"Ayan tayo eh, broken hearted!" sabi ni Dane na inaasar ang kaniyang Ate Crystelle na hindi
parin tumigil sa kakaiyak sa kanilang sofa. "Tama na iyan, baka pag-awayan pa ninyong dalawa." pag-
aawat ni Madel. "Ate okay lang yan, parehas naman tayong single." Sabi ni Dane. "Bata ka pa para sa
ganyan! Gusto mo ng umiyak tulad ng ganito?" sagot ni Crystelle. "Huh? Pinagsasabi mo te? Hindi
naman ako katulad mong tanga." Sabi ni Dane. "Ay nako Dane, maghain kana lang. Mapipikon na iyang
Ate mo sayo." Sabi ni Madel na kakatapos lang magluto ng kanilang ulam. "Kasalanan ko ito eh, kung
sana nakipagusap nalang ako ng maayos." Sabi ni Crystelle. "Tama na yang drama, kumain kana!" sabi ni
Madel dahil hindi parin tumitigil sa kaka-drama itong si Crystelle. "Kaya nga Ate, marami pang iba
d'yan." Sabi ni Dane at umupo na sa Dining Table. Tumayo si Cyrstelle at pumunta sa hagdan, "Ohh ate
saan ka pupunta?" tanong ni Dane. "Alangan sa baba? Sa taas syempre kaya nga ako nasa hagdan diba?"
pangbabara ni Crystelle. "Edi bumaba ka sa hagdan utak mo rin, ano Te?" sabi ni Dane, hindi na ito
pinansin ni Crystelle at nagpatuloy sa pag-akyat.
Ilang linggo na ang nakalipas, busy si Crystelle magsulat sa kanilang Comtemporary Arts na
subject. "Ang tahimik mo ah? Problema natin?" tanong ni Christine, isa sa kaibigan ni Crystelle sa TVS.
"Wala naiisip ko lang yung mga kagagahan ko." Sabi ni Crystelle. "Wala kanang magagawa doon,
magmove on kana lang!" sabi ni Christine. "Magmove on? Parang ganun lang kadali ah?" sabi ni
Crystelle at natigil ito sa pagsusulat. "Alam kong hindi madali, pero mas mahirap kung mags-stay ka sa
isang bagay na malabo ng maayos diba?" sabi ni Christine. "Ms. Pretecio! Ang ingay ninyo." Sigaw ng
teacher nila sa CA, kaya tumahimik na silang dalawa.
"Hoy, ingat ka ah?" bilin ni Christine dahil uwian na nila. "Oo sasakyan nalang ako ng jeep."
Sagot ni Crystelle, ayaw rin naman kasi niyang maglakad mag-isa dahil nalulungkot siya masyado. Mga
ilang sandali lamang ay naka-sakay na siya ng jeep. Maraming tao ang napasukan niyang jeep, "Pwede
ka d'yang umupo sa tabi ng bata!" sigaw ng driver ng jeep. Sumunod naman siya dahil nakita niya ang
maluwag na parte na pwedeng maupuan. Sa kasamaang palad napakalikot ng batang tatabihan niya,
iniwasan niya ito, hindi pa siya masyadong nakakaupo ay umandar na agad ang jeep. "Aray! Punyeta."
Sabi ni Crystelle, buti ay napigilan niya ang pagkakasubsob niya dahil may isang lalaki na humawak sa
kaniyang kamay. "Ayos ka lang ate?" tanong ng lalaki. "Ahhh oo, okay lang ako." Sabi ni Crystelle at
kinuha nito ang kaniyang wallet para magbayad, "Shit! Nakakahiya. Anong gagawin ko? Lupa lamunin
mo na ko!" sabi ni Crystelle sa isip niya. "Manong bayad po." Sabi ni Crystelle at inabot sa katabi niya
ang bayad niya. Napatingin siya sa kaniyang ID, nawawala ito lace nalang ang sa kaniya. Hinanap niya ito,
pero hindi niya makita. "Shit! Kapag minamalas ka nga naman!" bulong niya, naisip niyang pumara
nalang. "Manong para po!" sigaw niya at pagkahinto ng jeep ay bumaba rin agad siya.
