Sinusuri ko siya gamit ng aking mata. Kailangan ko siyang makausap para malaman ang lahat.

"Makilala mo rin ako sa takdang panahon. Ang libro lang ang tanging pag-asa na makaalis sa inyo dito"  Bigla siyang naglaho na parang bula sa harapan ko. Kaya pala gawin ng multo ang ganyan?

Anong libro ang sinasabi niya?

Pero sabi niya yun makakatulong sa amin ni makaalis dito.

Kung ganun yun ang solusyon dito. Ano naman ang maitutulong sa amin ng libro para makaalis kami dito?

Hahanapin ko ang libro sa abot ng aking makakaya. Kahit na hindi ko alam kung bakit libro talaga ang susi ng aming kalayaan. Saka wala pa akong clue kung saan ko ito makikita.

Tumakbo ako sa room. Malapit na sumapit ang 6pm.

"Hayden saan ka galing?" Tanong sa akin ni Jeseryll. Siya lang ang dumalaw sa akin pagkarating ko sa room

Do i need to answer that stupid question?

Pumasok lang ako at pinabayaan lamang niya ako. Siguro napahiya siya dahil hindi ko manlang siya sinagot.

Hayst. May mamatay na naman sa amin. Kaya nga kailangan ko na mahanap ang libro.

Biglang may nagsalita sa speaker at alam na kung ano ang mangyayari.

"Magsitago na kayo baka dalawa naman ang mamatay"

Tapos anong pinaglalaban mo?

"Isa"

Lumabas ako sa room at umakyat sa puno. Dito ako magtatago. Depende siguro kung may makakakita sa akin dito.

"Dalawa"

Hindi na ako gumalaw. Hindi na ako sumabay sa kanila. Alam kong masama ang loob nila sa akin. Pero dapat na sila masanay sa ugali ko.

"Tatlo"

"Apat"

Kailangan ko mag-isip ng maayos.

"Lima"

"Anim"

"Pito"

Balang araw ay malalamin rin nila kung bakit ako nagkakaganito.

"Walo"

"Siyam"

"Sampo"

"Times up"

Anong gagawin ko ngayon? Edi

Mag-isip ng plano. Hindi lang na magtunganga langa ko. Diba?

Tama hahanapin ko ang libro. Kahit mapahamak ako, Ang mahalaga ay may nagawa lamang ako para malaman ang sikreto ng paaralan nato.

Nakita ko may kinakaldkad ang lalaking nakamaskara.

Ang bilis nila makakita. Tama magsisimula ako sa mga lalaking nakamaskara. Kung bakit ang bilis nila at malalakas? Alam kong hindi sila ordinaryong tao.

Obserbahan ko sila. Magmula ngayon.

Tama!

"Pwede na kayong magsilabasan"

Bumaba ako sa puno.

Alam ko na kung sino ang nahuli. Nakita ko siya kanina.

Babae siya.

lumapit sa kin sila Crissa.

"Hayden. Saan ka nagtago?" tanong ni Micca. May bahid na pagkabitter sa tanong niya.

Napataas ang kilay ko sa tanong ni Micca. Pati pinagtataguan ko kailangan sabihin sakanila.

Hindi ko siya sinagot. Wala rin naman kwenta ang tanong niya. Kailangan ko pa ba ipaalam sa kanya. Pati ang mga galaw ko ay dapat malaman niya.

"Nevermind"

Narinig ko ang huling sinabi niya bago ako makaalis. Talaga lang huh? Tss i smell something fishy.

Tama nga ako si Angelie ang nahuli. Nasa kabaong siya.

Wala akong ideya kung ano ang klaseng pagpatay ang mangyayari sa kanya. Siguro something disgusting o mas sobra siya.

"Panoorin  niyo ang mangyayari sa kanya"

Kailangan pa ba na sabihin yan? Tsk malamang makikita namin kasi may mata kami.

Pumasok ang mga lalaking nakamaskara at may bitbit silang dalawang balde. Wala ring saysay sa sapilitang pagbukas namin sa pintuan.

