"Papa! Huwag po ninyo kaming iwan!" sigaw ni Crystelle habang hinahabol ang kaniyang ama
na si Gaven Pretecio. Tumigil ang kaniyang ama sa paglalakad, at sumenyas ito sa ina ni Crystelle na si
Madel kakausapin niya muna si Crystelle. Agad na binitawan siya ni Madel at lumapit naman si Crystelle
sa kaniyang ama. "Anak, patawarin mo si Papa. Alam ko na mahirap ito sayo, pero hindi ko na mahal ang
mama mo. Iba na ang mahal ko, sana dumating ang araw na maintindihan mo iyon." Sabi ni Gaven.
"Papa, kami ang pamilya mo, alam mong mali iyon. Papa 15 years old palang ako, si Dane naman 12
palang. Hindi mo ba naisip na kailangan rin namin ng ama at kompletong pamilya." Sabi ni Crystelle na
hindi talaga mapigilan ang kaniyang paghagulgol. Hindi naman nakaimik ang kaniyang ama, bagkus ay
inayos nalamang niya ang kaniyang mga gamit papasok sa taxi. "Papa! Magpaawat ka, hindi mo na ba
talaga kami mahal?" sigaw ni Crystelle, lumapit na sa kaniya ang kaniyang ina upang yakapin siya. "Tama
na anak, wala na tayong magagawa, may ibang pamilya na ang Papa Gaven mo." Sabi ni Madel
napinipigilan ang kaniyang anak na nagpupumiglas sa yakap niya. "Anak, wag mong papabayaan ang
Mama at kapatid mo ah? Mahal na mahal kita." Sabi ni Gaven at hinalikan ang kaniyang anak sa noo,
pagkatapos ay pumasok na ito sa taxi. Hindi napigilan ni Cystelle ang kaniyang ama na nagmamadaling
pumasok sa loob ng taxi, pagiyak nalang talaga ang kaniyang magagawa at pagyakap sa kaniyang ina na
iniwanan ng kaniyang ama.
Ilang linggo ang nakalipas, hindi na nila matawagan sa phone ang kaniyang ama.
Magbabayaran na sa school, hinayaan ni Madel ang kaniyang anak na tumawag kay Gaven dahil alam
niyang hindi siya papansinin ng kaniyang asawa. "Mama, hindi sumasagot si Papa. Out of coverage na po
siya." Sabi ni Crystelle. "Walang hiya siya! Napagusapan na namin na magpadala siya ng maayos kahit
doon na siya sa kabit niya tumira! Bakit pati kayo pinabayaan niya, walang hiya siya!" sabi ni Madel na
hindi niya napigilan ang kaniyang luha. "Mama, huwag na po kayong umiyak. Baka ibenta ko yung laptop
ko at isang gitara ko." Sabi ni Crystelle. "Huwag anak, ide-demanda ko ang Papa mo. Hindi pwedeng
maargabyado kayo ni Dane." Sabi ni Madel. Hindi naman nakaimik si Cystelle dahil biglang dumating si
Dane. "Ate, anong pinag-uusapan ninyo?" sabi ni Dane. "Wala baby, yung ulam lang mamaya. Ano bang
gusto mong ulam?" tanong ni Cyrstelle at niyakap ang kaniyang kapatid. "Ate gusto ko ng sinigang!"
sagot ni Dane. "Oo sige, magluluto si Mama niyan!" singit naman ni Madel. "Ang saya natin, sayang wala
si Papa." Sabi ni Dane, na naging dahilan para maging tahimik si Madel at Crystelle. "Baby, diba laging
nasa barko si Papa? Matagal siyang uuwi dito sa atin." Sabi ni Crystelle. "Oo nga eh, miss ko na siya."
Sabi ni Dane. "Miss ko na din siya." Sabi ni Crystelle at napatingin sa kaniyang ina.
"Best, sigurado kang ibe-benta mo ito?" tanong ni Mika na best friend ni Crystelle, tinitignan
kasi niya ang gitara na inaalok sa kaniya ni Crystelle. "Oo best, ilang buwan na kasi kaming nag-aantay sa
update sa kaso ni Papa. Wala na kaming makain, kasi nagalit yung kamag anak ni Papa kay Mama eh."
Sabi ni Crystelle. "Paano ito? Diba ito ang huling bigay sayo ng Papa mo, sayang naman." Sabi ni Mika.