"Patay, hindi ako makakapasok nito sa school paghindi ko nahanap yung ID ko. Kailangan ko
yung bar code nun!" sabi ni Crystelle, nagpabalik-balik na siya sa lugar kung saan niya pwedeng
maihulog ang kaniyang ID pero hindi niya ito mahanap. "Kapag minamalas ka nga naman!" sabi ni
Crystelle at naisipan nalang na umuwi ng kanilang bahay nila. Naisipan niyang maglakad muna dahil baka
makita niya ang kaniyang ID habang naglalakad siya. Biglang may isang lalaki na sumusunod sa kaniya,
natakot siya kaya binilisan niya ang kaniyang paglalakad. Napansin ni Crystelle na tumakbo na ang lalaki
palapit sa kaniya, takot na takot talaga siya. "Kuya wag po ninyo akong papatayin! Wala rin po kayong
makukuha sa'kin mahirap lang ako, atsaka hindi ako yummy para i-rape ninyo, kaya kuya wag po ako!"
sabi ni Crystelle na kabadong-kabado talaga sa lalaking katabi niya. Lumapit lalo sa kaniya ang lalaki, at
tumingin ito ng masama sa kaniya. May kinuha ito mula sa kaniyang bulsa, naisip tuloy ni Crystelle na
baka kutsilyo ito o hindi kaya ay panyo na may pangpatulog. "Kuya wag po!" naiiyak na sinabi ni
Crystelle. Nakita niya ang nilabas ng lalaki, nagulat siya ng nakita niya na ID ito. "Ang feeling mo Ate!
Ibabalik ko lang sayo ito, kung ano-ano ng inisip mo sa akin." Sabi ng lalaki at inabot sa kaniya ang ID
niya. "Hala? Bakit nasayo ito? Stalker kita ano? Ang kapal mo!" sabi ni Crystelle at pinaghahampas niya
ang lalaki. "Wow! Stalker? Ako? Ikaw ang makapal, hindi mo ako naaalala? Ako yung tumulong sayo,
yung nasa jeep kanina? Chaka mo!" sabi ng Lalaki at umalis ito. Biglang nagsink in sa utak ni Crystelle na
siya pala yung katabi niyang lalaki noong muntik siya masubsob, kaya hinabol niya ito. "Kuya! Wait lang,
sorry na!" sigaw ni Crystelle at hinahabol niya ang lalaki. Pero hindi ito huminto at nagpatuloy lang ito sa
paglalakad, hindi naman gaano kabilis ito kaya naabutan ni Crystelle. "Kuya, sorry po." Sabi ni Crystelle.
"Tatanggapin ko iyang sorry mo, pero sa isang condition!" sabi nito. "Anong condition naman yan? Wow
ah? Pa-choosy pa, gwapo ka?" sarcastic na sagot ni Crystelle. "Edi wow, wag kanang magsorry!" sabi ng
lalaki at nagpatuloy maglakad, nakonsensya talaga si Crystelle kaya naisip niyang pumayag nalang.
"Anong condition?" sigaw ni Crystelle. Lumingon sa kaniya ang lalaki, "Date with me! Sagot ko." Sabi
nito, nagulat si Crystelle. Pero parang naisip niyang isang beses lang naman hindi naman siguro masama,
atsaka libreng pagkain rin iyon sayang. "Sige! Saan ba?" sabi ni Crystelle. "Saan mo gusto? Gusto ko lang
ng kasama ngayong araw." Sabi ng lalaki. "Hala? Praning ka?" sabi ni Crystelle. "Bakit ayaw mo?" Sabi ng
lalaki. "Ayaw ko sana, kaso naisip ko yung tulong mo." Sabi ni Crystelle. "Buti naman, matino ka palang
kausap eh. Ako nga pala si Kyle Olivarez." Sabi ni Kyle. Napatingin bigla si Crystelle dito, nakita niya ang
maputing balat nito hindi masyadong katangkaran mukhang nasa 5'5 ang height, malalaking muscles, at
ang singit nitong mga mata, at matangos na ilong. "Hoy? Ikaw anong pangalan mo? Nakatulala ka
d'yan?" sabi ni Kyle, dahil dito ay nagulat si Crystelle. "Ahh Ako? A-ako si Crystelle Pretecio." Sabi niya.
