Sa gitna ng napaka-init na tanghali, dahan-dahang pumatak ang ambon. Ang mainit na simoy ng hangin ay naging malamig at nakanginginig.
Hindi ko talaga alam kung bakit iba ang trato sa akin nang mga kaklase ngayon. Kakaiba lahat ng kinikilos nila. Para bang isa akong magandang bulaklak at silang lahat ay... Bubuyog? May sense ba 'yun?
"Mr. Aguirre, please stand up" tinawag ako ng teacher ko habang ako ay nakatulala at iniisip ang mga nangyayari ngayon.
"Ah! Yes maam?" minamadali kong itinanong sa kaniya.
"Who is Thomas Edison again?" tanong ni maam. Halatang noong itanong niya ito sa akin ay sa tingin niya na hindi ako nakikinig sa klase.
"He invented the light maam!" isinagot ko. Hindi aki nagbigay ng reaksyon. Pero siyempre sa loob ko ay tuwang tuwa ako at pakiramdam ko ay napaka-talino ko. Napahiya ko si Maam dahil nakasagot ako sa isang tanong na akala nang teacher ko ay hindi ko masasagot.
"Oh really? The light?" sunod na itinanong ng teacher ko. Noong una ay nalito ako. Hindi ko alam kung anong mali sa sinabi ko. Tama naman di ba? Si Thomas Edison ang umembento nang light? Ilaw? Hindi ba?
"Yes maam? Why maam?" naguguluhan kong itinanong kay maam. Ngumiti si Maam at tumalikod.
"You may now take your seat Mr. Aguirre." Sinabi niya. kaagad naman akong umupo at kasabay noon ay ang paghampas sa akin ni Althea.
"Light? Gay? Napapraning ka na ba? Light? Lightbulb lang ang ginawa ni Thomas Edison! Hindi siya ang umembento ng Light!" pasigae na binulong niya sa akin. Hindi ko na alam ang nga sinabi ko. Pasigaw na Pabulong pa? Ginagambala parin ako nang mga nangyayari magmula pa kaninang umaga.
"Shit! Oo nga! Takte lutang na talaga ko. Sorry sorry." isinagot ko sa kaniya matapos na pumasok at mag-process sa utak ko na Lightbulb ang ginawa ni Edison at hindi Light.
"Thomas Edison invented the Lightbulb. Not the light. Alright Mr. Aguirre?" paloko akong tinawag ni maam. Aba'y siyempre nahiya ako. 4th year na ko at hindi ko pa alam iyon? O baka ako lang talaga ang hindi nakakaalam non?
Tumawa ang buong klase. Napayuko na lamang ako sa kahihiyan. Nakita ko sa gilid ng aking paningin na nagtaas nang kamay si Andrei.
"May I go out?" sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ngunit kasabay 'non ay ang pagsigaw ko din nang parehong salita. Nagtinginan sa amin dalawa ang lahat nang tao sa classroom.
"Well, who will go first?" Tanong ni maam.
"Ahh... Sabay na po kami!" Nang hindk nagiisip ay bigla ko na lamang isinigaw ang mga salitang iyon. Dali-dali ko siyang hinatak at saka kami sabay na lumabas nang room.
Paglabas roon ay saka lamang na-absorb ng utak ko kung gaano ka-awkward ang ginawa ko. Hinabol ko ang aking hininga at saka ako tinanong ni Andrei.
"Ok ka lang? Kasi naiihi na talaga ako." Sabi niya. Shit! Why? Ba't hindi ako makasagot? Anong meron sa tanong niya?
"Ahh... I lo-- I mean Oo ayos lang ako." Muntik ko nang masabi ang mga maling salita. Buhat nang pang-gagambala nang mga ka-cornyhan nang mga kaklase ko ay naging lutang ako at wala na sa tamang pagiisip. Hindi ko na alam ang mga sinasabi ko.
"Sige. Mauna na ako ah? Sorry naiihi na talaga ako! Sige bye!" Sinabi niya at kaagad na tumakbo papuntang banyo.
Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ayaw kong sumunod sa banyo dahil ayaw ko namang totohanin na sabay kaming iihi. Hindi ko na alam ang gagawin ko, at dahil 5 minutes nalang naman, hinintay ko nalang na mag-ring ang bell at lumabas si Maam.
Lumipas ang ilang minuto at lumabas na nga si maam. Noong papasok na ako ay sinalubong ako nina Carl at Althea.
"Oh? Anyare sayo? Ba't sabay kayo ni Andrei Lumabas?" tanong ni Althea. Ganito ang normal na Althea, madaldal at mapang-asar, pero si Carl? Halatang wala siya sa sarili niya. Hindi rin sila naguusap ni Althea, isa pang bagay na bumabagabag sa akin.
Sumagot ako kay Althea at saka ko tinanong si Carl.
"Oh? Ba't parang hindi kayo nagpapansinan? Bakit parang wala ka sa sarili mo Carl?" Tanong ko. Noong una ay hindi siya sumagot kaya binigyan ko siya nang isang bagsak at sa wakas ay bumalik na siya sa totoong mundo.
"Ako? Kami? Hindi ah!" Pagulat niyang sinagot sabay na umakbay sa kaniyang kakambal. Nginitian nila akong dalawa. Kahit na nakangiti sila ay alam kong may gumagambala sa kanilang dalawa.
"Mag-usap nga tayo." Hinagkan ko ang kanilang mga braso at saka ko sila hinatak papunta sa loob nang room, sa may upuan naming tatlo.
"Ano bang nangyari Kahapon?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Magsasalita na sana si Althea nang biglang takpan ni Carl ang kaniyang bibig.
"Wala. Nag-away lang kami kasi masyado daw akong magasta." Paliwanag ni Carl. Itinaas ko ang aking mga kilay dahil alam kong hindi lang iyon ang nangyari kahapon.
"Eh ba't Kakaiba kinikilos ng buong Class A? Bakit lahat sil--" natigil ako nang biglang lumapit sa amin si Brian at saka ihinagis sa akin ang isang Chocolate Sponge.
"Gay oh! Walang may gusto eh, marami na kong binili kaya pinapamigay ko na lang." Paliwanag niya. Ngumiti siya at saka umupo sa kaniyang upuan.
"Kita niyo na? Ano iyon?" Pabulong kong tinanong sa kanilang dalawa. Palihim na ngumiti si Carl at napayuko na lamang si Althea.
"Ano ba talaga nangyari kahapon?" Muli ko silang tinanong.
"Wala nga. Basta huwag mo nalang intindihin." Sabi ni Carl.
What? Wala? 'Wag intindihin? PAANO? Laht nang kaklase ko ay tinuturing akong parang prinsesa. Bakit? May mali ba sakin ngayon?
"Basta, masanay ka na muna buong school year na ito." Sabi ni Althea. Kinuha niya ang sponge na bigay ni Brian at saka ito binuksan. kumuha siya nang dalawang piraso at isinubo sa akin ang mga ito.
"Mur.... Mor..... Mur..... Mar....." nabubulunan kong sinabi.
Natapos ang lunch, Phys Ed na. Dito namin unang malalaman kung sino ang magagaling at puwedeng maging varsity at kung sino ang tatambay lang sa balcony at mag-bibigay nang tubig.
Basketball ang lalaruin ng boys, at Volleyball naman sa girls. Bukas ang First Match namin. Hindi ko alam kung bakit pero ang sabi ni sir ay maghiwalay kami ni Carl ng Team. So in short, magkalaban kami. Dati kaming varsity noong elementary. Lagi naman din naman kaming chinicheer ni Mama, Althea at ni Ate Lily. Palagi rin kaming nananalo noon. Alam kaya nila iyon kaya nila kami pinaghiwalay?
Sinabi isa-isa ni sir ang mga pangalan namin. Pero dahil nga lutang ako, isa lang ang natandaan kong kagrupo. Si Brian. Si BRIAN! tanda ko din na nasa kabilang grupo si Zander, kaya nakahinga naman ako.
Sa girls naman ay Team Althea vs. Team Ashley. At sa boys? Team Carl vs. Team Brian.