Chereads / LTAF: Life Transformation of Adult Failures / Chapter 2 - Registration and Agreement

Chapter 2 - Registration and Agreement

'Tok tok tok!' "JOHNNY! JOHNNY! LUMABAS KA JAN!"

'Tok tok tok tok tok tok!' "LUMABAS KA JAN, TANGHALI NA! MAY NAGHAHANAP SAYO DITO SA LABAS!" (Aba'y tulog mantika kang bata ka ah!)

Kumuha ng kahoy si Aling Nena para hampasin ang pinto ni John, bumuwelo si Aling Nena at umamba ng hampas sa harap ng pinto ni John.

"AYAW MONG GUMISING AH! KAKALAMPAGIN KITA JAN!"

(Sino ba yan ang aga aga naman nito ni Aling Nena oh)

Binuksan ni John ang pinto ng saktong hahampasin na ni Aling Nena ng Kahoy.

"HYAAAA!" (Magigising ka sa gagawin ko)

Nagulat si John dahil kahoy ang sumalubong sa mukha niya. 'PAK!'

"ARAY KO! PUSANG GALA KA ALING NENA! PAPATAYIN NIYO PO BA AKO?"

Nagulat din si Aling Nena dahil Mukha ni John ang tinamaan niya imbis na Pinto. Huli na ng pigilan niya ang hampas pero tinamaan pa din si John.

"PASALAMAT KA AT NAPIGILAN KO YUNG HAMBALOS KO! TULOG KA SIGURADO KUNG HINDI! HAHAHAHA! Kanina pa may naghahanap sayo dito, antagal mo magising akala niya walang tao! Kaya ako na yung kumatok sa Pinto mo!"

"Ay Ganun po ba, Pasensya na po." (Ansaket nang hampas mo peste! Kung di ka lang matanda baka nagantihan kita! Hmmm!)

"Sino po ba yung naghahanap sakin?" (Wala naman akong mga bisita ngayon. Huling bisita sakin almost 5 years ago pa.)

"Andun sa baba, door to door delivery daw. May package daw para sayo. Wag mo kalimutan yung babayaran mo para hindi kita palayasin. Matagal tagal ka naman nang umuupa sakin kaya binibigyan kita ng palugit pero wag mo samantalahin kasi hahanap talaga ako ng lilipat jan kapag namihasa ka."

"Ay ganun po ba, Sige po di ko kakalimutan." (WOW AH, Kala mo talaga may lilipat sa ganito kaliit na kwarto at lumang luma na ang mahal pa.)"

(Teka wala naman akong inorder ah? Sino kaya nagpadala sakin?)

"Sir! Delivery po. Ito po yung package at paki sign nalang po dito. Bayad na po yan kailangan lang daw pirmahan mo to."

"Ay ganun ba? Sige salamat akin na pipirmahan ko." (Ano kaya to? Sino kaya nagpadala nito at bayad na din.)

Di na binasa ni John yung nakasulat sa papel na pinapirmahan ng delivery boy. Agad niyang tinignan yung box pagkatapos umalis ng delivery boy.

'Shhhk shhhk shhk' (Grabe ah, super sealed ah. Di kaya bomba to?)

Pagbukas ng box, nakita niya ang isang logo na pamilyar sa kanya.

"LTAF! Teka lang..." Binuksan ni John ang wallet niyang walang laman kundi ang isang calling card na binigay ng bata sa kanya kahapon. Parehong pareho ng logo at naalala niya bigla ang mga sinabi ng bata sa kanya at kung ano yung nakita niya sa website.

"Shet! Totoo nga. Ano kayang laman nito!" (Sabi ko na Barbie eh! HAHAHA Joke)

[LTAF Welcomes you to our project. Thank you for trusting us and becoming a subject for our experiment.] (Kelan ako pumayag na maging test subject niyo?)

[You're already our test subject the moment you've signed the contract. You've signed it already when you received the package from our agent.] (Huh? Di ko binasa yung contract! Pusang gala SCAM NGA! Ano kaya nakasulat dun! Baka may mga ipapagawa saking ilegal! Dapat talaga binabasa ko bago ko pirmahan eh!)

[No worries, here's another copy of the terms and condition for your reference.] (Babasahin ko talaga yun ng mabuti. Ano ba tong pinasok ko. Baka makulong pa ako dahil dito!)

Binasang mabuti ni John ang mga nakasulat sa contract pero may ilang kakaibang mga kasunduan.

LTAF: Life Transformation of Adult Failures

1.1.A.: Kailangang inumin ang isang gamot na ipinadala ng aming team sa loob ng 24 oras.