"Natulala ka? Gwapo ko 'no?" sabi ni Kyle at kumindat ito sa kaniya, nagulat si Crystelle sa ginawa nito.
Hindi niya alam kung bakit parang may naramdaman siyang kilig sa ngiti nito, at dahil sa ngiti ni Kyle at
napangiti rin siya. "Yuck ka ah? Nakita ko lang yung pawis mo, butil-butil na!" sabi ni Crystelle. "Ay
ganun ba? Shit." Sabi ni Kyle at pinunasan ang kaniyang mukha. Nakahinga ng maluwag si Crystelle dahil
nalusutan niya si Kyle.
"Crystelle, so anong gusto mong kainin?" tanong ni Kyle, nasa isa silang Food Park na malapit
lamang sa kanila. "Kahit ano, hindi naman kasi ako 'Pa-choosy'!" sabi ni Crystelle. "Huh? Ano may
sinasabi ka?" tanong ni Kyle, dahil hindi niya masyadong narinig ang sinabi ni Crystelle. "Wala, sabi ko
kahit ano." Sagot ni Crystelle at umupo na ito. Mga ilang sandali lamang ay dala na ni Kyle ang kanilang
pagkain bumili ito ng donuts, chicken inasal, crispy pata, at mango float. Nagulat si Crystelle sa dala nito,
napaka-dami, "Bakit ang dami? Bibitayin mo na ba ako mamaya?" tanong ni Crystelle. "Hala? Ang sama mo talagang mag-isip ano? As I said kanina, gusto ko ng kasama ngayon." Sabi ni Kyle. "Joke lang, ang
pikon mo naman!" sabi ni Crystelle at kinuha ang chicken inasal. "Pero thank you sa libre, gutom na rin
ako kakalakad eh." Sabi ni Crystelle. "Bakit ba kasi bumaba ka kaagad? Hindi mo 'man lang ba naisip na
baka sa jeep mo nahulog yang ID mo?" tanong ni Kyle. "Hindi, kasi nahihiya na rin akong maghanap sa
jeep. Ikaw kaya kung masubsob ka dun maghahanap ka rin ba?" pabalik na tanong ni Crystelle. "Hindi,
hindi naman kasi ako kasing tanga mo na masusubsob sa jeep." Sabi ni Kyle. "Wow, edi ako na tanga."
Sagot ni Crystelle at nagpatuloy sa pagkain. "Teka, bakit pala naghahanap ka ng kasama mo?" tanong ni
Crystelle. "Wala lang, wala akong kasama sa bahay pag-uwi ko. Wala rin naman gustong kumaibigan sa
akin eh." Sagot ni Kyle. "Hala? Siguro may kaso ka ano? Nakapatay kana talaga! Sabi ko na nga ba
masama ka!" sabi ni Crystelle. "Tanga! Hindi, gaga ka. Hinaan mo nga yung boses mo." Sabi ni Kyle at
kumain ulit. "Eh bakit wala kang kaibigan?" tanong ulit ni Crystelle. "Hindi mo ba napapansin? May
pagka-weirdo ako?" tanong ni Kyle. "Huh? Weirdo kana ng lagay na iyan? Loko mo ko ah!" sabi ni
Crystelle. "Sa bagay, hindi halata sa pananamit ko. Pero basta weirdo ako." Sabi ni Kyle. "If you don't
mind, we can be friends. Friends lang naman." Sabi ni Crystelle. "Talaga? Seryoso ka?" sabi ni Kyle. "Oo
naman, bakit hindi?" sabi ni Crystelle. Inabot ni Kyle ang kaniyang kamay kay Crystelle, napatingin
naman si Crystelle sa kaniya. "Ano yan? Shake hands! Alangan namang shake feet." Sabi ni Kyle. "Abno,
edi wow." Sabi ni Crystelle at nakipagshake hands kay Kyle.
