Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

LTAF: Life Transformation of Adult Failures

🇵🇭Kael01
--
chs / week
--
NOT RATINGS
13.5k
Views
Synopsis
A young adult wants to attempt suicide because he thinks his life is turning into a failure. Though he doesn't want to admit that he is becoming a failure who lives alone in a shabby third rate rented apartment. He is jobless and struggling to pay for his bills. He has a long messy hair, ungroomed beard and mustache, poor hygiene, and poor lifestyle he looks like a homeless man who's scavenging foods in garbage bins. The laptop he received from his parents when he entered college is the one and only treasure that he protects the most. It contains his life long dreams and goals in life but it also gave up and left him. It's his last straw of hope and it breaks. Without any reason to live, he decided to suicide. He wrote his last words and decided to post it in social media. He went to an Internet cafe near the apartment he's living to access the Internet and post his last words. He wrote his last words and scheduled the post at exactly 6pm. A couple of hours after his suicide so that no rescuers will be able stop him on time. Now he's out of the Internet cafe and he's on his way to his final moments. He felt that his every step gets heavier and all the memories from his childhood flashes one after another. He entered his room, he gets a stool and a blanket. He tied the blanket on one of the lumber from the ceiling near the door. He climbed the stool and he put his head inside a knot in the blanket and then he... He failed again. He's suicide attempt failed but something new opened up for him. An Opportunity from A Top Secret Organization. (Author's Note: Idecided na Tagalog nalang po yung story this time! Hope y'all like it!)
VIEW MORE

Chapter 1 - Akinse at Katapusan

(Hays, pusang gala! January 13 na pala! Wala pa akong pambayad sa renta! Pati ilaw at tubig mapuputulan nako!

Bakit kasi ganito, napaka-unfair ng mundo. Bakit yung ibang nag bubusiness yumayaman, eh bakit ako palugi!

Ayoko naman mag trabaho, ayokong mabilang sa mga alipin ng salapi. Yung mga pumapasok araw-araw sa kabila ng traffic ng pagod at hirap sa trabaho, maliit naman yung sweldo. Parang paulit ulit at paikot ikot lang, di ba sila napapagod?

Gigising ng maaga, kakain, babiyahe, magtatrabaho , mapapagod, kakain, trabaho ulit, babiyahe pauwi, kakain tapos matutulog ng maaga para pumasok ng maaga tapos ulit nanaman.

Sa isang linggo, isang araw lang ang pahinga mag lalaba ka pa. Tapos magpapahinga para may lakas ka ulit pag pasok kinabukasan.

Iniisip ko palang, parang ako yung napapagod sa kanila. Bakit kaya hindi nila maintindihan yung mindset ko?

Pag nagclick lang talaga mga business ko, isa nako sa kukuha ng mga empleyado. Tapos hindi ko sila papahirapan! Swesweldohan ko sila ng malaki! May bonus pa pag malaki ang kita!...)

'Tok Tok tok!'

"Sino yan?" (istorbo naman to, nagmumuni muni ako dito eh)

"Johnny! Anjan ka ba? Si Nena to! Paalala ko lang sayo sa akinse pag di ka nakabayad, maypapatirahin na ako jan. Magligpit ligpit kana! lagi ka nalang pahuli huli mag bayad ng renta! Nagsasawa nako sa mga palusot mo!"

"Pasensya na po Aling Nena! Wala pa akong malilipatan at magbabayad naman po ako, di diskarte lang muna ako magbabayad din ako sa akinse!"

"Wala akong paki! Basta pag hindi ka nakabayad, mag impake kana at may pa palit na sayo jan! Yung marunong magbayad at may trabaho!"

"Sige po!" (Isa pa tong matandang to! Basta bayaran usapan, di makapag hintay! Ang mahal mahal ng upa, panget naman ng kwarto! Makakalipat din ako pag nagka pera na ako!)

"Hays!!! "

(Makaligo na nga at maka hanap ng pera!)

'Wishhhh wishhhh'

Pagbuhos niya ng tubig , napatingin siya sa salamin.

(Mukha na akong taong grasa! Ang mahal kasi magpagupit! Sira pa yung pang ahit ko! Para na akong si Mr. Suave na pulubi version!)