Ano kaya ang nakalagay jan may takip kasi?

Binuksan ng lalaking nakamaskara ang unang balde at ang laman nun ay Daga.

Inilagay nila ito sa kabaong. Nakatingin lang ako. Yung iba umiyak na lalong-lalo na si Loren at Mhia yata.

Kapag ba may makita akong namatay kailangan pa ba na umiyak ako?

Maya maya wala na akong narinig na sumisigaw siguro namatay na siya.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang mga kaklase ko.

Hindi mo na ako sasama ngayon sa paglibing kay Angelie. Sabagay kailan pa ako sumama.

Binuhat ng mga kaklase kong lalaki si Angelie nahirapan pa nga sila kumuha dito dahil nandon pa ang ipis at daga.

"Hayden. Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Jeseryll.

Tumingin ako sa kanya. Mukhang kami lang ang nagpaiwan. Okay ba talaga ako?

Hindi nalang ako sumagot. Kahit na tanungin niyo ako eh wala kayong mapapalang sagot sa akin.

Wala rin namang makakatulong sa akin kapag hindi ako okay. Sanay na ako sa ganito. Sanay na ako sa madilim na mundo.

*****

(Loren Pov)

Nandito ako sa may bench tulala wala sa sarili at palihim na umiiyak. Para ko na siyang kapatid. Pero mawawala lang dahil dito.

"Loren. Ito panyo" Abot sa akin ng isang tao. Nilinga ko ito at nagulat ako dahil siya yung tao na laging nasa isip ko.

Tinanggap ko naman  at nagpasalamat kung wala lang problema siguro kinikilig na ako ngayon. Mabuti naman at kinausap niya ako.

"Alam mo Loren. Sa nangyayari ngayon ang tanging magagawa mo lang ay matanggap ang nangyari at magpakatatag"

Tumingin naman ako sa kanya. Bakit lagi nilang sinasabi na kailangan maging matatag?

"Tama ka. Pero hindi sa lahat ng oras ay matatag ka masakit mawalan ng kaibigan. Hindi mo alam kasi wala pang namatay na kaibigan mo"

Totoo naman. Wala pang nabawasan sa kanila kaya ganyan siya maka-advice.

Tumingin siya sa akin. Saka ngumiti. Ang wafu. Nakakamatay ang ngiti niya.

"Kahit na walang namatay sa kaibigan. Kailangan ko magpakatatag malay mo sila na ang sunod diba? Atsaka gagawa ako ng paraan makatakas lang tayo dito"

Nakakunot noo ko siyang tiningnan. Bakit parang may meaning ang sinabi niya? May gusto ba siya sa akin? Ang assuming ko naman.

"Tayo?"

Tumango naman siya at ngumiti ng malapad.

"Oo. Tayong dalawa."

Ang gwapo niya kapag nakangiti. kyaaaaah. Nakakakilig..... Nainlove yata ako sakanya ng malalim?

Sapakin na ako!!! Pero Joke lang! Masakit kaya ang masapak. Sampal nga masakit sapak pa kaya.

****

(Bryan Pov)

Hindi ko makakalimutan yung babae kanina. Parang multo siya o something? Siguro guni-guni ko lang.

****

(Flashback)

Inilibing namin si Angelie. Hindi ko lubusang maisip na may ganyang klaseng pagpatay. Nandidiri talaga ako kapag bumabalik ang pangyayaring yun. Naghuhukay sina Tristan at Lucas.

Ako naman nakatayo lang. Wala akong lakas na tumulong. Malapit na nga akong makasuka.

Napatingin ako sa may Puno nang may nakita akong babae nakatayo doon.

Malungkot itong tumingin sa amin. Alam kong patay nato pero Bakit siya nagpapakita sa amin?

Sino kaya siya? Anong nangyari sa kanya?

Tumingin ako sa naghuhukay ang bilis naman nilang maghukay. Sabagay kailangan na bilisan.

