After that incident, kinabukasan and even if until now hindi na ako pumasok ulit ng school.
Ang alam lang nila may sakit ako kaya hindi ako nakakapasok.. .
Chineck ko yung social media ko tinignan ko kung humupa na ba yung issue.
Still.. . nasa trend pa rin siya.
Binasa ko yung mga post and comment ng kung sino sinong nagchichismisan sa social media.
"I think, yun girl sinet up yun guy for her own fame."
"What do you think about the issue. Isn't true??"
"Grabe naman yung girl.."
"I smell something fishy about the said photos. Sinong may copy? I want to judge it. Hahaha LOL!"
"There's something behind that photo it will not captured if it's nothing."
"Someone wants to inform us that all issue about that guy is true. He is obviously a playboy."
"Who's that girl stealing my husband?? Tell me. Jk"
"Sana all."
"Baka naman tulog tulugan lang yung girl baka naman gising talaga gusto lang din na — alam nyo na."
"Siguro yung girl inakit yung boy. Hindi naman kasi ganyan yung guy napaka ilap niyan sa girl kaya nakakapagtaka na sa dami nilang member siya pa yun maiissue."
"Kawawa naman yung guy sinasamantala porke gusto sumikat. Siguro yung girl din nag utos na ipakalat 'to para magtrend siya."
Grabe naman mga babae na toh.
Naissue lang krimen na??
Dami na nila agad naging judgement just only in one photos? My ghad!!
Ako nga hindi ko pa nakikita yung photos ee. Baka naman? LOL.
Kaya imbes na papasok na sana ako sa school ay nagdecide ako na umabsent ulit. (Oraytt pala absent yung character #Wag tularan).
Nagpaikot ikot na ko ng bahay pero nabobored lang ako. Nagdeactivate na rin kasi ako ng account baka kasi maistress lang ako sa issue na yan.
Pero habang nag iistay ako sa bahay narealized ko na hindi ko naman deserve to kaya bat need ko magtago?
Atsaka bat di ko harapin na lang yung issue kaysa naman ganto na lagi ko na lang tatakbuhan.
Kaya kahit lumiban ako ng klase ay nagdesisyon akong huwag magpaapekto sa issue at syempre ituloy ang buhay at ang mga nakasanayang gawin sa araw araw.