Chereads / And Then You Came / Chapter 24 - Text 24

Chapter 24 - Text 24

1 Message Received From Fellalalalala

Fella:

Saan ka pumunta kanina Tine?

Shantine:

Umuwi na

Fella:

Agad-agad? Bat di ka pumasok sa last subj mo?

Shantine:

Wala naman gagawin at badtrip na naman ako

Fella:

Dahil na naman ba kay Prima?

Shantine:

Nope but she's getting into my damn nerves!

Fella:

Bat nagpapaapekto ka sa babaeng yon?

Shantine:

Hindi ako nagpapaapekto sa kanya at sa mga sinasabi niya pakialam ko kung gustong-gusto niya si Eneru?

Inaagaw ko ba? Kanya na! Saksak pa niya sa malanding esophagus niya!

Makapag-sabi na layuan ko raw, wag magpakita ng motibo at wag landiin!

Ako ba tong lumalapit sa gagong yon?

Punyeta! Magsama sila!

Fella:

Ay dzai hindi ka pa apektado sa lagay na yan ha? Hahahahahahahaha

Shantine:

Hayup ka!

Fella:

Deadmahin mo na lang

Shantine:

Cant you see? Dineadma ko naman ilang linggo rin yon kahit anong parinig niya kapag nasa Caf tayo o kapag nakakasalubong ko siya, pinabayaan ko na lang pero napupuno rin ako!

Tangina! Konti na lang bibinggo na sakin ang higad na yon! Pasalamat siya busy ako sa case study ko!

Hindi ko lubos maisip kung ano ang nagugustuhan ng mga babae sa lalaking yon e napakalaking gago non!

Fella:

Gago pero guwapo!

Shantine:

Leche! Hindi rin!

Fella:

Hindi? Talaga?

Kahit nahuli kitang pinagmamasdan siya? Hahahahaha

Shantine:

Tinitingnan ko lang siya dahil hindi ko alam kung saan banda guwapo ang gagong yon! Sadly, hindi ko mahanap!

Fella:

Kunwari ka pa! Kilala kita!

Nagaguwapuhan ka sa kanya no? Hahahahaha

Shantine:

What? Hell no! Bagay nga sila ng higad na yon

Kung si Prima yung Dora, siya naman si Boots! He's a monkey jerk!

Fella:

Monkey? Yung mala-porselana niyang kutis at mukha na wala man lang pores hindi man lang ata nagkaroon ng pimples yon sa buong buhay niya! Yung makapal na kilay niya na tinernuhan ng makapal na eyelashes at deep brown eyes, yung ilong niya na sobrang pointed! Nahiya ang disappointed nose ko yung jaw line niyang well-defined and lastly, yung pinkish lips niya na maraming babae ang nababaliw! Isa na si Prima Dora! Ayun ba yung mukhang unggoy?

Dzai! Ipa-check mo na yang mata mo parang may problema hahahahahaha

Shantine:

Wft! Talagang iniisa-isa mo ha!

Mukha pa rin siya homo erectus!

Fella:

Kung ganon din pala kaguwapo ang mga homo erectus sana lahat nalang ng lalaki naging kamukha niya

Shantine:

Buwisit ka! Guwapong guwapo ka na naman sa gagong yon!

Hindi ka talaga loyal kay Aivo!

Fella:

Of course not! Siyempre si Aivo pa rin ang pinaka-guwapong nilalang sa mga mata ko pero minsan kailangan mo rin iappreciate ang itsura ng ibang tao para marealize ng mga taong katulad mo na hindi marunong maka-appreciate! Gets?

Shantine:

You know what Lala? Try mo rin maging busy hindi kung ano ano ang nalalaman mo!

Fella:

But seriously tine, wag mo na lang pansinin yon si Prima ang reyna ng mga amazonang nagkakandarapa kay Eneru kasi kahit anong gawin niyang pagharot kay Eneru, hindi naman siya papatulan non may taste naman siguro si Eneru hahahaha

Shantine:

Do I look like I care?

Fella:

You care dzai!

You do hahahahahahaha

Shantine:

Pag-aralan mo na nga lang yung case study natin may recit na ron tom!

Una ka sanang matawag!

Fella:

You wish!

Ikaw naman palagi ang unang tinatawag ni Sir Baltazar

Nong una akala ko favorite student ka lang talaga pero ngayon feeling ko crush ka na non hahahahahahahaha

Shantine:

Hayup ka! Napakadumi ng isip mo!