Tumingin ako sa may puno at wala na doon ang babae.

Ano kaya ang nais niyang iparating?

Bakit ang lungkot niya?

(End Of Flashback)

****

May sumapak sa akin. Sinamaan ko ng tingin si Richard na madaldal.

"Hoy! Bryan nakikinig ka ba?" tanong sa akin ni Richard. Nakita ko pa ang sama ng tingin niya.

Bumalik ako sa ulirat. Tingnan ko si Richard na nagsasalita pala.

"Ano?"

Nakita ko ang pagbabago ng expression ng kanyang mukha. Medyo tumaas pa nga ang kanyang lips.

"Mukhang di ka nga nakikinig. May iniisip ka siguro" Ngumisi pa ang siraulo na akala mo may binabalak na masama.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero mas lalong lumaki ang ngis niya ng makita ang pagkunot noo ko.

"Ano naman ang  iniisip ko?"

Siraulo yata ang isang to. Sabagay mukha namang siyang siraulo.

"Babae siguro no"

Babae? Gago yata ang isang to. Hindi ako mahilig sa babae eh hindi naman sila nakakatulong.

"Aanhin ko ang babae?"

"Slow mo Pre" Ako pa talaga ang slow? Tama naman ang tanong ko ah.

Bakla! Irap pa more. Nakakadiri talaga tong gago. Feeling ko hindi siya straight na lalaki.

****

(Hayden Zyrienne Pov)

Nandito kami sa field. Kahit na ano ang pinag-uusapan. Nakikinig lang ako pero hindi ako nakikisali. Ang labo ko talaga.

"Lovelife naman ang ating topic" Sabi ni Michael. Okay hindi ako sasali sa ganyan. Wala naman itong maitutulong sa akin? Mas lalo pa itong sasama sa akin.

Nagawa pang magtopic ng lovelife ng mga to. Mukhang wala talagang silang problema. Ako lang naman ang interesado sa mga problema dito.

"Sige. Go ako jan" Sabi ni Micca. Tumatalon-talon pa ito habang pumapalakpak. So Childish

Tsk ang hyper nila. Malamang lovelife na ang topic. Nakikipagdebate pa ako.

"Sinong crush niyo?"

Crush into lovelife? Ang labo. Tss nanahimik nalang ako habang nakatingin sa palayo.

"Si Greg akin" Sabi ni Crissa na kinikilig pa. Kikiligin ka talaga pag-binanggit mo ang pangalan ng iyong crush.

"Si Christian akin" Sabi ni Micca. Na ngumiti ng malapad. Mukha siyang asong naulol.

Christian pala sakanya? Tama nga ang hula ko. Manghuhula na ba ako?

"Si Justine akin" Sabi ni Kathleen. Nakikisali na pala si Kathleen sa usapang lovelife.

Crush ni Kathleen si Justine. Ano naman kaya ang nagustuhan niya dito? Kawawa naman si Arth pag narinig niya ito. Reject Agad.

"Si John akin" Sabi ni Jeseryll. May crush pala ang playgirl? Saka sigurado ako na kikiligin si John.

Sinong John? Christian? Greg? Hindi ko yata kilala ang mga iyan. Pero kilala ko si Arth.

"Si Jerome akin" Sabi ni Michael. Witch matching flip hair pa kahit na maliit ang buhok niya. Bakla talaga to tss kadiri.

Napa eww sila Crissa. Inirapan lang sila ng bakla.

Wala naman akong nagugustuhan sa mga kaklase kong lalaki. Saka may maitutulong ba yan sa problema namin? Diba wala. Puro style lang sila tss.

"Kay Alden ka nalang" sabi ni Crissa. Sabay hampas aa akin.

Tiningnan ko lang siya. Siya lang ang natuwa sa sinabi niya. Saka wala akong pake sa mga makakapal ang mukha.

Ayaw ko sa taong mayabang, Masungit at Feeling Badboy Saka Manyak Tsss

*****

P/S: Thank You For Reading

-@missHYchii