She was only five years old, ng mangyari ang isang malagim na trahedya na siyang magbibigay buhay sa isang nilalang.
"Anak ko, takbo na dali! Tumakas ka na iligtas mo ang iyong sarili." Sabi ng kanyang ina na pinangangapusan na ng hininga dahil sa tama ng bala nito sa bandang tagiliran.
"Pero Mama ayoko pong iwan kayo." Umiiyak na turan ng bata.
"Sige na anak, susunod si Mama sa'yo. Pangako 'yan." Pag-aalo ng kanyang ina.
"Mama, ayoko!" Matigas niyang saad.
"Makinig ka anak. Kailangan mong makalayo ngayon dito sa nayon, dahil ikaw ang kanilang hinahanap, at ayokong pag-eksperimentuhan ka nila, kaya sige na umalis ka na. Tumakbo ka na. Magpakalayo-layo ka. Pangako ni Mama hahanapin kita. Kaya sige na umalis kana!" Pagtataboy ng kanyang ina.
Wala nang nagawa pa ang batang paslit kundi ang tumakbo papalayo sa kanyang ina.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakarating siya sa kabilang dako ng gubat ng biglang sumabit ang kanyang binti sa nakausling matulis na ugat ng puno. Nagkaroon siya ng malaking sugat at hindi maampat ang pagdurugo nito.
Nagulat siya sa kanyang nakita. Ang kanyang dugo ay unti-unting nagkaroon ng buhay at umakyat ito patungo sa kanyang likuran, at nag-umpisa itong gumuhit. Pumalahaw siya sa sakit na dulot nito, hindi maampat ang kanyang mga luha. Tila huminto ang oras sa bawat kumpas ng kanyang dugo sa pagguhit.
Madilim na ang paligid ng maramdaman niyang wala na ang sakit na nagmumula sa kanyang likod, at tuluyan na ring gumaling ang kanyang sugat.
Minabuti na niyang magpatuloy sa kanyang paglalakad, nakarating siya sa isang malawak na taniman ng mga mais, umupo siya panandali upang magpahinga. Tumingala siya sa kalangitan at nakita niya ang unti-unting pagsungaw ng bilog na buwan mula sa mga ulap na nakatabing dito. Nahalina siya sa maganda itsura ng buwan, at tinatamaan siya ng liwanag nito.
Mula sa kanyang pagkakatitig sa buwan at may ibayong sakit ang kanyang nadarama mula sa kanyang likod. Sakit na tila hinahati ang kanyang katawan.
"Aaarrrggghhh!!" Sigaw niya, kulang na lang panawan na siya ng kanyang ulirat. Wala ng mas sasakit pa sa kanyang nararamdan ngayon.
Nasapo niya ang kanyang dibdib dahil pinagnangapusan na siya ng hininga. Nanlalabo na rin ang kanyang mga mata dahil sa mga luha niya.
Halos kalahati ng kanyang enerhiya ang nawala ng matapos ang sakit na kanyang nararamdaman. Napahiga siya sa gitna ng bukid.
Nagulat siya ng matanaw niya ang isang kulay abuhing lobo. Mukhang hindi ito normal na lobo dahil sa laki nito. Naestatwa siya ng lumapit sa kanya ang lobo. Natakot siyang baka lapain siya nito.
Ngunit mas ikina-gulat niya ng magbago ito ng anyo, naging tao ito. Nilapitan siya nito at binuhat.
Nakarating sila sa isang malaking bahay, inilapag siya nito sa may pintuan.
"Salamat sa pagpapalaya mo sa akin." Bulong nito. "Pangako ko hahanapin kita. Pagdating panahong. Sa ngayon kailangan ko munang lumayo sa'yo para na rin sa'yong kaligtasan. Hintayin mo ako."
Pagkatapos ng mga salitang binitawan ng lobo ay tuluyan na siyang pinanawan ng ulirat.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising siya mula sa kanyang pagkakatulog.
"Bakit parati na lang ako dinadalaw ng ganoon uri ng panaginip." Aniya, tuluyan ng nawala ang kanyang antok. Dahil sa kanyang panaginip.
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*