Chereads / STE Class' Black Sheep / Chapter 2 - Chapter One

Chapter 2 - Chapter One

-ICEL-

" Okay, let's call it a day, goodbye class!" agad kaming nagpalakpakan ng magpaalam na si Sir Paul, ang teacher namin sa chemistry. 

"Don't forget to study for the midterms. Tomorrow is your exams, be prepared." pahabol pa ni Sir dahilan para mapabusangot naman kami. Bukas na nga pala ang simula ng kalbaryo namin.

Panay rin ang hikab ng iba ko pang mga kaklase. Palibhasa, last subject before lunch break. Nakakatamad at nakakagutom.

Agad naman akong tumayo upang magligpit ng mga gamit ko. Nang matapos ko na itong iligpit ay sakto namang may dumaan sa likod kong napakataas na lalaking agad na umakbay sa akin.

Liningon ko siya at marahang pinagmasdang ang kabuoan ng kanyang mukha. Nakangiti ang mga mapula-pula niyang labi kaya hindi ko na halos maaninag ang mga mata niyang mas nagiging singkit pa dahil sa kanyang pag ngiti. Hindi masyadong makapal ang kanyang kilay pero ito'y bumabagay naman sa kanya at ang maputi niyang kutis. Putek mas maputi pa pala 'to sakin.

"Get off your dirty hands on me, Lawrence John" malamig kong sabi saka siya sinamaan ng tingin at iwinakli ang braso niyang nakaakbay sa akin. Ang bigat pa!

"Napaka OA mo talaga no? Kaya siguro hindi ka magustuhan ni Lyle kasi ang sungit na nga, over acting pa!" panunuya niya kaya agad kong pinulot ang bagay na pinakamalapit sakin at walang hamas na pinaghahampas siya. Too bad, feather daster lang yung nakuha ko.

"Pag ako nagkabukol, lagot ka sakin!" pagbabanta niya pero umirap lamang ako at iniwan siya sa pwestong kinatatayuan namin kanina.

"Hindi ko nga siya gusto! Tangina mo!" sigaw ko habang patuloy parin sa paglalakad patungo sa may pinto. Gusto ko nang kumain, gutom na ako.

"Sinong cleaners ngayon? Maglinis naman kayo hoy! Mahiya naman tayo diyan kahit konti man lang!" Pasaring na sambit ni Rajel, ang class president namin. Halatang naiinis na siya dahil sa katamaran ng mga kaklase ko.

Agad namang nagsitayuan ang mga kaklase ko at isa-isang kumuha ng walis at lampaso habang nakatingin parin ang mga mata sa kanilang hawak na cellphone. Mauntog sana kayo.

Napatawa naman ako nang mapansin kong kumaripas ng takbo si LJ papunta sa cabinet kung saan naroon ang mga walis at lampaso. Cleaner pala ngayon ang gago?

"Hoy!" muntik na akong mapalundag sa kaba ng bigla na lamang akong kalabitin ni Clarisse. Ang kaklase kong masyadong kikay. Minsan nakakainis nato, liptint dito, liptint doon and such. Sarap sapakin minsan.

"Problema mo?" sambit niya ulit ng mapansing hindi ko siya kinikibo. "Ay oo nga pala, ganyan nga pala yung ekspresyon mo. Sarry." sabi niya habang nagboboses bata sabay peace sign. Ugh sapakin ko na kaya to?

"Anong kailangan mo?" Sambit ko na lamang. Alam ko namang hindi niya ako kakalabitin ng walang dahilan. Hindi naman mukhang sira ulo si Clarisse, papansin lang.

"Penge 1/4" napairap nalang ulit ako dahil sa narinig. Tumango na lamang ako at itinuro ang bag ko para sabihing nandoon ang papel na hinahanap niya.

"Yey! Thank you!" Sambit niya at dali daling tumakbo patungo sa upuan ko kung nasaan nakalagay ang bag ko.

Hindi ko nalang siya pinansin pa. Dumungo na lamang ako upang tanggalin ang tsenilas kong sinusuot lang dito sa loob ng classroom.

Nagagalit kasi ang adviser namin sa tuwing nilalabas pasok namin ang mga sapatos namin. Sayang daw yung floorwax. Malawak pa naman tong classroom namin.

"Saan ka pupunta?" Agad akong nag angat ng tingin matapos kong matanggal ang tsinelas ko dahil sa narinig.

Nang tuluyan ko nang maiangat ang mukha ko ay agad na tumambad sa harapan ko ang malademonyong ngisi ni Champ, ang kaklase kong may maluwag na turnilyo sa utak.

Oh god, please help me.

"Cafeteria." Sambit ko na lamang at agad na nag-iwas ng tingin. Sana naman walang magaganap na pangho-hold up ngayon.

"Libre mo ko!" Masigla niyang sambit kaya nasapo ko na lamang ang noo ko. Sabi ko na nga ba.

"Lubayan mo ko-- Frueeee!!" Agad kong natawag ang pangalan ng kasintahan niya ng tuluyan na niya akong hilain palabas.

Mabuti nalang at tuluyan ng dumating si Fruee, ang kaklase kong gasul pero astig na kasintahan ng taong nakahawak ngayon sa kamay ko.

"Bitawan mo yan." Mariing sambit ni Fruee kaya wala nang nagawa si Champ kundi ang bumitiw na lamang sa kamay ko. Omo Fruee my life saver!

"Naman eh, parang magpapali-- aray sabi ko nga hindi na sasagot. Sorry mahal." marahang sambit ni Champ habang hinihimas ang tenga niyang piningot ni Fruee.

