Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ikaw ang tangi kong pag-ibig

🇵🇭eila_Lia_Cine
--
chs / week
--
NOT RATINGS
12.5k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1.

"NANGINGIWING nahaplos niya ang nangangalay na binti. Nakakapagod kasi ang buong maghapun niya. Ang dami kasing kumain na mga guest. Wala silang pahinga, ni magbreak para kumain ng tanghalian ay hindi na niya nagawa.

Ella, pasuyo naman ako pa dala ng drinks ng table 1. salamat.

Si anna curitibo ang matalik kong kaibigan, sya din ang tumulong sa akin na makapasok dito sa pinagtatrabahuan ko ngayon. Sa lemon beach resort and restaurant.

Sige men. Paika ika ako habang bitbit ang dala kong tray na may dalang drinks.

Nang maihatid ko na ito ay naglinis naman ako sa kabilang table na inalisan ng guest. Ganito talaga ang buhay mahirap ei kailangan kumayod para may maipadal sa pamilya at may pang gastos na din.

Men kunting tiis na lang malapit na tayong mag out at mapapahinga mo na yang paa mong paika ika

Ok lang men kaya pa naman, at nginitian ko lang siya. Sabay kasi kaming papasok ng 8 at sabay din mag out ng 4:30.

Sige. Kita ko nga at tumingin siya sa paa ko.

Wala to anu ka ba. At tinapos ko na lahat ng ginagawa ko dahil ilanv minuto na lang at mag- out na kami. Dumating na din kasi ang mga kapalit namin para sa pang hapung duty. Nang matapos at nauna akong mag out kay anna at umupo dahil kong ipipilit ko pa ay bibigay na talaga ang binti ko at tuhod ko.

So kaya mo pang maglakad pauwi? Tanong ni anna sa akin na nakapag out na din ito.

Oo naman, yon nga lang lakad pagong tayo. Pati kasi tuhod ko sumasakit na din ei.

Pinaikot nito ang kanyang mata. Men bata ka pa ang dami mo ng mararamdaman. Halika ka na nga.

Inalalayan niya akong tumayo. Nakaakbay ako sa kanya habang naglalakad kami.

Naku kong hindi lang talaga kita kaibigan hindi na kita tutulungan.

Kaya ko naman maglakad kahit hindi mo na ako alalayan. At bumitaw ako sa kanya. See sabi ko sayo diba. At nagmamayabang na naglakad.

Oh sige na, kaya muna.

Ngumiti lang ako sa kanya. Sige na mauna ka ng maglakad. Taboy ko sa kanya.

Nauna na nga itong maglakad ng biglang napahinto ito.

Ay men, nakikita mo ba ang makakasalubong natin?

Napatingin ako sa tinutukoy niya. At nakita ko si rick at ang babaing kasama nito.

Men iba na naman ang kasama ng mahal mo ah? Pabirong sabi nito.

Si Rick Buob ang isa sa mga anak ng pinag tatrabahuan naming restaurant. Hindi lang naman restaurant ang business nila marami pa. Ito at ang hotel ang ipinagkatiwa sa kanya ng kanyang ama. Simula kasi ng nagtrabahu ako sa restaurant na pag mamay ari nila. Naging taga hanga nya na ako, at syaka medyo may kunting love sa kanya.

Anung mahal ka diyan. Crush lang mahal agad.

Asus kunwari ka pa. Wag mo na akong pinagluluko ha.

Naku bilisan na natin mag luluto pa tayo ng hapunan.

Ayaw mong malaman ng name ng bagong babae ng secret love mo.

Hinila ko si anna at nagmamadaling lumakad kahit subrang sakit ng binti at tuhod ko. Men hindi mo ba mahinaang yang boses mo mamaya may makarinig sayo.

Bakit alam ba nila kong sino tinutukoy ko?

