PRESENT
Natigil ang pag balik tanaw ni Angelique sa nakaraan ng biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Lily calling.....
kung kaya sinagot niya ito.
" hello? Lily , napatawag ka? " bungad niya rito.
" hi cousin san ka ngayon? Samahan mo naman ako. " sagot ng pinsan niyang si lily.
" hmp..saan?" tanong niya dito.
" Sa mall please... alam mo na shopping at bounding na rin tagal na kaya nong huli tayong magkita." sabi nito na nasa tinig ang paglalambing.
" Okay magkita nalang tayo saang mall ba?" tanong niya dito .
" thanks , text ko nalang kung saang mall couz." sagot nito at pinutol ang tawag.
Tumayo si Angelique mula sa pagkakaupo at umakyat sa kanyang kwarto at naghanda para sa lakad nila ng pinsan niyang si Lily. Tinitigan niya ang sarili sa isang oval shape mirror suot niya ang isang gray off shoulder embroidered lace jumpshort/romper na pinatungan niya ng blue denim jacket at DKNC korean fashion white sports shoes. Hinayaan niya lang na ilugay ang kanyang kulay itim at kulot na buhok na umabot hanggang bewang. Nag lagay din siya ng light make up , lip gloss at eyebrow.
Nasa kotsing na menamaniho na siya ng may tumawag sa kanya then she connected it in her Bluetooth headset.
" hello?" bungad niya rito.
" Angelique hija , how are you anak?" sagot nito sa kanyang napagtanto na ito pala ay ang kanyang ina na si Cassandra .
" anong kailangan nyo?" alam nya na hindi maganda ang trato niya sa ina ngunit masisisi mo ba siya kung ganito ang pakikitungo nya rito gayong pag katapos sila iwan ng kanyang ama ay iniwan din siya nito sa kanyang lolo Rin at hindi nag pakita ng sampong taon kaya masama ang loob niya rito naiintindihan niya naman kung bakit ito lumayo dahil subra ito nasaktan sa pag talikod ng kanyang ama ngunit ng ganoon katagal ay hindi niya na maintindihan kailangan niya rin ng ina na magmamahal at kakalinga sa kanya pero wala ito sa oras na nangangailangan siya ng karamay.
" ah ....a ..anak nandito ako sa mansion gusto sana kitang ..m..makita at m...makausap." nauutal na sagot nito sa kanya.
" Okay " maikling sagot niya dito at pinutol ang tawag.
___________________________________________
NJC MALL
Tanaw niya ang isang babaeng nakaupo habang naghihintay sa café sa di kalayuan nakasuot ito ng isang red crop top shirt na pinarisan ng high waisted denim short at red korean fashion sports shoes. Lumapit siya dito at nanlaki ang chinitang mata nito ng makita siya.
" oh my g! ...Angelique i miss you ." tili nito at niyakap siya.
" haha...ako din na miss kita couz.." sabi niya habang gumanti ng yakap rito.
" Ikaw talaga ..haha.. naku marami rami din akong i kukweto sayo couz ...but before that order muna tayo." tugon nito habang kumakalas ng pagkayakap at umuupo na sila.
At pagdating ng order nila ay nag simula na rin itong mag kwento patungkol sa bakasyon nito sa japan.
" So...kumusta ang bakasyon mo sa japan couz? Si tito at tita si kuya akiro kumusta? " paunang tanong niya rito at sumubo ng order niyang cheese cake.
" Ayon japan parin haha ...okay naman sina mom and dad si kuya kiro ayon busy palagi sa company nina dad ."tugon nito habang nilalantakan ang kanyang order na black forest cake.
" Eh...ikaw kumusta?" tanong niya na nagpahinto dito at binitawan ang hawak nitong kubyertos. " I know couz...na hindi madali para saiyo ang lahat but i know Jameson is happy with Allison now they got married last month at nasabi sa akin ni Jameson na 3 months pregnant na pala c Allison sa unang anak nila... couz kinausap niya ako last month bago sila ikasal nasabi sa akin ni Jameson ang lahat mula sa simula at pati narin ang incident sa inyo ni Nathaniel ..couz , im sorry if wala ako sa tabi mo noong kailangan mo ako. I'm really sorry. Hindi man ngayon alam kung someday makakalimutan mo rin siya at makakahanap ka rin ng taong mamahalin mo at mamahalin ka rin ng higit sa pagmamahal mo sa kanya." madamdaming pahayag niya na ikinatangu ng kanyang pinsang si Lily.