(Anong klaseng gamot kaya to? Tutubuan ba ako ng kung ano? Magkakasuper powers kaya ako?)

1.4.A: Hindi namin sagutin ang magiging kalalabasan ng itsura ng mukha ng subject. Ito ay mababase sa kanyang dna/genes na nanggaling sa kanyang magulang/ lahi.

(Lalo akong kinakabahan sa nababasa ko ah!)

1.10A: Kailangan magsumite ng weekly report ang subject at kailangan sumailalim ang subject sa monthly overall check-up para sa evaluation report at health status ng subject.

(Anong klaseng gamot ba yon bakit walang explanation?)

1.15A: Sasagutin ng aming team ang gastusin sa araw araw at ang mga bills hangga't parte ng experiment ang subject.

(ayos to ah!)

1.15B: Ano man ang bagay na matatanggap ng subject sa ibang tao ay hindi magiging pag aari ng aming team at ito'y sa kanya sa buong panahon ng experiment.

(Siyempre! Sakin binigay eh!)

1.15C: Pag natapos ang experiment. Makakatanggap ng P1,000,000 ang subject kahit ano ang maging resulta ng experiment at walang nilabag na rules ang subject.

(SANA LANG TALAGA TOTOO TO!)

4.1A: Ang experiment ay tatagal ng 365 days o hanggang mawala ang bisa ng gamot. Pwedeng mag-extend ng 3 beses ang experiment ayon sa desisyon ng subject.

(AS IF MAG EEXTEND AKO! BASTA AKIN NA ANG MILYON KO MATAPOS KO LANG TONG EXPERIMENT NA TO! BRING IT ON MADERPAKERS!)

Matapos basahin ni John ang mga nakasulat sa kontrata. Kinuha niya ang isang maliit na bote ng gamot. May nag-iisang pill ng gamot na kulay ginto na may nakasulat na LTAF-12. Maayos ang itsura at mabango ang amoy nito, mukhang mamahalin.

(Sana naman hindi to illegal drugs! Baka maging high ako at ang tama sakin eh aabot ng 1 year kaya 1 year ang contract. Pero okay lang! Bahala na! Para sa 1 Million Pesos!)

Kinuha ni John ang gamot at kumuha din siya ng isang basong tubig. Nilunok niya ang gamot at uminom siya pagkatapos. (Wala namang kaaibang lasa yung gamot. Anong nangyayari? Anong nangyayari sakin? Practice lang! Wala naman epekto sakin? Para san kaya yun? Hindi kaya expired na yun? Tignan ko nga yung bote.)

"Hays, kalokohan to! Akala ko naman magkaka 1 milyon na ako! Pero sino nga ba magbibigay ng 1 Million ng ganon ganon lang? Uto-uto ba ako o masyado lang akong umasa?"

'Toktoktok!'"Tao po!"

"Sino yan?" (Oh Sino naman kaya to?)

Binuksan ni John ang pinto at nakita niya yung batang nagbigay sa kanya ng calling card.

"Pinagtitripan niyo ba ako? Sino ba kayo? Kung may hidden camera ka ilabas mo na! Nauto mo ko! Napaniwala niyo ako! Anong prank ba to? Kung di niyo ko titigilan ipapapulis ko kayo!"

"Chill ka lang John! Easy! Walang prank at lalong hindi to joke! Bibigyan lang kita ng pointers kasi walang instructions yung gamot."

"Sa tingin mo maniniwala ako sayong bata ka? Kotongan kaya kita? Wag mong papainitin ulo ko baka iba magawa ko sayo!"

"Ang OA mo John! Ganito kasi yan. Yung gamot na yun eh pampabata!"

"Anong pampabata? Wag mo kong pinagloloko tsitsinelasin kita sa mukha!" (Ano to magic beans? Time machine?)

"Shut up John! Nainom mo na ba yung gamot?"

"WAG MO KONG MA SHUT UP SHUT UP! SISIPAKIN KITA! OO NAINOM KO NA! WALA NAMAN NANGYARI!" (Kala niyo magogood time niyo ko?)

"Good! Bahala ka mamaya! Bibigyan sana kita ng tips kaso binadtrip mo ko! Attitude ka din eh no!" Bukas nalang babalik ako kapag nakita mo na epekto ng gamot!"

"SINONG TINAKOT MO! UMUWI KANA SA INYO! BAGO KITA SIPAKIN PALABAS!"

"K. bye! Blah blah blah!" (Good luck sayo! Hahahaha)

'BLAGAG!'

Umalis na yung bata at agad sinara ni John ang pinto ng padabog!