"Best, wala akong magagawa gipit ako. Atsaka sayo ko naman ibe-benta kampante ako na maaalagaan
mo ng maayos." Sabi ni Crystelle. "Oh sige na nga, bibilihin ko na ito." Sabi ni Mika at inabot niya ang
pera na kanilang nag-usapan. "Salamat, hayaan mo makakabawi rin ako sayo." Sabi ni Crystelle. "Okay lang, tayo lang din naman dalawa ang laging nagtutulungan." Sabi ni Mika. "Hoy, baka may kilala ka pang
gustong bumili ng laptop ko. Kasi gusto ko sanang ipang-negosyo." Sabi ni Crystelle. "Hala? Best seryoso
ka? Dinaig mo pa ang garage sale ah! Mahal yun diba?" gulat na tanong ni Mika. "Hmm, oo seryoso ako.
Wala akong magagawa eh. Kaysa hindi ako magaral, baka lumipat na ako ng ibang school." Malungkot
na sagot ni Crystelle. "Hay, hindi ko inakalang magiging ganyan ka. Nag-aalala na ko sayo." Sabi ni Mika.
"Okay pa naman ako, ako pa? Kaya ko ito. Basic!" sabi ni Crystelle. "Yan ang gusto ko sayo eh, mga
seaman nga naman. Seamanloloko." Sabi ni Mika. "Huh? Seamanloloko?" pagtatakang tanong ni
Crystelle. "Oo mga babaero eh. Tulad ng Papa mo!" sabi ni Mika. "May point ka! Seamanloloko nga,
hahaha!" sabi ni Crystelle.
"Mama nakauwi na po ako." Sabi ni Crystelle na kakapasok lang sa kanilang bahay. Hindi niya
ito nakita sa sofa, kaya agad siyng umakyat papunta sa kwarto. Hindi siya nagkamali, nandito ang
kaniyang ina hawak ang kaniyang phone. Mugto ang mga mata nito, kaya hindi na ginising ni Crystelle.
Hanggang sa naisipan niyang umupo sa kama at titigan ang kaniyang ina. "Paano nagawa ni Papa na
ipagpalit ka sa ganda mong iyan? Naging losyang ka ng dahil sa amin, inuna mo ang anak at asawa mo.
Ngayon natutulog ka sa kama na bagsak ang mga pisngi mo, at dumarami na ang puting buhok sa iyong
ulo. Habang tulog ka nakikita ko ang lungkot sa mga mata mo. Sorry Ma, wala akong maitulong sayo."
Sabi ni Crystelle sa kaniyang isip, kaya hindi na naman niya napigilan ang kaniyang luha. Agad siyang
tumayo, dahil ayaw niyang makita ng kaniyang ina ang kaniyang pag-iyak na iniisip ni Crystelle na baka
mag-alala na naman ang kaniyang ina sa kaniya. "Telle? Nakauwi kana pala. Umiiyak ka ba?" Sabi ni
Madel na nagising dahil sa narinig na hikbi ng kaniyang anak. "Ah, opo. Ang sakit ng ulo ko kasi parang
lalagnatin ako." Sabi ni Crystelle at bumalik sa kama upang umupo. Hinawakan naman siya ng kaniyang
ina sa leeg at noo. "Wala ka namang sinat, kumain kana sa baba may pagkain sa kusina tapos uminom
kana ng gamot." Sabi ni Madel. "Opo Mama, mamaya na. Nabili na nga po pala yung gitara ko Mama,
inaantay ko lang yung buyer ng Laptop ko." Sabi ni Crystelle. "Anak, pasensya na kung kailangan mong
gawin pa ito." Sabi ni Madel. "Okay lang po Ma, ako yung may gusto nito. Panganay ako, kaya dapat lang
tumulong ako sa Mama ko. I love you Ma." Sabi ni Crystelle.
Ilang buwan na ang nakalipas, nagkaroon na ng arraignment sa sinampang kaso ni Mama
Madel na Abandonment of Minor sa ama nito. "Ilang buwan na pero hindi natin mahagilap ang Papa mo,
Crystelle." Sabi ni Madel habang naglalakad sila sa Munisipyo ng Manila. "Mama, huwag po kayong
magagalit ah? Nagchat po sa akin si Tita Angelie, nagagalit po siya na sinampahan natin ng kaso si Papa."
Sabi ni Crystelle. "Huh? Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ni Madel. "Kasi Mama ayaw ko po ng
gulo." Sagot ni Crystelle. "Sila ang naguumpisa! Akin na nga yan, tatawagan ko yang Tita mo." Sabi ni
Madel at hinila ang phone ni Crystelle. Hindi na inawat ni Crystelle dahil alam niyang sa kaniya naman
magagalit ang kaniyang ina. "Hello?" sigaw ni Madel, dahil sinagot na ang phone call niya ni Angelie.
