"Gawin niyong bakla si Gay..." Sinabi ko sa pagitan nang isang tahimik na klase. I know na magiging halu-halo ang reaksyon nang mga kaklase ko. Iyong iba ay nagulat, natulala, pero ang karamihan ay natawa lamang.
"Gawing bakla si Gay?" Tumayo si Ashley at nilapitan ako sa harapan nang room. She grabbed my shirt at tinitigan ako sa mata.
"Ano namang mapapala namin sa walang kuwentang kalokohan mo?" She continued.
I smiled at tinanggal ang kaniyang kamay sa aking damit. Hinawakan ko ang kaniyang muka at inilapit ko ang akin.
"Listen first. Questions are for later." Sinabi ko sa kaniya. Kaagad niya ring tinanggal ang mga kamay ko at saka lumayo nang kaunti.
"Wala ka pala eh" I teased her. Gaya nang normal na mataray na babae, inirapan niya ako at bumalik sa kaniyang upuan.
"Gawin niyong bakla si Gay. I know na hindi naman lahat kayo ay gaganahang gawin ito. So to make sure na makiki-cooperate kayo, this dare has a prize..." Pinaliwanag ko sa kanila. Seems that I finally got their attention. I smiled again and grin.
"Whoever finishes this dare will be awarded accordingly..." And yeah, finally ay na-curiousna silang lahat. They all lend me their attention at nagsimula na silang magtanong.
"Prize?"
"Don't tell me na si Gay ang prize?"
"One night stand with you ba?"
Halu-halong reaksyon ang ibinigay sa akin nang mga kaklase ko. Ibinalibag ko ang libro sa may desk at muli silang tumahimik mula sa kanilang pag-iingay.
"Yeah, One night stand with me." I jokingly yelled.
"Hoy! Ako lang pwedeng makakita sa ibon mo Carl!" Out of nowhere ay may sumigaw mula sa likod. And guess who? Si Althea.
"Ako iyong gumamot niyan n'ong bagong tuli ka!" muli niya pang itinuloy.
"Thea? Wtf?" naiirita at nahihiya kong isinigaw. As expected, lahat nang kaklase ko ay nagtawanan at inasar ako.
"Ilang inch nga yan Carl?"
"Si Althea pala gumamot nang nangangamatis eh!"
"Sana all may kakambal!"
Sa kahihiyan ay nagmura ako. Ano pa nga bang magagawa ko kung wala na kong masabi diba? And yeah, Tumahimik sila.
"Okay, seryoso na. Hindi ako ang prize. Well dahil hindi naman talaga kayo magseseryoso kung ako yung prize..." I explained.
"Wait? So balak mo ngang makipag-one-night-stand?" Tinanong ni Samantha.
"...Oo?" I awkwardly said.
"Pero eto na nga. Ang Prize ay... 1,000,000? Is that enough?" from awkward to serious, sinabi ko.
"1 Million?"
"What?"
"1 Million? Talaga?"
Of course inexpect ko na na ganoon ang magiging reaksyon nila. Tumayo si Althea at saka sumigaw.
"1 Million? Carl?" Isinigaw niya. Tumakbo siya papunta sa akin at saka ako sinampal.
"Baliw ka na ba? You're going to waste 1 Million Pesos just for this nonsense? Carl? Are you out of mind?!" isinigaw niya sa akin. Yumuko ako at hinawakan siya.
"Thea, don't worry this is not just a waste of money. Since wala naman na kong gusto pa, 1% of my life savings will go here." paliwanag ko.
"What? 1% palang iyon nang life savings mo?" gulat na gulat na tumayo si Ashley at saka sinabi ang mga salitang iyon.
"Well, Oo?" sagot ko.
"Carl, please, ang sabi ko nga ay boring sa klaseng 'to, pero please 'wag na." sumabat at nagmakaawa saakin si Althea. Niyakap ko siya at inilapit ang aking bibig sa kaniyang tainga.