(Nakakapagod din pala yung ganito, araw araw poproblemahin mo yung mga bayarin. Akala ko kapag kumikita na ako, kaya ko na mabuhay mag isa. Akala ko madali lang lahat pag tumanda ako. Sinungaling yung mga nasa magazine, palabas sa TV at mga pelikula na mga kwento ng mga successful na tao. May mga sikreto silang hindi sinasama sa kwento! Nakakainis na buhay to!)

(Makahanap nga ng source of income sa internet. Buksan ko muna tong laptop ko)

'Tenen nenen' (OS start up sound)

"Matagal tagal na din tayong magkasama, wag ka muna masisira ah!"

'DONG!' (error starting up)

"Ay Pusang gala ka! Wag naman ngayon oh! Kaka-paformat ko lang sayo last month! Wala pako pambayad ulit! Dapat talaga nag lagay ako ng anti virus eh! Kaso may bayad magpa install"

(Hula ko talaga yung mga anti virus na to sila din gumagawa ng virus eh, para mabenta yung anti virus nila!)

(Pano na to! Yung mga part time free lance kong raket! San ako kukuha ng pambayad ng renta! Ano ba tong buhay na to!)

"LAPTOP KO! WAG MO MUNA AKO IWAN PLEASE! GUMANA KA!"

'DONG' [error]

'Kreeeeeek' (Shet tumirik at nag black screen!)

"Ayoko na!!!!! "

(Nakasanla na cellphone ko nasira pa laptop ko! Wala pang laman ATM ko! Teka baka meron dito sa drawer ko. )

'Shuk Shuk' halungkat dito halukay don.

"Hays, wala din kahit barya barya man lang sa mga bulsa ng pantalon ko!" (San ako hahanap ng pera!)

Paglingon niya nakita niya yung alkansya niya na may ipon challenge na naka sulat. Mabilis niyang kinuha at binuksan.

'Krak!' "Lang kwenta! Ipon challge pa, Singkwenta lang pala naihulog ko dito sa alkansya!"

(Lahat nalang! Hay nako!)

Binalibag niya yung alkansya sa sobrang inis.

'Blagag!'

'kurururuk' (Hays nagugutom pa ako!)

Maluha luha siya dahil wala siyang mahanap na pera. Gutom na gutom at stress na stress na siya sa buhay niya.

"Hayyyyysss!" 'shushh shushh'

"Lagi nalang palpak oh! (naiiyak nanaman ako!)"

"Nakakasawa na yung ganito! " (Tatapusin ko na to!)

"Wahhh!"

Naiyak nalang si John dahil sa inis at gutom. Gulong gulo na ang isip niya. Halos gusto niyang isumpa lahat sa mundo.

Nawawalan na siya ng gana mabuhay, Nalugi yung pinagipunan niyang Online negosyo.

Nabaon sa utang at pinambayad niya yung mga naipundar niyang gamit. Ang natira nalang sa kanya ay ang kaisa isa niyang laptop na nasira na rin.

Tumayo ulit siya, pero hindi para maghanap ng pera. Naghalungkat ulit siya at nakita niya ang isang lumang notebook. Tamang tama para sa naiisip niya.

(may wala pang sulat, pwede na to!)

'shhhhukk' pumilas siya ng papel

'blagabag' at binato niya ang notebook at humanap ng ballpen.

Agad nagsulat si John:

"Sa mga mahal ko sa buhay,

Patawad, sana'y maintindihan niyo ako....

blah blah blah...

blah blah blah...

insert madramang messages...

Tatapusin ko na paghihirap ko at sana wag niyo akong tularan.

Nagmamahal,

John

Natapos niya nang isulat ang last words niya. Pero bago siya mag pakamatay, napaisip siya at huminto. (pano pala kung walang pumunta dito, pano kung hindi nila mabasa to? Mamamatay ako ng walang nakaka alam? I post ko nalang kaya sa FB? Marami naman akong mga dating classmates at tropa. Mga successful na din sila, makaka tulong din siguro sa pamilya ko yung mga iaabuloy nila.)

"Tama! Alam ko na!" (Makapunta nga sa pisonet!)

Lumabas siya ng apartment, dala ang pilas ng papel at ang kanyang singkwentang barya.

Klak Klak Klak Klak Klak.

(Kasya na siguro tong 20 minutes para may pangkain pa ako)

'Click click. Taptaptaptap. Click click, Taptaptaptap Taptaptaptap taptap.'

