Disclaimer: Errors and extremely lame plot ahead. This story is inspired by a true event but the story, all names, characters, and incidents used in this literary piece are fictitious.
It's been few days matapos mangyari ang isang insidenteng kailanma'y 'di namin inasahan. Abala akong gumagamit ng aking laptop ng mabaling ang atensiyon ko sa aking selpon na katabi ko lang 'din dahil sa tunog nito na hudyat na may nareceived akong chat sa aking messenger account.
Tumanbad sa aking notification bar ang pangalan ng aking Uncle may isenend itong picture kaya pagtataka ang sumanib sa aking isipan habang hinihintay ko ang pagload ng application.
Picture pala iyon ng resibo at naka highlight ang tracking number nito sa bandang gilid sa papel.
Sumunod ang panibagong chat mula sa aking Uncle. "Pamangkin, nagpadala ako." sabi niya sa chat.
"Maraming salamat Uncle." tugon ko naman dito pagkatapos kong pusuan ang chat niya.
"Tulong at regalo ko na 'rin sa inyo." dagdag pa nito.
Pagkatapos namin magpalitan ng usapan ay naisipan 'kong pumunta ng kusina para tingnan kung nandiyan ba si Papa. Wala siya pero nadatnan ko si Mama na kumakain ng tuyo at sinangag na siyang pagkain namin kaninang umaga.
Nakatalikod siya sa akin kaya tinawag ko ito. "Ma!" sabi ko na ikinalingon naman nito sa akin.
"Ma, 'asan si Papa?" tanong ko rito.
"Lumabas siguro be, 'di ko alam". sagot niya sa akin at saka itinuloy ang kanyang pagkain.
"Ma, nagpadala si Uncle Yam ng pera nakapangalan kay Papa". saad ko sa kanya.
"Kunin 'daw bukas". dagdag ko pa.
"Ahh, buti be sinabihan ko kasi 'yan si Tito Yam mo na padalhan naman tayo kahit kunti kasi matagal-tagal na siyang 'di nakapagpadala sa atin." medyo mangiti-ngiti niyang kwento sa akin na siyang ikinadurog ng puso ko.
"Kailan ma? Saan mo siya kinausap?" magkasunod na tanong ko as I tried to restrain myself to breakdown in front of her.
"Diyan." maikling sagot nito na may pagturo sa may direksiyon ng aming pintuan.
"Saan ma?" tanong ko muli dahil hindi malinaw sa akin.
"Doon sa labas, sa may kubo. Panay tawag ko sa kanya kahapon tapos sabi ko magpadala naman sa atin." paliwanag niya sa akin.
Pigil na pigil ko ang sarili ko pero I still failed to hide my pain. I just noticed my tears started running down my face. Hindi ko na makayanan.
I rubbed and rubbed the part of my eyes para alisin ang mga luhang panay patak na pero imbes na tumigil ito lalo lang overwhelm ang damdamin ko. Hanggang sa… napahagulgul na lamang ako.
Wala si Uncle Yam sa Pilipinas, nagta-trabaho ito bilang isang OFW sa bansang New Zealand at hindi pa siya pauwi.
Remember the thing that I mentioned? The incident. Wala pang isang linggo noong na-report si Mama sa police na ikinagulat namin.
Nag report 'daw ito na may stalker siya kahit wala naman talaga. Nung kinausap siya ng mga pulis hindi 'daw maayos ang mga sagot nito at napansin nilang bumubulong ito mag isa kaya dinala namin siya sa ospital.
She was diagnosed with schizophrenia. So the things she just told me… 'yung mga sinabi niya? It was all but hallucinations.