Chereads / Until Death Do Us Apart / Chapter 4 - Kabanata 2

Chapter 4 - Kabanata 2

"Pare si Susana!" sigaw pa nung isa. Natamaan ko naman yung isa ng bato sa may pisngi at dali-daling tumakbo palayo nagulat na lang ako ng biglang may malamig na kamay ang dumampi sa kamay ko at hinila ako sa may eskinita.

At ng maramdaman kong malapit na sila sa amin agad akong tinulak nitong taong humila sa akin dahilan para matumba kami sa magkabilang gilid ng tindahang ito napatakip naman ako ng bibig sa kakahikbi

"Pare doon tayo!" at sa wakas nakalayo na rin sila. Tumayo ako sa pinagtumbahan ko at inalalayan naman ako nitong taong tumulong sa akin at hindi ko pa rin maaninaw ang mukha niya.

"Ayos ka lang ba?" narinig ko yung pamilyar na boses niya. Siya si....Travis. Pero anong ginagawa niya dito?

"O-Oo, ayos lang ako. Salamat....Travis."

"Tara na, at baka makita ka pa nila." agad naman kaming lumayo na sa kinaroroonan namin at naglakad lakad pa.

"Sino ba sila at bakit parang hinahanap ka nila?" tanong naman nito.

"Hindi naman talaga ako yung hinahanap nila. Si Tiya Susana at sa tingin ko may malaking pagkautang ang tiyahin ko kaya hinahanap ng mga iyon siya. Nung umuwi nga ako kanina eh saktong papaalis na si Tiya Susana at isasama pa ako. Pero hindi ako pumayag baka kung anong mangyari sa bahay." sabi ko at napatango tango naman siya.

"Salamat nga pala sa pagligtas mo sakin kanina ah. Siya nga pala, akala ko ba nakauwi ka na? B-Bakit mo ako nasundan pa din hanggang sa bahay?" nagtataka kong tanong.

"Diyan lang yung bahay namin oh." sabay turo niya sa may tunnel. napakunot na lang ang noo ko, seryoso? Dito lang siya nakatira? gosh. Tao ba talaga siya o engkanto?

"Mali ang iniisip mo. Makalagpas ng tunnel na iyan ang bahay namin. AHAHAHAHA" naisahan niya ako dun ah!

"Kung ganon medyo malapit lapit sa bahay namin? Pero hindi ko alam na may bahay pala diyan sa maikling tunnel na iyan. Sabi ni Mama matagal na daw abandunado iyan eh." sambit ko at nagpamewang naman siya.

"Hindi iyak abandunado! Tao kami at nakatira kami diyan!"

"So may kasama ka nga sa----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi parang bigla akong tumalsik.

"Travis!" Napasigaw ako sa takot.

"Akin lang siya!" rinig ko namang sabi ng taong hindi ko marinig kung saan talaga yung nanggagaling ang tunog ng boses niya.

At wala na akong iba pang naalala kasi bigla na lang akong nawalan ng malay

Minulat ko ang mata ko at agad sumalubong sa akin ang kisame ng kwartong....hindi pa pamilyar sa akin.

Teka nasaan ako?

"Cataleya, dahan dahan lang" si Travis. Nasa bahay ako ngayon ni Travis....teka anong nangyari? Ang huli ko lang naalala ay yung bigla akong tumalsik ng hindi ko alam kung bakit at boom narito na ako sa kwartong ito.

Akma ko namang iaaangat ang braso ko ngunit nakaramdam ako ng matinding hapdi sa aking kanang braso. "Aray"

May hiwa pala yung braso ko huhu, saan naman kaya ako sumabit nung tumalsik ako? Lalapit sana si Travis sakin kaso bigla siyang umurong at tiningnan akong parang nandidiri sa dugo ko. Anong problema nito?

"Sumunod ka sakin." lumabas agad siya ng silid. Pinilit ko namang bumangon. geez! Parang masakit yata yung pagkakatama ko kaya parang binugbog yung katawan ko sa sakit ugh! 

Napalibot ang tingin ko sa bahay niya. Hindi ko akalaing makakarating pa ako sa bahay niya sa hindi inaasahang oras. Napadaan kami sa isang masikip na space na puro painting ang gilid at may mga ilaw din at pagkatapos noon pumasok kami sa isang silid na papuntang ilalim, underground hideout yata ito. Hindi na lang ako nagtanong kasi mukhang galit ngayon si Travis.

"Ano 'to?" nagtataka kong tanong kay Travis kasi may inispray siya sakin mula ulo hanggang paa. gosh ano tooo mabaho ba ako? Wala naman siyang isinagot at pinatay yung ilaw....anong gagawin nito sakin? wahhhh pero sinindihan naman niya yung lampshade dahilan para isa't isa na lang yung makita namin.

"Bakit mo ba ako dinala dito?" umupo ako sa gilid.