"Hoy, hinay-hinay lang sa kain. Ang takaw mo pala." Sabi ni Kyle. "Sorry na, ang sarap kasi ng
pagkain. Naubos ko na pala yung donuts grabe." Sabi ni Crystelle at humawak sa kaniyang tyan, na
sobrang namumutok na. "Oo nga eh, hindi ako nakatikim." Sagot ni Kyle. "May sinasabi ka?" tanong ni
Crystelle. "Wala, sabi ko baka gusto mo pa? Pwede pa naman akong bumili." Sabi ni Kyle. "Ahhh hindi
na, uwi na ko." Sagot ni Crystelle. "Sige tara, hahatid kita." Sabi ni Kyle. "Huh? Wag na. Kaya ko naman
umuwi mag-isa." Sabi ni Crystelle. "I insist, ayaw ko pa kasi talagang umuwi ng bahay." Sabi ni Kyle. "Sige
na nga, ang kulit mo eh!" sabi ni Crystelle. "Yun! Friendship naman na kita diba?" sabi ni Kyle. "Oo na,
wag kanang humirit!" sabi ni Crystelle.
Nakatulog na si Crystelle habang nakasakay sila sa jeep. Medyo traffic na kasi dahil 5:25 PM na,
nakasandal na ito sa balikat ni Kyle. Pero hindi na ni Kyle ginigising ito dahil mukhang napagod talaga si
Crystelle kakahanap ng kaniyang ID. "Kamukha mo talaga si Jasmine." Bulong niya habang tinitignan ang
maamong mukha ni Crystelle. Si Jasmine ang ex-girlfriend ni Kyle na namatay dahil sa leukemia three
years ago. Hindi pa siya nagkaka-girlfriend after ni Jasmine, "Hmm." Sabi ni Crystelle na gising na ito.
"Ang sarap ng tulog ah? Matigas ba yung muscles ko?" sabi ni Kyle. Nagpunas si Crystelle ng kaniyang
laway, "Sorry, inantok lang talaga ako." Sabi ni Crystelle. "You know Jasmine Corpus?" tanong ni Kyle.
"Huh? Hindi eh, bakit sino ba siya?" tanong ni Crystelle. "Nothing, may naalala lang ako." Sabi ni Kyle.
"Ahh, teka nasaan na ba tayo?" tanong ni Crystelle at tumingin sa labas ng jeep. "Hala? Bakit ngayon mo
lang ako ginising! Manong para po!" sabi ni Crystelle at bumaba, sinundan naman siya ni Kyle. "Bakit ka
bumaba?" tanong ni Kyle. "Tanga, lagpas na tayo. Buti nalang hindi masyadong malayo!" sagot ni
Crystelle at naglakad papuntang pedestrian line. "Ganun ba? Malay ko ba naman sa bahay ninyo. Hindi
naman kasi ako gala, ngayon lang ako gumala." Sabi ni Kyle at sinundan si Crystelle. "Tara, tawid na
tayo." Sabi ni Crystelle, may isang sasakyan na dumaan at sobrang bilis ng takbo nito. Hinila siya ni Kyle,
"Hoy! Wag ka kasing magmadaling tumawid buti nalang hindi ka nasagasaan!" sigaw ni Kyle, nagulat si Crystelle sa nangyari pero mas nagulat siya noong mapasandal siya sa dibdib ni Kyle. "Ang lambot niya!"
sabi ni Crystelle sa isip niya. "Hoy! Wag nga kayo sa gitna ng kalsada maglandian! Nagkakatraffic eh!"
sigaw ng driver ng isang SUV. Agad na tumawid silang dalawa dahil dito.
