Disclaimer: Errors and extremely lame plot ahead no proofreading has been done yet, ehe. This story is inspired by a true event but the story, all names, characters, and incidents used in this literary piece are fictitious. No one was ever harmed in real life.
Naalimpungatan ako sa ingay ng mga asong nagsisitahulan sa labas kaya napadako ang tingin ko sa aking kaliwa kung nasaan ang aming bintana habang nakahiga pa. Wala akong nakita 'kundi liwanag pero mukhang may tao sa labas dahil nakakarinig 'din ako ng mga boses ng batang naguusap-usap.
Nakita 'ko namang bumangon si Papa mula sa aming kama. Oo, magkatabi kaming natutulog dahil iisa lang ang kwarto sa bahay. Mukhang nagising 'din siya sa ingay ng mga asong tumatahol.
Dumeretso ito sa labas habang ako naman ay bumangon na sa higaan. "Unlce Sam--", rinig kong tinig ng isang bata. Hindi na ako sumunod kay Papa palabas at inabot na lang ang aking selpon. Napansin ko ang oras at araw sa aking screen, December 25, 6:03 am.
Ah…oo nga pala pasko ngayon muntik ko ng makaligtaan, napuyat kasi kami sa paghahakot ng palay kagabi halos madaling araw na kami natapos.
Bumalik na uli si Papa narinig 'ko itong bumulong habang kumakamot ng kanyang ulo.
"Ano 'daw 'yun pa?", tanong ko sa kanya.
"Ang aga-aga pa naku! 'Yung mga anak ng kumpare ko, mga inaanak ko, namamasko. Sabi ko sa bagong taon na lang dahil wala 'rin naman akong maibibigay." aniya ng may halong maliit na ngisi.
" Ah…hahaha," Napa tawa sabay hikab na lamang ako saka dumeretso sa aming munting kusina.
"Oh sa'n ka pupunta?" rinig 'kong tanong ni Papa habang nakatalikod ako sa kanya.
"Asarol?" aniya ng makita akong kinuha ang asarol namin sa ilalim ng lababo.
"Aanihin ko na Pa 'yung mga kamote, pang umagahan natin ngayon," tugon ko naman 'dito saka lumabas na ng bahay.
Okay lang ba kung pinritong kamote ang gawin ko? Mas mainam 'yung nilaga pero parang gusto ko ng prito…sana pala nagtanong muna ako kay Pa panigurado pag balik ko tulog ulit 'yun eh ayaw ko naman siya gisingin dahil alam 'kong puyat siya.
Hindi sa amin ang pupuntahan 'kong taniman, nabili na kasi ang lupa ng ibang may-ari pero pumayag naman ang may-ari hanggat wala pa silang bagong pinapatayo sa lupa, sa katunayan okay lang 'din sa amin kung kumuha sila o humingi ng hati sa bunga ng mga tanim namin.
-
Nasabi ko na ba sa inyo? Hindi ako tunay na anak sa dugo ni Papa. Natagpuan niya lang akong palagoy-lagoy malapit sa palengke, ang ginawa niya binihisan ako, binigyan ng matitirahan at heto, tinuturing na parang tunay na anak niya at ganoon 'din ang trato ko sa kanya.
"Hmm?", kababalik ko lang galing sa taniman, sa 'di kalayuan natatanaw ko si Pa na may kasamang dalawang lalaki na mukhang kakarating lang sa may sa amin.
"Pa!", tawag ko dito na ikinalingon niya naman sa direksiyon ko at ng dalawang kausap niya,
"Oh, Loid. Saan ka galing?", tanong nito.
"Hinanap ko lang Pa itong asarol naiwan ko yata kahapon sa taniman", sagot ko habang hawak ang asarol na aking tinutukoy.
"Sino sila Pa?" dagdag 'kong tanong.
"Ikaw si Loid? Pwede ka ba makausap saglit pati ang tatay mo?" aniya ng isang lalaki.
"Para saan po ba ito?" tanong naman ni Papa.
"Tay kami po ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga karatig baranggay dahil may nangyaring pagpatay sa tatlong bata kagabi at nabalitaan namin na ang mga biktima ay naglilibot dahil nanghihiingi 'daw ng mga pamasko sa kanilang mga ninong at ninang ilang oras bago mangyari ang krimen" paliwanag ng isang lalaki na malaki ang tiyan habang ang isa naman ay ipinakita ang dalawang I.D at badge kay Pa.
"Ha?! A-anong krimen? Sinong patay? Patay na ang mga inaanak ko?!", pasinghal na sabi ni Pa. Maski ako ay nabigla 'rin sa sinabi ng pulis, napansin ko naman ang kunting pagpula ng mga mata ni Pa pati na 'rin ang biglang panginginig ng isang kamay nito kaya hinawakan ko siya.
"Sir ano po 'ba ang sasabihin ko: s-saan po 'ba ako magsisimula?"
-
"Pa'no 'ba 'yan Pre, mukhang mahihirapan talaga tayo dito lalo na't malakas ang ulan kagabi tapos hindi pa matukoy kung anong armas ang ginamit ng suspek." Rinig 'kong usapan ng dalawang pulis sa may labas ng bahay bago sila umalis pagkatapos kaming makapanayam ni Papa.