"Wag nga kayong pa-victim, kung kayo kaya ang lumagay sa sitwasyon namin ng mga anak ko ngayon!
Ang kakapal ninyo." Sabi ni Madel na galit na galit, dahilan para tignan sila ng mga tao na nasa paligid
nila. Hindi naman makaimik si Crystelle dahil alam niya ang sakit na nararamdaman ng kaniyang ina.
"Parang hindi ninyo pamangkin yung mga batang ito kung makapag salita kayo, sige kunin ninyo itong
mga bata! Nang maramdaman ninyo na hindi ako nagpapasarap sa pera ng kapatid ninyo!" sabi ni Madel
at pinatay ang phone call. "Mama, upo muna tayo. Kalma ka lang po, nagaalala ako sayo eh." Sabi ni Crystelle, pinakalma niya ang kaniyang ina at pinainom ng tubig muna sa kaniyang bag. "ibibigay ko na
kayo sa Tita ninyo, total sila may kakayahan na buhayin kayo at ako wala." Sabi ni Madel. "Mama, hindi
po. Dito lang kami, walang aalis hindi namin kayo iiwanan." Sabi ni Crystelle. "Magugutom lang kayo
dito, hindi ko kayo kayang buhayin dahil wala akong matinong trabaho." Sagot ni Madel. "Mama,
magaaral po akong mabuti. Hindi ko kayo iiwanan. Ayaw ko kay Tita Angelie!" sabi ni Crystelle at hindi
na napigilan ang kaniyang mga luha. Niyakap naman siya ng kaniyang ina, "Pasensya na, mahal na mahal
ko kayo." Sabi ni Madel. "Kung mahal ninyo kami, hindi ninyo kami ibibigay sa iba!" sabi ni Crystelle. "Oo
anak, hindi na. Sorry sa mga nasabi ko." Sabi ni Madel.
That was four years ago, nabuhay sila Crystelle sa tulong ng mga Tita niya sa fater side.
Nag-away 'man ang mga magulang niya at ang mga Tita niya, pero hindi parin sila natiis ng mga ito.
Grade 12 na si Crystelle, kumuha siya ng Food and Beverage na track sa Technical Vocational School.
"Hoy Crystelle, magready na daw tayo for food presentation. May panel daw natitimik ng mga luto
natin." Sabi ni Wena, kaibigan niya since Grade 11. "Okay, mag-ayos na tayo guys. Kailangan kompleto
ng sanitation ah?" bilin ni Crystelle na siyang leader sa task. "Anong dish natin?" tanong ni Klint kaklase
niya. "Cordon Bleu." Sagot naman ni Crystelle habang nagaayos ng kaniyang apron. "Ready na ba kayo?
Tara na sa kitchen." Sabi ni Crystelle at lumabas na dala ang mga ingredients na kanilang kailangan. Mga
ilang sandali ay nakarating sila sa kitchen, bilang isang leader ng team nila ay ginawa na ni Crystelle ang
pagme-measure ng mga kailangan na nilang ingredients sa Cordon Bleu. "Chicken, check. Cheese, check.
Ham, check. Egg, check. Bread crumbs, check. At last flour, check. Okay na lahat! Ma'am mags-start na
po kami." Sabi ni Crystelle. Masaya siyang nagluluto kahit hindi niya first choice ang track niya ngayon,
ay napamahal na rin sa kaniya ang pagluluto ng iba't-ibang putahe. "Okay, start your dish!" sigaw ng
teacher nila. Agad na kinuha ni Crystelle ang manok at hiniwa, pinayagan niya ang mga kagrupo niyang
maghiwa ng cheese at ham. "Ingatan ninyo, ayaw ko ng panget ang plating natin." Sabi ni Crystelle.
"Opo Mam, nakakahiya naman sayo eh." Sabi ng isa niyang kagrupo. "May sinasabi ka?" tanong ni
Crystelle na metikolosong naghihiwa ng manok. "Wala po." Sabi ng kaniyang kagrupo at nagtuloy na sa
paghihiwa ng mga ham at cheese. Mga ilang sandali lamang ay nagpainit na si Crystelle ng kawali at
nilagayan ng mantika. "Ikaw na ang magprito, alangan ako pa?" sabi ni Crystelle sa kaniyang kagrupo.
"Opo boss, nakakahiya naman sayo." Sabi nito at kinuha ang mga maayos nilang na-breadings na Cordon
Bleu.