"Salamat sa lahat ng ginawa mo sa akin ngayong araw ah?" sabi ni Crystelle. Nasa harapan na
sila ng gate nila. "Okay lang iyon, sa susunod wag kanang lutang ah?" sabi ni Kyle. "Oo na, sige papasok
na ako. Ingat ka." Sabi ni Crystelle. "Sige, salamat." Sabi ni Kyle. Pumasok na si Crystelle at si Kyle naman
ay umuwi na rin. Pagpasok ni Crystelle ng kanilang bahay ay naabutan niya ang kaniyang ina na
nanonood ng TV. "Nandito na po ako." Sabi ni Crystelle. "Oh, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Madel.
"Wala po, gumala lang saglit, naglibang lang." sabi ni Crystelle. "Ahh, kaya pala parang ang saya mo."
Sabi ni Madel. "Nako Mama, ano na naman iyan?" sabi ni Crystelle. "May ka-date ka 'no?" tanong ni
Madel, na inaasar ang kaniyang anak. "Hay nako, Mama aakyat na po ako." Sabi ni Crystelle na umakyat
ng nakangiti. Pagkapasok niya ng kaniyang kwarto. "Hindi ko inaakala na mapapangiti niya ako, well.
Thanks." Bulong ni Crystelle. Naisipan ni Crystelle na buksan ang kanyang Facebook Account, may friend
request dito mula kay Kyle Olivarez at isang request message. "Thank you, you make me smile today.
Nakalimutan ko na mag-isa ako sa buhay ko, sana may next time pa. See you soon." -Kyle Olivarez. Agad
na in-accept ni Crystelle ang friend request ni Kyle at nagreply sa message nito. "Thank you rin, naging
savior kita ng maraming beses sa isang araw lang." reply message ni Crystelle.
"Good morning World!" sigaw ni Crystelle na kakagising lang kasi niya. Agad siyang bumaba
para kumilos dahil may pasok pa siya sa TVS. "Ohh gising kana pala!" sabi ni Madel, nagulat siya ng may
naka-upong lalaki sa sofa nila at parang pamilyar ito. "Yiieee Ate! May bago kaagad ah?" pang-aasar ni
Dane. Gulat na gulat si Crystelle ng makita niya si Kyle, "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Crystelle
na nagmamadaling bumaba ng kanilang hagdan para lumapit kay Kyle. "Ikaw naman anak, bakit napaka-
sungit mo? Kaibigan mo naman daw siya." Sabi ni Madel. "Eh?" sabi ni Crystelle at napa-isip ito sa
kaniyang reaksyon. "May dala akong pagkain d'yan, alam kong favorite mo." Sabi ni Kyle at nakita niya
ang dalawang boxes ng donuts. "Kumain kana, baka malate pa tayo." Sabi ni Kyle. "Ikaw iho, hindi ka pa
kakain? Sabayan mo na kami." Sabi ni Madel. "Kaya nga kuya, ang sarap pa naman ng dala mo!" singit ni
Dane. "Ahh, Tita dala ko po talaga iyan para sainyo." Sabi ni Kyle. "Sumabay kana, hindi naman namin
mauubos ito." Sabi ni Crystelle. "Weh? Kahapon nga parang kulang pa sayo yung mga donuts! Hahaha!"
sabi ni Kyle, nagulat si Crystelle sa sinabi nito. "Hoy! Hindi kaya, inubos ko lang kasi feeling ko ayaw mo
na. Sayang kaya yun!" sabi ni Crystelle, nagulat si Madel at Dane sa sinabi ni Crystelle. "Teka, kasama mo
siya kahapon anak?" sabi ni Madel. Nataranta si Crystelle ng maalala niyang hindi nga pala siya
nagpaalam kay Madel. "Ahhh, hmm. Opo! Biglaan lang po kasi iyon." Sabi ni Crystelle. "Halika nga muna
dito, mag-usap tayo. Kain muna kayo d'yan Dane." Sabi ni Madel at hinila si Crystelle, umakyat sila sa
kwarto. "Sino ba iyang lalaking yan? Ngayon ko lang nakilala iyan! Mukha pang mas matanda sayo." Sabi
ni Madel. "Ma, kahapon kasi muntik na akong sumubsob sa jeep. Hinawakan niya ako kaya hindi
natuloy, tapos nawala yung ID ko, yun pala napulot niya. Nagkaayaan kami na kumain, sayang naman
yung libreng foods. Kaya ayun sumama ako!" sabi ni Crystelle, dahil dito ay binatukan siya ni Madel.
