Chereads / STE Class' Black Sheep / Chapter 5 - Chapter Four

Chapter 5 - Chapter Four

-ICEL-

Napakalalim ng hininga ko ng sa wakas ay marating na namin ang classroom kung saan nagkukompulan sina Miss Lani at ang mga kaklase ko.

Nakasunod naman sa amin si Solomon pero wala na yung killer. Tangina natakasan kami!

Nang makita ako ni Rachelle ay kaagad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng napakahigpit. Para na nga akong nasakal sa sobrang higpit.

"Y-yung killer.. H-hinabol n-niya ako.." wala sa sariling sambit ni Solomon na humahangos parin. 

Linibot ko naman ang paningin ko ng makawala na ako sa pagkakayakap kay Rachelle at nasapo ko na lamang ang ulo ko ng mapansing may limang nawawala sa amin.

"Angel's dead. I saw her body and now, five is missing. I'm sure one of them is the killer. Now we must find where's the main location of our intercom I'm sure may makukuha tayo doon." natahimik ang lahat ng magsalita ako pero makalipas ang ilang minuto ay nagsitanguan rin sila.

"Let's divide the group into two. Sir Paul go with the girls and I'll be with the boys." sambit ni Miss Lani pero biglang nagtaas ng kamay si LJ.

"I want to come with Icel. Can I?" tumango na lamang si Miss Lani at nagsimulang magplano kung anong gagawin para makasurvive sa impyernong ito.

It's almost 2 o'clock a.m yet we still don't have a clue kung sinong killer dito.

"Sinong wala rito?" sambit ni Sir Paul kaya agad kong itinuon ulit ang atensyon ko sa mga kaklase ko.

"Phoebe, Lyle, Kirby, Dawn and Clarisse-- teka bakit sila nawawala?" tanong ko pabalik kay Sir Paul kaya maging sila ay nagsimula nang magtaka.

"Noong tumunog ang intercom nagising kaming lahat pero wala na sina Kirby, Lyle at Solomon tapos noong nagkagulo na, tumakbo na sina Clarisse." Marahang sambit ni Rutchelle kahit pa bakas sa mukha niya ang kaba.

"We should get going now, we need to find and beat the killer. Kung hindi tayo ang mamatay dito!" Sambit ni Reymond, ang kaklase naming tahimik lang rin. Bakas sa mukha niya ang poot at galit dahil sa mga nangyayari.

"Let's go." Sambit naman ni Miss Lani kaya naghiwalay na kami ng landas ng mga kaklase namin.

~•~

It's already 30 minutes since the boys and us separated our ways.

We need to find the missing five while the other group needs to find the location of the intercom. No one knows, hindi pa kami nakakapunta doon wala pa--

"Punta muna ako sa may intercom. May ipapa announce daw sakin eh." Sambit niya kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"Alam mo kung nasaan yon?" Tanong ko naman kaya tumango lang siya sabay ngiti.

"Sige mauna na ako." Tugon niya at nagbabye sakin

"Ingat ka, Kirb" wait what? Kirby?

"Icel." Nabalik ako sa reyalidad ng kalabitin ako ni Rachelle sa balikat. Tiningnan ko siya at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Napansin rin ni LJ na huminto kami sa paglalakad kaya bumalik siya sa pwesto namin. Yung mga kasama namin nauna nang maghanap.

"Are you okay?" Agad na sambit ni LJ ng makalapit siya sa amin.

Tumango lang ako saka ngumiti ng tipid. We need to find Kirby kasi kung hindi baka mamatay yung mga kasama niya.

"Hi everyone. So you're divided in 2 groups now, huh. Let's see." Ayan na naman napakalalim at napakalamig na boses ng killer. Malamang may voice modulator siya. Shit Kirby bakit mo nagawa sa amin to?!

"For the next riddle,

She was born in midnight,

And she has this stage fright.

She's telling a lie,

Now send a goodbye."

"Good luck on answering my riddle." Sambit nito nang parang nanunuya pa sabay halakhak at sa isang iglap, nawala na ang boses niya sa intercom.

Nagtakbuhan naman agad kami nina Rachelle at LJ papunta sa mga kaklase naming naunang maglakad kanina.

Habang tumatakbo ay tumatakbo rin sa utak ko ang mga riddles at ang theory ko. Why is the killer playing us with riddles? Why is it like this? Isa nalang ang hindi ko masigurado, kung may kinalaman ba ito kay Gwen o coincidence lang ang lahat.