"Ang ganda ng plating!" sabi ng panel nila na Head Chef sa isang restaurant na malapit sa
school ni Crystelle. "Thank you po, tikman po ninyo ang simpleng luto namin." Sabi ni Crystelle at inabot
ang tinidor na kaniyang hawak. Hindi na nag-aksaya ng panahon ang panel at tinikman na ang kaniyang
gawa. Kinakabahan si Crystelle at ang kaniyang mga kagrupo dahil hindi maipinta ang itsura ng panel
noong makain ang kanilang gawa. "Your evaluation Mam." Sabi ng prof nila Crystelle. "I love it! Hindi
masyadong hilaw or over cooked ang gawa ninyo. Sakto ang pag-marinate ng manok, nararamdaman ko
ang ibang lasa." Sabi ng Panel. "Wow, thank you so much po!" sabi ni Crystelle. Tuwang-tuwa silang
lumabas sa kitchen dahil alam nilang pasado sila sa kanilang practical exam. "The best ka talaga
Crystelle, sana ikaw ang lagi kong kagrupo." Sabi ng kaniyang ka-group. Ngumiti lang si Cystelle, naisip
niya kasi kung ganito rin kaya kasaya ang Papa Gaven niya kung kasama niya ito. "Sana oo." Bulong niya
sa kaniyang sarili at pumasok na sa room nila para mag-ayos ng kaniyang gamit.
"Susunduin kita, antayin mo ako d'yan sa school ninyo." Isang message ang natanggap ni
Crystelle. Galing ito sa kaniyang 2 years boyfriend na si Joshua Sabalboro, "Ano na naman kaya ang
problema nito? Makababa na nga baka mag-antay na naman sa'kin iyon." Sabi ni Crystelle at kinuha niya
ang kaniyang bag. Pagkalabas niya ng school agad siyang pumunta sa tindahan na katapat ng gate ng
TVS. Tinawagan na niya si Joshua, "Asaan kana? Nandito na ako sa tindahan." Sabi ni Crystelle. "Nasa
likod mo lang ako." Sagot ni Joshua, kaya naman agad na napalingon si Crystelle dito. Niyakap niya si
Joshua, pero naramdaman niyang hindi siya niyakap pabalik nito. "May problema ka ano?" tanong ni
Crystelle. Hindi agad nakasagot si Joshua, bagkus ay tinitigan siya nitong mabuti. "May importante akong
sasabihin sayo, pero habang naglalakad tayo." Seryosong sinabi ni Joshua, at kinuha niya ang bag ni
Crystelle. "Ang seryoso mo naman. Ano bang problema?" tanong ni Crystelle at nagumpisa na silang
maglakad. "Mamaya na, maglakad muna tayo, gusto kitang kasama." Sabi ni Joshua at hinawakan ang
kamay ni Crystelle. "Gutom lang yan, libre mo nalang ako!" sabi ni Crystelle at hinila si Joshua papunta
sa isang malapit na nagtitinda ng fishball. "Kukuha na ako ah?" sabi ni Crystelle, tumango lamang si
Joshua. "Ang tahimik mo, anong gusto mo dito?" tanong ni Crystelle, hindi kasi siya sanay na matamlay
si Joshua dahil mas makulit pa sa kaniya ito. "Kwek-kwek lang ako, kumuha kana." Sabi ni Joshua,
kinabahan na si Crystelle dahil naisip niyang makikipag-break na si Joshua sa kaniya. Naglalakad na silang
dalawa, tinititigan ni Crystelle si Joshua na sobrang tahimik kumain ng kwek-kwek. Tumigil si Crystelle sa
paglalakad, pero ang kaniyang mga mata ay nakatutok kay Joshua, napansin ni Joshua na tumigil si
Crystelle kaya tumigil siya at nilingon ito. "Bakit ka tumigil maglakad?" tanong ni Joshua at nilapitan si
Crystelle. Tinitigan muna ni Crystelle ito ng mabuti bago sumagot, "Makikipaghiwalay kana ano?" tanong
ni Crystelle at naging seryoso na rin ito. "Huh? Pinagsasabi mo!" sabi ni Joshua. "Kung hindi, bakit ka
ganyan? Hindi ka ganyan, wag mo kong inaano." Sabi ni Crystelle. "Hala? Hindi nga ako makikipag-
hiwalay. May sasabihin lang ako sayo, eto naman kumukuha lang ako ng tempo." Sabi ni Joshua. "Eh
anong sasabihin mo? May iba kana?" sabi ni Crystelle at tinulak si Joshua. "Aray! Wala, about sa akin ito.
