Chereads / Prison in his heart / Chapter 5 - Mother and son

Chapter 5 - Mother and son

"Anak, hindi ba mukhang sumusobra ka na kay Shamira??"

"wow, ang bilis nmang nagsumbong ng babaeng iyon sa iyo. tsk".

Nasa opisina si Kentarou kausap ang ina.

"Anak, mabait na bata si Shamira. Alam ko na napilitan ka lang makasal sa kanya dahil narin sa banta ko. Pero kahit na anak kita hindi kita kaaawaan. Ibibigay ko sa iyo ang fully share ko sa kompanya kung magkakaroon kayo ng anak ni Shamira."

Biglang napatayo si Kentarou sa kinauupuan.

"What??!!! Mom, hindi ko nga siya kayang tingnan, ang magkaroon pa ba kaya ng anak sa kanya. mom, that is impossible. Hindi ko kayang magkaroon ng anak sa kanya. Wag kanya. Ayoko siyang maging ina ng mga anak ko in the future.!"

maagang umuwi ng bahay si Kentarou. Umakyat agad siya sa kwarto. Naabutan nyang kakalabas pa lang ng banyo si Shamira. Nang makita siya ni Shamira ay nagulat ito. Bigla rin namang napatitig si Kentarou sa katawan ni Shamira na balot parin ng towel. Nang mapansin niya ang sarili na nakatitig sa asawa ay agad siyang bumaling ng tingin.

"Gusto kong kumain, ipagluto mo ako!" paiwas niyang tingin nito.

" Akala ko ba ayaw mo sa luto ko? Ano to? papagudin mo ako sa pagluluto tapos itatapon mo? Hindi ka ba nasasayangan ng pera pambili ng mga pagkain? Marami ang hindi nakakakain tapos ikaw nagtatapon??. Ayoko.!", tinalikuran nito ang asawa at pumasok sa dressing room.

Naiwang nakatulala si Kentarou. Hindi niya akalain na hindi man lang siya nakasagot sa asawa at naunahan pa siyang talikuran.

Hinintay niya itong makalabas. Nang lumabas na ang asawa ay agad niyang naalala ang sinabi ng ina.

"Nagsumbong ka pala sa mom ko. Bilis mo rin ano." nakaupo ito sa gilid ng kama.

Hindi ito pinansin ni Shamira. Daretso siya sa table katabi ng kama. Naglagay siya ng cream sa mukha at pinatuyo ang buhok.

"Wow. iba ka rin ano. Anong karapatan mong magmagaling sa loob ng bahay ko! Sinisiraan mo ko sa mom ko upang pilitin niya ako sa mga bagay na ayaw kong gawin!"

Lumingon sa kanya si Shamira.

"hindi ako naninira sa relasyon mo. Nasa lugar ako. Tama bang magtapon ng blessings sa basurahan? pinahirapan mo kong magluto tapos itatapon lang??"

Agad na tumayo si kentarou at hinawakan ang pisngi nito.

"Wag mong kakalimutan. Ako ang may karapatan sa bahay na ito at sa buhay mo! Wag mo akong pangunahan. Sa oras na may kinalaman ka sa mga pinagagawa ng mom ko, mas pahihirapan kita."

"bi-bitawan mo ako. Na-sasaktan ako kent."

Binitawan siya ni kentarou. Napaluha namn si Shamira sa ginawa nito.

"Mas malala pa diyan ang gagawin ko sa iyo kapag may pinaplano ka behind me."

Umalis ito ng kwarto. Napatingin si Shamira sa reflection ng sarili sa salamin. Malayang umaagos ang kanyang mga luha sa pisngi. Mahal na mahal nya ang asawa to the point na handa nyang tanggapin ang masamang trato nito dahil sa namatay nitong kasintahan.