Chereads / La Lumiere / Chapter 4 - Chapter III

Chapter 4 - Chapter III

Elle

Dala dala ko ngayon yung blanket ni Ivar, ewan ko ba kung bakit koto inuwi kahapon. Sayang din naman kasi kung iiwanan ko nalang dun.

Iiwanan konalang muna siguro ito sa locker ko, ayokong bitbitin to hanggang sa room baka maissue pako. Akmang liliko na ako ng makita ko si Ivar.

"Whoi!" Pagtawag ko dito, agad naman itong lumingon at ngumiti sakin.

"Whoi din! Pumapayag kana na maging kaibigan ko ha" nakangiting sabi nito, agad ko namang inabot sa kanya yung paper bag kung saan nakalagay yung balnket nya.

"May regalo kapa" bago kinuha nya na.

"Ah yung blanket ko, buti hindi mo iniwan nalang dun. Thank you!" Sabi nito at hindi mawala-wala yung ngiti nya.

Bigla naman akong nawalan ng balanse dahil nakaramdam ako ng pagkahilo, agad ako nitong inalalayan.

"Do—dont touch me" saad ko dito, agad namna ako nitong binitawan.

"Ayos kalang ba? You want to go to the clinic?" Alerto ang mga kamay nito na para bang pagnahilo ulit ako ay sasambutin at aalalayan nya ako. Umiling lang ako at tumalikod na, im done with him. Nasoli kona naman yung blanket nya so wala ng point para magtagal pako dito.

"Huy! Where are you going?" Tanong nito, pero hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Kain tayo lunch mamaya? Celebrate natin na magkaibigan na tayo" habol pa nito kaya humarap ako sa kanya. Sino ba nagsabi dito na kaibigan ko na sya?

"Who the hell said that your my friend? Walang dapat icelebrate okay? Leave me alone. Hindi ko kailangan ng kaibigan" pinal na saad ko dito. Nakita ko namang nawala yung ngiti nya. Tatalikod na sana ulit ako ng magsalita sya.

"Simula kahapon, Kaibigan na kita Elle" saad nito at umalis na, ang kulit nya rin no?

Ano kayang kailangan nun sa akin at lapit ng lapit?

"Ang swerte mo naman Elle, si Ivar kaibigan mo na" isa pa to eh, ito ang bumungad sa akin ng makaupo ako sa upuan ko. Hindi ko nalang sana papansinin kaso narinig ng iba kong classmate at nagsisulputan bigla sa harap ko. Ito na naman.

"Si Lucian Ivar? Ang bait nga nun! Laging nakangiti nung tinawag ko nga kanina nginitian ako!" Tili nang isa kong classmate. Hindi ko nalang sila pinansin bahala silang dumakdak tungkol kay Ivar. Wala akong pake.

"Okay Class tomorrow we will start the students week, wala kayong teacher ng buong linggo but always remember na pagmay kalokohan kayong ginawa ay malalaman parin namin" pagpapaliwanag ng assign Prof namin ngayong oras. Nagsisigawan at nagpapalakpakan naman ang buong klase dahil sa kanilang narinig.

Nagtaas naman ako ng kamay at tumayo.

"Ma'am excuse me po. Can i ask?" Tumango naman ito kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"Pwede po bang wag nalang pumasok during the students week?" Tanong ko. Umiling naman ito kaya umupo na ako.

"Unfortunately class, you can't absent during the students week. Required parin kasi na pumasok kayo. May katanungan pa ba kayo?" Pahpapaliwanag naman nito. Nung wala ng nagtanong ay nagpaalam na sya sa amin, kaya dismissal na.

Start na ang Students day ngayon, pwede kaming magcivillian bukas but for today required kami na nakasuot ng tshirt namin by grade level, pantalon, skirt or jogging pants its your choice pero yun talagang tshirt ang importante.

Maingay at sari-saring palamuti ang sasalubong sayo pagkapasok na pagkapasok mopalang ng campus.

Madaming booth ang nasa field, may jail booth, marriage booth, Wishing booth, Freedom board, Shout out booth at nasa pibakagitna ang stage kung saan tutogtog mamayang gabi ang banda ng school.

May mga stall din ng ibat- ibang klaseng pagkain, at inumin. Ang Section namin ang naassign sa game booth. Naisip naman nila na dart nalanh yung gawing booth kaya konti lang ang tao sa room namin dahil halos lahat sula ay nasa field at nagbabantay sa booth namin. Ako? Naandito sa room hindi namna s atamad ako at walang balak pumunta sa booth namin. Hindi kopa kasi oras sa pagbabantay, inassign kasi kami. Ayoko namang maglibot libot dahil mapapagof lang ako kaya annatili ako sa room.

Dala dala ko rin tung tubigan ko dahil this days lagi akong uhaw. Nagdatingan ang ilan kong classmate dahil tapos na daw ang oras nila sa pagbabantay. Binati ako ng iba yubg iba naman ay niyaya ako na maglibot pero umiling lang ako.

Pagbukas ko ng facebook ko ay nakita kong may friendrequest, pagtingin ko si Ivar. Hindi ko alam kubg iaaccept koba o ano pero mamaya maya ay may nagnotif sa messenger ko

Message request at galing rin kay Ivar.

Goodmorning! Nasa room ka ngayon? Or nasa booth nyo? Lets eat lunch later let's celebrate. And by the way please accept my fr seeyou!

Bakit ba lagi akong kinukulit nito? Hindi ba malinaw yung sinabi ko kahapon na hindi ko kailangan ng kaibigan? Alin ba duon yung hindi nya naintindihan. Nakakainis na sya seriously.