Chereads / IT'S YOU , IT'S ALWAYS YOU / Chapter 1 - #IYIAY : CHAPTER 01 BROKEN FAMILY

IT'S YOU , IT'S ALWAYS YOU

🇵🇭Neville_Nazarene
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - #IYIAY : CHAPTER 01 BROKEN FAMILY

Cassiopeia Angelique Yamaguchi

" Ayaw ko na Cassandra hirap na hirap na ako sa buhay na to puro malas na lang dumating SA buhay ko mula nong magsama tayo gusto kong bumalik sa dati ang buhay ko sorry pero...maghiwalay na tayo!!!"

Mga salitang nagpayanig sa sampong taong gulang na si Angelique mula sa amang si Angelou .

" No !!! hindi ..hindi mo kami iiwan angelou !...please gagawin ko lahat ng gusto mo wag mo lang kaming iwan please diko kakayanin pag iniwan mo kami mahal...!"

kasabay ng pag iyak at pagmamakaawa ng kanyang ina ay ang pagbagsak ng kanyang mga luha, hindi niya akalaing mangyayari ito sa kanyang ama at ina ang pamilyang puno ng tamis at saya ay ito ang kinahihinatnan . Hindi na niya kinaya ang awa sa kanyang ina kaya lumapit siya sa kanyang ama at lumuhod sa harapan nito.

" Pa...please don't leave us please....hindi mo na ba kami mahal ni mama pa?....please pa wag mo kaming iwan." mga katagang namutawi sa kanyang bibig habang yakap yakap ang binti ng kanyang ama na ngayon ay pilit na inaalis at itinatayo mula sa pagkapit sa binti nito .

" Anak ,... im so sorry sa gagawin ni papa huh....pero kailangan ko itong gawin anak para sa inyo ng mama mo...a..alam kong kakamuhian mo ako ...pero sana sa padating ng araw maiintindihan mo rin kong bakit ko ito ginawa para sa kinabukasan mo ito anak pakatatandaan mo mahal na mahal ka ni ...p.. papa mahal na mahal ko kayo ng mama mo kaya ko ginagawa ang mga bagay na maaring makasakit sa inyo." salitang nang galing sa kanyang ama habang yakap sa nito at kumalas ito sa pagyakap sa kanya at hinagkan siya nito sa noo. Tumayo ito at niyakap din ang kanyang ina na ngayon ay humagulhol ng iyak sa bisig ng kanyang ama at may binubulong sa kanyang ina na mas lalong nag pa iyak rito at pagkatapos ay hinalikan sa labi ang kanyang ina at nalakad patungo sa pinto ng kanilang bahay at walang lingong umalis.

" papa !..no! wag mo kong iwan bumalik ka dito papa .. ah!! papa! papa!" tatakbo na sana siya para sundan ang ama ngunit pinigilan siya ng kanyang ina niyakap siya nito at humagulhol ng iyak sa likod niya.