"Aray naman!" sigaw ni Crystelle. "Gaga ka talaga, kakabreak ninyo lang ni Joshua ng ilang araw. May ka-
date kana agad?" sabi ni Madel. "Mama hindi yun date! Kumain lang kami." Sabi ni Crystelle. "Tanga
anong tawag mo dun? Charotan lang? Tanga!" sabi ni Madel. "Eh? Mabait naman yan si Kyle. May pa-donut nga sainyo eh." Sabi ni Crystelle. "Bahala ka sa buhay mo Crystelle! Matanda kana wag kang
boba." Sabi ni Madel at bumaba na.
"Galit ba sa akin si Tita?" tanong ni Kyle habang naglalakad sila. "Ah, hindi naman. Nagulat
lamg iyon kasi ilang days palang kaming break ng ex ko. Akala niya siguro naporma ka." Sagot ni
Crystelle. "Ahhh, sorry kung pumunta ako sa bahay ninyo. Naisip ko lang naman kasi na sabayan ka
papuntang school." Sabi ni Kyle. "Okay lang, hayaan mo na iyon. Bawi ka naman dun sa donuts, hahaha
joke!" biro ni Crystelle. "Teka you said nakakabreak mo lang sa ex mo? May I ask why?" tanong ni Kyle,
hindi naman agad nakasagot si Crystelle at nawala ang kaniyang mga ngiti noong marinig ito. "Ahhh
sorry kung tinanong ko pa, wag mo ng sagutin." Sabi ni Kyle. "Kasi inayawan kong magmilitary siya, ayun
pinursue parin niya at nagtuloy sa camp." Sabi ni Crystelle. "Ahhh ganun ba? Sorry kung tinanong ko pa,
alam ko namang fresh pa." sabi ni Kyle. "Hayaan mo na iyon! Ikaw ba may jowa ka ngayon?" tanong ni
Crystelle. "Ako? Wala ah! I had ex 2 years na kaming break." Sabi ni Kyle. "Oh? Ang tagal mo na palang
single, so bakit kayo nagbreak?" tanong ni Crystelle. "Hindi kami talaga nagbreak, namatay kasi siya
dahil sa leukemia." Sabi ni Kyle. "Hala? Ganun ba? Sorry." Gulat na sinabi ni Crystelle. "Okay lang, ang
tagal na nun. Alam ko rin namang masaya na siya at walang nararamdamang sakit kung nasaan siya."
Sabi ni Kyle at ngumiti ito. "Kaya ka ba naging weirdo dahil sa kaniya?" tanong ni Crystelle. "Noong una
oo, kasi ayaw ko talagang mapalapit sa iba. Pero habang tumatagal I think choice ko na." sagot ni Kyle.
"Ahhh, ang bilis natin nandito na pala tayo sa school." Sabi ni Crystelle. "Oo nga ano, sige una na rin ako.
Ingat ka." Sabi ni Kyle. "Ingat ka rin, bye." Sabi ni Crystelle at pumasok na ito ng kanilang campus.
"Grabe girl ah? May ka-date agad? Parang kahapon lang Semana Santa ka ah?" sabi ni
Cristine dahil na kwento ni Crystelle ang tungkol kay Kyle. "Gaga! Hindi naman sa ganun. Naiisip ko kasi
yung hirap niya, namatay pala ang jowa niya kaya weirdo siya. Ako nga hindi naman namatay si Joshua
pero ang bigat sa loob ko." Sabi ni Crystelle. "Nako Te! Baka mamaya maging jowa mo na iyan?" sabi ni
Christine. "Loko hindi, alam ko lang na kailangan niya ako. Hindi ko naman ipagdadamot ang oras ko."
Sabi ni Crystelle.