Sumama nalang si Linda kahit hindi niya alam kung saan pupunta, dahil ang tanging iniisip lang niya ay ang kasiyahan niya kasama ang mga bago niyang mga kaibigan. Masaya silang nagkukwentohan habang naglalakad sa kalye at nag-aakbayan.
Sa kalagitnaan ng kanilang magtatawanan, masayang tinanong ni Linda ang mga kasama
"saan ba tayo pupunta?"
"saan pa edi sa simbahan, masisimba tayo ngayon dahil ngayon ay...?" tanong ni Santina
"linggo!" maligaya at pasigaw na sagot ng lahat maliban kay Linda
Biglang naisip ni Linda na takot siya sa cross at mahigpit na ipinagbawal ng kanyang ina na bawal pumasuk sa simbahan, dahil pag ikaw ay pumasok ikaw daw ay matutunaw
Upang hindi magtaka si Santina at ang mga kaibigan niya, naisip niyang magsakit sakitan nalang upang hindi matuloy sa pagpunta sa simbahan, huminto siya at umarting nagsisimula ng sumakit ang kanyang tyan, hinawakan niya ang kanyang tyan
"aray" mahinhin nyang sinabi
Napatigil rin sa paglalakad ang kanyang mga kasama at sinabing "bakit? anong nangyari?" sabi ng lahat habang nakayukong tinatanong si Linda
"yung tyan ko kasi nagsisimula na naman sumakit, andon yong gamot ko sa bahay" sabi ni Linda habang nakahawak sa kanyang tyan na para bang nasasaktan
Kaagad nilang inuwi si Linda sa bahay nila, ngunit nang malapit na sila sa bahay kaagad na sinabi ni Linda
"saglit lang, dito nalang ako baka magalit si mama ehh, salamat sa inyong lang"
Agad na silang umalis at nagpatuloy sa pagpuntang simbahan at pasigaw nilang sinabi kay Linda
"wag mong kalimutang inumin yong gamot mo haaaa" sabi ng lahat
Habang si Linda naman ay ngumiti nalang habang papasok sa bahay nila ng marinig iyon
(salamat ng marami sa mga nagbasa nito, sana ay magawang basahin rin ninyo ang kabanata 6 ng "SANTINA")