Google searches:

painless death

Effective suicide

Writing Last words

How to post a scheduled post in FB

Is there a Life after death?

Reincarnation true or fake?

Isekai in real life

Toot toot toot.

(Time's up!)

(Wala nang atrasan to, mapopost na sa FB mamayang alas sais yung last words ko.

May 2 hours pa akong natitira at may takwarents pa ko. Ano kaya ang last meal ko kwekwek at fishball sa Turo Turo o isaw sa Ihaw ihaw? Bahala na kung ano nalang madaanan ko!)

(Ngek walang nagtitinda ng turo turo, sarado din yung nag iihaw ihaw? Malas talaga kahit last meal ko na! Wala din? Di na bale, makauwi na nga.)

(Totoo pala, napakagaan sa pakiramdam kapag wala ka nang paki alam sa mundo.

Parang ganito, kasi pagtapos nito Finish na! Wala nang pera problems, lovelife problems, friendship problems, at kung ano ano pang problems.

Pero bakit habang pauwi ako, pabigat ng pabigat yung hakbang ko.

Parang ang haba ng lalakarin ko pauwi, naalala ko tuloy yung mga kalokohan ko.

Kamusta kaya yung mga kamag anak ko sa probinsya? Yung mga crush ko na may mga nakatuluyan ng iba? Mga kasuntukan ko nung elementary days, yung mga barkada ko nung highschool, yung solid tropa ko nitong college. Parang kelan lang, ang layo na ng mga narating nila ngayon.

Samantalang ako ito, iiwan ko na tong mundo.)

"iiiiiiit's time!"

(Ready na tong upuan, pwede na siguro tong kahoy sa kisame. At itong kumot ko ipupulupot ko nalang para shoot sa leeg ko.)

Umakyat na si John sa upuan at ipinasok ang leeg sa kumot na naka pulupot.

(Ganito pala yung feeling na mag bibigti ka.)

3, 2 , 1...

Pumikit at sinipa ni John ang upuan na kanyang tinutungtungan.

Bigla siyang nasakal, naubusan siya ng hininga at nawalan ng malay.

After 2 seconds

'Blagadag! Krak! Bugshhhh!'

A few minutes later.

"Tok tok tok tok! Johnny! anong ginagawa mo jan! Buksa mo tong pinto!

Nagagalit yung umuupa sa baba. Nagdadabog ka daw!"

Unti unting nagising si John.

Naririnig niya ang pamilyar na boses.

(Pati si Aling Nena hanggang dito ba naman sa impyerno or langit di ako titigilan? Sandali, di pa naman patay si Aling Nena ah!)

Napabangon si John at tinignan ang nangyari. Napaka kalat at alikabok ng kanyang apartment.

"Ay Pusang gala! Di kinaya ng kisame bumigay!"

Wala bang gustong tumanggap sakin?

Kahit yata uminom ako ng lason, maoospital lang ako eh!

Ayoko naman umakyat sa mataas at tumalon, may fear of heights kaya ako!

Baka di ko pa oras? May misyon pa yata ako sa buhay!

"HOY! JOHNNY! LUMABAS KA JAN!"

"Sandali lang po Aling Nena! Ililigpit ko to promise! Aayusin ko din tong kisame na bumigay kasi nag try ako gumawa ng duyan. Kaso hindi po kinaya. Sorry po talaga!"

"PALUSOT KAPA, BAKA SINISIRA MO TONG KWARTO KASI WALA KANG PAMBAYAD NOH?"

"Hahaha (Tawang awkward nalang). Hindi, ayoko talaga iwan tong kwarto. Sinisira ko lang para hindi malipatan. HAHAHA Joke lang po!"

Sabay sarado ng pinto.

(Shet! Yung Suicide Message ko sa FB! TAKBO!)

'Hah, hah, hah, hah, hah' (Ngayon nalang ulit ako tumakbo ng ganito. Hiningal kaagad ako eh ang lapit lang nitong pisonet!)

"Pusang gala naman talaga oh! Walang bakante!" (maka uto nga muna ng bata)

"Toy, bigyan kita lima pacomputer muna importante lang!"

"Yoko nga! Dapat sampo!" sabay ngiting wagi si Totoy.

"Oh eto sampo! Tayo jan!"

