1 Message Received From Eneru the Gagu
Eneru:
Wala man lang thank you?
Shantine:
Sinabi ko bang padalhan mo ko ng pagkain?
Eneru:
Hindi
Shantine:
O? Hindi naman pala e
Eneru:
Sabi ko nga hahahahahahahaha
Paborito mo yung bopis?
Shantine:
Hindi
Eneru:
Sus kaya pala nang pinadala ko yan hahahahaha
Shantine:
Anong kaya pala?
Eneru:
I saw you smile :)
Shantine:
Youre hallucinating!
Eneru:
Kahit kitang kita ko hahahahaha paborito mo nga?
Shantine:
Alam mo na nagtatanong ka pa!
Eneru:
Para sigurado hahahaha
Bakit paborito mo yan?
Shantine:
Bakit ang dami mong tanong?
Eneru:
Sasagot na lang nagsusungit pa :(
Shantine:
Bakit hindi ko ba puwedeng maging paborito ang bopis?
Eneru:
Sa dinami-rami ng ulam, bat yan?
Shantine:
Dahil gusto ko!
Bat ba nangingialam ka?!
Eneru:
Why are you always mad at me?
Shantine:
Im not mad!
Hindi ba puwedeng ganito lang talaga ako?
Eneru:
Youre always like that?
Palaging kang HB?
Shantine:
HB?
Eneru:
High blood
Hindi maganda yan sabi nila mas madali raw tumanda ang taong palaging galit
Pansin mo yung ibang tao hindi halatang matanda na sila dahil palagi silang masaya nakakabata yon
Shantine:
Hayup ka parang sinabi mong ang tanda ko na!
20 pa lang ako no!
At hindi naman palaging masaya ang mga tao imposible yon minsan pa nga kapag masaya ang isang tao kinabukasan magiging malungkot na lang bigla parang laging may kaakibat na lungkot yung bawat saya
Eneru:
At sa bawat lungkot na yon puwede tayong maghanap ng dahilan para maging masaya ulit
Shantine:
The hell! Bakit napunta diyan yung usapan?
Eneru:
Ewan ko hahahahahaha
Kaya ikaw wag ka na palaging galit para hindi ka mabilis tumanda lol
Shantine:
Hindi nga sabi ako galit ganito lang ako!
Damn why am I even explaining to you?
You know nothing about me
Eneru:
Thats why I want to know everything about you
Shantine:
The fuck?!
Eneru:
Masarap yung bopis no?
Shantine:
Hindi!
Eneru:
Hindi raw kaya pala lagi mong nauubos hahahahaha
Shantine:
Shut the fuck up!
Eneru:
Dont cuss
Nasa harap ka ng pagkain
Shantine:
I'll say whatever the hell I want!
Eneru:
Respect the food
Shantine:
Respect your face!
Eneru:
Pag yan nagtampo sayo
Shantine:
Damn! Just let me eat in fucking peace!
Eneru:
Sungit talaga hahahahaha
Opo Maam :)