Iniwan ko nalang ko nalang silang dalawa doon at patuloy na naglakad papunta sa cafeteria. Sana naman this time makakakain ako ng walang isturbo.

"Icel hintay!" sabi ko nga kakain akong walang isturbo. 

Inis akong lumingon sa kanya at agad siyang pinanlisikan ng mga mata. Tanginang buhay 'to.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay agad niya akong inakbayan. Baklita talaga. "Tangina tanggalin mo yang braso mo." malamig kong sambit pero sa halip na makinig ay tumawa lamang siya.

"Bakit ba ang hilig mong mag-isa? Ayaw mo ba sa amin?" ayoko sa plastik. 

Hindi ko siya sinagot at pinipilit lang na alisin ang braso niyang naka akbay sa akin pero sa kasamaang palad, parang naka glue na yata ito sa balikat ko.

"Tangina Matthew!" sigaw ko pero mas tumawa lamang siya. He is Matthew, ang kaklase kong baklita na kulang nalang kumuha ng glue at idikit niya ang sarili niya sa akin. Ewan ko ba dito, minsan hindi kami nagpapansinan, minsan naman parang linta kung makadikit. Buhay nga naman parang life.

Sa huli, talo parin ako kaya naman nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad habang nakaakbay parin siya at ngiting-ngiti pa. Sarap kurutin ng mga mata niyang hindi ko na halos makita.

Bakit kaya maraming singkit sa klase namin?

~•~  

5:00 p.m

"Since it's already dismissal, hindi ko na ma-i a-announce sainyo ang naging top 10 noong nakaraang semester but since alam kong nangangati na kayong malaman kung sino ang mga ito, ipinost ko na ito doon sa bulletin board. Now clean the classroom and go home. Be early tomorrow because we will having our Midterm Exams. That's all, goodbye class!"

Matapos ang mahabang litanya ng class adviser naming si Miss Lani ay agad akong naghikab saka tumayo upang magligpit ng mga gamit. Sa wakas! Makakauwi narin.

Samu't-saring mga ingay ang naririnig ko. Andiyan na naman yung nagkakagulo na mga cleaners dahil hindi man lang tumulong yung mga kasama nila. Yung mga puro kpop nalang ang inaatupag at yung mga nagpupustahan kung sinong mananalo sa mobile legends nila mamaya.

"Gusto mo ba sabay na tayo? Wala naman akong kasabay." Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ulit ang nakangising si LJ. Jusmeyo kailan ba ako tatantanan ng lalaking to?

"Maglinis ka Lawrence John. Wag mo kong ma ngiti-ngitian diyan!" singhal ko kaya agad naman siyang natawa. Sapakin ko kaya ulit to? Mukhang naalog na naman yung utak eh.

"Uma--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang sumulpot si Phoebe, ang kaklase kong may mahaba at re bonded na buhok na may pagkamaarte rin. Matalino naman to, pero maraming may ayaw sa kanya. Aba'y malay ko ba kung bakit.

"Sabay na tayo umuwi?" Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita si Phoebe sa likod ni LJ, nakasilip. Mukhang wala akong choice nito.

Agad kong hinila si LJ matapos kong maayos ang lahat ng mga gamit ko at ngumiti ng tipid kay Phoebe. "Sorry, sabay kasi kaming uuwi ngayon." sambit ko na lamang at hinila na palayo si LJ. Ngiting-ngiti naman ang loko.

Sa totoo lang, naaawa ako kay Phoebe. Palagi nalang siyang tinatanggihan ng lahat. Sabi kasi ng karamihan, damuho si Phoebe pagdating sa grades. Ayoko ng makisawsaw. Masakit sa ulo.

Bago kami tuluyang makalabas ni LJ sa pinto ng classroom ay huminto muna kami sa bulletin board na katabi lamang ng pisara. 

Agad kong hinanap ang pangalan ko. Oh shoot. pang-apat na naman ulit ako.

-Top 10 STE Students-

1. Joy Bandola

2. Solomon Cumahig

3. Phoebe Villegas

4. Icel Deansin

5. Dawn Seraspe

6. Kirby Caballero

7.Desiree Corpiz

8. Angel Cuadra

9. Jocelyn Elcanto

10. Lawrence John Alferez

Napailing na lamang ako. Bahala na, hindi naman ako ganoon ka grade conscious para maglupasay kapag hindi nasali sa top 10.

"Uwi na tayo." Aya ni LJ kaya tumango na lamang ako. Hanggang ngayon nakangiti parin ang gago.

"Icel." napatingin naman ako sa taong bigla na lamang humawak sa balikat ko. Nakita ko ang nakangiting si Jocelyn, ang pinakamasayahing kaklase ko. Walang sakit sa ulo pero medyo maluwag rin ang turnilyo. 

Kumikinang pa ang kulay abo niyang mga mata at naka pony tail naman ang itim na buhok niyang hanggang bewang.

"Pwede ba akong makisabay sa'yo sa pag-uwi?" Agad naman akong tumango kaya mas lumawak pa ang ngiti niya dahilan para makita ko ang malalim niyang dimple sa kaliwang pisngi.

"Jocelyn naman eh!" Padabog na sambit ni LJ kaya natawa nalang rin kami ni Jocelyn.

Nauna kaming maglakad ni LJ habang nasa likod naman namin si Jocelyn ng bigla niya ulit akong kinalabit.

Nang lingonin ko siya ay agad niyang iniabot sa akin ang isang nakatuping papel.

Agad ko naman itong binasa at napalunok na lamang. Para saan ang mga tulang ito?

~•~