Chereads / Until Death Do Us Apart / Chapter 2 - Panimula

Chapter 2 - Panimula

Until Death do us Apart

Isinulat ni: Celestine Lascano

[Panimula]

7 na ng umaga at mamayang 8 na ang unang klase ko pero narito pa rin ako sa aking higaan. Nakatingala sa kisame ng kwarto ko. Iniisip kung bakit magisa ako sa buhay. Hindi gaya ng mga kaklase kong nariyan ang kanilang mga boyfriend, kaibigan at higit sa lahat ang kanilang mga magulang pero nakakalungkot lang kung paano nila sagut-sagutin sila.

Kanina pa ako nag-palipat lipat ng pwesto sa kama ko at iniisip yung huling mga pangyayari bago namatay si Mama kasabay ng mga malakas na patak ng ulan na naririnig ko sa labas. Sampung taong gulang pa lang ako noon at walang ka-alam alam sa buhay. Walang pakialam at walang problema basta nariyan si Mama. Si Mama na lagi akong tinutulungan sa mga assignments ko, ang laging gumagamot ng sugat ko sa tuwing ako'y nadadapa, ang nagpapalakas ng loob ko kung pintasan ng ibang mga tao dahil sa kaduwagan at ka-lamyaan ko minsan at ang laging nag-papaalalang palagi ko daw sundin ang inuutos ng puso ko at gawin kung anong gusto kong pangyarihin at huwag umasa sa tadhana dahil hindi naman daw totoo yun.

Napaisip ako, hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin sa akin.

Hanggang nung dumating ang araw ng kaarawan ni Mama.

March 28, 2008; 11:30 A.M

"Mama, happy birthday po!" bati ko kay Mama pagka-bukas niya ng pintuan at agad siyang sinalubong ng maiinit kong mga yakap.

"Nako, akala ko talaga nakalimutan na ng baby girl ko na birthday ko ngayon, halika nga dito at pauulanan kita ng maraming halik!" sabay yuko ni Mama at kinikiliti ako ng mga halik niya. At agad din siyang tumigil ng mapansin ang kulay pink na card na hawak ko.

"Ano naman 'to?"

"Letter ko po Mama! Pinaghirapan ko po iyan kahit medyo hirap na hirap ako sa pag-iispell!" halos mapunit ang labi ko sa sobrang saya ko dahil natuto na din ako sa pagbabasa at pagiispell. Sampung taon na ako pero ngayon ko lang natutunan ang mga bagay na iyon na dapat nung anim na taon ko pa natutunan. Sabi ni Mama, nagkaroon daw ako ng sakit sa utak kung kaya't medyo mabagal rin ako makagets o tumatak sa isip ko ang mga nalalaman ko. Akala ko nga magsasawa si Mama sa pagtuturo kaya minsan nahihiya talaga ako lumapit sa kanya.

Busy na siya sa trabaho pagkauwi pa ay ako pa ang iintindihin niya kaya nagsumikap akong matuto ng sarili ko at sisikapin ko ding gumraduate ng may honor! Palaging nagtatrabaho si Mama para may pambili ng mga gamot ko ganun din ang pagpapa-therapy kaya dapat lang na suklian ko siya nito.

"Ayos ka lang ba anak? Baka sumakit ang ulo mo kakasulat nito? Dapat hindi mo na pinahirapan pa sarili mo. Paano na lang kung biglang sumakit ang ulo mo ng wala ako?!" dire-diretso niyang sigaw at dahil doon napalundag ang puso ko sa gulat. Hindi ko inakalang magiging ganito pa ang reaksyon niya.

Tinitigan lamang niya yung sulat ko at alam kong hindi niya iyon binasa napapikit na lang siya at ipinatong iyon sa lamesa malapit sa pintuan saka dumiretso sa salas.

"Ayos lang po ako Mama, gusto ko lang po kayo mapangiti." may namumuo ng luha sa gilid ng mata ko.

"Sa tingin mo mapapangiti mo pa ako kapag bigla ka na lang bumulagta dito kakagawa niyan? At sigurado akong kinaligtaan mo din ang pag-inom mo ng gamot kakagawa niyan!" napapikit ako sa mga narinig ko. Jusko naman, dapat siguro hindi ko na ginawa yun kung ganito lang ang mangyayari. May habit din ako na kapag naka-focus ako sa isang bagay nakakalimutan ko ng may dapat pa pala akong gawin at tama si Mama nakalimutan kong inumin ang gamot ko kaya medyo nahihilo ako.

"Bwisit talaga kahit kelan." rinig kong bulong pa ni Mama pero pakinig ko pa din iyon.

"H--Hindi ko nga po nainom ang gamot ko." sagot ko.

