NANG makarating siya sa kanyang tinutuluyan, nakita niyang bukas ang kanyang pintuan. Nang buksan niya iyon", nakita niya si anna na naglilinis ng koko.
Men, may sarili ka namang kwarto, bakit hindi ka dun maglinis. Nakasingot na sabi sa kaibigan.
Men. Madilim dun ei, mas ok dito kas maliwanag. At nagpatuloy ito. Hanggang ngayon ba masakit pa din yang benti mo? Napansin kasi nitong paika ika pa din siyang maglakad.
Umupo siya at hinilot hilot ang kanyang benti. Medyo, pero hindi na katulad kahapon. Mas maskit yon.
Bakit kaya hindi mo na yan ipacheck-up ng malaman natin kong napano yan.
Wow ha. Pwedi ipahilot lang,, baka may ugat lang na namaga. Pa-check up agad.
Alam mo men. Napakakuripot mo, pati sarili mo, tinitipid mo.
Hindi naman men. Napagod lang to. Diba nga biglaan yong dami ng tao natin nun.
Oh sya. Ikaw bahala, wag mo ako sisisihin na hindi kita pinagsabihan sa binti mong yan ha. At syaka hindi kita bibilhan ng tungkod. Birong sabi nito.
Napatingi siya sa biro nito at tumango na lang siya at nagbihis ng pambahay.
Kumain kana?
Oo. Nga pala nagluto ako kanina, kumain ka na lang. At tinuro ang nakatakip na ulam.
Himala, sinipag ka atang magluto ngayon, anung magandang hangin ang pumasok dyan sa utak mo.
Well. Ganito kasi yon, pumunta ako dyan sa karindirya kanina. Walang bagung ulam. Tapos may naglako ng isda kaya ayon, bumili ako at prinito ko.
Prito lang naman kasi alam mong lutuin ei. Pero ok na din may ulam ako ngayon, thank you men, sabay subo ng pagkain.
Reklamo ka pa. Atlest may ulam kang inuwian, dami mo pang sinabi. Kong ayaw mo wag mong kainin. Supladang sabi nito.
Ito naman di mabiro, ito na nga oh kinakain kuna.
Biro lang din. At ngumiti ito sa kanya. Alam ko naman kakainin mo yan, ikaw pa alam ko naman na wala kang pili sa ulam.
Ngumiti lang siya sa kaibigan at pinagpatuloy ang pagkain, habang ito naman ay busy sa pagkukulikot ng koko.
May chika ako sayo. Sabi niya sa kaibigan na napatigil sa ginagawa at tumingin sa kanya.
Talaga? Anu? May bagong arrive na mga gwapo sa hotel? Excited na tanong nito.
Alam mo puro ka gwapo. Wala ka namang nabibwengwit na gwapo. Walang gwapo na dumating.
Nawala ang ngiti ng kanyang kaibigan. Ei anu naman kwento mo? Tungkol na naman sa crush mo?
Parang ganun na nga. Patuloy pa din siya sa pagsusubo ng pagkain.
Na alin may bago na namn syang babae. Humarap ito sa kanya. Men anung bago.
Tumingin siya sa kaibigan na nakasimangot sa kanya. Oo may bago na naman nga sya at hindi lang yon. Muntik na syang mahuli ng isa nyang babae.
Tapos, tinulungan mo na naman, sinabi mo na naman dun sa babeng naghahanap. Ay wala pa po sya nakauwi. Kahit ang totoo, nakauwi at may dalang bagong babae. Tama ba?
Mismo. Galing mo talagang manghula men, ikaw na. Sabay kindat sa kaibigan.
Gaga. Anung manghula, how many times mo na bang ginawa yan? Men gumising ka nga sa katutuhan,, na kahit anung salba mo dyan sa prince charming mo,, hindi ka pa din nya mapapansin. At syaka sa dinami dami namang mga lalaki dyan. Kay sir rick ka pa nagkagusto. Ei napaka babaero nun ei.
Napansin nya na ako kanina men. Alam mo bang pinatawag nya ako sa kwarto nya kanina? Nag-usap kami tapos nagpasalamat sya sa ginawa ko sa kanya, Nagmamalaking sabi nya dito.
Ei anu naman ngayon? Masaya kana dun?
Sabi nito sa kanya sa hindi man lang intirisado sa kinikwento nya. Kahit sino naman sigurong tao, kong araw araw nyong pinaguusapan ang isang topic, mawawalan ng ganang makinig.
Oo. Atlest kahit papano napansin nya na ako diba. Nakangitin sabi niya.
Men. Ito ang lage kong sinasabi sayo ha. Ang mga lalaking ganun, hindi sila sanay na iisa lang ang babae at hindi sila naniniwala sa salitang seryoso. Kaya kong ako sayo, itigil mo na yang kahibangan mo kay sir rick at syaka marami pang matitinung lalaki dyan, dun ka na lang. Gets mo?
Nawala ang mga ngiti niya sa sinabi ng kaibigan, lahat naman kasi ng sinasabi nito ay totoo. Hindi ko naman nakakalimutan yon men ei.
Good. Wag na wag mo talagang kalimutan yan at syaka pwedi ba men. Kahit isang araw lang wag na muna nating pag usapang si sir rick, matatanggal na tulu ko nyan ei.
Tumango lang siya sa kaibigan. Bwesit na bwesit na siguro ito sa kanya dahil wala siyang ibang bukang bibig kundi si rick.
Nang matapos siyang kumain, hinugasan niya ang kanyang pinagkainan at humiga sa kama, habang si anna ay busy sa paglagay ng nail polish.
Sino naman ang babaing naghanap sa kanya kanina?
Napatingin siya sa kaibigan dahil sa tanung nito. Akala ko ba ayaw mo ng marinig ang kwento ko?
Naku tampo agad. Oo nga pero sabi ko paminsan minsan lang natin syang pagusapan hindi yong araw araw diba?
Si samantha.
Anu? Yong babaing mataray na feeling maganda?
Yes. Sya nga, maganda naman talaga sya ah.
My gosh. Maganda naman talaga pero, ayaw ko sa kanya, masyado syang maarti, akala mo naman sila ni sir rick.
Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan. Taray nya nga kanina ei.
Talaga. Naku kong ako yon, sasabihin ko talaga sa kanya na may pinalit na sa kanya si sir rick. Para hindi na sya bumalik. Pabaklang sabi nito.
Napatawa siya. Baliw ka talaga men. Di kong sinabi mo yon magkakagulo.
Ay naku hindi ko sila pipigilan, mag checher pa ako no. Tingnan natin kong sino kakampihan ni sir rick. Saya kaya nun.
Baliw. Ipapahiya mo talaga amo natin ha. Bad yon.
Anung bad. Sya ako ang bad. Dapat lang yon sa kanya. Hindi makuntento sa iisang babae. Gusto niya iba iba. Kaya tuloy minsan yong negosyo nya minamalas.
Nagpapakasawa lang siguro sa buhay binata kaya sya ganun.
Ha ha, nagpapakasawa kamo sa iba ibang putahi. Sakit nya manyak. Sa totoo lang.
Gaga ka talaga men.
Bakit totoo naman ei. Araw araw paiba ibang babae. Palibhasa habulin, nagpapahabul din. Buti na nga lang ako hindi nabighani sa angkin niyang mala adones ang itsura kong hindi siguro isa na din ako sa mga babae nya.
Bilisan mo na nga diyan puro ka biro, magpapahinga na ako.
Oo ito na, sandali na lang at matatapos na ako.
Ok. Maikling sabi niya sa kaibigan.