Chereads / Serafina / Chapter 3 - Kabanata 1

Chapter 3 - Kabanata 1

Oleo

"Lola!" Nakangiti akong sinalubong ng lola kong nagwawalis ng bakuran ng hacienda ng mga Acosta. "Gumaganda ka apo!"

"Lola naman!" Natatawa ako. Matagal na rin kaming hindi nagkikita simula nang sa tiyahin ko na ako nanirahan. "Grade 9 ka na diba, apo?"

"Opo, lola." Walang tigil niyang hinahaplos ang buhok ko. "O siya! Pumasok na tayo sa loob."

Wala pa ring pinagbago ang mansyon ng mga Acosta. Malinis at maayos pa rin. Marahil dahil magaling at masipag talaga ang aking lola. May isa akong paboritong silid sa bahay na ito.

"La! Ibaba ko na ang mga gamit ko ha?!" Sigaw ko dahil malabong marinig ako ng aking lola na kasalukuyang nasa kusina. "Sige, apo!"

Nagmamadali akong umakyat sa mahaba at matarik na hagdan nito. Habang naglalakad sa pasilyo, hindi ko mapigil ang aking mga ngiti.

Sabik na sabik na akong makita muli siya.

Sobrang dami ditong kwarto kaya maaari kang maligaw. Huminto ako sa isang pinto. Excited kong binuksan ang pinto.

"Nakauwi na ako, Riel." Banggit ko habang nakatingin sa isang portrait ng lalaki na maaaring nasa edad dise otso nang ipininta ito.

Nilapitan ko ang oleo at hinaplos ang kanyang mukha.

Desiderio Riel Acosta y Buenaventura

Napakaamo ng kanyang mukha ngunit may itinatago palang bangis ang binata noong ito ay nabubuhay pa, kwento ng mga ninuno ni lola kay lola na ipinasa sa akin.

Kahit na gayon, hindi ko pa rin maitatangging siya ang aking first crush dahil sa kakisigang taglay nito at ang pagiging perpekto sa lahat ng bagay.

"Apo! Kakain na tayo!" Narinig ko ang sigaw ng lola ko.

Mula sa speaker sa kwarto na ito. Lahat ng kwarto ay may speaker dahil sa mahirap tawagin ang mga tao dito dahil sa sobrang laki ng bahay kaya may isang microphone na ginagamit si lola at nakakonekta ito sa mga speaker.

Naudlot pa ang ating pagsasama.

Bulong ng isip ko habang hinahaplos ang kanyang mukha.

Luminga ako sa paligid bago halikan ang imahe ng binata sa labi. Matapos ay nakangiti ko itong pinagmasdan.

"Babalik din ako."

"KAMUSTA na ang pag-aaral mo, apo?" Nag-angat ako ng tingin kay lola. "Mabuti naman po, 'la. Medyo nahihirapan pero kinakaya."

Pinagpatuloy ko ang pagkain n adobong kangkong na inihanda ni lola para sa pagdating mo.

"May nobyo ka na ba?" Natigil ako sa pagsubo ng pagkain.

"Lola naman! Masyado pa akong bata para sa mga ganyan." Napapatango si lola.

"Sabagay, katorse anyos ka palang naman. May gatas ka pa sa labi." Nakahinga ako ng maluwag. Buti ay naintindihan ni lola.

"E manliligaw?" Pabiro akong sinulyapan ni lola. "La naman."

"Joke lang apo. Di ka man lang mabiro." Nangiti na lang ako sa tinuran ni lola. May pagkabagets din kasi si lola kaya nasasakyan niya ang mga trip ko sa buhay.

"O siya, apo. Liligpitin ko na ang mga pinagkain natin." Nagsimula na siyang magpatong ng mga pinggan.

"La, ako na po." Sinubukan kong kunin ang mga plato pero hindi niya ako pinayagan. "Maglibang ka na lang apo. Ako na ang bahala dito."

Wala akong gumawa kundi lumabas na lang ng bahay. Pumunta ako sa paborito kong pwesto sa hacienda, isang duyan sa gitna ng dalawang puno ng mangga. Magmula bata, palagi akong nahihiga dito sa duyan habang nagbabasa ng libro bilang pampalipas-oras.

Umupo ako sa duyan at nagsimulang pagalawin ito. Medyo mainit dahil sa sikat ng araw. Pinagpapawisan ako pero nawala bigla ito nang humangin ng malakas at nakarinig ako ng bagay na parang nabasag.

Ang bintana ng kwarto ko!

Nagmamadali akong umakyat para tingnan ang nangyari. Nanlumo ako sa nakita. Punong puno ng bubog ang asotea. Ang luma pero mamahalin na bintana ay nasira dahil parang malakas itong binuksan dahilan para tumama ito sa mga haligi na katabi nito. Marahil dahil sa sobrang lakas ng hangin.

Hangin?

Pero malabong sa loob ng bahay galing ang hangin. Malabo namang tao ang gumawa nun dahil ako at si lola lang ang tao dito. Nag-uurong sa ibaba si lola kaya malabong siya at lalong ako na nasa labas ng bahay.

"Susmaryosep!" Napatingin ako sa lola ko na namumutla at gulat na gulat sa nasaksihan.

"La, ako na ang maglilinis ng mga bubog. Marahil ay marupok na ang mga bintana dahil sa kalumaan kaya nang tumama ang malakas na hangin ay mabilis itong nabuksan." Tulala na tumango ang lola ko. "Sa kwarto ka na lang muna siguro ni Ginoong Desiderio."

Natigil ako sa pagwawalis. Sa kwarto niya ako matutulog pero bakit? Alam kong maraming kwarto ang mansyon pero bakit dun pa? Pinagsawalang bahal ko na lang ito at nagtuloy sa paglilinis.

Mukhang blessing in disguise ang nangyari.

Loka loka ka talaga!

Matagal ko na kasing matulog dun pero pinagbabawalan ako ni lola at akalin mo nga naman, mamaya matutulog ako dun. Masaya akong nagwalis habang humuhuni. Habang naglilinis may nahulog mula sa bookshelf na malapit sa akin.

Pisting yawa! Muntikan na ako sa ulo!

Ang inis ko ay napalitan ng takot. Bakit ba parang may nagsasabing kailangan ko nang umalis dito sa kwarto na ito? Minabuti kong bilisan ang ginagawa at inilipat ang mga gamit ko sa kwarto ni Riel.

Pagbukas ko ng pinto ng silid ay dirediretso akong humiga sa kama dahil pakiramdam ko ay parang sinagasaan ng ten wheeler truck ang buong katawan ko. Di ko alam bakit pero wala naman akong masyadong ginawa para mapagod ng husto. Hinihila na ako ng antok.

"Matulog ka muna, mahal ko."