Isang araw ng nagkukwentohan sila ni Santina at ng kanyang mga kaibigan nagulat nalang si Santina ng may biglang nangalabit sa kanyang likuran, nagulat siya ng makita niyang si Linda pala yon, ang anak ni Lusifina.
"magandang umaga po, ako po si Linda ako po yung anak ni Lusifina yung bagong lipat dyan sa kanto" mahinhin na sabi ni Linda
"ahh oo naaalala kita, bakit may kailangan ka ba?" tanong ni Santina
"wala po gusto ko lang makipagkaibigan sa inyo" sagot naman ni Linda
Hanbang ang mga kaibigan naman ni Santina ay parang may kunting pagtataray ng nakatingin kay Linda
Santina: "oo naman, pweding pwedi"
"Santina baka anong gawin satin ng nanay nyan" pabulong na sabi ng mga kaibigan ni Santina
"ano ba wag kayong ganyan, kawawa naman siya, muka naman siyang mabait ehh" pabulong din na sagot ni Santina
At nang uras ring iyon ay pupunta sana sila ni Santina at ng kanyang mga kaibigan sa simbahan upang magsimba
Santina: "ohh halika na baka uras na at mahuli tayo, Linda sama ka ba samin?"
Linda: "oo sige ba kung okay lang sa inyo"
Santina: "oo naman walang problema"
Sumama nalang si Linda kahit hindi niya alam kung saan pupunta
"halika na" sabi ni Santina sabay akbay sa mga kasama
(salamat ng marami sa mga nagbasa nito, sana ay magawang basahin rin ninyo ang kabanata 5 ng "SANTINA")