Chereads / Prison in his heart / Chapter 2 - The saddest day of marriage

Chapter 2 - The saddest day of marriage

"Kent, umuwi ka na. Lasing ka na," pag aalala ni Shamira sa asawa.

Kasal na si Kentarou kay Shamira sa araw na iyon pero matapos ang araw ay agad nyang iniwan ang asawa upang uminom sa bar. Wala na siyang magawa sa kagustuhan ng ina na ikasal sila ni Shamira dahil hindi nya magawang hindi sundin ang ina. Lalo na ang tangi ina nya lang ang nagpalaki sa kanya mula nang mamatay ang ama.

"Pwd ba?! hindi pa ba sapat sa iyo na pinakasalan kita? So ano pipilitin ko pa ang sarili ko na makasama ka sa iisang bahay at makatabi sa iisang kama?!," galit na sinigawan nito si Shamira.

"Okay, hindi tayo magsasama sa isang kama pero sana namn umuwi ka na. Lasing ka na, baka mapano ka pa. Paano ma aksidenti ka sa daan?".

Tamayo ito at nilapitan si Shamira na nakatayo.

"Mas mabuting ma aksidenti ako nang makasama ko ang totoong babaeng mahal ko. Teka, hindi ka ba nakokonsensya na bestfriend mo pinatay mo? hindi ka pa nakontento, inagaw mo pa boyfriend ng bestfriend mo.",bumalik ito sa pagkaka upo.

"Umalis ka na, ayoko makita ang pagmumukha mo."

"Bakit?." tanong ni Shamira.

Napakunot ang noo ni Kent. "Anong bakit?".

"Bakit ang sama sama ng tingin mo sa akin? Hindi ko iyon sinasadya. Hindi ko rin sinasadyang mahalin ka."

"Sorry, pero hindi kita mamahalin dahil iisa lang ang taong mahal ko at iyon ay ang bestfriend mo na pinatay mo!. Sana hindi ka nya niligtas edi sana hindi siya namatay!."

Nabigla si Shamira sa sinabi ni Kentarou. Hindi nya akalaing sasabihin iyon ni Kent mismo sa mukha nya.

Patakbo siyang lumabas ng bar at umiyak. Hindi nya inakala na sa mismong araw ng kasal nya magiging miserably siya.

Pero mas lalo siyang napaiyak nang bumuhos ang ulan at nabasa siya. Hindi na siya sumilong sa kung saan, bagkos hinayaan nyang maulanan ang sarili at ibuhos lahat ng lungkot nya sa araw na iyon.