Elle
Meron ako ng mga bagay na gusto ko, meron akong maayos na apartment. Nakakain ako ng higit sa tatlong beses sa isang araw, kaya kong bilhin yung mga gusto ko. Ang swerte ko nga daw eh, but i still feel lifeless, simula ata ng mawala ang Lolo at Lola ko sinama narin nila ako, Im physically alive but mentally dead. Sila nalang kasi yung meron ako, bago nawala pa. Bakit ba ang damot Nya? Bakot kailangang kunin Nya pa yung mahahalagang tao sa akin.
Tahimik lang akong pumasok sa classroom, may ilang nagsilapitan sa akin. Yung mga so called friends ko daw, pero ang totoo andito lang sila sa tabi ko kasi may kailangan, kasi may pera ako. Wala namang taong nagsta-stay pag wala silang mapapakinabangan sayo 'e.
"You already have that bag! Omgi, can i borrow it?" lapit sa akin ni Dentie, anak sya ng Mayor sa lugar namin.
Ngumiti lang ako bago umiling, dahil sa ingay ng boses nya. Nagsilapitan tuloy yung iba kong classmate na mayayamang babae, kesyo daw nagorder din sila nun, na padating na daw, na naubusan daw sila, na ang swerte ko daw.
Sabi ko naman sainyo, hindi yan sila lalapit kung walang kailangan. So ano pang use ng pakikipagkaibigan diba?
Agaran naman silang bumalik sa kani-kanila nilang upuan ng dumating na ang Professor namin, Ganito naman lagi ang routine ng buhay ko simula ng mawala sila.
Nang hudyat na ng Lunch break, akmang tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng pagkahilo. Nakita kong napatingin sa akin si Dentie pero nung nakita nyang nakatingin din ako sakanya, umiwas sya ng tingin at dali-daling lumabas. Diba? Sabi kona sainyo, magaling lang pag may kailangan.
Naupo muna ako ng ilang minuto sa upuan ko, wala akong pake kung wala ng tao sa room at tanging ako nalang. Napagpasyahan kolang lumabs na nung medyo ayos na yung pakiramdam ko.
Lumabas ako ng School para kumain sa palagi kong kinakainan na restaurant, malapit lang ito. Actually walking distance lang sa School. Nagaantay nalang ako sa inorder ko at prenteng nakaupo, pero nabigla ako ng makaramdam na naman ako ng pagkahilo pero may kasama na ito ngayong pagka— pagkakapos ng hininga.
Malalalim ang bawat panghinga ko, ewan ko na pero kinakapos talaga ako. Parang hindi at wala na nga atang hangin akong nalalanghap.
Nagulat na lamang ako ng may biglang lumapit sa aking waiter at binigyan ako ng brown paper bag, agad ko yung kinuha at huminga duon. Wala na akong pake kung mukha akong tanga o ano kasi hirap na hirap na talaga akong huminga.
Matapos ang ilang minuto ay bumalik narin naman sa dati ang paghinga ko sakto rin na dumating na yung order ko. Pagkatapos kong kainin yun ay bumalik na ako sa School.
Naalala ko pa nuon nung buhay pa sila, si Lolo ang sumusundo sa akin pagkatapos ng klase ko katulad ngayon, pero sa ngayon wala nang ganun wala na kasi sila. Napipilitan tuloy akong magtaxi lagi, ganun nalang ayoko namang bumili ng kotse dahil hindi ako marunong at wala akong balak matutong magdrive, baka mabangga pa ako— mabuti nga sana na mabangga ako para makasama kona sila.
"Apo, a—ang bilin ko ingat m—mo ang kalusugan mo. Mahal na mahal kit—" bigla namang sumagi sa aking isipan ang kahulu-hulihang bilin sa akon ni Lola. Saka nung nabubuhay pa sya palagi nya akong sinasabihan na pag may nararamdaman daw akong kakaiba sa katawan ko magpacheck-up agad ako, o sabihin ko agad sa kanila. Na ingatan ko daw lagi ang sarili ko. Wala na sila, wala nakong pagsasabihan kaya ginawa ko nalang ang isang bagay, ang magpacheck-up.
Kung hindi lang sa bilin ni Lola ay wala talaga akong balak magpacheck-up maganda nga sana yun eh, yung mamatay ako ng biglaan para makasama kona ulit sila. Pero alam mo yung feeling na nafefeel ko na kung nabubuhay sina Lolo at Lola baka pinaghahampas na nila ako kasi kung ano-anong katarantaduhan ang pumapasok sa utak ko.
"Ms. Dumpit, kayo na po" tumayo namna ako at pumasok na sa opisina ng Doctor, si Doctor Medina. Sya yung Doctor nina Lolo at Lola.
"Good afternoon Elle! Napadalaw ka?" Bungad sa akin ni Doctor Medina, ngumiti lang naman ako ng kapraso at sinabi na yung mga nararamdaman kong kakaiba.
"Baka stress lang yan, pero mabuti ng nakakasigurado tayo. Kailangan kong makuha ang blood sample mo pati narin ang Xray, sumama kana lang sa assistant ko at iaassist ka nya. I will call you paglumabas na yung result okay?" Mahabang pagpapaliwanag nito, tumango at nagpasalamat lang namna ako at sumama na sa Assistant nya.
Ginawa ng ang pagkuha sa akin ng dugo at ang pag xray. Pagkatapos nun ay dumaretso na ako sa Apartment ko, simula kasi ng— ng mawala sila lumipat na ako sa isang di kalakihang apartment, pagkasi sa bahay maalala kolang sila s abawat sulok nun. Sak aayos naman dito kasyang-kasya at solve nako.
Nagpakulo lang ako ng mainit na tubig at inilagay yun sa cup noodles, ito lang ang hapunan ko, hindi naman kasi ako marunong magluto dahil nasanay ako na may nagawa mun sa akin, nasanay ako na puro luto ni Lola ang kinakain ko.
Paulit-ulit na ganun nalang ang cycle ng buhay ko, ang boring no? Hanggang sa marinig ko ang pinakamaganda ba o pinakamasamang balita na maririnig ko sa buong buhay ko.