"Ano?!!" napatingin si Mama sa akin. Hindi....Siguro pagod lang tong nararamdaman ni Mama kaya ganiyan ang reaction niya ngayon imbes na maging masaya siya.

"Alam mo bang katumbas ng hindi mo pag-inom ng gamot ay pagbabawas mo ng buhay mo???!! Kaya nga ako gumagawa ng paraan para lang mabuhay ka pero ito lang ang gagawin mo?" sunod niya pang sabi.

Hindi ko maintindihan bakit ganito magalit si Mama ngayon.

"S-Sorry Ma." mahina kong tugon.

"Umalis ka na sa harap ko, baka makalimutan pa kitang anak ko." nakapamewang siyang nakapikit habang sinambit ang mga salitang iyon. Sumisikip ang dibdib ko habang tumatakbo sa kwarto at tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. 

HIndi ko maintindihan bakit ganito siya magalit.

Nilock ko ang pintuan at umupo sa study table ko sa tapat ng bintana at doon umub-ob at umiyak ng umiyak, hindi ako sanay na ganito kami ni Mama. Nang dahil lang sa paglimot kong uminom ng gamot ay makakalimutan na niyang anak niya ako? Maya maya pa lang bigla akong nakarinig ng katok sa pinto.

"Anak? Cataleya? Anak, sorry na oh. Hindi sinasadya ni Mama na pagalitan ka. Anak buksan mo ang pinto magusap tayo..." hindi ko pa din binubuksan ang pinto.

"Anak, umiiyak na si Mama. Lumabas ka na diyan oh." at dahil doon bigla akong napatayo at pinunasan ang luha ko na alam ko namang mapapansin niyang umiyak ako. Binuksan ko ang pinto at bigla akong niyakap ni Mama. At ngayon mukhang hindi na siya galit.

"Mama..." hindi ako makaimik, masakit din ang ulo ko.

"Sorry, Cataleya. Sorry anak. Sorry kung sa huling sandali ko ay nagawa ko pa ding alalahanin ang mga sakit na binigay ng iyong ama sa puso ko." nagulat ako sa sinabi ni Mama.

Una may ama ako. Buong buhay ko ay akala ko isa lang akong ampon gaya ng sinabi sa akin ng tiyahin ko. Pero may ama ako!

Pangalawa...anong huling sandali? Kumalas ako sa pagkakayakap niya. "Mama ano pong ibig sabihin niyo? May ama ako? H-Hindi ko po kayo maintindihan..." paghikbi ko pa.

"Patawarin mo ako anak kung nagawa kong itago sa iyo ito simula pagkabata mo. Oo, may ama ka..." tuloy tuloy na umagos ang luha sa mata niya. Buong buhay ko nangulila ako sa pagmamahal ng isang ama at heto nakatayo sa akin ang Mama ko at umaming may Ama ako....ngunit ang tanong nasaan siya?

"Nasaan siya Mama?....Kailangan po natin siyang mahanap para magkakasama na tayo." pagpupumiglas ko pa ngunit pinigilan ako ni Mama.

"Ang tanging alaala ko lang mula sa kanya ay ang maamo mong mukha anak. Kamukhang kamukha mo ang iyong Ama." mahina niyang sinabi.

"Nasaan po siya?"

"Nasa iyo siya...anak." lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Mama, huwag niyo na po akong lokohin pa! Nasaan si Papa?" bumalot ang sigaw at iyakan namin sa labas ng silid ko at napansin kong makulimlim na sa labas at biglang kumulog.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong hilahin palabas at siguro eto na ang sagot sa mga tanong ko simula nung maliit pa. Nasaan si Papa?

At huminto kami sa isang puntod.

Lumuhod ako para makitang malinaw kung kanino ang puntod na iyon.

Selena Lopez (1972-2002)

Nanlumo ako.

Bakit nakalagay dito ang pangalan ng Mama ko? Lumingon ako sa likod ko at biglang nawala si Mama tanging malamig na hangin lang ang dumampi sa balat ko at nagsimula ng bumuhos ang mga luha ko.

Binalik ko ang tingin sa puntod na nasa harap ko. 2002? Namatay siya sa taong isinilang ako?

Kung ganon sino ang babaeng kaharap ko ng 10 taon? S-Sino siya? Agad akong tumakbo pabalik sa bahay buti na lang saulo ko pa yung dinaanan namin kanina. Tumakbo ako ng mabilis baka maabutan ko pa si Mama sa bahay.

Pero pagbalik ko....

Napaluhod na lang ako na wala si Mama. Hinanap ko siya sa kwarto niya, sa banyo, sa kwarto ko, sa likod pero wala siya.