May sasabihin ako sayo, wag kang magagalit ah?" sabi ni Joshua. "Ano nga? Ayaw ko ng ganito alam mo
yun!" sabi ni Crystelle. "Magmi-millitary ako, alam kong ayaw mo pero ito yung pangarap ko." Sabi ni
Joshua, napatigil bigla si Crystelle. "H-huh? Akala ko ba. Napagusapan na natin ito?" tanong ni Crystelle.
"Alam ko, pero napapayag ko na si Mama. Ikaw nalang ang kailangan kong sagot." Sabi ni Joshua. "What
if hindi parin ako pumayag? Tutuloy ka parin naman diba? Ayaw ko. Kung ipipilit mo iyan maghiwalay
nalang tayo." Sabi ni Crystelle at iniwanan si Joshua. Napatigil siya bigla dahil naalala niyang na kay
Joshua ang bag niya, "Akin na iyan!" sabi ni Crystelle at kinuha kay Joshua ang kaniyang bag. Hindi na
siya hinabol ni Joshua, pero hindi rin ito umalis sa kinatatayuan niya. Samantalang si Crystelle ay patuloy
sa paglalakad, at hindi niya nilingon si Joshua.
"Mas mahal niya ang pangarap niya kaysa sa akin, napag-usapan na naming dalawa iyon
Ma!" sabi ni Crystelle na nakadapa sa kaniyang kama, habang kausap ang kaniyang Mama Madel. "Ehhh
gaga ka pala eh, kahit sino naman yun ang gusto niya. Bakit mo siya pipigilan? Gaga!" sabi ni Madel at
binatukan si Crystelle. "Ehhh Mama! Hindi mo ba naisip na delikado yun? Atsaka—" sabi ni Crystelle at
natigilan ito bigla. "Atsaka? Baka makahanap siya ng iba?" sabi ni Madel. "Waaaah! Ayaw kong isipin
yan, break naman na kami!" sabi ni Crystelle. "Gaga ka talagang babae ka! Tapos ngayon iiyak-iyak ka
d'yan!" sabi ni Madel. "Ehh? Ayaw ko ng maulit yung nararasan kong sakit noong umalis si Papa, akala
ko tayo lang yung mamahalin niya eh. Nakakapagod maniwala Ma." Sabi ni Crystelle. "Ohh sige ganito nalang, kapag ba nawala ng tuluyan sayo si Joshua kaya mo?" tanong ni Madel. "Hindi Mama, ang laki ng
parte niya sa buhay ko." Sabi ni Crystelle. "Ayun naman pala eh. Kausapin mo, ayusin mo. Hindi ganyan,
ang babaw pa niyan. Marami pa kayong bagay na dapat pagsamahan at pag-awayan." Sabi ni Madel,
hindi nakaimik si Crystelle dahil dito.
"Tao po! Tao po!" sabi ni Crystelle, nasa tapat kasi siya ng gate nila Joshua. Ilang araw
na rin simula ng away na nangyari sa kanila, mga ilang sandali lamang ay lumabas si Tita Yolly ang Mama
ni Joshua. "Oh, ikaw pala iyan Crystelle, pasok ka!" pag-aayang sinabi ni Yolly. "Ahh, Tita hindi na po ako
papasok sumaglit lang po ako para kausapin si Joshua." Sabi ni Crystelle. "Nakaalis na siya! Hindi mo
alam?" gulat na tanong ni Yolly. "Huh? Po? Hindi ko po alam, saan po siya pumunta?" tanong ni
Crystelle. "Nagpunta na siya noong nakaraang araw sa Military School. Sinabi niya sa akin na nagpaalam
na daw siya sayo, so bakit hindi mo alam?" tanong ni Yolly. "Hindi po ako pumayag, nag-away po kaming
dalawa. Makikipag-ayos po sana ako sa kaniya ngayon." Sabi ni Crystelle at hindi na nito napigilan ang
kaniyang mga luha. "Gustong-gusto talagang mag-sundalo ni Joshua. Pasensya na anak, hindi mo na yun
maco-contact bawal sa camp ang phone." Sabi ni Yolly at tinapik ang balikat ni Crystelle. "Tita sorry po,
pinigilan ko si Joshua sa gusto niya, ayaw ko lang naman po kasing mapahamak siya sa future." Sabi ni
Crystelle. "Okay lang, kahit ako rin naman ayaw ko na mangyari iyon. Kaso may magagawa ba tayo sa
mga gusto niya? Mahal na mahal ka ng anak ko, kaso may pangarap din siyang gusto niyang matupad."
Sabi ni Yolly. "Aalis nalang po ako Tita, salamat po." Sabi ni Crystelle at nag-umpisa na itong maglakad
pauwi.