" Actually couz ...yan ang ginagawa ko ngayon ang kalimutan ang nararamdaman ko kay Jameson nagagawa ko naman pero nasasaktan naman ako ngayon kay Nathaniel couz... nong nandoon ako sa japan nagkita kami doon at sa bawat araw na nakikita ko sya may na realize ako na mahal ko na siya pero may fiance na siya couz...si Saniah at ang masaklap pa nalaman kung im 8 week's p...pregnant couz ayuko naman nakasira ang relasyon nina Nathaniel at Saniah dahil lang sa ka gagawan ko couz ... alam na nila mom at dad ang kalagayan ko pero nagalit sila sakin si kuya kiro lang ang umintindi saakin." salaysay nito habang hindi mapigilang umiyak at humagulhol kaya nilapitan niya ito niyakap at pinapakalma ito.
" Shhh...Tahan na couz okay makakasama yan sa baby mo wag ka nang umiyak ...nandito lang ako di kita pababayaan sigurado akong matutuwa si lolo Rin pag nalaman nya na may magiging apo na naman siya." pagpapakalma niya dito at effective naman dahil ngumiti ito at tumigil na sa pag iyak.
" Do you think magugustuhan ni lolo?" tanong ng pinsan niya na ikinatawa niya.
" hahaha...yeah kung di mo naitatanong lage akong pinapaalahanan ni lolo na humanap na raw ako ng mapapangasawa para mag ka apo na siya pero alam mo na ang makakatawa wala nga akong boyfriend mapapangasawa pa kaya hahaha...." tawa tawa niyang sagot rito na ikinatawa din nito at humagikhik pa.
" Oo nga no...couz bakit nga wala kapang boyfriend sa edad mong 23 wala paring nanliligaw sayo?" tanong naman nito na ikinatawa nilang dalawa.
" Mayroon namang nanliligaw pero diko lang type at diko ramdam sa kanila ang alam mo na pagmamahal." sagot niya na ikinangiti nito.
" Tama naman couz ... kahit naman ako nagsisi ako sa pinaggagawa ko kay Jameson at Allison ."hayag nito na puno ng pagsisisi.
Naglalakad na sila ni Lily sa mall ng bigla na lang may humigit sa kanya at niyakap siya nito ng dahil sa pagkabigla ay na estattwa siya sa kanyang kinatatayuan at hindi pa doon natapos ang lahat dahil hinalikan siya nito sa labi na ikinalaki ng kanyang mga mata. Isang minutong naglapat ang kanilang mga labi at hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya at bago pa niya maitulak ito ay ang lalaki ng mismo ang pumutol sa paglapat ng kanilang mga labi at hinarap nito ang kanina pa mangiyak ngiyak na babae.
" Now ayaw mong maniwalang siya ang mahal ko at hindi ikaw kaya maghiwalay na tayo!" mga salitang binitawan ng hudas na nagnakaw ng unang halik niya (first kiss).
Hindi makaimik ang babae at nagladas sa pisngi nito ang luha at bigla nalang itong tumalikod at tumatakbong umiiyak kaya walang imik niya itong hinarap at sinampal napalakas ang sampal niya dito kaya nabaling ang mukha nito sa kaliwa at nagwalkout siya doon. Dinig niya pang kinausap ni Lily ang lalaki at pagkatapos ay ang pangalan naman niya ang narinig nya dito na tinatawag siya.
____________________________________________________
Yamaguchi Mansion
Kakauwi ko lang galing sa NJC MALL ng maabotan ko sa bungad ng mansion ang aking ina na si Cassandra lalagpasan ko na sana ito ngunit hinawakan nito ang aking braso at niyakap ako nito. Walang emosyon akong humiwalay sa kanya at dumiritso sa loob ng mansion at pumunta sa study room alam kong doon naghihintay si lolo Rin dahil tumawag ito sa akin kanina habang pauwi ako. Pagpasok ko ay agad kung nakita si lolo nakatayo ito habang nakatanaw litrato ng yumao kung lola Cristina.