Bakit ganoon? Akala ko ba malalaman ko na kung nasaan si Papa nung lumabas kami? Pero bakit iniwan ako ni Mama? bakit pati siya?

Nakaharap ako ngayon sa salamin ko at inaayos ang necktie ko at biglang napabalik ang mata ko sa repleksyon ng mukha ko sa salamin.

Ganito din ba ang hitsura ng ama ko? Kung ganon....sigurado akong napaka-gwapo niya. hehe

"Aray!" nagulat ako ng biglang hinagisan ako ni Tita Susana ng plastik na medyo mabigat at tumama ito sa ulo ko. Dumating na pala siya.

"Kanina ka pa nakaharap diyan sa salamin! Baka gusto mo ng basagin yan???!" masungit niyang tugon.

"Ano makikipagtitigan ka na lang sakin? Ibigay mo ang plastik! tanga tanga." hay nako kahit kailan talaga.

"Dadating na nga lang sa pamamahay ko ganito pa ang bungad." napairap naman ako at nilimot yung plastik na may lamang mga sachet ng tawas.

"Anong sinabi mo Cataleya? Pakiulit nga?" kumunot yung noo niya.

"Ang sabi ko dadating ka na nga lang sa pamamahay ko ganito pa ang bungad mo.....Tiya Susana." diniin ko talaga ang pagbanggit ng pangalan niya.

"Aba bastos ka ah! Ganyan ka ba pinalaki ni Selena?" binato niya ako ng unan sa sofa pero tumawa lang ako ng makailag ako. Ano ka ngayon, end one Tiya Suso. Kinuha ko na agad ang bag ko at agad ng umalis. Bahala kang mamatay sa galit dyan! bwahahahaha!

Speaking of Selena, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa tuwing maaalala si Mama. Lahat ng kasinungalingan niya, pang-iiwan, at sakit. basta! hindi ko maipaliwanag. Hanggang ngayon hindi pa rin siguro ako nakakamove on pagkatapos ng nangyari 10 years ago. Biglaan naman kasi. Biglang naglaho si Mama na hindi ko man lang alam kung san nagpunta. Si Papa naman wala na ata nalunod na sa tabo at ngayon nasa puder ako ni Tiya Susana a.k.a suso! Paano ba naman kasi ang liit liit niya tapos ang laki niya kumain at mabilis pa! Pero napaka bagal naman kumilos napilayan kasi siya sa likod noon eh kaya siguro hindi na rin tumangkad pa.

Pero magpa-hanggang ngayon.....isa pa ring misteryo ang pagkamatay ni Mama.

Hindi rin alam ni Tiya Suso ang tungkol dito at ang alam ko tinakwil daw si Mama noon sa pamilya nila kaya wala silang balita kung kailan namatay si Mama at kung paano. Pero alam kong imposible masyadong kinalimutan talaga ng pamilya ni Mama at wala ng pakialam sila kay Mama dahil kung ganoon man bakit inaalagaan pa rin ako ni Tiya Suso ngayon? bigla namang sumagi sa pandinig ko ang napaka pangit na boses ni Tiya Suso na nangsasabing 'ayoko lang talagang makakita ng pulubing bata dahil mukha silang basura lalo na kung alam kong anak ng kapatid ko! at natatawa ako AHAHAHAHAayaw pang aamin na mahal na mahal ako eh kahit na madalas kaming magbanlitan sa kakulitan ko at daming tanong.

Nasa kalagitnaan ako ng klase ngayon at talagang masasabi kong sobrang boring ng klase! Lalong lalo na kapag si Sir Anton ang nagtuturo, ang teacher namin sa Filipino na bakla at napapansin lang talaga ang mga lalaki kong kaklase lalo kapag pogi! gosh.

"So ngayon class, gagawa kayo ng sanaysay tungkol sa pag-ibig..." biglang nabuhayan ang klase ng bigla niyang sabihin yun except me. Duhhh, anong alam ko sa pag-ibig?

"Sir paano kung walang alam sa pag-ibig?" tanong ko.

"Wag ka ng madaming tanong Ms. Lopez kung ayaw mong i-dropout kita sa class ko. Sakit sakit na ng ulo ko dadagdag ka pa eh." at agad siyang naglakad pauna. Grabe, nagtatanong lang eh. 

Pwede naman siya sabihing mag-iba na lang ako ng topic dahil totoo namang wala talaga akong alam sa pagibig na yan! Ang alam ko lang ay ang usaping other life, kamatayan, at royal families! haha! Lalong lalo na yung storya ni King Henry VIII grabe ang dami niyang asawa kahit pa katoliko siya at labag yon sa simbahan!