Hindi ko na siya sinagot, hinila ko na lamang siya. Dami lang kasi ng dadami ang sasabihin nito pag nakipagtalo pa ako. Pero deep inside, nakaramdam na naman ako ng selos. Para akong sira ako lang naman ang nakakaalam ng nararamdaman ko. Ni sulyap nga niya sa akin hindi nya magawa. Sa isang linggo, maka ilang besi kasi itong magpalit ng babae.

Nang makarating sa tinutuluyan namin ay napahiga ako, subrang sakit kasi talaga ng binti ko, pati tuhod ko. Pagod na pgod ako buong maghapun, gusto kong mag idlip kaso magluto pa ako ng hapunan. Nag mamadali akong magbihis at lumabas, nagluto na din.

Men sa tingin mo magtatagal sil ng babaing yon? Tanong ni anna na kagagaling lang ng banyo.

Hindi ko alam. Bakit ba ako tinatanung mo nyan.

Syempre jowa mo sya ei. At tumawa ito ng may pang aasar.

Men kanina ka pa nang aasar alam mo ba yon ha. Ihampas ko sayo tong sandok na hawak ko.

Ok, tatahimik na po, napipikon na sya. Makapagchat na lang nga sa jowa ko.

Iwan ko sayo. At pinagpatuloy ang pag luto. Tumingin ako kay anna busy ito sa cellphone niya.

Men seryoso na tanong.

Tumingin ako sa kanya. Anu na naman yan, kong kay sir rick yan, isa lang isasagot ko. Kahit gaano ko sya kagusto hindi ko pinangarap na maging isa sa mga babae nya.

Tumawa ito. Ay iba din. Men itatanong ko lang sayo kong bibigyan mo ako ng ulam.

Naihampa ko sa kanya ang hawak kong sandok. Lage na lang kasi ako iniinis ei. Lalo na pag tungkol kay rick.

Men masakit ha, pag ako naging unggoy pupuntahan ko si sir rick at ibubulong ko sa kanya na gusto mo sya na mahal mo sya.

Hinampas ko sya ulit pero nakailag ito at tawang tawa na may kasamang pang iinsulto sa akin.

Anna nakakapikon ka na talaga.

Kahit pikon na pikon na ako sa pangaasar nito sa akin ay sabay pa din kami kumakain. Wala kasi itong talent sa pagluto, kaya ako ang taga luto sa amin dalawa, sya naman ang naghuhugas mg pinagkainan namin. Nang matapos na kaming kumain ay nauna na akong pumasok sa kwarto at naiwan naman siyang naghuhugas ng plato. Magkaiba kami ng kwarto.

Nahiga ako at inisip ang nakita namin ni anna kanina.

Sino na naman kaya ng babaing yon. Napakababaero nya talaga. Kilan kaya siya titigil pag nagkasakit na sya. Paano naman si Samantha kawawa naman yon? Sa lahat kasi ng babaing dinala nya ay si samantha lang ang nagustuhan ko. Mabait, maganda yong iba kasing dinadala nya, kahit hi" hello wala man lang. Mahinang sabi ko. Ito na naman kasi ako kinakausap na naman ang sarili.

Kahit gustong gusto kita sir rick, hindi ko pinangarap na maging isa sa mga kinakama mo, tapos pag nagsawa ka iiwanan mo na lang ng basta basta.

Na kinakausap ang picture nya sa cellphone ko. Araw-araw ba namang iniistalk ang fb niya.

Pagkatapos kaya ng babae na yan sino na naman dadalhin mo. Naku iwan ko na lamg talaga kong magkita kita ang mga pinangdadala mong mga babae. Anu kaya mangyayari sayo.

Dahil sa pagod ay nakaramdam na ako ng pamimigat ng mga mata ko. Matutulog na din ata si anna dahil kumatok na ito ng pintuan ko. Nag set na ako ng alarm para bukas.

Good night sir rick. Habang nakatingin ako sa picture niya sa cellphone ko.

(Hindi naman halata na inlove si ella kay rick buob.)