" Lolo " tawag ko dito at nag angat ito ng tingin sa akin at ngumiti ito .
" Angelique apo halika upo ka ." at umupo ako sa sofa na pang dalawahan at si lolo naman ay umupo sa sofa na pang isahan.
" Lo, ano po ba ang sasabihin niyo sa akin?" tanong ko rito .
" Angelique apo hindi na ako magpapaligoy ligoy pa sa darating mong kaarawan ngayong abril gaganapin din ang engagement party ___" hindi natapos ng lolo niya ang dapat sabihin dahil pinutol nya ito sa isang tanong.
" Huh? k..kaninong engagement party lolo?" tanong niya na bakas sa mukha na na naguguluhan siya sinabi ng lolo niya.
" Sayo apo ina arrange marriage ka ng iyong ina sa pamilya ng mga Radcliffe." sagot ng kanyang lolo
" No! ...hindi ako papayag lolo no..hindi pwede hindi maaari..." sagot niya dito at nilingon ang kanyang ina na kakapasok lamang sa silid na iyon tumayo at nag lakad patungo sa pinto pero bago paman siya makalabas ay hinarap niya ang kanyang ina at tinitigan niya ito ng masama.
" Kahit anong gawin mo hinding hindi mo ako mapapasunod dahil kinalimutan ko ng mayroon pala akong ina simula noong iniwan mo ako!" sambit niya na batid ang puot at galit bago umalis.
Dumiritso siya sa kotse niya at menaneho ito paalis . She texted her bestfriend Samantha at napang pasyahan nilang pumunta ng XCQ isang tanyag na bar sa kanilang lugar. Pagkapark niya sa kanyang sasakyan ay pumasok na siya sa loob ng bar sumalubong sa kanya ang amoy ng alak at usok ng sigarilyo nakipagsiksiksn siya sa maraming taong nag sasayawan at hinanap si Samantha di rin nagtagal at nahanap niya ito kaya lumapit siya dito.
" hey besh..." bati nito sa kanya at nagbeso ito sa kanya.
" hello besh" walang ka buhay buhay na bati niya dito pabalik.
" hey Angelique i know malaki yang problema mo dika naman nagpupunta dito sa lugar na ito alam ko subrang laki niyan kwento ka baka may maitulong ako." pahayag ni Samantha habang umiinum ng alak ( tequila ).
" Oo subrang laki talaga ng problema ko Samantha." at ikwenento niya dto ang lahat ng nangyari kanina sa mall at sa pag uwi niya sa mansion.
" Hmm...hahaha malaking problema nga yan besh haha but yong nagnakaw ng first kiss mo besh pogi ba hot , may abs haha ako talaga ang kinikilig sayo." tili nito na napasimangot naman sa kanya.
" Oo pogi , hot at may abs but bastos parin siya at ginamit niya ako para lang hiwalayan niya yong babae grabe kung nakita mo lang reaksyon nong babae grabe nakakaawa kaya nga nasapal ko yong hudas na yon." sabi niya habang nilalagok ang ikapangatlong shots ng tequila.
" Hmm tama ka dyan...pero pano yong engagement mo next month na pala yon." pahayag nito na tinitigan siya.
" I don't know besh hindi rin naman ako papayag na magyari yon ." sagot niya habang tinutuga ang pang apat na shots ng tequila.
" Besh..sayaw tayo ganda ng tugtug ." yakag nito sa kanya habang sumasabay pa sa kanta.
" Ah sige ikaw na muna b..besh d..ditosh m..munash ..ako." sagot niya dito
" Hahaha ...lasing ka na yata besh eh ... hina mo talaga pagdating sa alak haha sige doon muna ako." sagot na man ni Samantha at umalis patungo sa dance floor.
At siya na may nakaupo habang nakayukyuk ang ulo sa table na kahit ano mang sandali ay makakatulog na.