"Nakita ka na nila....Ikaw kasi hindi ka nag-iingat!" padabog siyang umupo.

"Sinong sila? A-Anong hindi nag-iingat? Anong ibig sabihin mo?" sambit ko.

"W-Wala y-yung mga taong nais dukutin ka n-nakita ka lang nila at muntik ka na nilang mahuli kaya ayan nahiwa ang braso mo." nauutal niyang sagot, sus yun lang pala eh!

"Cataleya." tiningnan niya akong diretso sa mata ko. Yung titig na parang may binabalak.

"Alam mo bang ang pangalan mong Cataleya ay isang uri ng bulaklak?" sabi niya. Wehhh? Totoo ba 'tong narinig ko?

"Isang bulaklak na napaka-ganda at nakakahalina....Higit sa lahat ay may taglay na kakaibang kulay at bango." so ibig sabihin hinahalintulad niya ako sa isang bulaklak? wait...pinagnanasaan ba ako nitong Travis na ito?

"Talaga ba?" wala na akong ibang masabi. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa mga trivias kaya anong pake ko kung ang name kong Cataleya ay hango sa bulaklak.

"Na nanganganib ng mabuhay at kailangan ng masasandalan." dagdag pa ni Travis. Anong ibig sabihin niya?

"Kung kaya't kailangan mong mag-iingat Cataleya." pagkasabi niya biglang umalingawngaw sa buong silid ang tunog ng nakakatakot na orasan sa mga horror saka siya tumayo huhu, anong gagawin niya sakin???? Kaya ba nakikipag-friends siya sakin ay para lapain ako ng buhay?

"Wag kang lalapit...." tugon ko sa sobrang takot. Hindi naman siya nakinig at hinawakan ang noo ko at tinanggal ang tapal sa braso ko kung saan may hiwa. "Arayy!" hinawakan ko yung braso kong may tumutulong dugo at pagbalik ko ng tingin sa kanya ay nagulat ako ng makitang hindi lang kami ang tao dito sa loob ng silid na pinuntahan namin kanina. Nananaginip ba ako. Tiningnan ko ang bintanang maliit sa sulok ng silid na ito at pansin kong parang kumukulog sa labas.

Anong nangyayari?

"At kailangan mo ako Cataleya, hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo." sabi niya at agad hinayaan pakawalan ang kamay sa kawalan at dahil doon bumalik ang lahat. Nawala na yung mga taong naririto pa sa loob ng silid. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari? Anong ibig sabihin niyang kailangan ko siya?

"Dito ka magtatago sa aking bahay hangga't hindi naghihilom ang sugat mo Cataleya. Maraming mga hindi maipaliwanag na nilalang ang pwedeng lumapit sayo kung sakaling maamoy nila ang dugo mo." lumapit siya sa akin yung sobrang lapit. Halos maduling ako dahil sa mata ko lang siya nakatingin. At hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko ganun din ang mga sinasabi niya. Dugo? Ang ibig sabihin ba niyang mga unexplained creatures ay vampires. No! Ang alam ko hindi sila totoo!

"Anong ibig sabihin nito Travis?" sabi ko naman.

"Cataleya hindi ka lang basta tao. Ikaw ang anak ni Selena at ikaw yung nag-iisa niyang bulaklak na iniligtas matapos niyang ibenta ang sarili niya sa demonyo. Hindi makatarungan ang dahilan niyang pagpatay niya sa sarili dahil sa pag-ibig at dahil doon naisumpa ka din nila." t-teka. Kilala ni Travis si Mama? P-paano niya nalaman ang pagkamatay ni Mama gayong sa taong 2002 naman yun namatay? at bakit parang kung makapag-salita siya ay parang kilalang kilala niya ang pagkatao ko?

"Anong sumpa?" nanginginig kong sagot. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Talaga bang binenta ni Mama ang sarili niya sa demonyo dahil lang sa pag-ibig? Pero paano naman ako? Hindi niya ba ako inisip? Na mangungulila ng maaga??!

"Araw araw kang nasa bingit ng kamatayan....Kaya sinasabi ko sayo mag-ingat ka." sa sinabi niyang iyon bigla akong kinabahan.

"Sa bawat oras na tumatakbo, sa bawat paglubog ng araw at sa bawat tibok ng puso mo maaari itong huminto. Marami ka pang kailangang malaman Cataleya. Ngayon nasabi ko na ang mga nalalaman ko sayo ngunit hindi pa sapat ang lahat ng ito dahil simula sa araw na ito unti unti mo ng mabubuksan ang mata mo sa katotohanan." napatulo ang luha ko sa sinabi niyang iyon. 

Sino ka ba talaga Travis?

Bakit ang dami mong alam tungkol sa akin? Kilala mo ba ako? o nagpapanggap ka lang na ngayon mo lang akong nakilala?