"No one will succeed, I promise." ibinulong ko sa kaniya.
"Ngayon, sinong G?" Tanong ko sa buong klase. Kaagad na lamang silang nagtaas ng kamay. Finally, Class dismissed.
"Carl... Minsan matuto ka ring mag-isip" sinabi sa akin ni Althea at saka ako iniwan sa room.
Umalis kaming lahat sa room dahil medyo late na din. Sa wakas, may mangyayari sa buong highschool life ko na talagang nakaka-excite.
"Carl, hindi ako makakapasok ngayon, sorry, emergency lang" Itinext ko kay Carl kinagabihan pag-uwi namin ni Mama galing sa kainan.
Hindi naman talaga siya emergency, pero ayoko lang talagang pumasok. Nag-dudumi ako, ayokong pumasok nang masakit ang tiyan ko. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko nalang sinabi ang totoong dahilan kung bakit hindi ako pumasok, pero ayokong mapahiya? Oo alam ko namang kaibigan ko sila. Pero, loko-loko rin kasi sila Carl.
"Ma, ang sakit nang tiyan ko." nanghihina kong sinabi kay Mama noong ginigising niya ako.
"Tse! 'Wag kang tatamad-tamad diyan! Tumayo ka diyan Marcus Gay Agui--" naputol ang sermon ni Mama nang bigla akong tumakbo papuntang banyo.
"Hoy Marcus! Bumalik ka dito!" Hinabol ako ni Mama, buti nalang ay nai-lock ko na ang pintuan nang CR.
"Ma! Hindi ko talaga kayang pumasok ngayon!" Isinigaw ko.
Mahabang sigawan pa ang ginawa namin ni Mama habang ako ay dumudumi sa banyo. Sa wakas ay natapos din ang sermon at pumayag na si Mama na hindi ako pumasok.
Buong araw lamang akong nasa bahay. Cellphone, higa, dumi, repeat. Ilang oras din akong walang magawa nang araw na iyon.
Kinabukasan, pumasok na rin ako. Hindi ko alam ang mga nangyari kahapon pero bakit parang ang awkward? Lahat nang kaklase ko ay weird ang pag-trato sa akin ngayon. Parang hari ako kumbaga.
Pumasok ako nang room at umupo sa upuan ko. Hindi ko pa nagagawa ang assignment kaya't inilabas ko ang notebook at ballpen ko. Pagka-patong ko nang ballpen ko sa desk ay nahulig ito. Pupulutin ko na sana ito nang bigla itong pinulot ni Zander.
"Oh? Eto na Gay oh." ibinigay niya sa akin ang ballpen ko at sabay kinindatan ako...
WTF? SHIT! Anong nangyayari? Yuck! Eew! Cringe!
"Ahh... ehh... Salamat?" awkward kong sinabi. Lumingon ako kay Althea at sabay nagpaka-OA.
"Wtf? Ano yon?" tinanong ko sa kaniya habang tinuturo si Zander.
Tinawanan lang niya ako, at wala parin akong alam sa mga nangyayari.
Hindi ko naman pinandidirian si Zander pero siya iyong tipikal na Xander Ford nang room. At iyong ganon? Kindatan niya ako? No way!
"Thea! Carl! Anong meron?" Tinanong ko sila. Napansin ko din na hindi sila nag-uusap kaya't naiwan na naman akong walang alam sa mga nangyayari.
Ano bang nangyayari sa room? Bakit iba na iyong trato nila sa akin? Nagbago ba itsura ko noong nagka-LBM ako? Pumogi ba ko? Naging prinsepe na ba ko? Bakit sila ganto? Bakit ang weird nang lahat sa room ngayon? Anong mga nangyari kahapon?
Buong araw, puro ka-cornyhan at ka-weirdohan ang nangyari sa room. Lahat sila, ay parang tinatrato ako nang special. Bakit ba? Ano ba nangyari?