After ng tawag ni Megan marami pang ibat ibang number ang tumawag sakin na hindi ko na ginusto pang sagutin.
"Ano ba kasing nangyayari!??" - tanging nasambit ko.
Naghanap ako ng damit na masusuot at naligo ako.
Nagsumbrero ako pang disguise nagsalamin naglagay ng scarf at para akong praning sa mga pinaggagawa ko.
Tinawagan ko si megan.
*Calling
"Sagutin mo....." habang may papadjak pa kong nalalaman.
Naiinip na ko kaya tinext ko na rin si Megan.
"San kana? dito na ko.." - text ko sa kanya.
Habang ang reply nya "Relax, malapit na ko."
Habang inaantay ko siya.. . Mula sa malayo may naabot ako ng tanaw.
"Teka.. . yung nakablonde yun ah.. ." Mahina kung sabi sa sarili ko. Tatawagin ko sana ng "Ui—..."
Nang nakita kong may kasama pa siya.
Tinitigan ko isa isa mga kasama nya. Yun pa din naman..
Tatawagin ko na sana for real nang — may bumusina na kotse.
"Hey!!" - sabi nung nakablonde.
"Let's go bro! join us!!" - imbita nung isa pa kasama ni blonde.
Tila sumenyas lang yung nasa loob ng kotse na paparada lang nya yung sasakyan nya.
Abang na abang pa ako.. . Nang bigla nagsink in sa utak ko na —.. .
Pagkababa nung lalaki sa kotse nagulat ako sa nakita ko. Parang gusto kong umatras at simulan ko ng tumakbo pauwi ng bahay namin.
Saktong papunta sila sa direksyon ko kaya naman nagpanic ako at unti unti akong umatras patalikod.. .
Tatakbo na sana ko nang —
*Bang!
Nabunggo ako sa lalaking naglalakad sa likuran ko.
"I'm so sorry miss.. ." - sabi nya.
"Its okay.." dali dali akong tumayo at tumakbo palayo ng pinangyarihan.. .
Nung malayo layo na ko. Umistop ako sa isang poste at tinawagan ulit si megan.
*Ring.....
Walang sumasagot.
*Dial again..
*Ring...
Wala pa ring sumasagot.. .
"Last dial sana naman sumagot kana megan."
Dinial ko ulit.
Ang tagal niyang sagutin.. . naiinip na ko.
Nang makita ko yung sasakyan nung mga classmate ko na papunta sa direksyon kung nasaan ako.
Hindi ako magkandamayaw anong gagawin ko.
Nang sinagot ni megan ang tawag.
"Oh Hello!"- Megan.
"Salamat! at sinagot mo rin sa wakas." -Sambit ko.
Pinapakiramdaman ko yung sasakyan na paparating kaya tumalikod muna ko para di nila makita mukha ko.
Kunwari lang may kausap ako sa phone habang nasa kalye pero deep inside lutang na talaga ko. Ang naiintindihan ko na lang sa sagot ni megan ay "What? ano bang sinasabi mo??".