Napailing ako habang patuloy parin naming tinatakbo ang madilim na pasilyo papunta sa mga kasamahan namin. Shit sino bang ipinangak ng hating-gabi? Sinong may stage fright? Si--

Natigil ako ng madatnan namin ang mga kaklase naming nakahandusay na sa sahig. Linapitan ko si Sir Paul na nakahandusay narin inamoy ang kaniyang bibig. Shit lason!

"Ano?" Sambit ni Rachelle nang tumayo ako at tumingin sa direksyon niya at ni LJ.

"Belladona." Wala sa sarili kong sambit kaya napanganga na lamang sila.

"Paano naman kaya sila nalason? " Hindi makapaniwalang tanong ni Rachelle kaya napaisip rin ako.

"Saka kung belladona ang nakalason, paanong ngayon lang umepekto?" Tugon naman ni LJ kaya sandali akong natahimik.

H-hindi kaya..

"Balikan natin yung dinaanan natin kanina!" Sambit ko kaya naman dali-dali kaming bumalik sa pinanggalingan namin.

Huminto kami sa pagtakbo at dahan-dahang tinignan ang sahig sa tulong ng isang maliit na bumbilyang nakasabit sa dingding. Hindi masyadong madilim dito kaya nagbabaka sakali akong nandito ang hinahanap namin.

"Shit what's this?!" Pasigaw na sambit ni LJ nang makita ang isang pakete na may laman pang kaunting powder.

So my theory was right. Gotcha.

"The killer has a trap here. Alam niyang dito tayo dadaan kaya nagset na siya ng trap na oras na may masapid tayo rito ay automatikong masasabuyan sila ng powder malamang nalanghap ng iba o di kaya'y naisubo nila ang mga kamay nila pagkatapos nilang masabuyan nito." Paliwanag ko kaya tumango-tango rin sila.

Matalino ang killer, too bad mas matalino ako kesa sa kanya. He has to prepare. I torture him to death until he beg for death.

Aalis na sana kami ng biglang nagsalita si Rachelle.

"Wait, may nakasulat sa loob ng pakete." Sambit niya kaya naman agad kaming lumapit ni LJ sa kanya.

Kinuha ni LJ ang pakete at binuhos sa sahig ang natitirang laman nito.

"It's a code. Binary code." Napasinghap naman ako ng marinig ang sinabi ni LJ.

Kahit na naiinis na ay wala na akong magawa kundi ang kunin na lamang ang pakete at sinimulang alalahanin ang binary.

"Binary code is composed of 0 and 1 numbers only. 8 numbers is equivalent to one letter in the alphabet." Sambit naman ni Rachelle kaya tumango na lamang ako.

"We need to find.. Dawn.. Dawn has a stage fright a-and she was named Dawn because she's born in midnight.." Sambit ko ng mapagtanto ang riddle.

Tumango rin sila at sinimulan na nilang i decode ang mga numbers na nakalagay sa pakete habang ako, iniisip kung saan ko mahahanap ang nawawalang lima. Kailangan ng matapos ang lahat ng to!

"We got the answer already!" Sigaw ni Rachelle kaya agad akong lumapit sa kanila at tiningnan ang nakasulat dito.

Pero hindi ko paman ito nababasa ay may narinig na akong mga yabag papunta sa amin.

"H-heeeelp!" Napatingin kami sa direksyon kung saan ito nanggagaling at nang makalapit ang sumisigaw ay nakita namin si Phoebe na duguan habang may saksak sa likuran niya-- dalawang saksak.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa amin ay saka ko nakita ang isang papel na hawak niyang nabahiran na ng dugo.

"Grades are her life,

Competition is her like.

Seeing her cousin die,

Will take her to afterlife."

-Second group is dead. Good luck :) -

Napasabunot na lamang ako sa ulo ko ng makita ang nakasulat sa papel. This killer is getting on my nerves. Hindi na ako pwedeng matakot. Magkamatayan na pero sinisigurado kong mamamatay siya!

Ibinalik ko ang tingin ko sa paketeng na decode na nila at mas lalong sumiklab ang galit ko sa nakita.

1010011 -S

1010011 -S

1000111 -G

1001111 -O

1100110 -F

1100110 -F

1101001 -I

1100011 -C

1100101- E

"A-A place where she died, 2 years ago." Mahinang sambit ni LJ pero sapat na iyon para marinig namin.