"Ano tatayo ka na lang diyan magdamag?" bigla akong natauhan. Nakatayo pa rin pala ako dito at masama ang tingin sa kanya. bwisit! Bumalik ako sa pagkakaupo ko at nagsisimula ng lusawin ang ballpen na hawak ko. Anong isusulat ko?biglang sumagi sa isip ko na birthday pala ni Mama ngayon. Teka nasaan nga pala yung letter na binigay sakin ni Mama nung 10 years old pa lang ako? Nakalagay din doon ang totoong depinasyon ng pag-ibig! Agad kong binuklat ang bag ko at nagsimulang kalkalin ang laman nito.

Hindi pwede!!!!! Narito lang yon!!! Sinipit ko lang yon sa English notebook ko kagabi at ngayon wala na? Jusko. Hindi pwedeng mawala yun! Yun na nga lang yung bagay na naiwan sakin ni Mama pagkatapos niyang mawala nung birthday niya mawawala pa! UGHHH!!!

Naalala ko nga pala na bitbit ko kanina pagpasok itong English notebook ko at nagsasagot ng assignment habang naglalakad! Nakuuu, baka nalaglag yun sa daan??!!! Hindi maaaari!!! Basa pa naman ang daan ngayon at kakaulan lang. Sorry in advance talaga mama hindi ko naalagaan yunnnn.

Yumuko ako at nilagay ko ang dalawang daliri ko sa sentido ko at iniisip isip yung laman ng liham ni Mama na ilang beses ko ng basahin pero ewan ko ba kung bakit nakakalimutan ko yung mga sinabi don pero alam ko yung thought! Hindi ko lang talaga maisip kung anong mga talinhaga yon basta! gulong gulo na ang utak ko!

Hindi pwedeng mawala yun, ayun kay Mama itago ko lang daw ang liham niyang iyon at hayaang ibigay ang liham na iyon sa taong magiging komportable at mamahalin ko ng totoo at kapag nabasa daw niya iyon mauunawan niya ang mga misteryo sa buhay ni Mama at ganun din sa pagkatao ko.

Hindi pa nga dumadating yung lalaking iyon na sinasabi ni Mama nawala ko na agad yung liham! Bwiset talaga oh! pati ba naman sa usaping lovelife hindi pa rin ako tantanan ng kamalasan!

Mamaya ko na iisipin ang tungkol sa liham na yon, malapit ng matapos ang time ni Sir at kailangang makapagpasa ako on time kundi siguradong ibabagsak na talaga ako nung paknot na yon.

agad ko ng sinulat sa papel ang nalalaman ko tungkol sa pagibig.

Cataleya LopezMarch 28, 2018

Wagas na pag-ibig

Ano nga ba ang pag-ibig? Marahil alam kong alam niyo ding walang matinong depinisyon ng pag-ibig pero isa lang ang matitiyak kong tunay na pag-ibig. Ang pagdating nito sa hindi inaasahang oras at panahon at hindi mo aakalaing mamahalin mo kahit pa maging buhay mo ang kapalit nito.

Sa pagtagal ng panahon batid kong kumukupas na ang totoong pag-ibig. Hindi natin alam kung saan ito darating at kung paano ito biglang aalis. Ang totoong pag-ibig ay hindi basta basta kumukupas. Mawawala man ngunit alam natin sa sarili nating buong buo pa ang pagmamahal na sa ati'y iniwan ng hindi inaasahan. Kung paanong hindi natin inaasahang dumating sila sa buhay natin ganun din ang pagkawala nila. Sa pagtanggap mo ng totoong pag-ibig kailangang tanggapin mo din ang katotohanang masasaktan ka. Sapagkat walang pagmamahal kung hindi tayo nasasaktan. Maaari tayong magalit ngunit mawawala na lang ito ng dahil sa ang nananaig ay ang pag-ibig. Ito ang tunay na pag-ibig.

Ang pagtanggap ang mabisang paraan patungo sa totoo at wagas na pag-ibig. Kahit pa masaktan tayo paulit ulit natin iyong tatanggapin dahil ito ang tunay na pag-ibig.

hays! natapos din! wew! ako ba talaga ang nagsulat nito? Hindi ako makapaniwalang kaya ko palang magsulat tungkol sa pag-ibig o talagang wala lang akong tiwala sa sarili ko? haha nakakatawang isipin.

Kung babasahin parang nagkaroon na ako ang boyfriend pero ang totoo patama lang lahat yan kay Mama!

Nagawa ko pa rin siyang patawarin at hanap hanapin kahit na may tinatago akong galit sa kanya kahit marami siyang inilihim sakin yun ay dahil nga mahal na mahal ko ang ina ko. at iintayin ko ang pangako niya.

Pangakong magtatagpo ulit kami nila Papa pagdating ng araw.