Sana nga malaman ko na ang katotohanan. Pagod na akong mamulat sa puro kasinungalingan. Simula pa lang nung maliit pa akong inakala kong si Mama ang kaharap ko pero patay na pala siya at nalaman ko lang yun nung sampung taon pa lang ako. Malaki na daw ako para malaman ang katotohanang patay na siya. Bumalik lang siya sa mundong ito dahil hindi niya daw natanggap ang pagkamatay niya.

Namatay siya ng dahil sa pag-ibig at dahil doon gusto na din niya akong patayin na ang akala ko mahal niya ako!

At ngayon naman nalaman kong nasa peligro ang buhay ko dahil nasumpa ako at dahil yun sa pagpapakamatay ni Mama!

Galit na galit pa rin ako kay Mama. Sa oras na ito hindi ko alam kung paano ililigtas ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano itigil ang kalokohang ito, kung paano ako iiwas sa kamatayan.

"Sino ka ba talaga?" tuloy tuloy ng umagos ang luha ko at dahil doon bigla akong nahilo.

"Tumigil na kayo! Lumayo kayo sa akin! Parang awa niyo na!"

"Warum tötest du diesen Mann nicht vor dir?" hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng mga taong ito sa paligid ko pero isa lang ang alam kong ibig sabihin nila. Gusto nilang patayin ko ang lalaking nasa harap ko.

"töte ihn" at may tumatagos pang mga maliliit na tinig sa aking tainga. May naririnig akong umiiyak at may tumatawa mayroon ding humihingi ng tulong. Napapaiyak na lang ako sa nangyayari. Napatingin naman ako sa kamay ko at laking gulat ko ng may makitang kutsilyong hawak hawak ko at ang mga paa ko ay unti unting lumalapit sa lalaking nakahandusay sa sahig.

"Hindi! Itigil niyo na ito! Huwag! Maawa kayo sa kanya!" sabi ko naman. Napaluhod na lang ako sa kakaiyak. Ayokong pumatay ng tao. Hindi ko alam, hindi ko naman siya kilala pero bakit parang ayoko sundin ang sinasabi nila kasi pakiramdam ko may malaking kinalalagyan ang taong iyon sa puso ko.

"Cataleya." Mama?

"Kung nais mong mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ko at kung nais mong mawala ang sumpa sa iyo.....patayin mo siya anak. Patayin mo siya."

"Mama, ayoko po siyang patayin! Hindi po maaari ito!" sabi ko naman.

"töte ihn" sigaw ng mga tao sa paligid. Bakit nila gustong patayin ang taong ito?

"Siya ang papatay sayo Cataleya....kaya't kung pwede lang patayin mo na siya." huling sambit ni Mama.

"Cataleya gumising ka! Ano bang nangyayari sa iyo? Bakit ka umiiyak?" bumungad naman sa akin ang mukha ni Tiya Susana. Umaga na pala....at ang pangyayaring iyon ay panaginip lamang.

Napahawak ako sa pisngi ko. Umiiyak nga ako.

"W-Wala po....panaginip lang." sabi ko.

"Hay nako, akala ko naman kung ano! Agang aga pagiisipin mo pa ako!" pagsusungit niya. Teka? Wala naman si Tiya Susana dito kagabi ah? Bakit siya narito? At diba wala naman ako kagabi?TAMA!

Nasa bahay ako ni Travis kagabi....sabi pa nga niya doon muna daw ako hangga't hindi nagaling ang sugat ko pero ano to? Nakabalik naman ulit ako sa bahay namin. Sinungaling talaga yung isang iyon.

"Tiya paano po kayo nakauwi?" tanong ko.

"Ayan ka na naman Cataleya, nagtatanong ka na naman! Edi ano pa ba? Nagsakay ako pauwi para bumalik dito tapos nakita kong may ilaw na ang bahay. Akala ko tuluyan na tayong pinasok ng mga alagad ni Lucifer yun pala ikaw lang!" huh? ano daw? nasa bahay ako kagabi? alam kong may dalawang taong papasok sana ng bahay namin pero ang pagkakaalam ko binato ko lang sila at agad tumakbo tapos sa bahay ni Travis ako napadiretso kasi nasugatan ako pero ngayon nasa bahay naman daw ako kagabi?

"Ano pong ginagawa ko kagabi?" tanong ko.

"Tulog ka na, laking tanga mo nga eh! Kinalimutan mo na namang patayin ang ilaw! Wala na nga akong pambayad sa mga utang ko magdadagdag ka pa ng isipin kung saan kukuha ng mga pambayad sa mga bills! Nako, kahit kailan talaga Cataleya napaka walang kwenta mo!"

"Tumayo ka nga diyan at pumasok ka na! Ayokong may kasamang asungot dito sa bahay." sabi pa niya.

Ugh, kahit kailan talaga.