"Let's go. Baka nandoon si Dawn." Sambit ko kaya tumakbo kami papunta sa ikalawang palapag kung nasaan ang SSG office.

Bago kami tuluyang pumunta sa ikalawang palapag ay kumuha muna si LJ ng isang fire extinguisher para pandepensa.

Sabay kaming umakyat at hindi na kami nagulat ng makitang patay na sina Miss Lani. Nakakapanlumo pero kailangan muna naming malutas ang lahat ng ito.

"I'll go inside." Sambit ni LJ nang nasa harap na kami ng SSG office. Sumama rin si Rachelle sa kanya.

Nag-antay lang ako sa labas at nang marinig akong yabag sa baba ay agad ko itong pinuntahan.

Kumuha muna ako ng isang kahoy na nakapatong lang sa isang upuan sa tapat ng SSG office.

Inihanda ko na ang sarili ko nang marating ko ang first floor nang may humila sa akin.

Nataranta ako kaya naman hindi ako halos makagalaw pero nang makita ko ang mukha niya ay nakita ko ang nakakaawang mukha ni Kirby.

Nakasuot siya ng isang black sheep costume at sumusuka ng dugo. S-sinaksak siya..

Binitiwan niya ako kaya pagkakataon ko na itong tumakas pero hindi.. Hindi ko magawa, parang may mali..

"I-ikaw ang killer?" Kirby has been my closest friend in the room except LJ. Nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang nahihirapan.

Ngumiti siya ng tipid saka umiling. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. B-bakit..

"L-lamb... B-batas.." Sambit na lamang niya saka tuluyang napapikit.

"K-Kirby?.. K-kirby..." Nauutal-utal kong sambit at maya-maya pa'y tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Ano ba! Pag ikaw hindi tumigil, isusumbong kita kay Joy!" sambit ko kaya naman bigla niya akong sinimangutan saka inakbayan.

"Joke nga lang! Pero seryoso, I'll do anything just to protect this class. Alam mo, kahit na ginagamit lang ako ni Joy para sa sarili niyang interest, hindi ko magawang umayaw. Baka kasi kapag gawin ko yun, hindi na niya sasaktan si Gwen."

"Kirby..." Sambit ko na lamang habang inaalala ang mga sinabi niya, 2 years ago.

Naputol ang pag-iyak ko ng marinig ulit ang pagtunog ng intercom. Lahat ng panlulumo ay napalitan ng poot at panggigigil na patayin siya.

Inilagay ko si Kirby sa sahig at pinunasan ang dugong nagmarka sa mga kamay ko. Dugong gagamitin kong inspirasyon para patayin ang may gawa ng kagagohang ito.

"And for the last riddle..

As the days go by,

Your lies survives.

The one behind the mask,

Shall die tonight."

"Now, who's the fucking killer of Gwen Sayawan, 2 years ago?"

Napasinghap ako at dali-daling bumalik sa ikalawang palapag pero sakto namang nakasalubong ko si LJ na dala parin ang fire extinguisher.

"ICEL RUN!" Agad niya akong tinulak pabalik sa dinaanan ko.

"I know.." Mahina kong sambit kaya nahinto siya sa pagtulak sakin at ibinaba ang fire extinguisher na hawak niya.

"S-sino?"

"The killer's been talking about the STE Class' Black Sheep. Ang black sheep sa klase natin." Wala sa sarili kong sambit. Shit.

"Wanna know where's the intercom's location? Go to the last room in the third floor."

Sinunod naman namin ni LJ ang sinabi ng killer na nasa intercom.

Bitbit parin ang mga pandepensa, dahan-dahan kaming nagpunta sa pinakahuling room dito sa third floor at ng marating namin ito, dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

At nagulantang ako sa nakita.. I-it's a recorder. All this time.. H-how

Naramdaman kong may tumurok sa leeg ko at nang lingunin ko kung sino ang nagturok nito ay agad na tumulo ang mga luha ko sa nakita.

"P-paano mo nagawa to?.." Marahan kong sambit dahil sa panghihina.

"I'm sorry. I love you." Hinalikan niya ako sa noo nang tuluyan na akong makahiga sa sahig.

Nasilayan ko pa ang pagpatak ng mga luha niya bago ako nakatulog. Ang mukha ng taong pinakamamahal kong ngayon ay may hawak ng syringe na itinurok sa akin.

Ang mukha.. Ni LJ.

~•~