Pagkuha ng sampo tayo kaagad si totoy eh.

"Shet Shet Shet! napost na! May mga sampong react at ilang share na rin!

Ano gagawin ko? Sana hindi pa nabasa ng mga kamag anak ko to!"

Sumilip si Totoy at tumawa. "Hahahaha, edi delete mo o kaya edit post mo! Engot!"

"Ang lupit mo! Oo nga no! APIR!" (kotong ka sakin)

Umilag ng apir si totoy at umatras: "Yoko nga baka mahawa ako sayo! HAHAHA!"

Natawa nalang din si John sa ginawa nung bata.

(Iba na mga bata ngayon, ang wais na nila!)

"Lagay mo sa dulo, "Joke! lang o kaya ilagay mo nakasulat yan sa napulot mong papel kanina naishare mo lang kaso walang pangalan para kunwari nang loloko ka lang!"

"Bakit ka ba nangingialam? Kotongan kita jan eh! Private to wag ka makulit!"

(Ang galing nitong batang to! May future to!)

Nagalit si Totoy at ngumisi kay John.

"Private pala eh, bakit di ka sa inyo mag update ng post mo! Pisonet to Public to! HAHAHA!

Pero seryoso, magpapakamatay ka dapat?"

"Oo! Ano masaya kana?"

"Wait lang! Bata ka ba talaga?" (Parang hindi bata tong kausap ko ah!)

"Wag mo sayangin buhay mo, maraming mas deserving na mabuhay kesa sayo pero naghihingalo sila sa Ospital. Lumalaban pa din kahit hirap na hirap na! Eh ikaw? Mukha ka namang walang sakit, matino ka pa naman kausap. Eh bakit ka ba mag papakamatay? Love Life ba? Nabroken ka ba?"

"Hayop na bata to pakialamero! Tigilan mo nga ako!" (Ayos tong batang to ah? Pero nakakapagtaka sobrang hindi normal tong batang to!)

"Wait lang, ito kunin mo to. Makakatulong to sayo. Hindi mo na kailangang sabihin kung ano dahilan mo bakit ka magpapakamatay! Pero ito kunin mo to. Buksan mo yang link sa internet. Wag kana madaming tanong! Basahin mo nalang! Aalis na ako, magkikita pa tayo ulit John!"

"Ano ba to Totoy?" ( Asan na yun? Baliw na ba ako? Ang weird ah!)

Pag lingon ni John nawala na kaagad yung batang kausap niya.

(Ano kaya tong card na to? LTAF? Ano to Laugh Trip As Fck? Sosyal tong calling card na to parang ATM ah? PVC pa gamit at naka emboss pa yung LTAF. Wait asan na ba yung link na sinasabi niya? Ito sa likod pang matrix yung datingan ah. Astig! Search ko nga sa google)

Google Search:

LTAF- Local Transportation Assistant Funds. (Pang hindi ito mag kaiba ng logo at sa Arizona to eh.)

LTAF

LTAF

(Walang kaparehong logo, baka Bogus to o kaya mga scammer sila. Pati bata tinuturuan na mang budol. Malas nila wala akong pera Hahahaha! Pero i oopen ko tong link sa likod ng card, nakaka curious eh.)

WELCOME TO LTAF

Life Transformation of Adult (Failures)

[A Top secret project]

You've been invited to become one of our Beta- Users.

Please pardon us from checking your background ahead of time. You've been selected as one of our candidates by one of our agent long ago so we already have your details.

Please expect a written contract and a parcel that will be delivered tomorrow.

You're given 24 hours to decide if you will accept or decline the contract.

This is a once in a lifetime opportunity that we're offering. Think wisely!

Thank you!

From LTAF Team.

[For security purposes. The link will no longer be available once you've closed the web browser.]

"Anong Prank to? Sobrang convincing ang hanep! Haha nakakatakot! Oo malapit na akong maging failure o failure na yata ako pero hindi pa din ako mauuto ng mga ganitong prank! Kalokohan! Pag ako siningil bukas ng mag dedeliver! Sasapakin ko talaga yung batang yun! Ang bata bata pa nambubudol na! Wag ako iba nalang!" (Pero pano nalaman nung bata yung pangalan ko? Baka nabasa niya lang sa FB ko habang naka open ako. Tignan ko nalang bukas kung anong kalokohan to!)